Pauna: Ang tagal kong walang update. Pasensya na po kayo sa akin. Naospital ako dahil na din sa katangahan kaya nagka freetime ako para isulat itong Chapter na ito. Sama ninyo na may bago akong inspirasyon sa pag susulat.
Guys nga pala focus kay Erwin ang buong chapter na ito.
Kuya Jeffy - Ayos ang ending ng Breakwater. Sige Pahinga muna ma miss ko ang pagaantay nga lang sa sinusulat mo.
Kenji - Nakalimutan ko sabihin sa iyo. Sinunod ko ang payo mo. no recycle.
Vincy - Pasensya na di na ako nag send sa iyo ng copy. Mabilisan kasi ito.
Vinz - Frend ayan may update na. Kulitin mo ako ulit sa FB ah. hehehehe!
Ernes_aka_Jun, Jack, Jayfinpa, Ram, Chris, Wastedpup Cutie Pinoy Gay Guy, Darkboy13, Gerald, Slushie.Love, Zenki, Roan, Ice, Icy,
Light rundel, JIM Sleco5, Wastedpup, Ross Magno, Coffee Prince, Pink 5ive, Rah16, J.V,
– Guys maraming salamat po!
Sa mga hindi ko po nabati MWUAH!
Pati na din sa mga silent reader at anonymous diyan. salamat po!
Kiss The Rain
Chapter 7 (Kiss Him With Anger)
_______________________________________________________
Erwin Joseph
Fernandez
_______________________________________________________
Lumipas ang tatlong buwan at naging masigasig ang dalawa sa
panliligaw sa akin.
Si Argel ay aggressive at walang takot na pinapakita na
mahal niya ako. Habang si Donnie naman ay sa mga simpleng bagay dinadaan ang
pagpaparamdam ng pagmamahal sa akin.
Mas napalapit ang loob ko sa dalawang tao na ito. Pero may
isa lamang ang dapat maging laman ng puso ko.
Sem break at tatlong araw na lang ang bibilangin ay kaarawan
ko na.
Nasa kalaliman ako ng pagmumuni muni ko sa mga bagay bagay
ng bumukas ang pinto ng kwarto ko.
“Che, Hallow!” Bungad ni Jhepeth sa akin habang karay karay
si Kenji na kumakaway pa sa akin habang papasok sa kwarto ko.
Paglapit naman ni Jhepeth sa kama ko ay umupo ito sa dulo na
siya ding ginawa ni Kenji.
“Ewin, Friend lapit na ng Birthday mo.” Naka ngiting sabi sa
akin ni Kenji.
Napakamot naman ako ng ulo ko dahil sa ala ko na may laman
ang pagpapaalala ni Kenji sa aking kaarawan.
“Che, Dahil birthday mo at malapit na at waley naman pasok
sa school. Bar tayiz mamaya. Sama mo yung dalawang knight mo. Hahahaha!” Sabi
sa akin ni Jhepeth na parang kontrabida sa isang teleserye.
Hindi na nga ako nagkamali at napahawak na lang ako sa mukha
ko at sinagot ko na lang sila ng isang simpleng “Sige.”
Tuwang tuwa naman silang dalawa sa pag sangayon ko sa
kagustuhan nila at kaagad nila kinuha ang cellphone nila at nagsimulang mag
txt.
“Sinong tinetext ninyo at arang takas kayo sa mental kung
maka ngiti?” Tanong ko sa kanila habang akap akap unan ko at naka masid sa
ginagawa nila.
“Si Donnie.” Si Kenji.
“Si Argel.” Si Jhepeth.
“So may secretary na pala ako. Sige kayo na mag aya sa
dalawa.” Sabi ko sa sarkastikong tono.
“Tapos na! Sabi ni Donnie sunduin ka niya daw ditto mamaya.”
Parang batang sabi ni Kenji na kumukuyakoy pa at naka ngiti sa akin.
“Me Din Finish na. Kita kita na lang daw sa bar say ni Papa
Argel. May lakad daw kasi siya with his Mom.” Sabi naman ni Jhepeth.
“Ok sige bahala na kayo diyan. Gusto ko magi sip muna.” Sabi
ko sa kanila habang sinusubsob ko ang mukha ko sa unan na akap akap ko.
