Pauna: Guys Sorry talaga sa sobrang late ko na update. lately naging busy ako sa office at mas lalo pa magiging busy sa mga dadating na weeks. Salamat din sa mga walang sawang
nagbabasa sa story ko na ito. Wala akong maisip na chapter title para sa chapter na ito. saka di na muna ako babati dahil sa oras na ito ay paalis na din ako dahil may lakad kami ni EHEM..... (secret!) sige guys enjoy sa pagbabasa!
Guys Thank You!!!!
Kiss The Rain
Chapter
10
____________________________
Argel Joseph Francisco
____________________________
Tatlong
araw ang nag daan simula ng mga pangyayari sa bar ay heto ako nasa bahay at
nagkukulong pilit iniisip kung ano ang mga pagkakamali ko sa buhay ko.
Sa
dami ng mawawala sa akin ay si EJ pa.
"Argel!
Argel! Argel! Buksan mo ang pinto!" Sigaw ni Daddy sa pinto habang
kinakalabog ito.
Agad
naman ako tumayo sa kinauupuan ko.
Pagbukas
ko ng pinto ay agad naman lumipad sa pagmumukha ko ang kamo ng Daddy ko na
siyang nagpag bulagta sa akin sa sahig.
"Aray!
Dad ano ba problema at nananakit ka?" Angil ko sa ginawa niya sa akin.
“Tarantado
ka! Anong sa tingin mo pinagagawa mo? Bakit mo sinuntok si Angelica at bakit
sumasama ka sa mga bakla na iyon?” Gigil na gigil na tanong sa akin ng aking
Daddy.
“Wala
na ba akong laya ngayon? Saka bakit ninyo ba pinipilit sa akin si Angelica?
Bakla? Mga totoong tao iyon Daddy. Di tulad ng mga dating mga nakaksalamuha ko
na kung kalian lang may kailangan saka lalapit sa akin.” Sabi ko habang
tumatayo sa sahig.
“Ipinagkasundo
kita kay Angelica para di mawala lahat ng bagay na tinatamasa mo ngayon. Gusto
ko lang maging maayos ang buhay mo at ano ka ba babae sinapak mo?”
“Mawala
ang akin o sa inyo po? Maayos buhay ko? O sa inyo? Alam ninyo ba na dahil sa
babaeng iyon ay nawala ang taong pinakamamahal ko?”
“It
doesn’t matter Argel. Kung ayaw mo pakasalan si Angelica we have to do this the
hard way. I’ll take your car, ATM and Credit cards.”
“Daddy
you can’t do this. Ako na tangi ninyong anak papahirapan ninyo?”
“Oo.
Ikaw nga ang nagiisang anak ko pero di mo kayang maibigay ang nagiisang hiling
din namin ng mommy mo. Uulitin ko. Kaya ko ginagawa ito para sa ikakabuti ng
buhay mo hindi ng sa amin.”
Di
na ako muling sumagot kay daddy at tuluyan na itong lumabas sa kwarto.
Sumama
ang loob ko sa mga nangyayari sa akin. Pakiramdam ko ay tinanggalan ako ng laya
at kinuha sa akin ang pinaka importanteng tao para sa akin.
Oo
naramdaman ko iyon dahil sa hinuha ko ay naki Donnie na si EJ.
Dumaan
ang mga araw at nabuhay ako na wala sa akin ang mga dating meron ako. Kotse,
pera, at ang saya na nadadama ko na kasama ko sa tuwing kasama ko si EJ.
Sa
mga araw na din na iyon ay naranasan ko din ang gutom, pagod, at sobrang
kalungkutan.
____________________________
Erwin Joseph Fernandez
____________________________
Napako
ako sa kinatatayuan ko sa oras na iyon habang naka tingin kay Argel.
Kitang
kita ko mula sa aking lugar ang pagbabago sa itsura ni Argel. Pumayat ito at
napakalungkot ng aura.
“Mhie,
Ano tinitignan mo?” tanong sa akin ni Donnie.
Di
ako agad naka sagot kay Donnie dahil sa titig na titig ako kay Argel.
Nakita ko naman na lumingon si Donnie sa tinititigan ko at nag iba
ang ekspresyon ng mukha nito.
