Kiss The Rain Chapter 11  

Posted by Erwin F. in


Pauna: Hi Guys!!!! I'm Back.
Patawarin ninyo po ako sa sobrang tagal ng update ko sa story na ito.
Sadyang Wala na akong oras para makapagsulat. naisisingit ko na lang sa kakaunting oras ko kung meron man ito.
Tulog, Kain, Trabaho (mostly) na ang routine ko sa buhay sa ngayon. kaya pasensya talaga.

Hope sana mag enjoy kayo sa chapter na ito.

Ernes_aka_Jun, Jack, Jayfinpa, 

Ram, Chris, Wastedpup Cutie 

Pinoy Gay Guy, Darkboy13,

Gerald, Slushie.Love, Zenki, Roan, Ice, Icy,

Light rundel, JIM Sleco5, Wastedpup, Ross Magno, Coffee Prince, Pink 5ive, Rah16, J.V, 

Hotako D 220, Ezrock, Pslam.



Guys Thank you pa din sa Inyo!!!! ^_^

Kenji: Friend Bruho ka heto na update ko. Ahahahaha!

Kuya Jeffy: Asan ka na? Busy pa din sa work? Hamishu na!






Kiss The Rain

Chapter 11

The Martyr and The Confused



______________________________
Erwin Joseph Fernandez
______________________________
“Si Argel…” mahinang usal ko at napatingin ako kay Donnie.

“Mhie, halika na. Aantok na ako. Pasok na tayo sa bahay.” Pagaaya ni Donnie sa akin na parnag bata.

“Dhie, mauna ka na. May kakausapin muna ako.” Sabi ko sa kanya sa seryosong tono.
“Sino?” matipid na sabi niya sa akin habang unti unting nabubura sa mukha niya ang masayang ekspresyon.

“Siya.” Sagot ko habang naka turo sa direksyon ni Argel.

Tinignan naman niya ang tinuro ko at ng nakita niya si Argel ay agad din niyang binalik sa akin ang tingin niya.

“Bakit Mhie?” Malungkot niyang sabi sa akin.

“Dhie, May mga gusto lang akong maintindihan. Don’t worry I can handle this.”

Binigyan ko muna ng isang masuyong halik si Donnie bago ako pumunta si direksyon ni Argel. 

Habang papalapit naman ako kay Argel ay nag thumbs up sign muna ako kay Donnie.

Ng makalapit naman na ako kay Argel na hanggang ngayon ay naka tingin sa di kalayuan ng bahay namin ay nilingon ko muna si Donnie at nakita ko itong umalis muna pero di sa bahay ang tungo nito pero ipinag kibit balikat ko muna ito.

“Argel.” Pagtawag ko sa pangalan ng tao na nasaharp ko ngayon na di pa rin alam na nasa tbi na niya ako.

“EJ?!” Gulat na sabi ni Argel at nilingon ako nito.

“Ano ginagawa mo dito?” Walang emosyon kong tanong.

“W-w-wala. Napadaan lang ako.”

“Napadaan? Kanina pa kita tinitignan sa malayo.”

“Talaga? Pasensya ka na pala kahapon sa nangyari.” Paglihis niya sa usapan.

“Wala iyon. Siguro sadyang ganoon lang talaga siya.”

“Oo Siguro nga.”

Pagkatapos ng kaunting pagpapalitan namin ng kaunting mga salita ay di na rin ako mapakali gosting gusto ko na itanong sa kanya ang nasa isip ko.

“Argel, Girlfriend mo ba si Angelica talaga?” naka yuko ko na sabi sa kanya.

Pero katahimikan lang ang natangap ko.

Pagtingin ko naman sa kanya ay nakatingin na ito sa isang sulok at ang mga mata ay may mga nangingilid na luha na.

“Argel?”
“EJ sorry I have to go. Pasensya na.” sabi niya sa akin sabay talikod.

Ng akmang hahakbang na siya bigla ko na lang siya niyakap sa likod at nagsimula ng tumulo ang luha ko sa di ko malamang dahilan.

“Argel please. Answer my question. Please?”

“No, di ko siya girlfriend.” Sabi niya sa malumanay na tono.

“Then ano yung lahat na nakita ko? Alam mo ba na sobra akong nasaktan sa nangyari na iyon?” sabi ko habang pinapalo ang likod niya ng kaliwang kamay ko.

Tanging katahimikan lang ang namayani sa sandali na iyon. Ramdam ko na din ang pagiyak ni Argel.

Di ko maintindihan sa oras na iyon ang nararamdaman ko. Halo halong emosyon ang umiikot sa akin at pagtataka na lang din kung bakit ganito na lang ang reaksyon ko sa mga nalaman ko kay Argel.

“EJ, Im sorry.”

“Explain to me Argel. Naguguluhan ako.”

Humarap siya sa akin ay iginaya niya muna ako sa harap ng bahay namin at iniupo ako sa bench sa may malapit sa pinto at doon niya sinimulang magpaliwanag sa mga nagyari.
Napahagulgol ako sa mga nalaman ko. Panghihinayang at awa ang naramdaman ko para kay Argel.