“Che, can we talk? Biglang tanong sa akin ni Jhepeth sa
seryosong tono habang naka titig sa mata ko.
Tumango na lang ako dahil alam ko sa mga ganitong
pagkakataon ay seryoso na talaga ang bestfriend ko.
“Makikinig lang ako!” sabat ni Kenji na naka ngisi sa amin.
“Tsismoso!” saby na sabi namin ni Jhepeth sa kanya.
Bigla naman nag shift ang itsura ni Kenji. From Ngisi to
frown na maluha luha.
“Aw! Wawa naman baby Kenji ko. Sige dyan ka lang wag ka
sasabat be behave saka wag pag sabi ang maririnig.” Malambing na sabi ni
Jhepeth kay Kenji na tatango tango lang.
“Ehem! Simulan na.” Pag putol ko sa kalambingan ni Jhepeth.
“Ok. Tatlong buwan na ang lumilipas. Che, are you
considering na sagutin na isa sa kanila?” Tanong niya sa akin.
“Actually im hesitating na sagutin isa sa kanila. Kasi pag
pinili mo ang isa mawawala naman ang isa.”
“Ganun naman talaga. Isa lang dapat talaga. Ok sino ba
matimbang sa dalawa?” sabi ni Jhepeth.
“Yaan Din iniisip ko kanina bago kayo dumating. Matimbang?
Ewan.” SAgot ko habang hinihigpitan ang akap sa unan ko.
“Di pwede ganyang sagot. Ayusin mo. Sige sabihin mo na lang
kung ano ang napansin o nagustuhan mo sa kanilang dalawa.” Sunod na tanong ni
Jhepeth sa akin.
“Ok. Sige. Si Argel, malakas ang loob saka madalas walang
takot na inaakbayan ako at hinahawakan kamay ko kahit nasa mataong lugar kami.
Pag kasama ko siya sa kotse niya siya pa naglalagay ng seatbelt sa akin at
pagkakain may seremonya pa siya na titikamn daw muna niya yung pagkain ko baka
may lason daw at baka matigok ang future asawa niya. Saka malapit siya kay Mama
at Xang.” Ang mahabang sagot ko kay
Jhepeth.
“OK. Go on. How about Donnie?” Sabi ni Jhepeth habang
tumatango.
“Si Donnie. Mahiyain pero nakapa sweet and thoughtful.
Nagtataka din ako bakit alam niya ang ayaw at gusto ko. Binebeybi ako.” Sabi ko
na parang timang na kinukuskos ang mukha sa unan.
Pagtingin ko naman kay Jhepeth ay nakita kong nakatingin it
okay Kenji at tumatango rito.
“Ano meron?” pagtataka ko.
“Che, base kasi sa mga sagot mo parang mas matimbang sa iyo
si Argel.” Sabi niya sa akin na naka kunot noo.
“Siguro….” Matipid kong sagot kay Jhepeth.
Nasa kasarapa na kami ng kwentuhan ng may magsalita sa likod
ng pinto ng kwarto ko.
“Win, nak merienda muna kayo. May niluto akong ginataan
doon.” Sabi ni Mama.
Agad naman tumayo si Kenji sa kama at ngumisi sa amin sabay
karipag ng takbo palabas ng kwarto ko.
“AY! Deadly Hungarian ang baby Kenji ko?” sabi ni Jhepeth na
umiiling.
Sumonod kami bumaba ni Jhepeth habang tumatawa dahil sa
ginawa ni Kenji.
Doon na namin ipinagpatuloy na lang ang kwentuhan namin at ng
sumapit ang 6 pm ay umalis na ang dalawa para maka pag ayos na para sa lakad
namin.
Ako naman ay nagpunta na sa kwarto ko at direcho sa shower
para maligo.
Habang dumadaloy naman ang maligamgam na tubig sa aking
katawan ay napaisip ako.
Sino ba talaga ang laman ng puso ko?
Sino ba ang kukumpleto sa akin?
Sino ba yung makakasama ko sa buhay ko?
Si Argel?
Si Donnie?
Parang timang naman ako na hawak ang loofa at parang
tinatanong ito.
