Kiss The Rain Chapter 12  

Posted by Erwin F. in


Pauna: Hi Guys heto na po ang Chapter 12 ng KTR. salamat po sa mga matyagang sumusubaybay sa sinusulat ko. na kahit minsan ay ang tagal ma update dahil sa kabusyhan ko sa work ko.

Maraming salamat pa din po sa mga sumusunod sa pa comment sa mga nakaraang Chapter.

Ernes_aka_Jun, Jack, Jayfinpa, 

Ram, Chris, Wastedpup Cutie 

Pinoy Gay Guy, Darkboy13,

Gerald, Slushie.Love, Zenki, Roan, Ice, Icy,

Light rundel, JIM Sleco5, Wastedpup, Ross Magno, Coffee Prince, Pink 5ive, Rah16, J.V, 

Hotako D 220, Ezrock, Pslam.



sa mga di nabangit. Maraming salamat pa din po! ^_^

Enjoy reading guys!





Kiss The Rain

Chapter 12
______________________________
Erwin Joseph Fernandez
______________________________

“Ikaw nanaman? Bakit andito ka?” gulat na sabi niya.

Agad naman akong napalingon kay Donnie.

“Ay bawal na bumisita sa bestfriend ko? Saka Papa Donnie wagas sa react dapat?” Taas kilay na sabi ni Jhepeth.

“Sorry nagulat lang ako. Akala ko umuwi ka na.” kamot ulong sabi ng nobyo ko.

Tatawa tawa akong nakinig sa usapan ng dalawa ng bigla na lang akong hatakin ni Jhepeth.

Alam kong may gusto malaman ang bestfriend kong ito kaya sinenyasan ko muna si Donnie na pumasok at mauna na sa loob ng bahay.

“Hoy mayroon kang di sinasabi sa akin. Kaya simulan mo na mag kwento.” Sabi sa akin ng bruha pagkalayo namin kay Donnie na tinitignan lang kami bago pumasok sa loob ng bahay.

“Peth, pwede mamaya na? Kasi...” di pa ako tapos sa sasabihin ko ng biglang hawakan ng bruha kong bestfriend ang labi ko.

“Che, another excuse nanaman! Tinatakasan mo na ako ngayon ah.”

“Kasi....” at pinutol nanaman niya ako.

“Kasi ano? Nag lilihim ka na sa akin? Ako itong bestfriend mo for almost half of your life!” mangiyak ngiyak na sabi niya sa akin.

*pok!* binatukan ko na ang lukaret dahil balak na ata nito mag hysterical.

“Bruha ka mag tigil ka! Ano nanaman yang drama mo? Nagugutom na ako at gusto ko sabihin na sa loob na natin pag usapan ang lahat lahat.” Naka pamewang ko na sabi kay Jhepeth.

“Ay! Sorry naman na carried away lang naman.” Tatawa tawang sabi sa akin ng lukaret.

“hay naku. Halika na nga sa loob.” Aya ko sa sira kong bestfriend.

Pagkapasok naman namin sa loob ng bahay ay isang tunog na paulit ulit ang narinig namin mula sa kusina.

“Tak-tak-tak-tak-tak!”

Ng malapitan namin ay kita namin na si Donnie ay naghihiwa ng labanos na isasahog sa sinigang na lulutiun namin.

“Dhie, ang bilis mo naman mag hiwa. Baka daliri mo na mahiwa niyan.” Pagaalala ko sa ginagawa niya.

“Don’t worry Mhie sanay na ako. Natututo ako magluto bata pa lang ako.” Sabi niya sa akin habang nakangiti sa akin.

“Ay ang taraaaaaay! Parang si Lu Mao Xing (Cooking Master BoyAnime) lang ah! Sige try mo mga gawin yung habang naghihiwa ka lumilipad yung hinihiwa mo Papa Donnie.” Tuwang tuwang sabi ni Jhepeth sa nakikita niya.

Napailig na lang kaming dalawa sa kalokohan ni Jhepeth...

“Tumulong na lang tayo Peth. Ok?” sabi ko habang nakaturo sa kaldero na nasa kitchen sink.

“Yes Boss!” Sabay saludo sa akin at pakembot na naglakad papunta sa kitchen sink para kunin ang kaldero na nandoon.

Habang abala naman si donnie sa mga gulay na hinihiwa niya ay nag hugas/unab na ako ng bigas at habang ginagaa ko naman yoon ay lumapit sa akin si Jhepeth at binulungan ako.