"halika na Mhie saka na tayo manood ng sine." sabi sa
akin ni Donnie habang hinihila ang kamay ko.
Ngunit parang wala lang ako narinig sa sinabi ni Donnie at nanatili
akong naka tayo doon na parang tuod.
Napaigtad naman ako bigla ng makita ko na lumingon at nagmadaling
pumunta sa amin si Argel. Habang napatingin naman din sa amin si Angelica na
nakataas ang kilay at galit na ekspresyon sa mata nito.
Ng makalapit sa amin si Argel ay bigla naman ako binangga ni
Angelica at napaupo ako sa malamig na sahig ng mall na iyon.
"AY! BAKLA!!!" pag sigaw nito ng mabangga ako.
"Shut up Angelica." Mahinahon na sabi ni Argel.
Itinayo naman ako agad ni Donnie at bakas na sa mukha nito na
naiinis na ito sa mga nangyayari. Sinenyasan ko naman siya na ok lang ang lahat
at naintindihan naman niya agad ito at tumango sa akin.
Naisip ko na din ito na ang tamang pagkakataon na makausap si
Argel.
Pagkatayo ko naman ay tinignan ako mula ulo hanggang paa ni
Angelica.
"Pwede ba huwag mo dito dadalhin ang katangahan mo? Saka mag
ingat ka sa pagbangga ng mga tao dito baka mahawa pag nabangga mo." Pang
aasar na sabi sa akin ni Angelica.
"Angelica enough! I said shut your fcuking mouth!" Gigil
na sabi ni Argel kay Angelica.
"No you shut up! Let me do this. Tignan natin kung hanggang
anoa ng itatagal ng taong kinahuhumalingan mo." Maangas na sagot ni
Angelica.
Parang timang naman akong nakatitig sa dalawa at gulat din dahil
sa alam pala ni Angelica na meron gusto sa akin si Argel.
"Uhmmmm.... guys excuse me aalis na kami ni Mhie." Sabat
ni Donnie sa dalawa at parang batang hinila ang kamay ko.
Sumunod naman ako sa gusto ni Donnie at umalis na kami sa lugar na
iyon.
Habang pababa naman kami sa groundfloor ng mall ay di pa rin
maalis sa isip ko ang engkwentro namin na iyon at naudlot na balak ko
makipagusap kay Argel.
“Mhie, sorry kung hinila kita paalis kaagad
kanina..” Malungkot na sabi sa akin ni Donnie.
Imbis na sumagot ako sa kanya ay hinawakan ko na
lang ang kamay niya.
Ng makalabas kami ng mall ay agad kami bumalik sa
school grounds para kunin ang motor ni Donnie at umuwi na.
Bago sumakay naman sa motor ay inakap mo muna siya.
“Dhie, don’t worry kaya ko ito.”
“Mhie, basta pag need mo help andito lang ako. Lahat
gagawin ko para sa iyo.” Sabi niya sa akin habang hinihimas ang likod ng ulo
ko.
“Dhie, Maraming salamat talaga.” Sabi ko sa kanya
habang pinipigilan ang pagpatak ng luha ko.
Pagkatapos naman ng tagpo na iyon ay inihatid na
niya ako sa bahay ko.
Habang nasa daan naman kami di ko maiwasan na maiyak
at magtanong sa sarili ko.
Bakit ganito pakiramdam ko matapos makita si Argel?
Bakit masakit pa din sa akin na makita silang dalawa
ni Angelica na magkasama?
Bakit ganoon na lang ang ekspresyon sa mata niya
tapos niya ako makita?
Iniluha ko na lang ng tahimik ang lahat ng
nararamdaman ko sa oras na iyon. Tahimik upang di na magaalala si Donnie sa
akin. Alam ko din na masasaktan lamang siya kung makikita akong ganito.
Nakarating naman kami sa bahay ng maayos at bago
bumaba ng motor ay inayos ko muna ang sarili ko para di niya mahalata kung ano
ang ginawa ko habang bumabiyahe kami pauwi. Pinagpasya ko na din muna huwag
muna intindihin ang mga bagay bagay na iyon habang kasama ko ang taong mahal
ko.
Pagkalapit naman namin sa bahay ay madilim ito sa
labas. Agad naman ako pumasok sa loob at hinanap ko sila Mama at ang kapatid ko
pero wala sila.