Natapos na ako maligo at nagtuyo na ng buhok. Namili na din
ako agad ng aking isusuot na damit. Ng naka ayos na ko ay bumaba agad ako
papunta sa sala para magpaalam kay Mama
tungkol sa lakad namin at agad naman na pinayagan ako nito pero kaakibat nito
ay panaalalahanan ako nitong mag ingat.
7:30pm
Nasa sala ako at naghihintay lang sahil sa sabi ni Kenji ay
susunduin daw ako ni Donnie ditto sa bahay.
Naka tanga naman ako sa TV at nanunuod sa telenovela na
pinapanood ni Mama ng may nag doorbell.
Agad naman ako tumayo at binuksan ang pinto.
Si Donnie. Naka ngiti itong nakatingin sa akin hawak ang
isang plastic container.
“Pasok ka muna.” Sabi ko sa kanya.
Pagkapasok naman niya ay agad niyang binati ang Mama at
kapatid ko na nasa sulok na nagtatahi ng maliliit na damit ng manika niya.
“Ej para sa iyo.” Abot niya sa akin ng container.
Kinuha ko naman ito at binuksan agad.
“Cocoa Pops blocks! Donnie thank you!!!” Sabi ko sabay akap
kay Donnie.
“Paborito ko ito Thank you talaga!”
“Wala iyon. Ginawa ko iyan kanina. Saka matagal ko na balak
gumawa niyan naging busy lang kasi tayo noon sa final sa school.” Sabi sa akin
ni Donnie na namumula ang pisngi.
“Ehem! Lovebirds lipad na kayo at baka hinihintay na kayo ng
kabarkada ninyo.” Sabat ni Mama na
pinapanood pala kami.
Nagkatinginan naman kami ni Donnie at napahagikgik.
“Sige Mama aalis na po kami ni Donnie at iiwan ko sa ref.
ang bigay niya sa akin. Walang gagalaw ah. I love you!” Paalam at habilin ko.
“Sige ingat at hindi namin gagalawin ni Xang yun baka may
gayuma. I Love You too nak.” Natatawang sabi sa akin ni Mama.
Paglabas naman namin ng bahay ay may nakita akong naka park
na motor sa harap ng bahay.
“Yang ang ride natin!” ang sabi sa akin ni Donnie.
Napatingin naman ako sa kanya at nagkamot ng ulo.
“Kailan ka pa nagkaroon ng motor? Saka ang ganda ah!”
“Bigay ni Dad sa akin 2 days ago. Maganda kasi grades ko
last sem eh. Saka para di na ako magcommute.” Sabi ni Donnie sa akin.
Lumapit na kami sa motor ni Donnie at inabot niya sa akin
ang spare helmet niya at isunuot ko ito at sumakay na sa motor niya.
“Kapit na aalis na tayo.” SAbi niya sa akin na naka ngisi.
Agad niyang pinaharurot ang motor at dahil naman sa takot ay
napa akap sa likod niya at inihilig ang ulo ko sa dito.
“Loko loko ka Donnie natatakot ako ang bilis mo magpatakbo!”
Sigaw ko sa kanya.
Ngunit tawa lang ang sinagot sa akin ni Donnie.
Ng makarating naman kami sa bar na pupuntahan namin ay nakita
namin silang tatlo na nasa parking lot naka sandal sa kotse ni Argel at
nagkwekwentuhan.
“Che? Donnie? Asenso naka motor na ah!” Bati niya pagkakita
sa amin.
“Bigay lang ni Dad sa akin ito.” Nahihiyang sagot ni Donnie
habang pinapark ang motor.
Pagkababa ko naman sa motor ay kinilatis ako mula ulo
hanggang paa ni Jhepeth.
“Che, ano meron sa get up mo? Summer?” Tawa tawa niyang bati
sa suot ko.
“bakit pangit ba green and white checkered polo, kahki roll
up pants at white chucks pagsamahin?”
sabi ko sa kanya habang tinitignan ang
sarili.
“Hindi. Cute lang. summer na summer ang dating.”
Humahagikgik na sabi nito sa akin.
“Na conscious tuloy ako sa damit ko. Akala ko kung anon a.
ikaw ano meron at ganyan ang suot mo. Short bay an o panty?”
“Ano ba di naman na maigsi ah! Halos kalahati na nga ng hita
ko eh! Pangit ba get up ko?” sabi ni Jhepeth sa akin habang naka pose na parang
nangaakit.
