Kiss The Rain Chapter 7  

Posted by Erwin F. in


Pauna: Ang tagal kong walang update. Pasensya na po kayo sa akin. Naospital ako dahil na din sa katangahan kaya nagka freetime ako para isulat itong Chapter na ito. Sama ninyo na may bago akong inspirasyon sa pag susulat.

Guys nga pala focus kay Erwin ang buong chapter na ito.

Kuya Jeffy - Ayos ang ending ng Breakwater. Sige Pahinga muna ma miss ko ang pagaantay nga lang sa sinusulat mo.

Kenji - Nakalimutan ko sabihin sa iyo. Sinunod ko ang payo mo. no recycle.

Vincy - Pasensya na di na ako nag send sa iyo ng copy. Mabilisan kasi ito.

Vinz - Frend ayan may update na. Kulitin mo ako ulit sa FB ah. hehehehe!

Ernes_aka_Jun, Jack, Jayfinpa, Ram, Chris, Wastedpup Cutie Pinoy Gay Guy, Darkboy13, Gerald, Slushie.Love, Zenki, Roan, Ice, Icy,

Light rundel, JIM Sleco5, Wastedpup, Ross Magno, Coffee Prince, Pink 5ive, Rah16, J.V,

Guys maraming salamat po!


Sa mga hindi ko po nabati MWUAH!

Pati na din sa mga silent reader at anonymous diyan. salamat po!

Kiss The Rain

Chapter 7 (Kiss Him With Anger)

_______________________________________________________
Erwin Joseph Fernandez
_______________________________________________________


Lumipas ang tatlong buwan at naging masigasig ang dalawa sa panliligaw sa akin.


Si Argel ay aggressive at walang takot na pinapakita na mahal niya ako. Habang si Donnie naman ay sa mga simpleng bagay dinadaan ang pagpaparamdam ng pagmamahal sa akin.


Mas napalapit ang loob ko sa dalawang tao na ito. Pero may isa lamang ang dapat maging laman ng puso ko.


Sem break at tatlong araw na lang ang bibilangin ay kaarawan ko na.


Nasa kalaliman ako ng pagmumuni muni ko sa mga bagay bagay ng bumukas ang pinto ng kwarto ko.


“Che, Hallow!” Bungad ni Jhepeth sa akin habang karay karay si Kenji na kumakaway pa sa akin habang papasok sa kwarto ko.


Paglapit naman ni Jhepeth sa kama ko ay umupo ito sa dulo na siya ding ginawa ni Kenji.


“Ewin, Friend lapit na ng Birthday mo.” Naka ngiting sabi sa akin ni Kenji.


Napakamot naman ako ng ulo ko dahil sa ala ko na may laman ang pagpapaalala ni Kenji sa aking kaarawan.


“Che, Dahil birthday mo at malapit na at waley naman pasok sa school. Bar tayiz mamaya. Sama mo yung dalawang knight mo. Hahahaha!” Sabi sa akin ni Jhepeth na parang kontrabida sa isang teleserye.


Hindi na nga ako nagkamali at napahawak na lang ako sa mukha ko at sinagot ko na lang sila ng isang simpleng “Sige.”


Tuwang tuwa naman silang dalawa sa pag sangayon ko sa kagustuhan nila at kaagad nila kinuha ang cellphone nila at nagsimulang mag txt.


“Sinong tinetext ninyo at arang takas kayo sa mental kung maka ngiti?” Tanong ko sa kanila habang akap akap unan ko at naka masid sa ginagawa nila.


“Si Donnie.” Si Kenji.


 “Si Argel.”  Si Jhepeth.


“So may secretary na pala ako. Sige kayo na mag aya sa dalawa.” Sabi ko sa sarkastikong tono.


“Tapos na! Sabi ni Donnie sunduin ka niya daw ditto mamaya.” Parang batang sabi ni Kenji na kumukuyakoy pa at naka ngiti sa akin.


“Me Din Finish na. Kita kita na lang daw sa bar say ni Papa Argel. May lakad daw kasi siya with his Mom.” Sabi naman ni Jhepeth.


“Ok sige bahala na kayo diyan. Gusto ko magi sip muna.” Sabi ko sa kanila habang sinusubsob ko ang mukha ko sa unan na akap akap ko.


“Che, can we talk? Biglang tanong sa akin ni Jhepeth sa seryosong tono habang naka titig sa mata ko.


Tumango na lang ako dahil alam ko sa mga ganitong pagkakataon ay seryoso na talaga ang bestfriend ko.


“Makikinig lang ako!” sabat ni Kenji  na naka ngisi sa amin.


“Tsismoso!” saby na sabi namin ni Jhepeth sa kanya.


Bigla naman nag shift ang itsura ni Kenji. From Ngisi to frown na maluha luha.


“Aw! Wawa naman baby Kenji ko. Sige dyan ka lang wag ka sasabat be behave saka wag pag sabi ang maririnig.” Malambing na sabi ni Jhepeth kay Kenji na tatango tango lang.


“Ehem! Simulan na.” Pag putol ko sa kalambingan ni Jhepeth.


“Ok. Tatlong buwan na ang lumilipas. Che, are you considering na sagutin na isa sa kanila?” Tanong niya sa akin.


 “Actually im hesitating na sagutin isa sa kanila. Kasi pag pinili mo ang isa mawawala naman ang isa.”


“Ganun naman talaga. Isa lang dapat talaga. Ok sino ba matimbang sa dalawa?” sabi ni Jhepeth.

“Yaan Din iniisip ko kanina bago kayo dumating. Matimbang? Ewan.” SAgot ko habang hinihigpitan ang akap sa unan ko.


“Di pwede ganyang sagot. Ayusin mo. Sige sabihin mo na lang kung ano ang napansin o nagustuhan mo sa kanilang dalawa.” Sunod na tanong ni Jhepeth sa akin.


“Ok. Sige. Si Argel, malakas ang loob saka madalas walang takot na inaakbayan ako at hinahawakan kamay ko kahit nasa mataong lugar kami. Pag kasama ko siya sa kotse niya siya pa naglalagay ng seatbelt sa akin at pagkakain may seremonya pa siya na titikamn daw muna niya yung pagkain ko baka may lason daw at baka matigok ang future asawa niya. Saka malapit siya kay Mama at Xang.”  Ang mahabang sagot ko kay Jhepeth.


“OK. Go on. How about Donnie?” Sabi ni Jhepeth habang tumatango.


“Si Donnie. Mahiyain pero nakapa sweet and thoughtful. Nagtataka din ako bakit alam niya ang ayaw at gusto ko. Binebeybi ako.” Sabi ko na parang timang na kinukuskos ang mukha sa unan.


Pagtingin ko naman kay Jhepeth ay nakita kong nakatingin it okay Kenji at tumatango rito.


“Ano meron?” pagtataka ko.


“Che, base kasi sa mga sagot mo parang mas matimbang sa iyo si Argel.” Sabi niya sa akin na naka kunot noo.


“Siguro….” Matipid kong sagot kay Jhepeth.


Nasa kasarapa na kami ng kwentuhan ng may magsalita sa likod ng pinto ng kwarto ko.


“Win, nak merienda muna kayo. May niluto akong ginataan doon.” Sabi ni Mama.
Agad naman tumayo si Kenji sa kama at ngumisi sa amin sabay karipag ng takbo palabas ng kwarto ko.


“AY! Deadly Hungarian ang baby Kenji ko?” sabi ni Jhepeth na umiiling.


Sumonod kami bumaba ni Jhepeth habang tumatawa dahil sa ginawa ni Kenji.


Doon na namin ipinagpatuloy na lang ang kwentuhan namin at ng sumapit ang 6 pm ay umalis na ang dalawa para maka pag ayos na para sa lakad namin.


Ako naman ay nagpunta na sa kwarto ko at direcho sa shower para maligo.


Habang dumadaloy naman ang maligamgam na tubig sa aking katawan ay napaisip ako.


Sino ba talaga ang laman ng puso ko?


Sino ba ang kukumpleto sa akin?


Sino ba yung makakasama ko sa buhay ko?


Si Argel?


Si Donnie?


Parang timang naman ako na hawak ang loofa at parang tinatanong ito.


Natapos na ako maligo at nagtuyo na ng buhok. Namili na din ako agad ng aking isusuot na damit. Ng naka ayos na ko ay bumaba agad ako papunta sa sala  para magpaalam kay Mama tungkol sa lakad namin at agad naman na pinayagan ako nito pero kaakibat nito ay panaalalahanan ako nitong mag ingat.