“EJ. Im really sorry for what happened.

“You don’t need to be sorry. Nangyari na ang lahat.” Sabi ko habang sapo sapo ng mga palad ang mukha ko.

May mga ilang sinasabibi pa sa akin si Argel pero pulos sariling pagiyak ko lamang ang akin naririnig.

“Argel, tamana na muna itong nalalaman ko ngayon. I’m sorry for how I judged you agad.” Sabi ko sa kanya habang tumatayo sa kinauupuan ko at pinupunasan ang mga luha ko.

Naglakad ako papunta sa harap ng pinto. Pipihitin ko na sana ang seradura nito ng pero may yumakap sa likod ko.

“You don’t need to be sorry. Pareho lang tayong biktima ng pangyayari na ito.” Sabi ni Argel sa akin habang nakaakap sa likuran ko.

At dahil doon ay sagana nanaman na tumulo ang luha mula sa mata ko at parang automatic na yumakap din pabalik sa mga braso ni Argel ang aking mga braso.

Ilang mga sandali pa ay pinihit ako ni Argel paharap sa kanya unti unti niyang nilapit sa akin ang labi niya. Malugod kong tinangap ang halik niya. Ni walang pagdadalawang isip man lang na may nobyo na ako.

Ayokong magpaka impokrito. Ang inaakala kong pagmamahal ko kay Argel na pinatay na ng pagmamahal ko kay Donnie ay buhay pa. Mali man kung titignan pero tama naman sa pakiramdam ko ang pagkakataon na iyon.

Pagkatapos ng halikan namin ay inihilig niya ang noo niya sa noo ko at nagsimula ng na rin siyang umiyak.

“Matagal ko ng gustong gawin iyon. Pero sadya atang mapaglaro ang tadhana sa ating dalawa. EJ, Mahal pa din kita.” Sabi niya sa akin habang humihikbi.

Sa di ko naman malaman kung bakit ay automatic na bumalot ang mga bisig ko sa katawan ni Argel.

“Argel, pasensya ka na. hindi ko masasagot yan. Magulo pa ang mga bagay bagay sa ngayon.”
Pagkasabi ko niyon ay kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya at tinignan siya ng direcho sa mata.

“Argel, Sorry talaga. Alam ko nasaktan kita sa ginawa ko noon.”

“EJ, di kita masisisi sa ginawa mo. Nasaktan ka at dahil na rin yun sa akin at sa kaduwagan ko na din.”

Pagkatapos ng mga sandali na iyon nagpaalam na si Argel sa akin. Pero bago siya umalis ay binigyan muna niya ako ng isang mariin na halik…..

Pumasok na ako sa loob ng bahay at naupo sa sala habang hinintay ko si Donnie. Namalayan ko na lang na nakatulog na pala ako at walang Donnie na umuwi sa bahay upang samahan ako.


________________________
Jhan Elspeth Lucena
________________________



Naglalakad ako pauwi sa bahay namin galing sa  favorite na shopping place ko. Sa night market sa Divine! (Divisoria neng!) ng makasalubong ko si Donnie na naglalakad ng naka yuko.

“Papa Donnie, baka madapa ka naman niyan? Ano ba tinitignan mo sa daan? May treasure hunting ba na nagaganap??”


Pero sa halip na sumagot siya sa akin ay tinignan lang ako nito.

Kitang kita ko na namumugto ang mata nito at bakas ang lungkot sa mukha nito.

“Papa Donnie ok ka lang? May nangyari ba?” buong pagtatakang tanong ko sa kanya sa seryosong tono.

Ngunit wala pa din akong narinig na sagot mula dito at naglakad siya papalayo sa akin.

Nakapagtataka dahil alam ko ay masaya naman silang dalawa kanina ni Erwin magkasama. Siguro baka may LQ lang yung dalawa?


Nagpasya na lang akong umuwi derecho sa bahay para magpahinga na din para sa pag pasok sa school bukas.



________________________
Donnie Domingo
________________________



4pm Friday



Kakababa ko lang ng jeep at papunta na sa school. Hindi ko na dinala ang motor ko papasok ang motor ko dahil sa mabigat ang pakiramdam ko. Parang bangkay na naglalakad ang itsura ko kung tutuusin. Hindi ako pinatulog ng pagiisip ko.


Bakit bumalik pa siya kung kalian masaya na kami ni EJ?


Di ba siya natuwa na nasaktan at naloko na niya si Ej noon?

At higit sa lahat bakit nakipag halikan sa kanya si EJ?

Oo nakita ko ang lahat ng pangyayari kagabi.

Nagkubli ako sa isang sulok at pinapanood ang pangyayari at ni isang eksena sa paguusap nila ang hindi nakita ng mata ko.

Mahal ba ako ni Ej talaga ?

O panakip butas lang ako sa lahat ng nangyari na ito?

Habang nagiisip ko ang mga bagay na na iyon ay di ko namalayan na nasa harap nap ala ako ng school namin. Papasok n asana ako sa entrance ng may humawak sa kamay ko galing sa likod.

“Dhie…..”

Si EJ at naka tingin sa akin ng malungkot.