“Yung get up. Maganda. Ikaw pangit.” Banat ko sa kanya para
makabawi sa kanina.
Paglingon ko naman sa tatlo at nagtatawanan ito at si Kenji
ay naka thumbs up pa sa akin ito.
“Tara na pasok na nga tayo.” Aya ko sa kanilahabang tumatawa
pa din.
“Che, babawi din ako sa iyo. Someday!” sabi sa akin ni
Jhepeth sa tono ni Nora Aunor.
“Teka EJ may ibibigay ako sa iyo.” Sabi ni Argel saby bukas
ng back seat ng kotse niya.
Dahil sa madilim ang loob ng kotse ni Argel ay di ko
maaninag man lang kung ano ang kinukuha niya doon.
“Tadaaaaaaaaan! Teddy!” sabi niya sa akin pag harap sa akin.
Hawak niya ang isang gray na teddy bear na may heart a
parang retaso sa dib dib nito at ng iabot naman niya sa akin ito ay halos
matakpan na ako ng teddy bear dahil sa laki nito.
“Wow! Thank you! Ang fluffy! Teka bakit may ganito?” tanong
ko sa kanya habang sumisilip sa likod ng teddy bear.
“Kasi kanina iniisip ko nab aka pag flower binigay ko sa iyo
ay hindi ka matuwa. Saka sa tingin ko naman nagustuhan mo naman na iyan binigay
ko sa iyo.” Sabi niya sa akin.
“Ah ganun ba? Salamat! Sige lagay mo muna diyan sa loob ng
kotse mo. Mamaya pag uwi kukunin ko. Baka di ako maka sayaw sa loob niyan
mamaya.” Sabi ko kay Argel habang humahagikgik.
Nilingon ko naman si Donnie pag kaabot ni Argel ng Teddy
bear pra ilagay sa loob ng kotse. Nakita ko itong naka yuko at naka tingin sa
sahig. Siniko naman ito ni Kenji at sinenyasan na nakatingin ako sa kanila.
Pagtingin naman niya sa akin ay nag flash ito ng isang pilit na ngiti na
sinuklian ko din ng isang matamis na ngiti.
“Hoy bilat! Pasok na nga tayo sa loob.” Aya at pangaasar sa
akin ni Jhepeth.
Ng makapasok naman kami sa loob ng bar ay kakaunti pa lang
ang tao dahil sa mag alas nuebe pa lang naman.
Agad naman kami nakahanap ng isang mesa para sa amin.
Pinagitnaan naman ako nila Donnie at Argel. Si Donnie sa kanan at si Argel sa
kaliwa.
Umorder naman si Jhepeth kaagad ng apat na bucket red horse
at tatlong klase ng pulutan. Nagulat naman kaming apat sa ginawa ng lukaret na
bestfriend ko.
“Peth, Patayan agad?” sabi ko dahil sa dami ng inorder
niyang alak.
“Che RH bill lang iyan. Keri boom boom ley itey!” Maharot na
sabi niya sa akin na may kindat pa sa dulo.
Sinimulan na namin mag inuman. Kaming apat naman ay
nakakadalawang baso pa lang habang si Jhepeth ay halos isang bucket na ang
naiinom.
“Huy Peth! Hanggang mamaya pa tayo ditto. Huwag mo gawing
juice iyang alak.” Saway ko dito.
“Che, Keri ko itey. Gora lang kayo. Mamam lang! Marami Okane
si atashi. Kaya yung mga sunod na timba sagot ko.” Sagot niya sa akin.
Napailing na lang ako dahil alam kong basta alak ay sugod ng
sugod ang babaeng ito.
10:30pm
Nagsimula na dumami ang tao sa loob ng bar. Medyo tinamaan
na din ako sa iniinom ko dahil sa mainit na ang pakiramdam ko.
Nagsimula na magpatugtog ang DJ ng magagandang dance music
at remixes at dahil naman doon ay nag aya na si Jhepeth na pumunta sa dance
floor at mag sayaw.
Agad naman ako tumayo at pumayag sa gusto niya dahil kanina
pa ako naiindak sumayaw dahil sa magandang tugtog.