“Ok spill it na. I’m waiting.”

Napabuntong hininga ako sa pagaakala na naka takas na ako mula sa katanungan at kakulitan ng bestfriend ko.

“Wag ka na bumuntong hininga diyan. Spill it na nangangati na tenga ko para sa inpormasyon.”

“Sige mag sasalita na ako. Huwag ka lang maingay.”

At hayun nga habang nagluluto kami ni Jhepeth ay nagbubulungan kami about sa nangyari sa amin ni Argel. Tinatakpan ko na langang bibig ng bruha pag alam kong mapapalakas ang sasabihin nito. Si Donnie naman ay nasa sala lang at pinagpahinga ko na lang sa sofa.

“Che, ang gulo ng buhay mo. Isipin mo. Kung kailan masaya ka na kay Donnie saka naman dadating si Argel at ipagtatapat kung ano talaga ang nangyari sa gabi na iyon.” Pabulong na sabi sa akin ni Jhepeth.

“Alam ko. Ang gulo gulo. Di lang buhay. Pati pagiisip saka dito.” Sagot ko sa kanya sabay turo sa dib dib ko.

“Saan sa dede mo?” humahagikgik na sabi ng bruha sa akin.

“Seryoso tayo peth....”

“Oh sige. Sabi mo. So who will it be? Si Donnie na inintindi ka at minahal ka sa panahon na lugmok ka? O si Argel na talagang unang minahal mo at mahal mo pa din?”

“Di ko alam. Sasakit lang ulo ko. Sa ngayon ayoko pa mag desisyon. Masyadong malalim. Parepareho lang kami masasaktan.” sabi ko habang hinahalo ang sabaw ng sinigang.

“Sa iyo na nangaling. Pare pareho kayong masasaktan. Naisip mo din ba na habang tumatagal yan ay mas mahirap ayusin na iyan? For example. Lalo ka napamahal na kay Donnie. Maiiwan mo pa ba yung tao? Napamahal ka kay Argel. Makikipag tanan ka at magpapakalayo at mawawala na lang ng parang bula? Sige sagutin mo.”

Sa sinabi na iyon ni Jhepeth ay tuluyan ng tumulo ang luha ko. Oo tama nga siya. Habang tumatagal ay mas mahirap ang sitwasyon na pinasok ko.

Pinunasan naman ni Jhepeth ang luha ko sa parehong pisngi ko.

“Che, don’t worry lahat yan maayos. In time. O sya. Tamana ang drama natin dito. Baka ngumawa ka pa at mahuli pa tayo ni Papa Donnie at baka umalat din yang sinigang sa mga luha mo. Tahan na Smile Smile!” parang timang na naka bungisngis na sabi sa akin ng bestfriend ko.

Ng naluto ang sinigang ay agad na naghain si Jepeth sa lamesa at ako naman ay pinuntahan si Donnie sa sala.

Pag dating ko sa sala ay nakahiga ito sa sofa at akap akap ang isang throw pillow doon. Habang palapit naman ako sa kanya ay napansin kong may luha ito sa pisngi. Lalapit na sana ako at pupunasan ang luha nito ng magsalita ito.

“Mama, Mahal ko po si Ej.” Sabi nito sabay ngiti habang may tumutulong luha ulit sa mata nito.

Napako ako sa kinatatayuan ko. Di ko malaman kung ano gagawin ko at kung ano mararamdaman ko.

Naghalo halo ang pakiramdam ng guilt, saya at lungkot. At muling dumaloy ang masaganang luha galing sa mata ko.

Tahimik akong lumuha sa tabi ni Donnie. Ingat na ingat akong huwag itong magising. Pero sumablay ako at nagising ito.

“Mhie, bakit umiiyak ka?” nasorpresang sabi sa akin ni Donnie pag mulat ng mata nito.

“Kasi nagsasalita ka ng tulog. Gigisingin sana kita pero nag sabi ka na mahal mo ako.” Sabi ko habang naka upo sa sahig.

Tumayo siya sa mula sa pagkakahiga niya at inalalayan akong tumayo. Pagkatayo ko naman ay niyakap ako nito ng mahigpit at hinalik halikan sa noo.

“Mhie, tahan na. Kita mo habang pagtulog ko ikaw pa din mahal ko.”

“Dhie, Thank you. Mahal naman din kita eh.”

“Alam ko iyon. Kahit di mo sabihin ramdam ko.” At muli niya akong niyakap at hinalikan sa noo.