Agad naman akong tumalikod paharap sa kanya at pilit kong itinago ang halo halong emosyon na nararamdaman ko.

“Dhie, Bakit di ka sa bahay natulog?” bungad na tanong niya sa akin.

“Sorry Mhie, tinawagan kasi ako ni Dad. Pinauwi ako sa bahay.” Sagot ko sa kanya.

“Eh bakit dir in tayo sabay pumasok?” tanong niya ulit sa akin.

“Sinamahan ko kasi si dad mag grocery kasi. Di ko matangihan.”

“Ah ganoon ba?” sabi niya sa akin. Sa malungkot na tono.

“Opo pasensya na Mhie. Lika pasok na tayo sa loob.” Pagkasabi ko niyon ay isang pilit na ngiti ang binigay ko sa kanya at hinawakan ko ang kanang kamay niya at hinalikan ito.

Ayokong ilabas ang nararamdaman ko sa harap niya. Alam kong masasaktan siya pag nailahad ko ito.

Mas gugustuhin ko pang lunukin na lang ang lahat. Naipangako ko na noon sa kanya na hinding hindi ko siya sasaktan at iyon ay tutuparin ko….



______________________________
Argel Joseph Francisco
______________________________


 
“ano ba Angelica! Pwede wag ka angkla ng angkla sa braso ko!” bulyaw ko kay Angelica na kanina pa lingkis ng lingkis sa akin habang naglalakad kami sa mall.

Wala aong paki kung may tumingin man na ibang tao sa amin sa ginawa ko.

“Babe di ba ito naman ang dapat ginagawa ng mga boyfriend at girlfriend pag naglalakad di ba?” malanding sagot niya sa sa akin.

“How many times should I tell you? I am not your B-O-Y-F-R-I-E-N-D!” may diin ko na sabi sa kanya.

“Oh Come on Babe! Doon din tutungo iyon. Sa akin ka rin babagsak.” Mayabang na sago niya sa akin.

“Oh Come on mo mukha mo. Ilang beses ko din ba ipapamukha sa iyo na may Mahal akong iba.” Sagot ko sa kanya habang patuloy na naglalakad.

“Mahal mo nga wala ka naman mapapala? Sige saan na lang pupulutin ang kumpanya ninyo kung wala kami. Ay hindi pala kami. KUNG WALA AKO? Aber sige?”

“I don’t care if malugi kami or what! And so what kung ikaw makakaahon sa akin sa hirap. Di naman ako masaya sa iyo. Kaya maglaway ka." Pabalang na sagot ko ulit sa kanya.

Napuno na ako sa pinagsasabi sa akin ng babaeng sira ang tuktok kaya binilisan ko na ang lakad ko at nakihalo sa isang crowd ng mga estudyante na may tinitignan sa isang boutique at ng nawala na ako sa paningin niya ay sumigaw ito.

“ARGEL, HINDI KA MAKAKATAKAS SA AKIN. AKIN KA LANG. I LOVE YOU BABE!” parang sira niyang sinigaw na di inintindi kung may titingin man sa kanya.

Dali dali naman akong naglakad umikot sa mga crowd ng mga tao sa mall na iyon. Buti na lang sale doon kaya madaming tao at nakapagtago ako.

Ng nakapag solo na ako ay napaisip naman ako sa nangyari sa amin ni Ej at ang pagtatapat ko sa kanya ng katotohanan.

Naging magaan ang loob ko sa pag sasabi sa kanya ng mga nangyari. Pero na guilty din ako dahil sa alam kong nagulo ko din ang pag iisip niya at ang

Pero kung ano man ang magandang naidulot ng ginawa ko ay ang pagkakaroon ko pa din ng pag asa kay EJ.

“I’ll never be perfect without EJ….” naibulong ko na lang sa sarili ko sabay bitaw ng isang malalim na buntong hininga.




Paikot ikot pa rin ako sa loob ng mall ng mapadaan ako sa isang boutique at nakitang naka sale ang isang couples heart silver na cellphone chain.

Di ko naman malaman na sa kung anong dahilan ay nilapitan ko agad ang sales lady at tinanong.

“Miss excuse mangkano ito?”

“Ay sir naka 70% off sale yan. 250 na lang po.”

“Swerete!” sabi ko sa isip ko.

“Sige miss kukunin ko na iyan. Pero paki gift wrap mo yung isa lang ” pakiusap ko sa sales lady.

“Sige sir. Para sa girlfriend mo yung isa nuh?”

“oo. Tig isa kami kasi.” Sabi ko sa sales lady habang kinakabit ko sa cellphone ko ang kakabili ko lamang na chain.

“Ng girlfriend mo kuya? Wow swerte naman. Gwapo mo kuya.” Sabi ng isa pang sales lady na kakikiusyoso.

Nginitian ko na lang sila at inabot ang bayad saka umalis agad doon.

Parang timang naman akong naka tingin sa cellphone ko habang naglalakad palabas ng mall.


______________________________
Erwin Joseph Fernandez
______________________________

5:00pm

Nasa gitna kami ng klase at ako naman di mawaglit sa isip ko ang nangyari naman sa amin ni argel kagabi.