“Mhie, may note dito sa refrigerator!” sigaw ni Donnie
sa akin.
Daglian naman ako bumaba para makita ang sinasabi ni
Donnie. Pagkarating ko naman doon ay agad niya tinuro sa akin ang naka dikit sa
ref na note.
Erwin,
Umalis kami ni Xang papunta ng Bicol. Na ospital daw
ang tita mo kaya daglian kami umalis ng kapatid mo. Baka magtagal kami doon ng
tatlo hanggang apat na araw. Ikaw na muna ang bahala sa bahay. May enough stock
ng pagkain sa ref at kusina. May pera akong iniwan sa cabinet mo. Pasama ka na
din kay Donnie kung gusto mo.
P.S.
Pagbalik ko dapat may apo na ako kung sakali.
-Mama
Napatampal na lang ako sa noo ko sa nabasa ko at ng
tumingin ako kay Donnie ay nag flash agad sa akin siya ng isang ngiti. Ngiting
may laman at ibig sabihin.
“Doon ka sa sala matulog.”
“Mhie naman. Huwag naman please. ” Angal sa akin ni Donnie na paawa effect ang
itsura ng mukha.
“Mamaya na natin iyan pag usapan. Gusto ko manuod ng
movie. Doon muna tayo sa sala at manuod ng DVD.”
“Sige Mhie nood na muna tayo.”
Agad naman ako nagpunta sa sala habang naka sunod
siya sa akin.
Napangiti naman ako ng lihim. Dahil sa alam ko na
mas matagal kong makakasama si Donnie sa araw na ito at ang idea na magkasama
kaming matutulog sa iisang bubong.
Agad naman ako nagsalang sa dvd player namin ng
isang romantic movie habang siya ay naupo sa sofa.
Ng nasa kalagitnaan na kami ng panood at ang eksena
ay medyo cheesy na din ay napagpasyahan ko na yumakap sa kanya at idantay ang
ulo ko sa balikat niya na ginantihan naman niya ng paghalik sa bumbunan ko.
“Dhie. Tabi tayo meme?” Pacute kong sabi sa kanya.
“Mhie. Sure ka?” nagtatakang balik na tanong niya sa
akin.
“Ayaw mo? Sige dito ka na lang mamaya ah! Mag isa ka
diyan.”
“Di po. Gusto ko. Now na?” sabi niya sa akin habang
nakambang tatayo na sa kinauupuan niya.
“Hep hep hep! Hindi pa tapos pinanunuod ko. Mamaya
na huwag muna excited marami tayong oras. dito ka muna paakap Dhie. Iingit ko
sa kanila oh.” Sabi ko habang nakaturo sa TV at humahagikgik.
“So naiingit ka sa kanila? Di naman sila hug ah?”
Pagtingin ko naman sa TV ay tama nga naman siya.
Nasa mainit na halikan ang dalawang bida sa pinapanood namin.
Nginisian ko na lang siya at ngumuso habang
nakapikit. Di naman ako nagkamali at hinalikan niya ako.
Ang halikan na iyon ay naging maalab at punong puno
ng pagmamahal. Halos di na kami huminga sa aming ginagawa. Ng maghiwalay naman
an gaming mga labi ay automatic naman na hinanap ko ang remote ng TV at DVD
Player at sabay kong napatay ito sa isang pindutan lang.
Napatingin naman sa akin si Donnie at ngumisi sa
akin. Tinulak ko naman siya at nalaglag sa sofa. Habang ako naman ay parang
tanga na kumaripas ng takbo papunta sa hagdanan.
“Nabitin ka? Gusto mo matuloy? Pwes Habulin mo ako
Dhie!” Parang bata sabi ko sa kanya.
“Sige pag nahuli kita isang linggo ka di makakalad.”
Naka ngising sabi nito sa akin habang hininimas ang likod niya dahil sa pagkakalaglag sa sofa.
Parang mga bata naman kaming dalawa na akala mo ay
ngayon lang naka kawala sa kanikanilang mga hawla.
Pagkapasok naman sa kwarto ko ay agad niya ako
dinamba mula sa likod at bumagsak kami sa kama. Mula sa pagkakadapa ay humarap
ako sa kanya at binigyan siya ng isang mariing halik.