“ano maglalambutsingan na lang kayo diyan? Wala ng lala? O papatayin ninyo ako sa umay dalawa?” nakataas na kilay na sabi sa amin ni jhepeth.

“opo kakain na tayo. Di ba Mhie?” sabay nose to nose sa akin ni Donnie na ikinatawa ko naman.

“Jusko umay!” sabay walkout ni Jhepeth papunta sa kusina.

Nagtawanan naman kaming dalawa ni Donnie at binigyan ko muna siya ng isang mariing halik bago kami nag punta sa kusina para kumain.

Hapag kainan naman ay isinantabi ko muna ang mga nararamdaman ko at nag focus muna sa masayang usapan namin nila Jhepeth at Donnie.

Pagkatapos naman ng masarap na hapunan na iyon ay nagpahatid na rin agad si Jhepeth sa labas ng bahay.

Bago naman humakbang paalis si Jhepeth ay nag iwan ito sa akin ng ilang mga salita.

“Che, Ayusin mo yan. Mas masarap mabuhay ng walang iniintindi.” Naka ngiti nitong sabi sa akin.
Napatingin naman sa akin si Donnie pagkatapos.

“Wala yun Dhie. Siraulo lang talaga si Peth.” Sabi ko habang kinukumpas ko sa harap niya ang dalawang kamay ko.

“Alam ko. Sobrang random ng bestfriend mo. Lika sa loob na tayo.” Natatawang sabi niya sa akin.
Pagkapasok ay nauna na akong umakyat sa taas ng kwarto ko para maligo at makapag pahinga na habang si Donnie ay nag volunteer na maghugas ng mga pinagkainan namin.

Maya maya pa ay pumasok na rin si Donnie sa kwarto at tumuloy sa CR para maligo. Pagkaligo naman nito ay agad tumabi sa akin na boxer lang ang suot.

“Mhie, Bango bango ko na.” Sabi nito sa akin habang yumayakap sa likod ko.

Nagtulogtulugan naman ako pero hindi ito kumagat sa kanya kaya imbes na akap lang ang binigay nito sa akin ay nadagdagan pa ng kiliti sa tagiliran.

“Dhie, oo na. Hahahahaha! Mabango ka na! Hahahahaha!”

“Tulog ka na di ba?” humahagikgik na sabi niya sa akin habang kinikiliti ako.

“Di pa. Gising ako oh! Hahaha! Ayaw ko na Dhie masakit na po.” Tawa tawa kong pag ayaw na sa kiliti niya.

“Sige titigil na ako pero hug at kiss muna sa akin.”

Pagkasabi naman niya niyon ay muwestra ito ng open arms at naka nguso pa.

“Dhie, Mukha kang suso, snail, kuhol at ano pa. Hahahaha!” pangaasar ko para makabawi.

Pero parang bata naman itong tumalikod sa akin na nag indian sit at naka halukipkip ang dalawang braso.

“ganun? Sige di na kita love.”

Agad ko naman sinuyo ito at inakap sa likod habang ang ulo ko ay naka hilig sa likod nito.

“joke lang Dhie, Love kita alam mo yan.”

“Talaga love ako ni Mhie ko?”

“Opo Love ko ang Dhie ko!”

Pagkasabi ko niyon ay agad naman itong humarap sa akin at yumakap sa akin pinaulanan ako ng halik sa buong mukha ko.

“Dhie, Mabura mukha ko sige ka.” Natatawa kong pag awat sa kanya.

“Lika na nga Mhie matulog na tayo baka di ako makapagpigil baka di ka makapasok bukas sige ka.”  Sabi sa akin ni Donnie na may ngisi at taas baba pang kilay.

“Mag tigil ka Dhie. Matulog na. Hug ka na lang sa akin.” Saway ko at pag aya ng matulog.




________________
Saturday 8am
________________



Nagising kami ni Donnie sa mabilis na katok sa pinto. Agad naman kaming nag ayos ng itsura namin. Nag suot ng t-shirt at nagunahan bumaba para tignan kung sino iyon.

Pagkarating sa pinto ay halos mag agawan pa kami sa doorknob. Sinimangutan ko na lang siya para ibigay ito sa akin. Pagbukas ay bumungad sa akin ang dalawang tao na mahalaga sa akin.

“Ma!!!!!! Xang!!!!” sigaw ko at sabay talon sa harapan ng mommy ko.

“Hi Ma! Hello Xang! Welcome back.” Parang timang napagbati habang naka hilig sa kanan ang ulo ni Donnie.