“Friend, huy! Naka tunga nga ka diyan.” Kalabit sa akin ni Kenji.

Pero parang wala naman akong naramdaman o narinig.

Patuloy lang ang pag titig ko sa prof. ko pero wala naman akong iniintindi ni isa sa sinasabi at tinuturo nito sa amin.


Halos lahat na ata ng nangyari at naganap kagabi sa pagitan namin ni Argel ay naisip ko na.

I feel guilt talaga.


Why?


I love Donnie and I know he would get hurt pag nalaman niya ito. Siya yung nasa tabi ko noon at siya an pumulot sa akin noong nasaktan ako. Tapo iyon pa gaganti ko sa kanya pagkatapos ng lahat ng tulong at saya na binigay niya sa akin?


I feel confused din.


Why?


Argel… He came back… Dala ang mga paliwanang sa nangyari. Hindi ko alam kung bakit na lang ganoon ang pagtanggap ko sa kanya pagkatapos ng nangyari. Di ko rin alam kung totoo yung mga bagay na sinabi niya kagabi. Pero ewan! Dinikta na ng puso ko sa aking utak na totoo iyon at yun nga ang paniniwalaan ko.


Ano ang gagawin ko?




Kringgggggggggggggggggggggggggggggggggg!



Sa kalagitnaan ako ng pagiisip ng tumunog ang bell. Hudyat na tapos na ang klase namin. Natapos lahat ng wala man lang ako talaga naintindihan.

“Mhie?” pagtawag sa akin ni Donnie na siya naman nagpabalik sa akin sa katinuan ko.

“po?!” gulat ko na sagot sa kanya.

“ok ka lang ba? Wala ka sa sarili mo.” Nagaalalang tanong ni Donnie sa akin.

“opo ok lang ako Dhie. Namimiss ko lang sila Mama and Xang” pagsisinungaling ko sa kanya.

“Don’t worry Mhie. Uuwi din sila Mama bukas. Teka gutom ka na ba?” naka ngiti niyang tanong sa akin.

“Opo. Di naman kasi ako nag lunch. Kasi wala akong kasabay.” Matamlay na sagot ko.

“Aw! Sorry Mhie. Kasalanan ko yan iniwan kasi kita sa bahay mag isa. Sorry talaga.” Sabi niya sa akin na naka open arms. Humihingi siya ng akap.

Aakapin ko n asana siya ng pumito ng matinis ang bruhang bestfriend ko.

“hoy nasa loob pa kayo ng classroom baka nakakalimutan ninyo na andito pa ang prof/dean natin at kanina pa kayo pinapanood.” Saway sa amin ni Jhepeth.

Sabay naman kaming napatingin ni Donnie sa prof namin.

“Ms. Lucena hayaan mo sila. Ang sweet nga ng dalawa. At ikaw babae ka tigilan mo nga ang paglingkis kay Mr. Oya. Diring diri na yung tao sa ginagawa mo.” Sabi ng Prof/Dean namin na lantad at screaming out loud na bakla talaga.

Lahat naman ng classmates namin ay napatingin kay Jhepeth na pasimpleng tinatangal ang paglingkis kay Kenji. Pagkatangal naman nito ay ngumisi ito at nag peace sign sa lahat.

Tawanan na lang kami pagkatapos ng eksena na iyon habang nagpapaalam palabas ang prof. namin.

“lika na Mhie kain tayo sa labas.” Aya niya sa akin sabay hila sa kamay ko.

“Dhie mamili na lang tayo ng lulutuin sa bahay. Gusto ko ng sinigang for dinner.”

“Naglilihi ka na friend?” singit ni Kenji sa amin.

Sa halip na sagutin ko ito ay binigyan ko na lang ito ng isang matulis na tingin.

Agad naman nagtaas ng daawang kamay si Kenji. Senyas na di siya lalaban sa akin.

“Papa Donnie paki hated na lang sa bahay yan at ipagluto. Gutom na may PMS pa bestfriend ko. 
Ok?” nakakalokong biro ni Jhepeth naman sa amin.

“Opo Ms. Lingkisera 2011.” Sagot naman ni Donnie na sinundan ng tawanan naming tatlo ni Kenji.

Ng makalabas na kami ng school ay agad kami pumunta sa Sm para mamili ng lulutuin para sa hapunan namin.

At ng makapamili ay madali din kami pumauwi sa bahay.



7:30pm



Nakarating na kami ng bahay. Sinususian ko na ang doorknob papasok ng magsalita si Donnie sa likod ko.


“Ikaw nanaman? Bakit andito ka?” gulat na sabi niya.


Itutuloy.




Kiss The Rain Chapter 10  

Posted by Erwin F. in





Pauna: Guys Sorry talaga sa sobrang late ko na update. lately naging busy ako sa office at mas lalo pa magiging busy sa mga dadating na weeks. Salamat din sa mga walang sawang
nagbabasa sa story ko na ito. Wala akong maisip na chapter title para sa chapter na ito. saka di na muna ako babati dahil sa oras na ito ay paalis na din ako dahil may lakad kami ni EHEM..... (secret!) sige guys enjoy sa pagbabasa!