7:30pm



Nasa sala ako at naghihintay lang sahil sa sabi ni Kenji ay susunduin daw ako ni Donnie ditto sa bahay.


Naka tanga naman ako sa TV at nanunuod sa telenovela na pinapanood ni Mama ng may nag doorbell.


Agad naman ako tumayo at binuksan ang pinto.


Si Donnie. Naka ngiti itong nakatingin sa akin hawak ang isang plastic container.


“Pasok ka muna.” Sabi ko sa kanya.


Pagkapasok naman niya ay agad niyang binati ang Mama at kapatid ko na nasa sulok na nagtatahi ng maliliit na damit ng manika niya.


“Ej para sa iyo.” Abot niya sa akin ng container.


Kinuha ko naman ito at binuksan agad.


“Cocoa Pops blocks! Donnie thank you!!!” Sabi ko sabay akap kay Donnie.


“Paborito ko ito Thank you talaga!”


“Wala iyon. Ginawa ko iyan kanina. Saka matagal ko na balak gumawa niyan naging busy lang kasi tayo noon sa final sa school.” Sabi sa akin ni Donnie na namumula ang pisngi.


“Ehem! Lovebirds lipad na kayo at baka hinihintay na kayo ng kabarkada ninyo.” Sabat ni Mama na 
pinapanood pala kami.


Nagkatinginan naman kami ni Donnie at napahagikgik.


“Sige Mama aalis na po kami ni Donnie at iiwan ko sa ref. ang bigay niya sa akin. Walang gagalaw ah. I love you!” Paalam at habilin ko.


“Sige ingat at hindi namin gagalawin ni Xang yun baka may gayuma. I Love You too nak.” Natatawang sabi sa akin ni Mama.


Paglabas naman namin ng bahay ay may nakita akong naka park na motor sa harap ng bahay.


“Yang ang ride natin!” ang sabi sa akin ni Donnie.


Napatingin naman ako sa kanya at nagkamot ng ulo.


“Kailan ka pa nagkaroon ng motor? Saka ang ganda ah!”


“Bigay ni Dad sa akin 2 days ago. Maganda kasi grades ko last sem eh. Saka para di na ako magcommute.” Sabi ni Donnie sa akin.


Lumapit na kami sa motor ni Donnie at inabot niya sa akin ang spare helmet niya at isunuot ko ito at sumakay na sa motor niya.


“Kapit na aalis na tayo.” SAbi niya sa akin na naka ngisi.


Agad niyang pinaharurot ang motor at dahil naman sa takot ay napa akap sa likod niya at inihilig ang ulo ko sa dito.


“Loko loko ka Donnie natatakot ako ang bilis mo magpatakbo!” Sigaw ko sa kanya.


Ngunit tawa lang ang sinagot sa akin ni Donnie.


Ng makarating naman kami sa bar na pupuntahan namin ay nakita namin silang tatlo na nasa parking lot naka sandal sa kotse ni Argel at nagkwekwentuhan.


“Che? Donnie? Asenso naka motor na ah!” Bati niya pagkakita sa amin.


“Bigay lang ni Dad sa akin ito.” Nahihiyang sagot ni Donnie habang pinapark ang motor.


Pagkababa ko naman sa motor ay kinilatis ako mula ulo hanggang paa ni Jhepeth.


“Che, ano meron sa get up mo? Summer?” Tawa tawa niyang bati sa suot ko.


“bakit pangit ba green and white checkered polo, kahki roll up pants at white chucks pagsamahin?” 
sabi ko sa kanya habang tinitignan ang sarili.


“Hindi. Cute lang. summer na summer ang dating.” Humahagikgik na sabi nito sa akin.


“Na conscious tuloy ako sa damit ko. Akala ko kung anon a. ikaw ano meron at ganyan ang suot mo. Short bay an o panty?”


“Ano ba di naman na maigsi ah! Halos kalahati na nga ng hita ko eh! Pangit ba get up ko?” sabi ni Jhepeth sa akin habang naka pose na parang nangaakit.


“Yung get up. Maganda. Ikaw pangit.” Banat ko sa kanya para makabawi sa kanina.


Paglingon ko naman sa tatlo at nagtatawanan ito at si Kenji ay naka thumbs up pa sa akin ito.


“Tara na pasok na nga tayo.” Aya ko sa kanilahabang tumatawa pa din.


“Che, babawi din ako sa iyo. Someday!” sabi sa akin ni Jhepeth sa tono ni Nora Aunor.


“Teka EJ may ibibigay ako sa iyo.” Sabi ni Argel saby bukas ng back seat ng kotse niya.


Dahil sa madilim ang loob ng kotse ni Argel ay di ko maaninag man lang kung ano ang kinukuha niya doon.


“Tadaaaaaaaaan! Teddy!” sabi niya sa akin pag harap sa akin.


Hawak niya ang isang gray na teddy bear na may heart a parang retaso sa dib dib nito at ng iabot naman niya sa akin ito ay halos matakpan na ako ng teddy bear dahil sa laki nito.


“Wow! Thank you! Ang fluffy! Teka bakit may ganito?” tanong ko sa kanya habang sumisilip sa likod ng teddy bear.


“Kasi kanina iniisip ko nab aka pag flower binigay ko sa iyo ay hindi ka matuwa. Saka sa tingin ko naman nagustuhan mo naman na iyan binigay ko sa iyo.” Sabi niya sa akin.


“Ah ganun ba? Salamat! Sige lagay mo muna diyan sa loob ng kotse mo. Mamaya pag uwi kukunin ko. Baka di ako maka sayaw sa loob niyan mamaya.” Sabi ko kay Argel habang humahagikgik.


Nilingon ko naman si Donnie pag kaabot ni Argel ng Teddy bear pra ilagay sa loob ng kotse. Nakita ko itong naka yuko at naka tingin sa sahig. Siniko naman ito ni Kenji at sinenyasan na nakatingin ako sa kanila. Pagtingin naman niya sa akin ay nag flash ito ng isang pilit na ngiti na sinuklian ko din ng isang matamis na ngiti.


“Hoy bilat! Pasok na nga tayo sa loob.” Aya at pangaasar sa akin ni Jhepeth.


Ng makapasok naman kami sa loob ng bar ay kakaunti pa lang ang tao dahil sa mag alas nuebe pa lang naman.


Agad naman kami nakahanap ng isang mesa para sa amin. Pinagitnaan naman ako nila Donnie at Argel. Si Donnie sa kanan at si Argel sa kaliwa.


Umorder naman si Jhepeth kaagad ng apat na bucket red horse at tatlong klase ng pulutan. Nagulat naman kaming apat sa ginawa ng lukaret na bestfriend ko.


“Peth, Patayan agad?” sabi ko dahil sa dami ng inorder niyang alak.


“Che RH bill lang iyan. Keri boom boom ley itey!” Maharot na sabi niya sa akin na may kindat pa sa dulo.


Sinimulan na namin mag inuman. Kaming apat naman ay nakakadalawang baso pa lang habang si Jhepeth ay halos isang bucket na ang naiinom.


“Huy Peth! Hanggang mamaya pa tayo ditto. Huwag mo gawing juice iyang alak.” Saway ko dito.


“Che, Keri ko itey. Gora lang kayo. Mamam lang! Marami Okane si atashi. Kaya yung mga sunod na timba sagot ko.” Sagot niya sa akin.


Napailing na lang ako dahil alam kong basta alak ay sugod ng sugod ang babaeng ito.



10:30pm



Nagsimula na dumami ang tao sa loob ng bar. Medyo tinamaan na din ako sa iniinom ko dahil sa mainit na ang pakiramdam ko.


Nagsimula na magpatugtog ang DJ ng magagandang dance music at remixes at dahil naman doon ay nag aya na si Jhepeth na pumunta sa dance floor at mag sayaw.


Agad naman ako tumayo at pumayag sa gusto niya dahil kanina pa ako naiindak sumayaw dahil sa magandang tugtog.


Ng inaya ko naman ang dalawang katabi ko ay si Donnie lang ang sumama sa akin at mag papaiwan na lang daw si Argel para mabantayan ang table namin.


Nakipag gitgitan naman kami papunta sa dancefloor dahil nga sa dami na din ng tao at ng nasa dance floor na kami ay todo sayaw ang ginawa ni Jhepeth kahit siksikan. Andiyan ang naka angkla ang  magkabilang kamay niya sa batok ni Kenji  at todo giling sa harap nito habang kagat kagat pa ang labi at dahil naman sa ginagawa ni Jhepeth ay kitang kita sa mukha ni Kenji ang pagkaasiwa sa ginagawa nito.


