Pauna: Mabilisang pag update kasi wala akong pasok till sunday. Sa monday na balik ko sa trabaho.
Guys nga pala focus kay Donnie naman ang buong chapter na ito.
Sa tingin ninyo lagyan ko ng Special Chapter/Spinoff si Kenji at Jhepeth?
Sa tingin ninyo lagyan ko ng Special Chapter/Spinoff si Kenji at Jhepeth?
Kuya Jeffy - Miss ko na updates mo. huhuhuhu!
Kenji - Friend nakakalungkot minsan na lang kita makausap kasi busy ka na.
Vincy - Kamusta ka? kaw din minsan na lang kita nakakausap.
Vinz - Frend ayan may update na ulit. Happy? hahaha!
Ernes_aka_Jun, Jack, Jayfinpa, Ram, Chris, Wastedpup Cutie Pinoy Gay Guy, Darkboy13, Gerald, Slushie.Love, Zenki, Roan, Ice, Icy,
Light rundel, JIM Sleco5, Wastedpup, Ross Magno, Coffee Prince, Pink 5ive, Rah16, J.V, Hotako D 220, Ezrock, Pslam.
– Guys maraming salamat po!
Sa mga hindi ko po nabati MWUAH!
Pati na din sa mga silent reader at anonymous diyan. salamat po!
My Blog http://erwinscrookedmind.blogspot.com
My Blog http://erwinscrookedmind.blogspot.com
Kiss The Rain
Chapter 8 (Happy Birthday)
_______________________________________________________
Donnie Domingo
_______________________________________________________
Gulat ang naramdaman ko ng halikan ako ni EJ.
Ang halik na puno ng galit.
Sa totoo lang ay nagustuhan ko na muli kong natikman ang labi niya pero naguguluhan ako bakit ganoon na lang ang galit niya ng malaman na may girlfriend si Argel.
Ng maghiwalay ang mga labi namin ay napatingin ako sa kinauupuan nila Argel. Nakatulala sa amin ang girlfriend nito at kita ko na namangha ito sa nakita niya.
“Babe hindi ko alam that you have hot gay friends na medto di ata makapagpigil.” Taas kilay na sabi sa amin nito.
Sa narinig na iyon ni EJ ay kita kong lalo itong nagalit. Pero kesa patulan nito ang babaeng iyon ay nag walkout ito na agad ko naman sinundan kasama sila Jhepeth at Kenji.
Ng makalabas naman kami ay di naman namin mahanap si EJ. Napagpasyahan namin nila Jhepeth at Kenji na maghiwalay para madali namin siya mahanap.
Pagkatapos ng ilang minutong paghahanap ay nakita ko si EJ na nasa pinaka sulok ng parking lot. Sa may halamanan na natatakpan ng 2 malaking sasakyan. Naka upo ito at umiiyak.
Nabahag naman ako sa kalagayan niya kaya pagkalapit ko sa kanya ay niyakap ko siya agad.
“Donnie Sorry. Sorry talaga sa ginawa ko. Sana patawarin mo ako.” Sabi niya sa akin habang patulo na umiiyak sa balikat ko.
“Shhhh…. Tahan na. Wala ka ginawang mali. Tahan na.” Pagaalo ko sa kanya.
“Pero….” Pinutol ko agad ang sasabihin sana niya sa pamamagitan ng isang halik. Alam kong di titigil ito sa kaka explika sa akin kaya ginawa ko na iyon.
“Don’t’t worry. Everything will be ok.” Sabi ko sa kanya pagkahiwalay ng labi namin.
Tumango lang sa akin ito at muling yumakap.
“Thank you Donnie. Sabi niya sa akin.
Inaya ko na itong bumalik sa bar para makita at makasama si Jhepeth at Kenji ngunit tumanggi siya at sinabing magtext na lang daw siya sa dalawa na ok na siya at kasama niya na ako.
“Donnie, Can we go somewhere na di maingay? Gusto ko magisip muna.” Sabi niya sa akin.
“Sige. Tara Kunin na muna natin yung motor ko.”
Pagkakuha naman ng motor ko ay agad din kami umalis.
Isa lang ang alam kong tahimik na lugar sa oras na iyon. Sa Intramuros.
Habang binabagtas naman namin ang daan papunta doon ay nakayakap lang si Ej sa bewang ko. Di tulad kanina ng sinundo ko siya. Mas mahigpit ang pagkakaakap niya sa akin.
Ng makarating naman kami sa Intramuros ay pumunta kami sa may Baluarte San Diego at umupo sa isa sa mga partitions doon.