Guys Thank You!!!!






Kiss The Rain

Chapter 10



____________________________
Argel Joseph Francisco
____________________________


Tatlong araw ang nag daan simula ng mga pangyayari sa bar ay heto ako nasa bahay at nagkukulong pilit iniisip kung ano ang mga pagkakamali ko sa buhay ko.


Sa dami ng mawawala sa akin ay si EJ pa.


"Argel! Argel! Argel! Buksan mo ang pinto!" Sigaw ni Daddy sa pinto habang kinakalabog ito.


Agad naman ako tumayo sa kinauupuan ko.


Pagbukas ko ng pinto ay agad naman lumipad sa pagmumukha ko ang kamo ng Daddy ko na siyang nagpag bulagta sa akin sa sahig.


"Aray! Dad ano ba problema at nananakit ka?" Angil ko sa ginawa niya sa akin.


“Tarantado ka! Anong sa tingin mo pinagagawa mo? Bakit mo sinuntok si Angelica at bakit sumasama ka sa mga bakla na iyon?” Gigil na gigil na tanong sa akin ng aking Daddy.


“Wala na ba akong laya ngayon? Saka bakit ninyo ba pinipilit sa akin si Angelica? Bakla? Mga totoong tao iyon Daddy. Di tulad ng mga dating mga nakaksalamuha ko na kung kalian lang may kailangan saka lalapit sa akin.” Sabi ko habang tumatayo sa sahig.


“Ipinagkasundo kita kay Angelica para di mawala lahat ng bagay na tinatamasa mo ngayon. Gusto ko lang maging maayos ang buhay mo at ano ka ba babae sinapak mo?”


“Mawala ang akin o sa inyo po? Maayos buhay ko? O sa inyo? Alam ninyo ba na dahil sa babaeng iyon ay nawala ang taong pinakamamahal ko?”


“It doesn’t matter Argel. Kung ayaw mo pakasalan si Angelica we have to do this the hard way. I’ll take your car, ATM and Credit cards.”


“Daddy you can’t do this. Ako na tangi ninyong anak papahirapan ninyo?”

“Oo. Ikaw nga ang nagiisang anak ko pero di mo kayang maibigay ang nagiisang hiling din namin ng mommy mo. Uulitin ko. Kaya ko ginagawa ito para sa ikakabuti ng buhay mo hindi ng sa amin.”


Di na ako muling sumagot kay daddy at tuluyan na itong lumabas sa kwarto.


Sumama ang loob ko sa mga nangyayari sa akin. Pakiramdam ko ay tinanggalan ako ng laya at kinuha sa akin ang pinaka importanteng tao para sa akin.


Oo naramdaman ko iyon dahil sa hinuha ko ay naki Donnie na si EJ.


Dumaan ang mga araw at nabuhay ako na wala sa akin ang mga dating meron ako. Kotse, pera, at ang saya na nadadama ko na kasama ko sa tuwing kasama ko si EJ.


Sa mga araw na din na iyon ay naranasan ko din ang gutom, pagod, at sobrang kalungkutan.



____________________________
Erwin Joseph Fernandez
____________________________



Napako ako sa kinatatayuan ko sa oras na iyon habang naka tingin kay Argel.


Kitang kita ko mula sa aking lugar ang pagbabago sa itsura ni Argel. Pumayat ito at napakalungkot ng aura.


“Mhie, Ano tinitignan mo?” tanong sa akin ni Donnie.


Di ako agad naka sagot kay Donnie dahil sa titig na titig ako kay Argel.


Nakita ko naman na lumingon si Donnie sa tinititigan ko at nag iba ang ekspresyon ng mukha nito.


"halika na Mhie saka na tayo manood ng sine." sabi sa akin ni Donnie habang hinihila ang kamay ko.


Ngunit parang wala lang ako narinig sa sinabi ni Donnie at nanatili akong naka tayo doon na parang tuod.


Napaigtad naman ako bigla ng makita ko na lumingon at nagmadaling pumunta sa amin si Argel. Habang napatingin naman din sa amin si Angelica na nakataas ang kilay at galit na ekspresyon sa mata nito.


Ng makalapit sa amin si Argel ay bigla naman ako binangga ni Angelica at napaupo ako sa malamig na sahig ng mall na iyon.


"AY! BAKLA!!!" pag sigaw nito ng mabangga ako.


"Shut up Angelica." Mahinahon na sabi ni Argel.


Itinayo naman ako agad ni Donnie at bakas na sa mukha nito na naiinis na ito sa mga nangyayari. Sinenyasan ko naman siya na ok lang ang lahat at naintindihan naman niya agad ito at tumango sa akin.


Naisip ko na din ito na ang tamang pagkakataon na makausap si Argel.


Pagkatayo ko naman ay tinignan ako mula ulo hanggang paa ni Angelica.


"Pwede ba huwag mo dito dadalhin ang katangahan mo? Saka mag ingat ka sa pagbangga ng mga tao dito baka mahawa pag nabangga mo." Pang aasar na sabi sa akin ni Angelica.