Pagkapasok naman nila Mommy sa loob ng bahay

“Nak! I miss you!” Akap sa akin ni Mama habang ginugulo buhok ko.

“Miss you a lot too Ma.” Sabi ko pabalik habang hinahalikan ang pisngi nito.

Habang akap ko naman si Mama ay napansing kong hinihila ng kapatid ko ang t-shirt ko at napatingin naman ako dito.

“Xang! May pasalubong ba si kuya?” nakangiti kong sabi dito.

Imbis na sumagot ito ay nginisian ako nito na abot tenga at hinalughog nito ang bang niya. Ako naman ay nagtataka at excited na naupo sa sofa. Dahil may pasalubong sa akin ang kapatid ko.

Ng matapos maghalughog ng bag si Xang ay tumungin ito sa akin habang tinatago sa likod niya ang bibigay 
sa akin. Pero bago pa man makalapit sa akin ay tumingin ito kay Donnie at nag Senyas na lumapit ito. Sinunod naman ito ni Donnie at naupo sa tabi ko.

“Kuya, special ito. Hirap ng inabot ko sa paghahanap nito. Sana magustuhan ninyo ni Kuya Donnie.” Sabi nito habang inaabot sa akin ang isang box na hugis puso na kulay itim na  may mga palamuting puting lace.
Inabot ko ito pero di pa rin nawawala sa mukha ko ang pagtataka. Ng matingin naman ako sa gawi ni Mama ay ngumiti ito sumenyas na buksan ko na.

Dahan dahan kong binuksan ang pasalubong sa akin ng kapatid ko at ng tuluyan ko ito mabuksan ay halos matapon ko ito sa ere sa gulat. Buti na lang ay naagaw sa akin ni Donnie ito.

“Bruha ka talaga bakit binigyan mo ako ng Camaro? Alam mong takot ako diyan.” Mangiyak ngiyak kong sabi sa kapatid ko.

“Wala. Masarap kasi yan. Candied Crickets. Marami niyan doon kasi.” Humahagikgik na sabi ng kapatid ko.

Pagtingin ko naman kay Donnie ay laking gulat ko na nilalantakan na nito ang bigay ng kapatid ko. Ng mapansin naman nitong naka tulala ako sa kanya ay ngumiti ito sa akin habang may naka labas pang paa ng camaro sa pagitan ng ipin nito.

“Ang sarap nito.”

“Ma......” ang nasabi ko na lang kay Mama habang papunta ako dito na parang batang takot na takot.
Humahagikgik na niyakap naman ako ni Mama.

“Pag pasensyahan mo na kapatid mo. Alam mo naman na normal pero kakaiba talaga yan.” Sabi ni Mama habang inaabot sa akin ang isang kahon na sin laki ng kahon ng sapatos.

“Opo very DARK ang personality....” pagbibigay ko ng diin sa salitang alam kong pwedeng idescribe sa kapatid ko.

“O sya buksan mo na yan. Pasalubong ko sa iyo yan.”

Ng buksan ko naman ang kahon ay punong punog ito ng ibat-ibang klaseng minatamis na pili nuts.

“Mama gusto ko to. Thank you!” sabay akap ko ulit kay Mama.

“Uy penge ako niyan Mhie!”

“No akin to. Sa iyo na yan. At you can’t kiss me the whole day. Mag toothbrush, floss, mouthwash, tounge scraper ka!” naka dila kong sabi dito.

Tawanan ang umalingawngaw sa loob ng bahay sa oras na iyon.

Mamaya pa tumigil sa pagtawa si Mama at naging seryoso ang mukha nito at tumingin sa akin.

“So may apo na ba ako?” seryosong sabi nito.

Napangiwi ako sa tanong ni Mama at ng ibaling ko ang tingin kay Donnie ay nagkakamot ito ng ulo habang may nagaalangan na ngiti.

“Kuya di mo na sinagot tanong ni Mama.” Singit naman ng kapatid ko na hinahalughog ulit ang bag niya.

“Hala ma! Di nga seryoso ka? Wala akong matres.” Naka tungo kong sabi para itago ang pamumula at pag init ng pisngi ko.

“Biro lang nak. Ito talaga. Hahahaha!” tumatawang sabi sa akin ni Mama.
Pag angat ko naman ng ulo ko ay nasa tabi ko sa si Donnie at inakbayan ako nito.

“Ma, Don’t worry mamayang gabi gagawa na kami.” Sabi nito sabay halik sa pisngi ko.
Ngingiti ngiting napailing si Mama sa sinabi ni Donnie.