Magkatabi kaming naupo sa may parte na kita mo ang isang hugis puso na manmade lake at tanaw mo ang manila hotel mula rito. Tahimik, malamig at medyo madilim na ang lugar. Tanging liwanag ng buwan lamang ang nagsisilbing ilaw para sa buong lugar na iyon.
Walang imik si Ej. Walang nangahas sa aming dalawa na magsalita.
Maya maya pa ay narinig ko nanaman na humihikbi si EJ.
Masakit sa akin na nakikita siyang umiiyak at masakit sa akin na umiiyak siya dahil kay Argel. Alam ko na mas mahal niya ito dahil sa pinakita niyang ugali kanina.
Ilang minuto pa ang lumipas. Ang simpleng hikbi niya ay naging hagulgol na.
Muli ay niyakap ko siya upang maibsan man lang kahit konti ang nararamdaman niyang sakit.
“Ej please tamana. Nasasaktan din akong nakikita kang ganyan.” Sabi ko sa kanya habang hinihimas ang buhok niya.
“Please Ej.” Pakiusap ko sa kanya at hindi ko na napigilang lumuha na din.
Kumalas siya sa ng pagkakayakap sa akin. Inangat niya ang ulo niya at tumingin sa akin habang nagpapahid ng luha niya.
“Donnie salamat at dinamayan mo ako ngayon.” sabi niya sa akin.
“Wala iyon EJ. Lahat gagawin ko para sa iyon kasi…… mahal kita.” Sabi ko sa kanya habang pinupunasan luha niya.
“Donnie salamat. Pero kung masasagot ko ba iyan ay matutulungan mo ba ako? I mean can you help me move on from Argel?” sabi niya sa akin na ikinabigla ko.
“Nagkamali ako ng pinili Donnie and I hope sana tama na ang pagpili ko sa iyo ngayon.” Pagpapatuloy niya.
“O-o-o. Mahal kita di ba sabi ko? Kaya lahat gagawin ko para sa iyo.” Sabi ko sa kanya.
“Donnie salamat ulit.” Sabi niya sa akin sabay biglang akap na siya naman nagpatumba sa pagkakaupo ko.
“Arekupo.” Sabi ko ng tumama ang ulo ko sa matigas na kinauupuan namin.
Medyo naging awkward ang itsura namin dahil sa naka dagan siya sa akin. Ramdam ko din na lalong bumilis angtibok ng puso ko at ang pagiinit ng buong katawan ko.
“Let’s seal this with a kiss.” Sabi niya sa akin sabay halik sa akin. Di tulad ng halik niya kanina sa bar. Mas ramdam ko ang pagmamahal rito at mas matamis ito.
Pagkalipas ng tatlong araw……
4:00pm
“Happy Birthday Mhie!” bati ko sa kanya sabay alis ng kamay ko na nakapiring sa mata niya.
Yes tama kayo sa nababasa ninyo. Naging kami nga ni EJ ng gabi na iyon. Nangako ako sa kanya na tutulungan ko siya ma makalimutan si Argel at mamahalin siya ng lubos. Mhie ang naging tawag ko sa kanya at Dhie naman tawag niya sa akin. Sweet noh?!
“Dhie, Chockolate cake! Love ko ito parang ikaw.” Sabi niya sa akin na may matamis na ngiti sa kanyang labi.
Pagkatapos naman ng gabi na iyon ay hindi nagparamdam si Argel sa amin. Ni anino nito ay di namin nakita.
“Aba siyempre Mhie ko ang may birthday dapat masarap at gusto niya ang cake.” sabi ko sa kanya habang naglalagay ng isang slice ng cake sa plato niya.
Nasa isang Japanese restaurant kami sa ermita at katatapos lang namin kumain. Ito ang napili kong lugar para magcelebrate ng birthday ni mhie dahil sa nalaman kong mahilig siya sa Japanese food. Salamat na din sa tulong ni Kenji.
“Dhie say ahhhhhhhhh! Yung malaking malaki!”
Agad ko naman ginawa ang utos niya sa akin.
“Ahhhhh!” nganga ko sa bibig ko.
Bigla naman niya isunubo sa akin akin ang isang tinidor na puno ng cake at nagtatawa dahil sa namumuhalan ako sa ginawa niya.
Umarte naman ako na nabubulunan ako. Madalian naman niya ako pinainom ng tubig na agad ko naman ginawa pero ipinagpatuloy ko pa din ang pag arte. Bakas na bakas asa mukha niya ang pagaalala.