"Angelica enough! I said shut your fcuking mouth!" Gigil na sabi ni Argel kay Angelica.


"No you shut up! Let me do this. Tignan natin kung hanggang anoa ng itatagal ng taong kinahuhumalingan mo." Maangas na sagot ni Angelica.


Parang timang naman akong nakatitig sa dalawa at gulat din dahil sa alam pala ni Angelica na meron gusto sa akin si Argel.


"Uhmmmm.... guys excuse me aalis na kami ni Mhie." Sabat ni Donnie sa dalawa at parang batang hinila ang kamay ko.


Sumunod naman ako sa gusto ni Donnie at umalis na kami sa lugar na iyon.


Habang pababa naman kami sa groundfloor ng mall ay di pa rin maalis sa isip ko ang engkwentro namin na iyon at naudlot na balak ko makipagusap kay Argel.


“Mhie, sorry kung hinila kita paalis kaagad kanina..” Malungkot na sabi sa akin ni Donnie.


Imbis na sumagot ako sa kanya ay hinawakan ko na lang ang kamay niya.


Ng makalabas kami ng mall ay agad kami bumalik sa school grounds para kunin ang motor ni Donnie at umuwi na.


Bago sumakay naman sa motor ay inakap mo muna siya.


“Dhie, don’t worry kaya ko ito.”


“Mhie, basta pag need mo help andito lang ako. Lahat gagawin ko para sa iyo.” Sabi niya sa akin habang hinihimas ang likod ng ulo ko.


“Dhie, Maraming salamat talaga.” Sabi ko sa kanya habang pinipigilan ang pagpatak ng luha ko.


Pagkatapos naman ng tagpo na iyon ay inihatid na niya ako sa bahay ko.


Habang nasa daan naman kami di ko maiwasan na maiyak at magtanong sa sarili ko.


Bakit ganito pakiramdam ko matapos makita si Argel?


Bakit masakit pa din sa akin na makita silang dalawa ni Angelica na magkasama?


Bakit ganoon na lang ang ekspresyon sa mata niya tapos niya ako makita?


Iniluha ko na lang ng tahimik ang lahat ng nararamdaman ko sa oras na iyon. Tahimik upang di na magaalala si Donnie sa akin. Alam ko din na masasaktan lamang siya kung makikita akong ganito.


Nakarating naman kami sa bahay ng maayos at bago bumaba ng motor ay inayos ko muna ang sarili ko para di niya mahalata kung ano ang ginawa ko habang bumabiyahe kami pauwi. Pinagpasya ko na din muna huwag muna intindihin ang mga bagay bagay na iyon habang kasama ko ang taong mahal ko.


Pagkalapit naman namin sa bahay ay madilim ito sa labas. Agad naman ako pumasok sa loob at hinanap ko sila Mama at ang kapatid ko pero wala sila.


“Mhie, may note dito sa refrigerator!” sigaw ni Donnie sa akin.


Daglian naman ako bumaba para makita ang sinasabi ni Donnie. Pagkarating ko naman doon ay agad niya tinuro sa akin ang naka dikit sa ref na note.





Erwin,


Umalis kami ni Xang papunta ng Bicol. Na ospital daw ang tita mo kaya daglian kami umalis ng kapatid mo. Baka magtagal kami doon ng tatlo hanggang apat na araw. Ikaw na muna ang bahala sa bahay. May enough stock ng pagkain sa ref at kusina. May pera akong iniwan sa cabinet mo. Pasama ka na din kay Donnie kung gusto mo.


P.S.
Pagbalik ko dapat may apo na ako kung sakali.




                                                                                                -Mama

Napatampal na lang ako sa noo ko sa nabasa ko at ng tumingin ako kay Donnie ay nag flash agad sa akin siya ng isang ngiti. Ngiting may laman at ibig sabihin.


“Doon ka sa sala matulog.”


“Mhie naman. Huwag naman please. ”  Angal sa akin ni Donnie na paawa effect ang itsura ng mukha.


“Mamaya na natin iyan pag usapan. Gusto ko manuod ng movie. Doon muna tayo sa sala at manuod ng DVD.”


“Sige Mhie nood na muna tayo.”


Agad naman ako nagpunta sa sala habang naka sunod siya sa akin.


Napangiti naman ako ng lihim. Dahil sa alam ko na mas matagal kong makakasama si Donnie sa araw na ito at ang idea na magkasama kaming matutulog sa iisang bubong.


Agad naman ako nagsalang sa dvd player namin ng isang romantic movie habang siya ay naupo sa sofa.


Ng nasa kalagitnaan na kami ng panood at ang eksena ay medyo cheesy na din ay napagpasyahan ko na yumakap sa kanya at idantay ang ulo ko sa balikat niya na ginantihan naman niya ng paghalik sa bumbunan ko.


“Dhie. Tabi tayo meme?” Pacute kong sabi sa kanya.


“Mhie. Sure ka?” nagtatakang balik na tanong niya sa akin.


“Ayaw mo? Sige dito ka na lang mamaya ah! Mag isa ka diyan.”