Samantala kaming dalawa naman ni Donnie ay halos magkadikit na an gaming katawan dahil sa nasiksik kami ng isang grupo sa tabi namin.


Habang nagsasayaw naman kami ay kitang kita ko sa patay sindi na ilaw nanamumula si Donnie dahil na din siguro sa nainom nitong alak.


Maya maya pa ay naging maharot na ang pagsasayaw ng nasa tabi namin at di sinasadyang mabungo ako nito at napasubsob ako sa dibdib ni Donnie.


“Ang bango.” Pabulong kong sabi.


“EJ ok ka lang ba?” sabi sa akin ni Donnie na nagaalala.


“Yeah! Ok lang ako.” Sabi ko sa kanya habang naka tingala at naka ngiti.


Siguro dahil na din sa tama ng alak ay lumakas ang loob ko at di na inalis ang aking ulo mula sa pagkakahilig sa dibdib ni Donnie.


Rinig na rinig ko ang mabilis na tibok ng puso at malalim na paghinga niya na lihim na nagpangiti sa akin.


Yumakap ako sa beywang niya habang nilagay ko naman ang kamay niya sa akin.


Ang mabilis na tugtog ay nagmistulang love song dahil sa mabagal at ayos ng pagsasayaw namin.


Sa sandaling iyon ay halos kasing tagal na ng isang siglo sa pakiramdam ko. Parang ayaw ko na din bumitiw sa pagkakaakap ko sa bewang ni Donnie.


Maya maya pa ay tumigil ang kanta at tumapat ang spotlight sa maliit na stage na naroroon.


Bumitiw na ako sa kanya at ganoon din siya sa akin at pagkatapos niyon ay bigyan ko siya ng isang matamis na ngiti na ibinalik naman din niya sa akin.


“Guys. Can I have your attention please.” Pagtawag  ng emcee sa mga tao na nasa loob ng bar.


“Since madami tanong ngayon ay napagdesisyonan ng owners na mag event ngayon. We need 8 males to teach us how to dougie at ang winner  ay makakatanggap ng 2000php worth of GCs from us.” Pagpapatuloy ng emcee.


“Cheeeee! Donnie!” sigaw ng Bruha kong bestfriend habang palapit sa amin.


“Kanina ko pa kayo hinahanap napalayo na kayo. Isali mo iyang si Donnie doon. Hahatakin ko naman si Argel.” Utos niya sa akin.


Napatingin naman ako kay Donnie at tumango ito sa akin. Senyales na pumapayag siya na sumali doon at may tama na nga din ito dahil di n aito tinatablan ng hiya.


“Sige isasali ko siya” sabi ko kay Jhepeth.


Agad naman sumipat si Jhepeth kasama si Kenji para sunduin si Argel.


At ng nagtawag na ang emcee ng contestants ay agad na umakyat sa stage si Donnie na kasunod si Argel na tinutulak ni Jhepeth para umakyat sa stage.


“Ok let’s start the dougie battle!” sabi ng emcee.


Agad naman tumugtog ang music at nag simulang pinasayaw isa isa ang mga contestants at dahil naman pang 7 si Argel at pang 8 si Donnie ay di muna ito nag sayaw.


Hiyawan ang mga tao sa mga nagsasayaw at halata naman sa mga ito na nageenjoy sila sa pinapanood.


Ng tinawag na si Argel ay kita pa sa mukha nito na nahihiya ito pero nung tinawag ko na ito at kinawayan at sinenyasan na ok lang ay sumenyas ng ok sign sa akin ito.


Nagsimula na sumayaw si Argel. Magaling din ito sumayaw at nagpapacute pa sa audience.


“Look like we got a cute guy showing his moves here.” Sabi ng emcee na nakatitig kay Argel.


“Hoy Kay Bestfriend ko na iyan. Malanding Beki!” Sigaw ng siraulong Bestfriend ko.


Natapos na si Argel at si Donnie naman ang sumunod dito.


Maharot na sumayaw si Donnie sa stage at may pakindat kindat pa sa akin ito at maya maya pa ay nag tangal na ito ng kanyang t shirt. Dahil doon ay lalong naghiyawan ang mga tao at napako din ang mata ng emcee sa kanya.


“Che, Ang hot ni Donnie. Shuta ang yummy!” maharot na sabi sa akin ni Jhepeth.


“Uhmmmm! Lukaret! Pigilan mo na iyon. May tama na iyon.” Batok sabay utos sa kanya.


Agad agad naman lumapit sa stage si Jhepeth at Kenji para pigilan si Donnie sa gingawa nito dahil baka tuluyang ng maghubad ito. Ng mapigilan naman ng dalawa ito ay itinuro ako ng dalawa rito at parang bata naman itong tumalima at nginisian naman ako.


As expected nanalo si Donnie dahil sa kalokohan na ginawa nito sa stage at pinanalo din siya dahil nga sa dumagundong ang bar sa hiyawan ng tao sa kanya.


Tuwang tuwa naman si Jhepeth sa nakuha namin GC dahil mababawasan daw ang babayaran namin dahil doon.


Bumalik naman kami sa table namin at ipinagpatuloy ang inuman, kwentuhan at tawanan.


Maya maya pa ay naantala ang inuman namin dahil may tumigil na babae sa harap ng table namin at lumapit kay Argel.


Si Argel naman ay parang naka kita naman ng multo. Halos mamuti na ang labi niya sa nakikita niya.


“Hi Babe! Gigimik ka din pala dito di mo sinabi sa akin kanina habang nasa mall tayo. Saw you kanina sa stage ang galing mo sumayaw.” Sabi ng babaeng nasa harap na ngayon ni Argel at parang ahas na pumulupot sa kaliwang braso nito.


Nagkatinginan naman kaming tatlo nila Jhepeth at Kenji. Pareparehong may nagtatakang tingin ang pinukol sa isa’t isa. Sinenyasan ko naman si Jhepeth na tanungin ang babaeng ito.


“Excuse me miss sino po sila?” Lakas loob na tanong ni Jhepeth.


“Oh sorry for my rude manners. I’m Angelica.” Pakilala niya sa amin.


“And how are you affliated to Argel?” tanong ulit ni Jhepeth.


“I’m His Girlfriend.” Proud na sabi nito sa amin sabay hawak sa mukha ni Argel at mariing hinalikan ito.


Parang binato naman ako isang malaking bato sa ulo sa narinig ko at nakikita ko.


Kasabay naman niyon ay bumulusok ang pinaghalong galit, inis at awa ko sa sarili ko.


Galit dahil sa parang pinagtaksilan ako ni Argel. Manliligaw na lang may Girlfriend naman pala.


Inis dahil hindi ko man lang ito napansin or nakitaan ng clue na may girlfriend ito.


At awa dahil sa hinayaan kong mahulog ang loob ko sa kanya.


At ang tatlong damdamin na iyon ay umakyat na lahat sa ulo ko. Isama mo na din ang tama ng alak sa akin.


“Ang ganda pala ng nanay mo at ang sweet ninyo.” Galit na sabi ko kay Argel.


“It’s a Kissing game pala. Multiplayer ata ito pasali ha!” Sabi ko ulit sa kanila.


Tinunga ko ang bote ang Red horse sa harap ko at pagkababa ko dito ay tinignan ko si Donnie. 


Pagbalik naman ni Donnie ng tingin sa akin ay sinungaban ko ng halik ito. Halik na mapusok at nagaalab. Halik na alam kong makakainsulto kay Argel.




Itutuloy.


Kiss The Rain Chapter 6  

Posted by Erwin F. in

Pauna: Salamat po sa patuloy na sumusubaybay sa aking istorya na ginagawa. Pasensya na po kayo sa late na pag update. sobrang busy kasi sa office lately. si boss kasi nasa London pa so lahat ng work naka tambak sa amin.

Kenji – Friend salamat sa pag review! love na love talaga kita! ^_^ sama mo na si Jhas dun! hehehehe!

Kuya Jeffy – Ganda ganda ng Blog na. :P

Vincy – Lakas mang bola. lagi kinikilig pa pina pa proof read ko. hahahaha!

Ernes_aka_Jun, Jack, Jayfinpa, Ram, Chris, Wastedpup Cutie Pinoy Gay Guy, Darkboy13, Gerald, Slushie.Love, Zenki, Roan, Ice, Icy – Guys maraming salamat po!

 Pati na din sa mga silent reader at anonymous diyan. salamat po!


Kiss The Rain

Chapter 6 (Mama meets the boys)



______________________________________________________

Argel Joseph Francisco
______________________________________________________


“Hala!” ang tanging nasabi niya.

Napa ngisi naman ako sa naging reaction niya.