“Dhie. Ok ka lang ba?. Dhie. Sorry po. Dhie ano kailangan ko gawin di ko alam gagawin sa ganyan.” Sabi niya sa akin habang niyuyugyog ako.
Agad naman ako sumenyas sa kanya at tinuro ang labi ko na naka nguso.
“Ah ganun? Pinakaba mo ako.” Natatawa nitong sabi sa akin.
Ng di naman niya ako halikan ay umarte ulit ako na parang mamatay na.
“Ay jusko! Huwag mo ako iiwan Dhieee!” Arte na rin niya habang pinalliliguan ako ng halik sa buong mukha ko.
Hindi ko mapigilan na di ngumisi sa ginagawa niya sa akin.
Buti na lang ay itong restaurant na ito ay sa maliliit na kwarto ang dining place ng mga costumer kaya Malaya kami nakakapag lambingan.
Pagkatapos naman namin maubos ang cake na dessert namin ay nag bill out na kami at inaya ko siya na mag punta sa mall muna.
Habang nasa mall naman kami ay todo akbay ang ginawa ko sa kanya at wala naman siyang naging reklamo doon.
“Mhie videoke tayo gusto mo?”
“Ay sige dhie. Matagal na ako di nakakapag videoke din.”
Pumunta kami sa Pop Star para doon mag videoke at para medyo private na din dahil konti lang ang tao doon.
Ng makapasok na kami sa loob ng booth ay agad kinuha ni EJ ang song book at naghanap ng gusto niyang kantahin.
“naka pili na ako. Pero speech muna ako.” Sabi niya sa akin.
“Dhie salamat. In the past 3 days pinakita mo sa akin na talagang mahal mo ako at tapat ka sa akin. Kaya para sa iyo itong kanta na ito.” Sabi niya sa akin na naka ngiti at maluhaluha ang mata.
Naantig naman ang puso ko sa sinabi niya sa akin at ng tumugtog na ang intro ng kanta niya di ko naman mapigilan na kiligin.
I never knew love – Lovi Poe
I open my eyes, only to see
Just how sad this world could be
That I often cry alone... ohh
I look at the sky, longing to see
There's a chance out there for me
For my heart to be set free
[Refrain]
My friends had say that it's ok
When rainbow's fade in clouds of gray
But in my heart I know someday
True happiness will come my way
[Chorus]
I never knew love till I found you
There's magic in your smile
Never knew love till I saw you lookin' in my eyes
And suddenly our sadness disappears
True love has fin'lly shown it's smilin' eyes on me
I'm searching the skies hopin' to see
If there's someone out there for me
Who will set my poor heart free
[Repeat refrain]
[Repeat chorus]
I once believe that love was just a fairytale
But each time you hold me
Those fairytales come true... on you
[Repeat chorus]
Parang timang naman akong tulala sa harap niya na nakikinig at tinititigan lang siya habang kumakanta.
Hanggang di ko na namalayan na nangangarap na ako habang naririnig ang boses ng taong mahal ko. Sana hanggang pagtanda ay kasama ko siya. Kung di man kami magkaanak ay magaampon kami at ituturing na tunay na anak namin.
Di ko naman namalayan na tapos na siya kumanta. Nalaman ko na lang na tapos na siya ng lumapit siya sa akin at binigyan ako ng isang mabilis na halik sa pisngi ko.
“Mhie, Tapos ka na pala kumanta.” Gulat kong sabi sa kanya.
“Parang di ka nakinig…” sabi naman niya sa akin na may himig ng pagtatampo.
“Mhie, Nakinig po. Ganda nga ng pagkakanta mo. Nangarap lang ako habang pinakikingan ka.”
“Ano naman pinangarap mo Dhie?”
“Future natin. Siyempre positive. Magiging may bahay kita tapos may anak tayong isang dosena.” Naka ngisi kong sagot sa kanya.
“Sira! Wala akong matres! Kumanta ka na nga.” Natatawang sabi niya sa akin.
Agad naman ako nag hanap ng kakantahin para sa kanya sa song book at mabilis ko naman nahanap ito. Nilagay ko na agad ito sa videoke machine at kinuha ang mic na naka lapag sa lamesa.
“Mhie, akala mo ikaw lang ang may speech pwes ako din meron. Salamat sa pag titiwala sa akin. Asahan mo na di kita bibiguin. Sana magustuhan mo ang kakantahin ko dahil ganyan ka sa akin.”