“Di po. Gusto ko. Now na?” sabi niya sa akin habang nakambang tatayo na sa kinauupuan niya.


“Hep hep hep! Hindi pa tapos pinanunuod ko. Mamaya na huwag muna excited marami tayong oras. dito ka muna paakap Dhie. Iingit ko sa kanila oh.” Sabi ko habang nakaturo sa TV at humahagikgik.


“So naiingit ka sa kanila? Di naman sila hug ah?”


Pagtingin ko naman sa TV ay tama nga naman siya. Nasa mainit na halikan ang dalawang bida sa pinapanood namin.


Nginisian ko na lang siya at ngumuso habang nakapikit. Di naman ako nagkamali at hinalikan niya ako.


Ang halikan na iyon ay naging maalab at punong puno ng pagmamahal. Halos di na kami huminga sa aming ginagawa. Ng maghiwalay naman an gaming mga labi ay automatic naman na hinanap ko ang remote ng TV at DVD Player at sabay kong napatay ito sa isang pindutan lang.


Napatingin naman sa akin si Donnie at ngumisi sa akin. Tinulak ko naman siya at nalaglag sa sofa. Habang ako naman ay parang tanga na kumaripas ng takbo papunta sa hagdanan.


“Nabitin ka? Gusto mo matuloy? Pwes Habulin mo ako Dhie!” Parang bata sabi ko sa kanya.


“Sige pag nahuli kita isang linggo ka di makakalad.” Naka ngising sabi nito sa akin habang hininimas ang likod niya dahil sa pagkakalaglag sa sofa.


Parang mga bata naman kaming dalawa na akala mo ay ngayon lang naka kawala sa kanikanilang mga hawla.


Pagkapasok naman sa kwarto ko ay agad niya ako dinamba mula sa likod at bumagsak kami sa kama. Mula sa pagkakadapa ay humarap ako sa kanya at binigyan siya ng isang mariing halik.


“dapat pala di na ako nagpahabol pa. nabitin ako eh!” natatawang sabi ko sa kanya.
Kesa sumagot siya ay isang mariing halik muli ang binigay niya sa akin. Hanggang sa namalayan ko na lang na halos na wala na pala kaming saplot na bumabalot sa katawan namin.


Naging makabuluhan ang gabing iyon.


Iyon ang gabi na naging isa kami.


Iyon ang gabi na binigay ko ang sarili ko sa taong mahal ko.


Gabi na pinatunayan ko na talagang mahal ko si Donnie.




________________________

7:00 pm Thursday
________________________



Kakatapos lang ng klase namin at naglilipit na kami ng gamit namin.


“Che, ano bago? Updates? Chika? Chenes?” sabi ni Jhepeth sa akin habang tinatapik ang likod ko.


“Oo nga friend ano bago?” Singit ni Kenji.


“Bago? Hmmmmmm! Dhie ano ba bago?” Tanong ko naman kay Donnie.


“Bago? AH! Si Mhie? Maingay yan!” Sabi ni Donnie sabay bitiw ng isang nakakalokong ngiti sa aming tatlong magkakaibigan na naka tingin at nakikinig sa kanya.


At heto nanaman ako. Umakyat nanaman sa dalawang pisngi ko ang dugo sa aking katawan. Sa sobrang pula ay pag tinusok mo ng karayom ay sisirit na ata ang kalahati ng dugo ko sa katawan ko.


“Hoy sira ka Dhie ano pinagsasabi mong maingay ako?!!” protesta ko sa sinabi ng aking nobyo.


“Kitam ano yan Mhie? Di ba maingay ka ngayon? Hahahaha!”


“Di ko ma gets….” Sabi ni Jhepeth habang nagkakamot ng ulo.


Habang si Kenji naman ay tawa ng tawa at halos mawalan na ng hininga.


“Ay ganun pala? Alam ninyo ba si Dhie? May mapa ng isang continent sa…..”


Nanlaki naman ang mata ni Donnie sa akin sa binitin kong sasabihin at ang dalawa ay nagaabang naman sa idudugtong ko.


“May mapa ng isang continent si Dhie sa bag niya.” Sabi ko sabay kuha ng binder ni Donnie na may mapa ng Europe sa likod.


Bigla naman bumagsak ang mukha ni Kenji at Jhepeth sa pagkadismaya.


Ako naman ngayon ang tawa ng tawa ng bigla akong batukan ni Jhepeth.


“Nyeta kayong mag jowa! Wala ako maintindihan sa pinagsasabi ninyo.” Naka busangot na sabi sa amin ni Jhepeth.


Imbis naman mainis ay napahagikgik ako sa pagka slow ng aking bestfriend.


“Slow…” napapahagikgik na sabi ni Kenji habang umiiwas sa amba ng panunutok sa kanya ni Jhepeth.


“Haller! Di lang ako makagets sa inyo mga impakto kayo! Kasi po ako lang ang 90% babae dito nuh!”


“90% percent? Ano yung remaining 10%?” nagtatakang sagot ni Donnie.


“90% girl sa body. 10% bakla sa pagiisip.” Taas noong sagot ni Jhepeth habang salo salo ang dalawang bukol sa dibdib niya.