Ng inaya ko naman ang dalawang katabi ko ay si Donnie lang
ang sumama sa akin at mag papaiwan na lang daw si Argel para mabantayan ang
table namin.
Nakipag gitgitan naman kami papunta sa dancefloor dahil nga
sa dami na din ng tao at ng nasa dance floor na kami ay todo sayaw ang ginawa
ni Jhepeth kahit siksikan. Andiyan ang naka angkla ang magkabilang kamay niya sa batok ni Kenji at todo giling sa harap nito habang kagat
kagat pa ang labi at dahil naman sa ginagawa ni Jhepeth ay kitang kita sa mukha
ni Kenji ang pagkaasiwa sa ginagawa nito.
Samantala kaming dalawa naman ni Donnie ay halos magkadikit
na an gaming katawan dahil sa nasiksik kami ng isang grupo sa tabi namin.
Habang nagsasayaw naman kami ay kitang kita ko sa patay
sindi na ilaw nanamumula si Donnie dahil na din siguro sa nainom nitong alak.
Maya maya pa ay naging maharot na ang pagsasayaw ng nasa
tabi namin at di sinasadyang mabungo ako nito at napasubsob ako sa dibdib ni
Donnie.
“Ang bango.” Pabulong kong sabi.
“EJ ok ka lang ba?” sabi sa akin ni Donnie na nagaalala.
“Yeah! Ok lang ako.” Sabi ko sa kanya habang naka tingala at
naka ngiti.
Siguro dahil na din sa tama ng alak ay lumakas ang loob ko at
di na inalis ang aking ulo mula sa pagkakahilig sa dibdib ni Donnie.
Rinig na rinig ko ang mabilis na tibok ng puso at malalim na
paghinga niya na lihim na nagpangiti sa akin.
Yumakap ako sa beywang niya habang nilagay ko naman ang
kamay niya sa akin.
Ang mabilis na tugtog ay nagmistulang love song dahil sa
mabagal at ayos ng pagsasayaw namin.
Sa sandaling iyon ay halos kasing tagal na ng isang siglo sa
pakiramdam ko. Parang ayaw ko na din bumitiw sa pagkakaakap ko sa bewang ni
Donnie.
Maya maya pa ay tumigil ang kanta at tumapat ang spotlight
sa maliit na stage na naroroon.
Bumitiw na ako sa kanya at ganoon din siya sa akin at
pagkatapos niyon ay bigyan ko siya ng isang matamis na ngiti na ibinalik naman
din niya sa akin.
“Guys. Can I have your attention please.” Pagtawag ng emcee sa mga tao na nasa loob ng bar.
“Since madami tanong ngayon ay napagdesisyonan ng owners na
mag event ngayon. We need 8 males to teach us how to dougie at ang winner ay makakatanggap ng 2000php worth of GCs from
us.” Pagpapatuloy ng emcee.
“Cheeeee! Donnie!” sigaw ng Bruha kong bestfriend habang
palapit sa amin.
“Kanina ko pa kayo hinahanap napalayo na kayo. Isali mo
iyang si Donnie doon. Hahatakin ko naman si Argel.” Utos niya sa akin.
Napatingin naman ako kay Donnie at tumango ito sa akin.
Senyales na pumapayag siya na sumali doon at may tama na nga din ito dahil di n
aito tinatablan ng hiya.
“Sige isasali ko siya” sabi ko kay Jhepeth.
Agad naman sumipat si Jhepeth kasama si Kenji para sunduin
si Argel.
At ng nagtawag na ang emcee ng contestants ay agad na
umakyat sa stage si Donnie na kasunod si Argel na tinutulak ni Jhepeth para
umakyat sa stage.
“Ok let’s start the dougie battle!” sabi ng emcee.
Agad naman tumugtog ang music at nag simulang pinasayaw isa
isa ang mga contestants at dahil naman pang 7 si Argel at pang 8 si Donnie ay
di muna ito nag sayaw.
Hiyawan ang mga tao sa mga nagsasayaw at halata naman sa mga
ito na nageenjoy sila sa pinapanood.
Ng tinawag na si Argel ay kita pa sa mukha nito na nahihiya ito
pero nung tinawag ko na ito at kinawayan at sinenyasan na ok lang ay sumenyas
ng ok sign sa akin ito.