“dapat pala di na ako nagpahabol pa. nabitin ako
eh!” natatawang sabi ko sa kanya.
Kesa sumagot siya ay isang mariing halik muli ang
binigay niya sa akin. Hanggang sa namalayan ko na lang na halos na wala na pala
kaming saplot na bumabalot sa katawan namin.
Naging makabuluhan ang gabing iyon.
Iyon ang gabi na naging isa kami.
Iyon ang gabi na binigay ko ang sarili ko sa taong
mahal ko.
Gabi na pinatunayan ko na talagang mahal ko si
Donnie.
________________________
7:00
pm Thursday
________________________
Kakatapos lang ng klase namin at naglilipit na kami
ng gamit namin.
“Che, ano bago? Updates? Chika? Chenes?” sabi ni
Jhepeth sa akin habang tinatapik ang likod ko.
“Oo nga friend ano bago?” Singit ni Kenji.
“Bago? Hmmmmmm! Dhie ano ba bago?” Tanong ko naman
kay Donnie.
“Bago? AH! Si Mhie? Maingay yan!” Sabi ni Donnie
sabay bitiw ng isang nakakalokong ngiti sa aming tatlong magkakaibigan na naka
tingin at nakikinig sa kanya.
At heto nanaman ako. Umakyat nanaman sa dalawang
pisngi ko ang dugo sa aking katawan. Sa sobrang pula ay pag tinusok mo ng
karayom ay sisirit na ata ang kalahati ng dugo ko sa katawan ko.
“Hoy sira ka Dhie ano pinagsasabi mong maingay
ako?!!” protesta ko sa sinabi ng aking nobyo.
“Kitam ano yan Mhie? Di ba maingay ka ngayon?
Hahahaha!”
“Di ko ma gets….” Sabi ni Jhepeth habang nagkakamot
ng ulo.
Habang si Kenji naman ay tawa ng tawa at halos
mawalan na ng hininga.
“Ay ganun pala? Alam ninyo ba si Dhie? May mapa ng
isang continent sa…..”
Nanlaki naman ang mata ni Donnie sa akin sa binitin
kong sasabihin at ang dalawa ay nagaabang naman sa idudugtong ko.
“May mapa ng isang continent si Dhie sa bag niya.”
Sabi ko sabay kuha ng binder ni Donnie na may mapa ng Europe sa likod.
Bigla naman bumagsak ang mukha ni Kenji at Jhepeth
sa pagkadismaya.
Ako naman ngayon ang tawa ng tawa ng bigla akong
batukan ni Jhepeth.
“Nyeta kayong mag jowa! Wala ako maintindihan sa
pinagsasabi ninyo.” Naka busangot na sabi sa amin ni Jhepeth.
Imbis naman mainis ay napahagikgik ako sa pagka slow
ng aking bestfriend.
“Slow…” napapahagikgik na sabi ni Kenji habang
umiiwas sa amba ng panunutok sa kanya ni Jhepeth.
“Haller! Di lang ako makagets sa inyo mga impakto
kayo! Kasi po ako lang ang 90% babae dito nuh!”
“90% percent? Ano yung remaining 10%?” nagtatakang sagot
ni Donnie.
“90% girl sa body. 10% bakla sa pagiisip.” Taas
noong sagot ni Jhepeth habang salo salo ang dalawang bukol sa dibdib niya.
“Ahhhhhh…….” Walang kakwenta kwenta naming sagot naming
tatlo kay Jhepeth.
“Not interested?” buong pagtataka ni Jhepeth na
tanong sa amin.
Parang sira naman kaming tatlo nila Donnie at Kenji
na tumango sa kanya.
“Hay naku palibhasa mga baliko kayo kaya di ninyo ma
appreciate ang ganda ng gawa ng diyos.”
“Jhepeth I love you!!” Sigaw ng classmate namin na
palabas ng classroom namin.
“I love you too! Pero di kita type.” Mayabang na
sagot ng babaeng bakla.
“Ok lang basta love kita!” balik sa kanya ng classmate
namin bago kumaripas ng takbo sa corridor.
“Ayiiiiiiiihhhhhh! May nagkakagusto papala sa iyo
amazona ka. Patulan mo na yun sayang yun. Baka wala ng dumating na iba at
maburo yan. HAHAHA!” Pangaasar ko habang nakaturo sa kwan ni Jhepeth.