“Ahhhhhh…….” Walang kakwenta kwenta naming sagot naming tatlo kay Jhepeth.


“Not interested?” buong pagtataka ni Jhepeth na tanong sa amin.


Parang sira naman kaming tatlo nila Donnie at Kenji na tumango sa kanya.


“Hay naku palibhasa mga baliko kayo kaya di ninyo ma appreciate ang ganda ng gawa ng diyos.”


“Jhepeth I love you!!” Sigaw ng classmate namin na palabas ng classroom namin.


“I love you too! Pero di kita type.” Mayabang na sagot ng babaeng bakla.


“Ok lang basta love kita!” balik sa kanya ng classmate namin bago kumaripas ng takbo sa corridor.


“Ayiiiiiiiihhhhhh! May nagkakagusto papala sa iyo amazona ka. Patulan mo na yun sayang yun. Baka wala ng dumating na iba at maburo yan. HAHAHA!” Pangaasar ko habang nakaturo sa kwan ni Jhepeth.


“Che, Gaga ka talaga. Di mabuburo yan andiyan naman si Kenji. Di ba Baby Kenji ko?” Sabi bi Jhepeth habang pumupulupot kay Kenji na parang ahas at humahalik halik sa pisngi nito.


“Friend help……” Sabi naman ni Kenji sa akin na kala mo ay tatakasan na ng ulirat dahil sa pandidiri sa ginagawa sa kanya ni Jhepeth.


“Sige bahala na kayo diyan. Maiwan na namin kayo. Mukhang gutom na itong Mhie ko at kakain muna kami sa labas.” Sabi ni Donnie na tinanguan ko lang at nginitian.


“Bye Che! Bye Friend!” naka ngisi kong paalam ko sa dalawa na nasa akto ng pilit na lampungan.

Habang palabas naman kami ng classroom ay kinawayan ko pa ang dalawa. Pababa naman ng hagdan ay biglang hinawakan ni Donnie ang kamay ko at napatingin ako sa kanya.


“Mhie, Gututom ka na di ba? Lika kain muna tayo. Ano gusto mo kainin?”


“Dhie, gusto ko ikaw.” Parang timang kong sabi sa kanya.


“Tsk! given na yun. Mamaya nay an paghimagas. So saan tayo kakain aking minamahal?”


Kinilig naman ako sa sinabi ni mokong sa akin.


“Sige Dhie sa KFC na lang tayo tagal ko na di nakakain ng chicken.”


“Kagabi lang kumain ka ng chicken. Yun ulam natin di ba?”


“Matagal na yun. Ilang oras na din kaya.” Parang bata ko na sagot habang naka pout pa ang labi at pinipisil ang kamay niya.


“ KFC sabi ng Mahal kong Mhie kaya sa KFC kami kakain.” Sabi niya sa akin sabay bitiw ng matamis na ngiti.


“Sige na. Lika na Dhie di ako mabubusog sa ngiti mo.”


Naglakad na ako habang kalakadkad ko si Donnie palabas ng school.


Pag dating naman namin sa KFC ay mabilisang akong umorder ng kung ano anong makakain at mukhang napadami ata iyon. Habang si Donnie naman ay pinaghanap ko ng pwesto namin.


“Mhie, Sure ka mauubos mo ito? Sa January pa fiesta natin ah?” tanong ni Donnie na nanlalaki ang mata sa dami ng pagkain sa harap namin.


Dalawang double down, dalawang two piece chicken meal, dalawang California maki twister, dalawang mushroom soup, dalawang bucket of fries, dalawang brownies, dalawang crushers at siyempre di mawawala ang isang platong gravy na kala mo ay sabaw ng sinigang sa dami.


“Oo naman tutulungan mo ako eh. Kaya natin ito.”


Sinimulan na namin ang pagkain at dahil sa may bandang bintana na kitang kita ang view ng school namin at ang mga kalapit na establishments at walang ibang naka pwesto doon bukod sa amin ay malaya kaming naglalabingan at nagkukulitan habang kumakain andiyan yung magsusubuan at pupunasan ang bibig ng isat isa kapag may dumaplis na pagkain.
Hindi naman namin naubos ang pagkain na inorder ko kaya pina takeout ko na lang ito. Inshort naging takaw mata lang ako.


“Dhie mag 9pm na. Uwi na tayo. Doon ka pa din matututlog sa bahay. Wala sila mama pa eh. Itong dala ko lagay natin sa ref para may almusal bukas.” Sabi ko habang palabas kami ng KFC.


Tango, ngiti at halik sa kamay lang ang sinagot sa akin ni Donnie.


Paglabas naman namin ng mall ay agad naman siyang tumawag ng taxi dahil di niya dala ang motor niya. Pagkasakay naman namin sa taxi ay sinabi niya agad kung saan ang destinasyon namin sa driver.


At ng makarating naman kami sa bahay ay may napansin akong pamilyar na taong naka tayo sa may malapit  at nakatingala sa bahay namin.


“Si Argel…” mahinang usal ko at napatingin ako kay Donnie.




Itutuloy.