“Di ba napaka aga naman kung manghaharana ka sa bahay Argel?” Sabi niya sa akin na may alangan na ngiti.

“Sige huwag na lang. hatid na kita.” Malungkot ko na sagot sa kanya.

“Argel, sige na nga sabagay naman gusto ka makilala ni Mama. Be prepared lang.” may lambing na sabi niya sa akin.

“Talaga?! Alam ng Mama mo EJ? Open ka sa inyo? Manghang tanong ko sa kanya.

“Sa bahay mo na lang malalaman lahat.” Sabi niya sa akin sabay kindat.

Sumakay na kami sa kotse at nag drive na papunta sa bahay nila EJ.

Tahimik lang kami sa loob ng kotse.

Siguro dahil sa kabado ako sa aking gagawin mamaya. At siya naman siguro dahil sa sasabihin ng magulang niya sa kanya.

Agad naman kami nakarating sa bahay nila EJ dahil sa walang maluwag ang traffic at tinuro niya sa akin ang mga daan na kung saan ay mas madali kami makaka punta sa kanila.

Nag park na ako sa harapan ng bahay nila EJ at medyo tensed na ang pakiramdam ko at mukhang napansin naman ni EJ ito.

“Hinga muna ng malalim. Di lalaban ang manibela sa iyo. Higpit ng hawak mo eh!” Sabi ni EJ sa akin na naka ngiti.

Ginawa ko naman ang sinabi niya sa akin at binalikan ko siya ng isang ngiti.

“Tara na pasok na tayo sa bahay.” Aya niya sa akin.




______________________________________________________

Erwin Joseph Fernandez
______________________________________________________



Bumaba na ako ng kotse at sinenyasan siya na sumunod sa akin.

Kinuha naman niya ang cake at ang gitara sa likod bago isara ang kotse.

“ako na magdadala ng cake.” Presenta ko sa kanya.

Inabot niya sa akin ang cake at napansin ko na may butyl butyl na pawis sa noo niya.

“Wag ka kabahan. Mabait si Mama. Open ako sa kanya. Saka hindi naman nangangagat yun.”

“O-o-ok. Sige halika na.” kabadong sagot niya sa akin.

Nauna akong pumasok sa kanya at siya ay tumayo muna sa harap ng pinto pagkapasok.

Pagkapasok ko ng bahay ay nadatnan ko si mama na nasa sala at nanunuod ng horror movie kasama ang kapatid ko.

“Mama, andito na ako. May kasama ako.”

“Win, nak. Buti naman. Sino kasama mo?” tanong ni Mama.

“Before yun Ma. Cake dala niya para sa atin.”

“Parang alam ko na kung sino kasama mo. Ngiting sagot sa akin ni Mama.

“Sino sa dalawa yan. Paupoin mo na doon sa sofa at gagawa muna ako ng milk tea sa kusina.” Dugtong ni Mama.

Binalikan ko si Argel sa may pinto at pina upo na sa sofa.

Tumabi naman ako sa kanya. Maya maya pa ay nilingon kami ng kapatid ko at tinitigan.

“Kuya. Anong pangalan mo?” tanong ng kapatid ko sa kanya.

“Argel. Ikaw ano pangalan mo?”

“Rizza. Pero Xang na lang. Kuya type mo kuya ko?” Pakilala at tanong niya ulit.

Napa hagikgik na lang ako sa tanong ng kapatid ko. Habang si Argel naman ay napalunok sa narinig niya.

“mas matinik kay Mama yan.” Bulong ko kay Argel.

Napatingin si Argel sa akin at tumango na lang ako. Senyas na ok lang na sagutin niya ang kapatid ko.

“O-o-oo. Gusto ko siya.” sagot niya.

“Ahhhhh…. Mabuting maliwanag. Mabait yang kuya ko. Huwag mo lang gagalitin magaling sa Taekwondo yan.” Pagkatapos naman niya sa sinasabi niya ay tumutok ulit ito sa panonood sa tv.

Napatingin ulit sa akin si Argel at binigyan niya ako ng isang nagtatanong na tingin.

“Oo nag taekwondo ako noong highschool ako.” Sabi ko sa kanya na kamot kamot ang ulo ko.

Napatango lang siya sa akin.

Maya maya pa ay dumating na di Mama na may dalang tray ng milk tea. 3 iced at isang mainit at apat na slice ng cake na dala ni Argel.

“Hijo inom at kain ka muna.” Abot ni Mama kay Argel ng maiinom.

“Mama, Si Argel po pala. Argel, Meet my ever dear Mama.” Pakilanlan ko sa kanila.

“Magandang gabi po.” Sabi ni Argel sabay mano sa Mama ko.

Napataas ang kilay ko ginawa niya.

“Aba ang bait mo naman. Pero please skip the mano na. it makes me feel old. Hahahaha!” Pag pansin ni mama sa ginawa ni Argel.

Naging maayos naman ang naging takbo ng usapan namin at mukhang natuwa pa si Mama kay Argel. Naalis naman ang hiya ni Argel kay Mama kaya naging mas open si Argel sa kanya.  Madami sila napagusapan  kasama na dito kung taga saan siya, saan nagaaral, anong course saka kung open ba siya sa family niya. Doon ko din nalaman na discreet pala siya at hindi alam sa family niya na ganoon siya.

Maya maya pa ay napansin naman ng kapatid ko na may dalang gitara si Argel.

“Kuya Argel, Para saan ang gitara?” tanong ng aking kapatid.

“Ah- Eh.. kakantahan ko sana kayo.” Sabi ni Argel

“Palusot ka kuya. Harana ka sana sa kuya ko nuh?” Sabi ng kapatid ko sa kanya na natatawa.

Si Mama at ako naman ay natawa dahil sa pagkabuko ng palusot ni Argel.

“Argel, Kanta ka na. Show us your talent” Udyok ni Mama sa kanya.

Napatingin naman si Argel sa akin at bingyan ko na lang siya ng tango.

Kinuha naman niya ang gitara niya at nag simulang tumugtog.

Kita naman sa mukha ni Mama ang pagkasabik sa kakantahin ni Argel.

Intro pa lang ay alam ko na kung ano ang kakantahin niya at natawa na lang ako.

Marry your Daughter – Bryan Mcknight





Ma'am, I'm a bit nervous

About being here today

Still not real sure what I'm going to say

So bare with me please

If I take up too much of your time.

See in my hand is a ring that your son gave .

he's my everything and all that I know is

It would be such a relief if I knew that we were on the same side

Cause very soon I'm hoping that I...

Napatingin na natatawa naman si Mama sa akin dahil sa pag alter ni Argel sa lyrics. Habang ako naman ay di alam kung kikiligin ba ako o mahihiya dahild sa mensahe ng kanta.

I'll marry your son

And make him my groom

I want him to be the only boy that I love for the rest of my life

And give him the best of me 'til the day that I die, yeah

I'm gonna marry your prince

And make him my king

he'll be the most wonderful groom ever seen

I can't wait to smile

When I walks down the aisle

On the arm of my father

On the day that I marry your son

Napasipol at napaakap sa throw pillow naman ang kapatid ko sa narinig niya. Kinilig din ata siya.

I'm gonna marry your son

And make him my groom

I want him to be the only boy that I love for the rest of my life

And give him the best of me 'til the day that I die, yeah

I'm gonna marry your prince

And make him my king

he'll be the most wonderful groom ever seen

I can't wait to smile

When I walks down the aisle

On the arm of my father

On the day that I marry your son



Maya maya pa ay si Mama ay tinatapik na balikat ko at sumenyas na kinikilig siya. Napahagikgik na lang ako sa pinakita ni Mama sa akin. Di ko naman masisi si Mama oo  nga naman sino ba di kikiligin sa ginagawa niya.



The first time I saw him

I swear I knew that I'd say I do


I'm gonna marry your son

And make him my groom

I want him to be the only boy that I love for the rest of my life

And give him the best of me 'til the day that I die, yeah

I'm gonna marry your prince

And make him my king

he'll be the most wonderful groom ever seen

I can't wait to smile

When I walks down the aisle

On the arm of my father

On the day that I marry your son



“Pakakasalan daw niya ako. Mahabagin Diyos ko.” Ang nasabi ko na lang sa sarili ko.

Pagkatapos naman niya kumanta ay napatingin ako sa kapatid ko at parang sira ito na naka ngisi sa akin at naka double thumbs up pa. Napailing na tumatawa lang ako sa kanya.

“Wala ba kayo mga kamay?” Naka ngiting sabi ni Argel sa amin.

Palakpakan naman kami nila Mama at ng kapatid ko.