One And Only You – Parokya Ni Edgar
It took one look
And forever laid out in front of me
One smile and I died
Only to be revived by you
There I was
Thought I had everything figured out
Goes to show just how much I know
'Bout the way life plays out
I take one step away
But I find myself coming back to you
My one and only, one and only you, ooh
Now I know
That I know not a thing at all
Except the fact that I am yours
And that you are mine
Ooh
They told me that this wouldn't be easy
And no
I'm not one to complain
I take one step away
But I find myself coming back to you
My one and only, one and only you
I take one step away
But I find myself coming back to you
My one and only, one and only you
Kita ko namang kinikilig ang aking Mhie sa aking pag kanta. Kaya ginanahan ako at sinabayan pa ito ng konting pag arte.
Pakatapos ko naman kumanta ay akap ang sinalubong sa akin ni EJ.
“Dhie, Kinilig ako dun. Thank you!” Sabi niya sa akin habang hinahalikan ang pisngi ko.
Pagkatapos ng kantahan at kulitan at lambingan namin ay napagpasyahan na namin umuwi.
8:30pm
Pagkadating naman sa harap ng bahay nila EJ ay napakunot ang nitong tumingin sa bahay nila.
“Dhie bakit kaya ang dilim ng bahay?” nagtatakang tanong niya sa akin.
Sumenyas na lang ako sa kanya na di ko alam.
“Dhie, Lika pasok tayo. Tignan natin. Baka kung ano nangyari kila Mama.”
Pumasok kami sa bahay nila. Sobrang dilim kaya nangangapa lang kami sa nilalakaran namin.
“Mama?! Xang?! Asan kayo?! Ok lang ba kayo?!” Sigaw ni Ej.
Dahil nga sa wala na kami makita ay kinuha na ni EJ ang Cellphone niya mula sa bulsa ng pantalon niya at ginawang flashlight na ang flash nito.
Sininagan niya ng ilaw ang bawat sulok ng sala kung nasaaan kami. Pero wala doon ang Mama at kapatid niya. May narinig naman kami na nabasag na bagay sa kusina at patakbong namin pinuntahan ito.
Pagtapat niya ng ilaw sa may lugar kung saan namin narinig na may nabasag ay isang lalaki doon na naka hockey mask at may jungle bolo na hawak na puno ng dugo ang talim nito. Habang sa paanan naman ng lalaki ay ang kapatid ni EJ na naka handusay at Naliligo sa dugo.
“Dhie Takbo!” agad na sabi niya sa akin habang tinutulak likod ko.
Kumaripas kami ng takbo papunta sa kwarto niya at ng makapasok kami doon ay agad niya nilock ang pinto at yumakap sa akin at umiyak.
Maya maya pa ay sumindi bigla ang ilaw sa kwarto niya at may kumatok sa pinto. Mahina lang nagsimula ang katok hanggang sa lumalakas na ito ng unti unti.
Naglakas loob na akong kumalas sa pagkakayakap sa kanya para buksan ang pinto. Pero pilit niyang huwag kong gawin iyon.
“Diyan ka lang. ako bahala.” Sabi ko sa kanya sabay kuya ng baseball bat niya na naka display sa taas ng cabinet niya.
Napapayag ko naman siyang buksan ko ang pinto.
Dahan dahan akong lumapit sa pinto at binuksan ito.
Pagkabukas ko naman ay tumambad sa aming ang kapatid ni EJ na nakatayo sa harap ng pinto at may dalang cake na may naka sinding mga kandila sa ibabaw nito.
“SURPRISE!!!!” Sigaw nila Tita, Jhepeth, at ng lalaking naka maskasra na may hawak naman ngayon na mga lobo.
Paglingon ko naman kay EJ ay naka nganga lang ito at di makapaniwala sa nangyayari.
Nagtawanan naman kaming lahat sa itsura nito.
Nilapitan namin si EJ ng sabay sabay at binuhat ko ito papunta sa kama para maupo.
“Win, Nak. Blow mo na yung candles.” Sabi ni Tita sa kanya.
Hinipan ni EJ ang mga kandila sa cake habang naka tingin sa amin. Bakas na ngayon sa mukha niya ang pagtataka.
“Dugo ba iyan?” tanong niya sa kapatid niya.
“White chocolate syrup at red food color.” Sabi ng kapatid niya saby punas sa pisngi nito ng daliri niya na puno fake na dugo at sinubo ito.
Tumango lang siya at tinignan ang naka maskara naman.
“Sino yan?” tanong niya habang ka turo sa kana maskara.