________________
Saturday 7pm
________________



Buong araw naman ay nagkwentuhan, nanood ng mga pelikula at kumain sa loob ng bahay.

Si Mama naman ay paminsan minsang inaasar ako dahil sa pagiging sobrang sweet ni Donnie sa akin.

Ako naman maya maya ay sinusuway si Donnie sa sobrang paglalambing nito. Nariyan ang biglang aakap na lang sa likod ko o hahalik sa pisngi ko.

Pero sa loob loob ko ay sobrang saya ko. Pero may parte pa din ng utak ko minsan ay sisingit si Argel.

“Kung naging kami ni Argel ganito din kaya kami?”

“Will Mama be this close to him too?”

“Makakasundo din kaya niya ang kapatid ko?”

Sa totoo lang hati talaga ng nararamdaman ko sa ngayon. Oo mahal ko si Donnie. Pero after all ng nangyari at nalaman ko ang katotohanan ay binuhay niyon ang pagtingin ko kay Argel.

Habang nagiisip naman ako sa mga bagay bagay na iyon ay may pumulupot sa bewang kong mga braso na siya namang ikinagulat ko.

“ay *u*e ng kabayo!” nasabi ko sa ginawa ng tao sa likod ko.

Paglingon ko naman ay si Donnie ito at naka ngiti sa akin. Binigyan ko naman ito ng isang masuyong halik sa pisngi bago bumalik sa ginagawa ko.

“Mhie, galing naman ng niluluto mo. Flower burgers na egg yung gitna. May gravy na?”

Tinuro ko naman ang kalapit na sauce pot sa tabi ng niluluto ko na siya namang niya inangat ng kaliwang kamay niya ang takip.

“Mhie ang bango! Kain na tayo after ah!” parang batang sabi na sabi ni Donnie.

“Naman! From scratch ko ginawa yan di yan instant.” Proud kong sabi.

“Mhie, Mag hahain na ako para makakain na sila mama.”

“Sige Dhie, patapos na itong huling piraso. Ilagay mong dish yung malalim wag yung flat ah. Alam kong sinasabaw mo ang gravy kasi. Saka Dhie please pa timpla naman ng strawberry milktea.”

“Aye Captain!” naka saludong sabi sa akin ni Donnie bago bumalik sa pagkuha ng mga kubyertos.

Ng makapag hain naman na kami ay tinawag na namin si Mama at si Xang sa sala para sabay sabay na kami kumain.

“Wow nak ang fancy naman ng dating ng niluto mo. Ang cute! May flag pa sa taas.” Pag puri ni Mama sa niluto ko.

“Kuya ang ganda ng flag ko. Black at may dead bunny.” Walang emosyong sabi ng kapatid ko.

Habang si Donnie naman ay naka titig at naka ngiti sa plato niya at ng maramdaman nitong naka tingin ako sa kanya ay tumingin ito sa akin at itinuro ang ang flaglet na may puso.

“Mama yan lang kasi nahanap ko sa ref. Kaya yan ginawa ko. Kain na!”
Pagkasabi ko naman niyon ay kanya kanya na kaming kain ng aming mga pagkain.

Habang masaya naman kaming kumakain ay may kumatok sa front door.

“Ako na po sasagot.” Sabi ko sabay tayo papunta sa pinto.

Pagkarating ko naman sa pintuan ay agad ko itong binuksan pero walang tao. Iniligid ko ang mata ko pero wala talaga at ng paghakbang ko para sumilip sa kaliwat kanan ng bahay namin ay may naapakan akong papel na nakatiklop at may laman ito sa loob.

Agad ko naman pinulot ito at binuksan. Tumambad sa akin ang isang cellphone chain na kalahating puso at may nakasulat na mensahe dito.

Hi EJ,



Sana  nagustuhan mo ang simple regalo ko sa iyo. Nasa akin ang kalahati niyan. ^_^

Kita tayo sa intramuros baluarte san diego ng 4pm.

Kitakits! I Love You!



Gwapong Gwapong Argel

“Nak sino yan?” sigaw ni Mama.



“Wala po! Baka nag tritrip lang na napadaan.” Sabi ko na lang habang ibinubulsa ang sulat at ang cellphone chain.





Itutuloy





This entry was posted on Sunday, April 15, 2012 at 7:38 AM and is filed under . You can follow any responses to this entry through the comments feed .

0 comments

Post a Comment