Napansin ko naman na 15 mins na lang ay mag 12am na.

Nag senyas ako kay Argel. Tinuturo ko wrist watch ko at na gets naman niya agad ito.

Nagulat pa siya na mag 12am na at nagmadaling paalam sa Mama ko na uuwi na siya dahil baka mapagalitan siya ng magulang niya.

Bago naman siya umalis ay may pinahabol si Mama sa kanya.

“Argel, Remind ko lang lalaki pa rin anak ko.” Sabi ni mama bago siya sumakay ng kotse niya.

“Tita Sex or gender doesn’t matter on love. Kung sa kanya ba ako po sasaya bakit hindi di ba? Kahit na against all odds I’ll be with EJ.” Sabi niya kay Mama sabay kindat sa akin.

Halos mamatay naman ako sa kilig sa sinabi niya ata nakita naman ni Mama ito at ngumiti sa akin.

“Oh sige hijo ingat ka sa pag drive. Nice meeting you. Be nice on my Erwin ok?” Paalam ni Mama kay Argel.

“Opo. Salamat po Tita. Sige po uwi na ako. Bye EJ!” Si Argel.

“Bye Argel! Good night na din. ” paalam ko.

Bago niya patakbuhin ang sasakyan at kinawayan muna niya ako at kumindat muli.

Ng makalis na si Argel ay pumasok na kami ni Mama sa loob ng bahay at hinawakan ang ulo ko at ginulo buhok ko.

“Hay naku. Ang laki mo na talaga. Dati ang boys kalaro mo lang diyan sa harap ng bahay. Ngayon Manililigaw mo na.” Tawa tawang sabi ni Mama.

“Mama naman eh…. Di ko naman po kasalanan.” Sabi ko.

“Hala sige matulog na tayo. Wala ka pasok bukas at mag grocery tayo.” Natatawang si Mama ko.

“Opo. Goodnight Mama. Thank you!” Sabi ko sabay karipas ng takbo paakyat sa kwarto ko.

As usual pagkapasok ko ay ginawa ko ang routine ko at natulog na ako.




______________________________________________________

Donnie Domingo
______________________________________________________



Nagising sa ako sa mainit na sinag ng araw na galing sa bintana ng kwarto ko.

Tinignan ko ang orasan at 8:30am na bagong araw nanaman.

Bumangon na ako sa kama at nag ligpit ng pinag higaan ko. Bumaba ako sa kusina dahil alam ko na doon unang pumupunta si Dad para magluto ng almusal namin. Pero bigo ako wala akong Dad na inabutan kundi almusal ko na may takip at may isang kapirasong papel.

Don,maaga akong pumasok sa trabaho. Ikaw na bahala sa bahay at mag grocery ka na din. Wala na tayong stock. Nasa ibabaw ng ref yung listahan ng bibilhin mo at ang pera na kailangan mo.

-Daddy mo

Yun ang nakalagay sa papel.

“Sipag ni Dad talaga.” Sabi ko sa sarili.

Kumain na ako ng almusal at naglinis ng kaunti sa bahay. Pagkatapos naman niyon at naligo na ako at nag ayos para maka punta sa malapit na supermarket sa lugar namin.

Pero bago ako pumunta sa supermarket ay nag daan muna ako sa malapit na simbahan sa lugar namin para umattend ng misa. Minsan lang ako magpaka banal saka ayaw ko naman makalimot sa nasa itaas.

Maganda ang naging sermon ng pari. Tungkol ito sa panliligaw.

“Sa mga kabataan. Marami ang nanliligaw lang sa inyo para maka kuha ng throphy na pwede ninyo ipakita sa kaibigan o barkada ninyo o para masakatuparan ang makamundong pagnanasa ninyo. Tandaan ninyo. Pagnanligaw kayo kaagapayan ninyo ito ng pagmamahal at takot sa Diyos.” Sabi ng pari.

Tumatak naman sa akin ang mga linya na iyon at inistema ko ang sarili ko. Wala naman akong nakitang makamundong pagnanasa para kay EJ. Basta isa lang alam ko.

Gusto ko siya makasama, mahalin at protektahan. Pero sapat na ba iyon? Ah basta Susuong na ako sa panliligaw.

Natapos naman ang misa ng maayos. Papalabas n asana ako ng may marinig akong tumawag sa pangalan ko.

“Papa Donnie! Yuhuuu! Lingon ka! Ditechiwa akech!” sabi sa akin ng napaka pamilyar na boses.

Paglingon ko naman ay di ako nagkamali sa aking hinala.

“Peth! Uy kasama mo pala si Kenji.” Sabi ko sa kanila.

“Yo!” walang kalatoy latoy na bati ng asiwang si Kenji sa akin.

“Peth, nagsisimba ka pala. Wala bang umuusok na parte diyan sa katawan mo?” Biro ko kay Jhepeth na naka angkla sa isang braso ni Kenji.

“Naman! Ano tingin mo sa akin Devil?” Sagot ni Jhepeth sa akin na naka taas pa isang kilay.

“Oo. Demonyo ng buhay ko.” Sabi ni Kenji.

Nakita ko naman nag salubong ang kilay ni Jhepeth sa sinabi ni Kenji na iyon at inambahan nito ng suntok si Kenji na handa naman umlilag.

Natawa naman ako sa eksena ng dalawa. Kung sino pa ang maliit siya pa ang matapang at sino pa malaki siya pa under.

“Sige bago kayo mag rambulan dalawa aalis na ako at mamimili na ako ng grocery stocks namin.” Sabi ko sa dalawa.

“Wait. Sasama ako. Tulungan na kita Donnie.” Sabi ni Kenji na iniwan si Jhepeth.

“Paano na si Jhepeth? Bakit iniwan mo?”

“Yaan mo na siya kinaladkad lang ako nun galing sa bahay tapos sapilitang sinama mag simba. Saka aalis yun kasama ang pamilya niya maya maya.” Mahabang paliwanag niya sa akin.

“Ahhhhhhhhh…… Sige.” Sabi ko na lang

Nilakad na namin ni Kenji papunta sa super market total walking distance lang at malilim ang umagang iyon.

Ng makarating naman kami sa loob ng super market ay nakipag unahan naman si Kenji sa akin na makipag kuhaan ng shopping cart. Parang bata na kumakanta kanta pa ito ng isang Kpop song habang tinutulak niya ito.

“Mag kakaibigan nga sila ni EJ at Jhepeth. Iisa ang takbo ng utak.” Sabi ko sa sarili ko habang tinitignan ang pinag gagawa ni Kenji.

Nasa kalahati na ako ng aking listahan na bibilhin ay nakita ko si EJ na nasa kabilang aisle na may kasamang babae.

“Kenji, Di ba si Ej yun?” tanong ko sa aking kasama.

“Ah oo nga! Si EJ kasama Mama niya. Hala hanggang ngayon nag Coco pops pa din yun.” Sabi niya sa akin.

“Coco pops? Yung breakfast cereal?” Tanong ko ulit sa kanya.

“Yeah! Jusko bata pa lang daw paborito na niya yun. Sabi ng Mama niya sa akin.” Sagot niya ulit sa akin.

“Ah ok.” Sagot ko sa kanya.

Nakaisip naman ako ng paraan para mag pa impress kay EJ.

“Donnie tara lapitan natin.” Sabi ni Kenji sa akin.

Agad naman niya tinulak ang cart at tinawag si EJ.

“Erwinnnnn Frienddddddd koooo!” Sigaw ni Kenji habang kumakaway.

Napa lingon naman si Ej sa lugar namin at napangiti na nakita si Kenji at ako.

“Uy namimili din pala ko ngayon?” bati niya sa amin.

“Hi EJ.” Bati ko sa kanya na medyo nahihiya pa dahil sa kasama niya ang kanyang Mama.

“Hi Donnie, kamusta?” bati at pangangamusta niya sa akin na may kasamang matamis na ngiti.

“Ok naman ako. Mama mo kasama mo?” tanong ko sa kanya.


______________________________________________________

Erwin Joseph Fernandez
______________________________________________________


“Yup! Teka pakilala kita.” Sabi ko kay Donnie.

Lumapit naman ako kay Mama na kanina pa nakatingin sa amin.

“Ma, halika sandali po. Pakilala ko si Donnie sa iyo.” Saabi ko kay Mama sabay hila sa kamay niya.

ng makalapit na kami sa lugar nila Kenji at Donnie ay nakita kong medyo tensed na si Donnie. Sinalubong lamang ako nito ng isang pilit na ngiti.

“Hi Tita!!!” Bati ni Kenji sa aking Mama na kumakaway pa.