Nagsimula na sumayaw si Argel. Magaling din ito sumayaw at nagpapacute
pa sa audience.
“Look like we got a cute guy showing his moves here.” Sabi
ng emcee na nakatitig kay Argel.
“Hoy Kay Bestfriend ko na iyan. Malanding Beki!” Sigaw ng
siraulong Bestfriend ko.
Natapos na si Argel at si Donnie naman ang sumunod dito.
Maharot na sumayaw si Donnie sa stage at may pakindat kindat
pa sa akin ito at maya maya pa ay nag tangal na ito ng kanyang t shirt. Dahil
doon ay lalong naghiyawan ang mga tao at napako din ang mata ng emcee sa kanya.
“Che, Ang hot ni Donnie. Shuta ang yummy!” maharot na sabi
sa akin ni Jhepeth.
“Uhmmmm! Lukaret! Pigilan mo na iyon. May tama na iyon.”
Batok sabay utos sa kanya.
Agad agad naman lumapit sa stage si Jhepeth at Kenji para
pigilan si Donnie sa gingawa nito dahil baka tuluyang ng maghubad ito. Ng
mapigilan naman ng dalawa ito ay itinuro ako ng dalawa rito at parang bata
naman itong tumalima at nginisian naman ako.
As expected nanalo si Donnie dahil sa kalokohan na ginawa
nito sa stage at pinanalo din siya dahil nga sa dumagundong ang bar sa hiyawan
ng tao sa kanya.
Tuwang tuwa naman si Jhepeth sa nakuha namin GC dahil
mababawasan daw ang babayaran namin dahil doon.
Bumalik naman kami sa table namin at ipinagpatuloy ang
inuman, kwentuhan at tawanan.
Maya maya pa ay naantala ang inuman namin dahil may tumigil
na babae sa harap ng table namin at lumapit kay Argel.
Si Argel naman ay parang naka kita naman ng multo. Halos
mamuti na ang labi niya sa nakikita niya.
“Hi Babe! Gigimik ka din pala dito di mo sinabi sa akin
kanina habang nasa mall tayo. Saw you kanina sa stage ang galing mo sumayaw.” Sabi
ng babaeng nasa harap na ngayon ni Argel at parang ahas na pumulupot sa
kaliwang braso nito.
Nagkatinginan naman kaming tatlo nila Jhepeth at Kenji. Pareparehong
may nagtatakang tingin ang pinukol sa isa’t isa. Sinenyasan ko naman si Jhepeth
na tanungin ang babaeng ito.
“Excuse me miss sino po sila?” Lakas loob na tanong ni
Jhepeth.
“Oh sorry for my rude manners. I’m Angelica.” Pakilala niya
sa amin.
“And how are you affliated to Argel?” tanong ulit ni
Jhepeth.
“I’m His Girlfriend.” Proud na sabi nito sa amin sabay hawak
sa mukha ni Argel at mariing hinalikan ito.
Parang binato naman ako isang malaking bato sa ulo sa
narinig ko at nakikita ko.
Kasabay naman niyon ay bumulusok ang pinaghalong galit, inis
at awa ko sa sarili ko.
Galit dahil sa parang pinagtaksilan ako ni Argel. Manliligaw
na lang may Girlfriend naman pala.
Inis dahil hindi ko man lang ito napansin or nakitaan ng
clue na may girlfriend ito.
At awa dahil sa hinayaan kong mahulog ang loob ko sa kanya.
At ang tatlong damdamin na iyon ay umakyat na lahat sa ulo
ko. Isama mo na din ang tama ng alak sa akin.
“Ang ganda pala ng nanay mo at ang sweet ninyo.” Galit na
sabi ko kay Argel.
“It’s a Kissing game pala. Multiplayer ata ito pasali ha!” Sabi
ko ulit sa kanila.
Tinunga ko ang bote ang Red horse sa harap ko at pagkababa
ko dito ay tinignan ko si Donnie.
Pagbalik naman ni Donnie ng tingin sa akin ay
sinungaban ko ng halik ito. Halik na mapusok at nagaalab. Halik na alam kong
makakainsulto kay Argel.
Itutuloy.
This entry was posted
on Monday, November 28, 2011
at 6:23 PM
and is filed under
Kiss The Rain
. You can follow any responses to this entry through the
comments feed
.