“Che, Gaga ka talaga. Di mabuburo yan andiyan naman
si Kenji. Di ba Baby Kenji ko?” Sabi bi Jhepeth habang pumupulupot kay Kenji na
parang ahas at humahalik halik sa pisngi nito.
“Friend help……” Sabi naman ni Kenji sa akin na kala
mo ay tatakasan na ng ulirat dahil sa pandidiri sa ginagawa sa kanya ni Jhepeth.
“Sige bahala na kayo diyan. Maiwan na namin kayo. Mukhang
gutom na itong Mhie ko at kakain muna kami sa labas.” Sabi ni Donnie na
tinanguan ko lang at nginitian.
“Bye Che! Bye Friend!” naka ngisi kong paalam ko sa
dalawa na nasa akto ng pilit na lampungan.
Habang palabas naman kami ng classroom ay kinawayan
ko pa ang dalawa. Pababa naman ng hagdan ay biglang hinawakan ni Donnie ang
kamay ko at napatingin ako sa kanya.
“Mhie, Gututom ka na di ba? Lika kain muna tayo. Ano
gusto mo kainin?”
“Dhie, gusto ko ikaw.” Parang timang kong sabi sa
kanya.
“Tsk! given na yun. Mamaya nay an paghimagas. So saan
tayo kakain aking minamahal?”
Kinilig naman ako sa sinabi ni mokong sa akin.
“Sige Dhie sa KFC na lang tayo tagal ko na di
nakakain ng chicken.”
“Kagabi lang kumain ka ng chicken. Yun ulam natin di
ba?”
“Matagal na yun. Ilang oras na din kaya.” Parang
bata ko na sagot habang naka pout pa ang labi at pinipisil ang kamay niya.
“ KFC sabi ng Mahal kong Mhie kaya sa KFC kami
kakain.” Sabi niya sa akin sabay bitiw ng matamis na ngiti.
“Sige na. Lika na Dhie di ako mabubusog sa ngiti mo.”
Naglakad na ako habang kalakadkad ko si Donnie
palabas ng school.
Pag dating naman namin sa KFC ay mabilisang akong umorder
ng kung ano anong makakain at mukhang napadami ata iyon. Habang si Donnie naman
ay pinaghanap ko ng pwesto namin.
“Mhie, Sure ka mauubos mo ito? Sa January pa fiesta
natin ah?” tanong ni Donnie na nanlalaki ang mata sa dami ng pagkain sa harap
namin.
Dalawang double down, dalawang two piece chicken
meal, dalawang California maki twister, dalawang mushroom soup, dalawang bucket
of fries, dalawang brownies, dalawang crushers at siyempre di mawawala ang
isang platong gravy na kala mo ay sabaw ng sinigang sa dami.
“Oo naman tutulungan mo ako eh. Kaya natin ito.”
Sinimulan na namin ang pagkain at dahil sa may
bandang bintana na kitang kita ang view ng school namin at ang mga kalapit na
establishments at walang ibang naka pwesto doon bukod sa amin ay malaya kaming naglalabingan
at nagkukulitan habang kumakain andiyan yung magsusubuan at pupunasan ang bibig
ng isat isa kapag may dumaplis na pagkain.
Hindi naman namin naubos ang pagkain na inorder ko
kaya pina takeout ko na lang ito. Inshort naging takaw mata lang ako.
“Dhie mag 9pm na. Uwi na tayo. Doon ka pa din
matututlog sa bahay. Wala sila mama pa eh. Itong dala ko lagay natin sa ref
para may almusal bukas.” Sabi ko habang palabas kami ng KFC.
Tango, ngiti at halik sa kamay lang ang sinagot sa
akin ni Donnie.
Paglabas naman namin ng mall ay agad naman siyang
tumawag ng taxi dahil di niya dala ang motor niya. Pagkasakay naman namin sa
taxi ay sinabi niya agad kung saan ang destinasyon namin sa driver.
At ng makarating naman kami sa bahay ay may napansin
akong pamilyar na taong naka tayo sa may malapit at nakatingala sa bahay namin.
“Si Argel…” mahinang usal ko at napatingin ako kay
Donnie.
Itutuloy.