“Oh kamusta Kenji asan na si GF mo?” Tatawa-tawang biro ni Mama kaw Kenji.

Bigla naman nalukot ang mukha ni Kenji sa sinabi ni Mama.

“Tita naman. Alam mo naman nalamangan lang ako ni Jhepeth noon.” Dabog dabog na parang batang sabi ni Kenji.

Natawa lalo si mama sa ginawa ni Kenji. Pero napansin niya na tahimik na nakikinig lamang ang lalake sa likod nito.

“Hi hijo you must be Donnie. Tama?” Sabi ni Mama.

“Opo Mama siya si Donnie.” Magiliw ko naming sabi.

“Magandang umaga po.” Nahihiyang bati ni Donnie.

Nagkwentuhan naman kami habang nag iikot sa mga aisle at kinukumpleto ang pamimili.

Si Mama naman ay tanong ng tanong ng common questions kay Donnie.

Kita naman sa mukha ni Mama na gusto din niya ito.

Ng matapos mamili naman ay nag aya si Mama na kumain sa Jollibee.

Sinama naman ni Mama si Donnie na mag order sa  counter at iniwan kami ni Kenji sa  isang 4 seater na table.

“Win, Kinakabahan si Donnie sa Mama mo.” Sabi ni Kenji sa akin habang nakatingin sa kila Donnie sa counter.

“Oo nga pero Mama seems to like him naman. Napapangiti kasi sa mahiyaing ugali na pinakikita ni Donnie.” Sabi ko na di inaalis din ang tingin sa counter.

Maya maya pa ay dumating na sila Donnie na dala ang aming order na nasa tray sa tig isang kamay.

Napakamot naman ng ulo si Mama ng tignan namin ito.

“Makulit ayaw ako pagdalhin.” Sabi ni Mama sa akin.

Si Kenji naman ay agad na tinulungan si Donnie sa dala nito at lumipat ng upuan para magkatabi kami ni Donnie. Ng magkatabi naman kami ni Donnie na ay aagad kong tinanong ito.

“Ok ka lang ba?”

“Oo. Nahihiya lang ako sa Mama mo.”

Habang kumakain naman kami ay tuloy pa din sa tanong si Mama. Pero di na lang kay Donnie kundi pati sa akin na. Si Kenji naman ay tahimik at busy na kumakain ng spaghetti.

Doon din nalaman ni Mama talaga ngan nanliligw si Donnie sa akin. Pero wala naman kaso ito kay Mama.

Medyo ease  na si Donnie habang tumatakbo ang paguusap namin nila Mama.

Si Mama naman ay todo ang pag habilin sa amin. Puro mga do’s and don’ts ang mga ito.

Nagyaya naman si Mama na umuwi na ng matapos kami kumain dahil sa naalala niya na naiwan lamang ang aking kapatid magisa sa bahay.

Nag makalabas ng Jollibee ay pumara ng taxi si Mama at tunulungan naming tatlo na isakay ang lahat ng napamili namin.

“Donnie, Txt txt na lang tayo ah. Ingat ka sa pag uwi.” Sabi ko kay Donnie bago sumakay sa taxi.

“Sige mamayang gabi tawag ako sa iyo. Bye bye.” Sabi sa akin naman ni Donnie na nakatingin sa mata ko.

“Friend, Tunaw ka na. hehehehe!” Singit ni Kenji bigla sa amin.

“Sige Nagaantay na si Mama alis na ako.” Paalam ko sa kanila.

Bago ako sumakay ay nilingon ko muna sila at nakita ko naman si Donnie na kumaway sa akin at nag senyas ng heart sa akin. Kumaway naman ako pabalik dito at nag heart sign din at sumakay na sa loob ng taxi.

Pagkasakay ko ay pinaandar na ng driver ang taxi.

“Nak, I like Donnie din. Mahiyain pero same as Argel ramdam ko din na seryoso din siya sa iyo.” Sabi ni Mama sa akin.

Nagiti na lang ako at napakap kay Mama.

“Ma, Thank you!” sabi ko sa kanya habang akap akap ko.



Itutuloy.



Kiss The Rain 5  

Posted by Erwin F. in

Pauna: Salamat po sa patuloy na sumusubaybay sa aking istorya na ginagawa. Pasensya na po kayo sa late na pag update. sobrang busy kasi sa office lately. si boss kasi nasa London pa so lahat ng work naka tambak sa amin.

Kenji – Friend salamat sa pag review! love na love talaga kita! ^_^ sama mo na si jhas dun! hehehehe!

Kuya Jeffy – Kuya Jeffy asan na si Jiro na Santa mo?

Vincy – Lakas mang bola. lagi kinikilig pa pina pa proof read ko. hahahaha!

Ernes_aka_Jun, Jack, Jayfinpa, Ram, Chris, Wastedpup Cutie Pinoy Gay Guy, Darkboy13, Gerald, Slushie.Love, Zenki, Roan, Ice, Icy – Guys maraming salamat po!

Pati na din sa mga silent reader at anonymous diyan. salamat po!

Kiss the rain
 

Chapter 5 (What?!)
_________________________________________________

Erwin Joseph Fernandez
_________________________________________________

“ANOOOOO?!” Pasigaw kong nasabi pagkatapos ng marinig ko sa dalawang lalake na pinapagitnaan ako.
Actually di ako nagulat kay Argel at sa sinabi niya sa akin. Oo halata nga na gusto niya ako.

Kay Donnie. Oo sa kanya ako nagulat. Not knowing na gusto pala niya ako.

Kappa pala ganuon ang mga tingin niya sa akin at di siya nagalit ng minsan mag lapat ang mga labi namin noon ng di sinasadya.

Kay Argel naman. Misteryoso pa din dating niya sa akin and that makes him intresting to me.

Nakaakbay pa din si Donnie sa akin habang palipat lipat ako ng tingin sa kanilang dalawa ni Argel.

Medyo masama ang tinginan ng dalawa. Nasa mata ni Argel ang panghahamon habang ang kay Donnie naman ay kagustuhan na pagtangol ang isang tao naman.

Maya maya pa ay naka recover at na absorb ko na ang sinabi nila sa akin.

“Argel, Seryoso ka bas a sinsasabi mo? I mean na liligawan mo ako?”

Pagkatanong ko naman kanya ay tumingin siya sa akin at bigla naman nag shift ang facial expression niya. Mula sa masamang tingin niya kay Donnie ay naging maamo ito at inakbayan naman din niya ako.

“Oo naman. Di lang liligawan Ipaglalaban pa kita kahit kanino.” Buong sinseridad na sabi niya sa akin.

“Salamat Argel.” Sagot ko sa kanya na may patagong kilig.

Paglingon ko naman kay Donnie ay naka tingin na ito sa akin ng buong lambing at parang hinihintay niya ang tanong ko.

“Donnie ikaw sigurado ka na ba sa desisyon mo? Di ka ba naguguluhan lang?” tanong ko sa kanya.

“Oo. Sigurado na ako. Lahat ng hiling mo ibibigay ko. Huwag mo lang hilingin na iwan kita.” Sabi niya sa akin habang lalong humihigpit ang pagkakaakbay niya sa akin.

“Tol, may the best man win. Saka dahan dahan naman sa akbay baka madurog ang baikat ni EJ.” Biglang sabat ni Argel.

“Oo ba. Sana lang huwag mo sasaktan si EJ kundi malilitikan ka sa akin. Mukha ka pa naman playboy.” Sabi ni Donnie.

Kumalas ako sa kanilang dalawa at nag halukipkip ng aking braso.

“Hep hep hep! Ayaw ko ng away at wala ako balak maging referee sa inyo.”  Pagitna ko sa dalawa.

Nasa ganoon naman akong sitwasyon ng makita ko si Jhepeth at Kenji na papalapit sa amin.

“Che, Dalawang papa! Anyareh?! Sigaw niya sa akin habang karat karay niya si Kenji.

Ng makalapit naman siya sa amin ay kumakaway ito na parang batang hyper at naka ngisi.

“Peth, Liligawan ko na ang best friend mo.” Sabi ni Argel.

“Ako din Peth.” Si Donnie.


“ Ayyyyyyyyyyyyyyy! Bongga! Ang gondo gondo mo talaga che!”  tili niya sabay hawak sa magkabilang kamay ko at nagtatalon.

Pagkatapos naman niyon ay inayos ni jhepetha ng sarili at humarap sa dalawa.

“Ehem! Ehem! Sure ba kayong dalawa?” Sabi niya sa na nakataas na kilay pa.

“Oo!” sabay na sabi ni Argel at Donnie.

Si Kenji naman ay nasa isang tabi lang at nakikinig sa usapan.