Hinubad naman ng lalaki ang maskara at si Kenji ito. Nag peace sign at ngisi ito kay EJ pagkatapos.
Tumingin naman ng matalim sa akin siya ngayon.
“Dhie, May alam ka dito?”
“Opo…. Happy Birthday!”
Napakamot lang ako ng ulo at napangiti sa kanya.
Padabog naman siyang tumayo sa kama niya at humarap sa akin. Bigla naman niya sinuntok ang kaliwang balikat ko.
“Natakot ako doon ng sobra.”
“Sorry Mhie.” Sabi ko habang hinihimas ang kaliwang balikat ko.
“Sino may plano naman nito?” habang isa isa niyang tinitignan ang mga nasa nasa loob ng kwarto niya.
“Di kami. Kasabwat lang kami.” Sabi ni Kenji at Jhepeth na parehong naka taas pa ang dalawang kamay.
“Kuya kami ni Mama may balak.” Tuwirang sagot ng kapatid ni EJ habang blangko ang mukha nito.
“Ma! Xang!” sabi niya habang lumalapit sa kanila.
Napatingin lang sila Tita at kapatid niya sa kanya.
“Thank you Mama!” Sabi naman niya at biglang inakap si Tita.
Tawa lang naman sagot ni tita at hagod sa likod nito.
“At ikaw naman babae ka ang galing mo umarte! May wish ako sa birthday ko. Bawasan mo na pagiging Goth mo.” Sabi niya sa kapatid at halik sa noo nito.
“Hala sige tamana drama. Baba na tayo at kumain na tayo ng dinner.” Sabi ni Tita habang tinutulak na palabas ng kwarto ang kapatid ni EJ.
Sa baba naman ay naka hain na ang mga hinanda ni Tita.
Masaya kaming kumain habang nagkwekwentuhan at tawanan dahil na din sa inaasar ni Jhepeth si EJ sa itsura nito kanina.
Pagkatapos naman namin kumain ay tumulong ako kila Tita kasama si Jhepeth sa pagliligpit ng hapag kainan habang si EJ at Kenji naman ay busy sa paglalaro ng Tekken sa PS3 at ang kapatid nito ay nasa gitna naman ng dalawa at nanunuond lang.
“Donnie kami na bahala ni Jhepeth dito. Kunin mo na yung regalo mo kay Erwin. Nasa closet sa ilalim ng hagdan.” Sabi ni Tita sa akin.
“Opo tita.”
“nga pala. Mama na lang din. Tutal biyenan mo na ako.” Natatawang sabi ni Mama.
“Opo. Mama….” Nahihiyang sagot ko.
“Good! Sige kunin mo na.”
Pagkakita ko naman sa regalo ay napangiti ako.
“Sana magustuhan niya.” Sabi ko sa sarili ko.
Pagkatapos naman maghugas nila Mama at Jhepeth maghugas ng pinggan ay pumunta na sila sa sala para tawagin si EJ.
“Win, halika sandali.” Pagtawag ni Mama kay EJ.
“Bakit po Ma?”
“Punta ka doon sa tabi ng hagdanan inaantay ka ni Donnie.”
Napakamot naman ng ulo si EJ sa sinabi ni Mama.
Pagkadating naman niya sa kinaroroonan ko ay saktong kakatapos ko lang maayos ang regalo ko para sa kanya.
“Surprise ulit Mhie!” sabi ko pagkakita niya sa akin at sa regalo ko.
“Dhie, Aquarium! May Parrot Cichlid pa! Aalagaan ko mabuti yan. Di ko papakainin ng langaw.” parang batang namanghang sabi niya sa akin.
(Ito iyong itsura ng Parrot Cichlid Fish. Actually alaga ko sa bahay nga iyan)
Tuwang tuwang umakap sa akin naman siya sa akin. Nakita ko naman sila Mama, Jhepeth at Kenji na katingin sa amin at naka thumbs up sign at naka ngiti.
Pagkatapos pa ng konting lambingan
ay nagpaalam na ako kay Mama para umuwi na dahil gabing gabi na at wala kasama
si Dad sa bahay. Binigyan naman ako ng isang matamis na halik ni EJ bago ako
umalis kasabay si Jhepeth at Kenji.
Natapos ang gabi na iyon sa lahat
kami ay may ngiti sa labi.
Itutuloy.
This entry was posted
on Thursday, December 1, 2011
at 8:47 AM
and is filed under
Kiss The Rain
. You can follow any responses to this entry through the
comments feed
.