“O h sige may basbas ko na layong dalawang beki na gwapo at yummy na ligawan ang bestfriend ko. Basta sa isang kundisyon.” Si Jhepeth.

“Ano?” sabay na sabi ulit ng dalawa.

“Kayong dalawa  need to fight for my best friend’s heart fair and square. No dirty tricks and no hitting below the belt.” Seryosong sabi pa din ni Jhepeth.

“Ok I get it.” Si Argel.

“Sige kayak o gawin yan.” Si Donnie.

Nagmamasid lang ako sa kanila ng mapansin ko na wala si Kenji sa kinatatayuan niya kanina.


“Ito ang premyo ninyo isang gwapong prinsipe na pantasya ng karamihan.” Sambit niya bigla sa likod ko sabay hawak sa magkabilang balikat ko.

Napaigtad naman ako sa ginawa ni Kenji na pagsulpot sa likod ko.

“Friend nakakaingit ka. Dalawa iyang pinagaagawan ka? Pwede akin na lang talunan? Ako consolation prize.: bulong niya sa akin.

Natawa naman ako bigla sa binulong sa akin ng aking kaibigan.

“huwag aawayin ako nun pag binigay ko sa iyo ang isan.” Sabay turo k okay Jhepeth habang humahagikgik.

Napa buntong hiinga at iling na lang si Kenji sa sinabi ko.

Nakaramdam naman ako ng gutom sa paguusap at kaganapan na iyon. Naalala ko naman na di papala ako kumakain at di ko pwedeng papasukin si Argel sa loob dahil di naman siyataga school namin at gate crasher ang labas niya pag naka lusot man. Kaya napagpasyahan namin na kumain na lang sa likod ng kalapit na mall.

Tapsilugan ang bagsak namin. Sa may bangdang likod kaming lima naupo.

At syempre dahil nasa tapsilugan kami ay tapsilog kinain namin. Hahaha!

Habang kumakain naman kami ay todo ang asikasao sa akin ni Donnie at Argel. Andiyan yung bibigyan ako ng inumin ni Donnie. Pupunasan ni Argel ang bibig ko pag may ketsup na kumalat (oo ang messy ko kumain nuh?) at ang pag sabay nilang pag subo sa akin ng tapa.

Si Jhepeth naman ay nanunuod at kinikilig. Ginaya naman niya ang ginagawa ng dalawang lalake sa tabi ko kay Kenji. Kita naman sa mukha ni Kenji na asiwa na ito sa pinag gagawa ni Jhepeth.

Pagkatapos naman namin kumain ay nag aya si Jhepeth sa plaza na kung saan ako madalas maglagi bago umuwi.


Naglakad lakad muna kami dahil sa suhestiyon ni Jhepeth at ayaw daw niya magkabilbil.

Napapagitnaan pa rin ako ni Donnie at Argel habang naglalakd kami habang sila Jhepeth at Kenji naman ay nasa di kalayuan. Nakakatawa naman sila tignan kasi pilit inaalis ni Kenji ang pag angkla ng mga braso ni Jhepeth sa bisig niya pero aambahan siya ng suntok ni Jhepeth kaya pababayaan na lang nito ito sa kanyang ginagawa.

“EJ, Naalala mo ba yung aksidente natin nung Friday?” Pagtwag ng pansin sa akin ni Donnie.

Napatingin lang ako sa kanya at isang tango lang ang sagot ko sa kanya.

Naramdaman ko naman nanag init ang mukha ko.

“Ej, ano yung aksidente na iyon?” buong pagtataka na tanong ni Argel.

“Ah….. Eh…. Natalisod ako sa ugat ng puno….” Mabagal at naka yuko ko na sagot sa kanya.

“Tapos sinalo ko siya at we accidentally kissed.” Masayang pagdugtong ni Donnie sa sinabi ko.


Di ko naman alam kung bakit sinabi ni Donnie iyon.

“Ano?! Naka first base ka na agad sa EJ ko?” gulat na sabi ni Argel.

“Aksidente lang iyon Argel.” Sabat ko.

“Accident permitted by God. Hehehehe!” tawa tawang sabi ni Donnie.

“Ay tamana nga! Uwi na tayo. Pagod na ako.” Aya ko sa dalawa bago pa man may mamuong tensyon.

Naglakad ako papunta sa sakayan kung saan sari sari ang nagdadaan na sasakyan.

“Hatid na kita.” Sabay na sabi ng dalawa sa akin pagtigil ko ng paglalakad ko.

“Mga papa anez kayiz? Nagsasabayan kuda?” Epal ni Jhepeth sa likod na naka sunod lang sa amin.

“Donnie, diyan ka muna sandali.” Paalam ko kay Donnie.

“Sige. Hintayin kita.” Sagot niya.

Inilayo ko muna si Argel para makapag paalam sa kanya ng maayos.

“Argel. Sabay sabay na kami. Pwede ka na mauna. Mukhang napagod ka sa school. Saka mga weirdo kasabay mo naka costume kami. Hehehe!” sabi ko sa kanya.

“Pero gusto kita hatid.” Malungkot na sabi niya sa akin.

“Bukas after school ikaw mag hatid sa akin. Promise.” Naka ngiti kong pag suyo kay Argel.

“Sige aasahan ko bukas iyan ha.” Ngiting sagot niya sa akin.
_________________________________________________

 Donnie Domingo
_________________________________________________

Habang nag papaalam naman si EJ kay Argel ay lumapit naman si Jhepeth sa akin.

“Papa Donnie, This is your chance. Mauna na kami ni Kenji papasama ako sa kanya daan kami nightsale ulit.” Sabi sa akin Peth sabay kindat.

Hinila na niya palayo si Kenji at sumakay na sa isang taxi at agad umandar ito palayo.

Pagkabalik ni EJ ay napakamot ang ulo nito at lingon ng lingon.

“Nauna na sila Jhepeth. Nagpasama kay Kenji may bibilhin daw sa Night sale sa divisoria.” Sabi ko sa kanya.

“Hmpf! Tinakasan lang ako niyon at dinamay pa si Kenji. Lagot sa akin bukas iyon.” Sabi niya sa akin.

“Wag ka na magalit. Uwi na tayo.” Sabi ko sa kanya sabay akbay.

Tumingin naman ito sa akin sabay nag kusot ng kanyang mata pagkatapos ay humikab.

“Sige aantok na din ako eh…” sabi niya sa akin.

“Sige hintay lang tayo ng taxi. Hatid na kita sa inyo.” Sabi ko sa kanya habang tumatanaw kung may dadaang taxi.

“Di ka ba mapapalayo ng byahe?” sabi niya sa akin.

“Di po. Malapit lang naman ako sa inyo di ba?” habang kumakaway sa taxi na dadaan.

Tumigil ang taxi sa harap namin. Aktong sasakay na ako sa tabi ng driver ay pinigilan ako ni EJ.

“Tabi na tayo sa likod. Di ako sanay na walang katabi pag nasakay ako ng taxi.” Sabi niya sa akin.

Napatango na lang ako. Ito na nga siguro ang sinasabi ni Peth na Chance ko nga.

Pagkasakay namin ay sinabi ko sa driver ang lugar nila Ej. Agad naman itong pinaandar ng driver ang taxi.

Habang bumabyahe naman kami ay nag kwekwento ako kay Ej kung paano ako nag transfer sa school namin ng maramdaman ko na lang na dumatay ang ulo niya sa balikat ko.

“nakatulog na. pagod nga.” Bulong ko sa sarili ko.

Inayos ko naman siya at umusog ako sa kanang bahagi ng sasakyan malapit sa bintana para mapahiga ko siya at maunan niya ang hita ko.

Pagkaayos ko naman sa kanya ay kinabit ko sa tenga ko ang earphones ng mp3 player na dala ko.

Tumugtog naman ang kanta ni lil edie, Statue.

_________________________________________________

_________________________________________________

“Saktong sakto.” Bulong ko sa sarili ko.

Pinagmamasdan ko lang siya natutulog habang nakikinig sa kanta.

Napaka amo ng mukha niya. Tulad ng sabi ng lola ko dati sa akin. “sa pagtulog mo makikita ang kainosentehan ng isang tao.”

Di naman ako nabigo dahil sa inosente nga siyang tignan sa oras na iyon.

Maya maya pa ay umingit siya at nagsalita.

“I love you too….” Sabi niya at ngumiti.

Sino kaya ang sinasabihan niya ng I love you?

Sino kaya ang nasa panaginip niya?

Sino ang maswerteng tao na iyon?

Habang nag iisip ako ay nagulat ako ng bigla siya tumagilid ng pagkakahiga paharap sa akin.

Nataranta ako dahil sa nakaharap siya sa pinaka maselang bahagi ng isang lalaki.

“Naku paano ito naka spandex ako…..” sa isip isip ko.

“Donnie calm down… Huwag ka mag isip ng perverted things. Inhale. Exhale.”  Pagkalma ko sa sarili ko.

Maya maya pa ay nalingon ako sa bintana at napansin na malapit na pala kami sa lugar nila EJ.


_________________________________________________

Erwin Joseph Fernandez
_________________________________________________

Nasa ilalim ako ng ulanan sa isang magandang lugar na hindi ko alam kung saan.

Paikot ikot habang naka pikit ako sa kinatatayuan ko habang nakatingala at nilalasap ang ulan na pumapatak sa akin.

Tumigil ako sa pag ikot at napansin ko na wala ng pumapatak sa akin.

Pag dilat ko ay may isang lalaki sa harap ko na may dalang payong at isinuong niya ako dito.

Di ko naman maaninag ang mukha ng lalaki na nasa harap ko kahit anong  tingin ko.

“I love You.” Sabi niya sa akin.

Sa di ko malamang dahilan naman ay parang tumalon ang puso ko sa saya ng marinig ko ang salitang iyon.

“I love you too…” sagot ko sa kanya habang naka ngiti….

at naghinang ang aming mga labi pagkatapos.

Ng bigla na lang lumindol at narinig ko na may tumatawag sa pangalan ko.

“EJ! EJ! EJ!” Boses na nag padilat sa akin.

“Malapit na tayo.” Yugyog ni Donnie sa akin.

“Panaginip nanaman……” sabi ko sa sarili ko.

Napatingin naman ako kay Donnie at namumula ito.

Pag tingin ko naman sa harapan ko ay nanlaki mata ko sa nakita ko. Crotch ni Donnie!

Agad ako napaupo ng maayos at napahawak sa magkabilang pisngi ko.

“Donnie, sorry malikot kasi ako matulog. Pasensiya na talaga.” Ubod ng hiya kong sabi sa kanya.

“Nakakahiya! Anak ng limang putpitong tupa!” Sa isip isip ko.

“Wala yun EJ, Teka malapit na tayo sa inyo. Saan liliko?” Sabi niya sa akin habang naka tingin ng diretcho sa dinadaanan ng taxi.

“Sige direcho lang tapos sa pangatlong kanto liko pa kaliwa.” Sabi ko habang naka yuko pa din dahil sa hiya.

Nakarating naman kami sa bahay ko na at di ko pa din magawang tignan si Donnie sa mata dahil hanggang sa ngayon nahihiya pa din ako.

Nasa pinto na kami ng bahay ng magsalita siya.

“EJ, Pahinga ka na. Pagod ka na. Bukas kita na lang tayo sa school.” Sabi niya sa akin.

“Sige. Ikaw din. Ingat ka sa paguwi. Salamat Donnie.” Naka yuko kong sagot sa kanya.

Nabuksan ko na ang pinto at papasok na ako ng hawakan naman niya ang balikat ko.

“Wala ba goodnight….. uhm kiss?” ang sabi niya sa akin sa nahihiyang boses.

Ako naman ay napako sa kinatatayuan ko.

Ewan ko naman kung anong espiritu ang pumasok sa akin at tumingkayad ako at hinalikan siya sa pisngi.

“Good night!” sabi ko sabay pasok at sara ng pinto at sandal dito habang pinakikiramdaman ko ang mabilis na tibok ng puso ko.

Agad naman ako sumilip sa salamin para makita kung andoon pa si Donnie.

Nandoon pa siya at parang tanga lang na parang tahimik na sumisigaw sabay suntok suntok pa sa hangin at pagkatapos ng ilang sandali pa ay umalis na siya. Tumakbo papunta sa may kanto.

Ako naman ay papa akyat na sa kwarto ko ng makaramdam ako ng uhaw. Pumunta naman ako sa kusina para maka kuha ng inumin.

Naabutan ko na andun si mama at ang kapatid ko.

“Nak, Cookies? Nagutom kami ng Kapatid mo kasi.” Si Mama na kumukuha ng cookies sa cookie jar.

“Kuya, sino yung guy na iyon na nakita ko sna nag hated sayo? Yun na ba BF mo? Di kasi siya yung may kotse eh.” Prangkang bungad ng kapatid ko.

Pinandilatan ko naman ang kapatid ko at nahalata naman ito ni Mama.

“Nak, may BF ka na? Di mo man lang ba pakikilala dito?” tanong ni mama sa akin habang ngumunguya.

“Ma, wala po akong BF.”

“Mama, Siguro Manliligaw meron yan.” Ngising sabi ng kapatid ko.

Off guard ako sa sinabi ng kapatid ko na iyon.

Halata sa mukha ko na guilty ako at isang pilit na ngiti na lang ang napakita ko kay mama.

“Nak, talaga meron ka manliligaw? Papuntahin mo dito. Open ka naman sa amin di ba? Saka gusto makilala at ma estima ni Mama kung sino man siya.” Naka ngiting sabi ni Mama sa akin.

Na touch naman ako sa sinabi sa akin ng Mama ko. Patakbo ako lumapit sa kanya at yumakap habang humahalik sa pisngi niya.

“Ma, Thank you! The best ka talaga! I Love You!”

“Sino pa ba ang iintindi sayo kung di ako lang. Naku pag may BF ka na di mo na masasabi sa akin iyan.” Paglalambing ni mama sa akin.

“Kuya, Pakilala mo din sa akin ha!” naka ngiting sabi sa akin ng kapatid ko.

“Halika nga dito daldalita ka.” Pagtawag ko sa kapatid ko.

Pagkalapit niya ay niyakap ko na din siya.

Pagkatapos naman ng tagpo na iyon ay nagkaroon kami ng kwentuhan at naikwento ko nga si Donnie at Argel at ang balak na panliligaw ng dalawa sa akin. Si Mama naman ay parang na excite pa na makita ang dalawa habang ang kapatid ko naman ay siyang nag describe ng itsura nito kay Mama.

Pagkatapos ng kwentuhan ay nag paalam na ako kay Mama at kapatid ko na matutulog na. Sabay sabay na kami umakyat at nagsipunta sa sariling kwarto.

Naglinis ng katawan at nag palit ng damit ang unang ginawa ko ng pag pasok ko sa kwarto at dahil naman sa pagod ko ay di nagtagal ay nakatulog na ako.

_________________________________________________

Argel Joseph Francisco
_________________________________________________

8:30pm Tuesday


Ito na ang pagkakataon ko. Kagabi pa lang ay din a ako makatulog na ng maayos dahil sa excitement ko sa balak ko.

Malapit na ako sa school nila EJ ng tumunog ang cellphone ko.

Si EJ.

“Argel, maaga kami pinalabas ni sir. Wait kita dito sa harap ng school.” Txt niya sa akin.

Parang ewan naman ako na nagmadali na pumunta sa doon.

Harurot ang kotse ko sa pag mamadali at naka rating naman naman ako doon ng maayos.

Nakita ko naman siya agad pagka park ko ng kotse ko.

Kumakaway siya sa akin habang naka ngiti at agad agad naman akong tumakbo papunta sa kanya na parang paslit na nagmamadali na nakita ang magulang niya.

“Hi EJ ko. Bakit mag isa ka lang?” sabi ko sa kanya sabay bigay ng matamis na ngiti ko.

“Nauna na kasi sila. Hinila ni Jhepeth nag pasama sa favorite na night sale niya sa divisoria.” Paliwanang niya sa akin.

Sakto pagkakataon nga! Dapat makabawi ako kay Jhepeth.

“Lika na Ej ko. Hatid na kita.”

“Sige. Nagmamadali ka ata? May lakad?” sabi niya.

“Wala naman. May surprise lang ako sa iyo.”

“Ano kaya iyon?”

“Sasasakyan mo na malalaman.” Sabi ko sa kanya habang naglalakad na kami patungo doon.

Sa totoo lang ay kinakabahan ako sa gagawin ko. Kasi parang ang bilis naman. Pero bahala na. Gusto ko pakita ko na seryoso akong gusto ko siya.

Nakarating naman kami sa kotse agad.

“Asan na yung surprise?” sabi ni EJ.

“Nasa back seat. Tignan mo na lang.”

“Uy cake! Teka bakit may gitara?” pagtataka niya.

“Pupunta ako sana sa inyo. Mang haharana. Hehehehe!” nahihiyang sabi ko.

“Hala!” ang tanging nasabi niya.



Itutuloy.