Pauna: Hi Guys heto na po ang Chapter 12 ng KTR. salamat po sa mga matyagang sumusubaybay sa sinusulat ko. na kahit minsan ay ang tagal ma update dahil sa kabusyhan ko sa work ko.
Maraming salamat pa din po sa mga sumusunod sa pa comment sa mga nakaraang Chapter.
Ernes_aka_Jun, Jack, Jayfinpa,
Ram, Chris, Wastedpup Cutie
Pinoy Gay Guy, Darkboy13,
Gerald, Slushie.Love, Zenki, Roan, Ice, Icy,
Light rundel, JIM Sleco5, Wastedpup, Ross Magno, Coffee Prince, Pink 5ive, Rah16, J.V,
Hotako D 220, Ezrock, Pslam.
sa mga di nabangit. Maraming salamat pa din po! ^_^
Enjoy reading guys!
Kiss The Rain
Chapter 12
______________________________
Erwin
Joseph Fernandez
______________________________
“Ikaw nanaman? Bakit andito ka?” gulat na
sabi niya.
Agad naman akong napalingon kay Donnie.
“Ay
bawal na bumisita sa bestfriend ko? Saka Papa Donnie wagas sa react dapat?”
Taas kilay na sabi ni Jhepeth.
“Sorry
nagulat lang ako. Akala ko umuwi ka na.” kamot ulong sabi ng nobyo ko.
Tatawa
tawa akong nakinig sa usapan ng dalawa ng bigla na lang akong hatakin ni
Jhepeth.
Alam
kong may gusto malaman ang bestfriend kong ito kaya sinenyasan ko muna si
Donnie na pumasok at mauna na sa loob ng bahay.
“Hoy
mayroon kang di sinasabi sa akin. Kaya simulan mo na mag kwento.” Sabi sa akin
ng bruha pagkalayo namin kay Donnie na tinitignan lang kami bago pumasok sa
loob ng bahay.
“Peth,
pwede mamaya na? Kasi...” di pa ako tapos sa sasabihin ko ng biglang hawakan ng
bruha kong bestfriend ang labi ko.
“Che,
another excuse nanaman! Tinatakasan mo na ako ngayon ah.”
“Kasi....”
at pinutol nanaman niya ako.
“Kasi
ano? Nag lilihim ka na sa akin? Ako itong bestfriend mo for almost half of your
life!” mangiyak ngiyak na sabi niya sa akin.
*pok!*
binatukan ko na ang lukaret dahil balak na ata nito mag hysterical.
“Bruha
ka mag tigil ka! Ano nanaman yang drama mo? Nagugutom na ako at gusto ko
sabihin na sa loob na natin pag usapan ang lahat lahat.” Naka pamewang ko na
sabi kay Jhepeth.
“Ay!
Sorry naman na carried away lang naman.” Tatawa tawang sabi sa akin ng lukaret.
“hay
naku. Halika na nga sa loob.” Aya ko sa sira kong bestfriend.
Pagkapasok
naman namin sa loob ng bahay ay isang tunog na paulit ulit ang narinig namin
mula sa kusina.
“Tak-tak-tak-tak-tak!”
Ng
malapitan namin ay kita namin na si Donnie ay naghihiwa ng labanos na isasahog
sa sinigang na lulutiun namin.
“Dhie,
ang bilis mo naman mag hiwa. Baka daliri mo na mahiwa niyan.” Pagaalala ko sa
ginagawa niya.
“Don’t
worry Mhie sanay na ako. Natututo ako magluto bata pa lang ako.” Sabi niya sa
akin habang nakangiti sa akin.
“Ay ang
taraaaaaay! Parang si Lu Mao Xing (Cooking Master BoyAnime) lang ah! Sige try
mo mga gawin yung habang naghihiwa ka lumilipad yung hinihiwa mo Papa Donnie.”
Tuwang tuwang sabi ni Jhepeth sa nakikita niya.
Napailig
na lang kaming dalawa sa kalokohan ni Jhepeth...
“Tumulong
na lang tayo Peth. Ok?” sabi ko habang nakaturo sa kaldero na nasa kitchen
sink.
“Yes
Boss!” Sabay saludo sa akin at pakembot na naglakad papunta sa kitchen sink
para kunin ang kaldero na nandoon.
Habang
abala naman si donnie sa mga gulay na hinihiwa niya ay nag hugas/unab na ako ng
bigas at habang ginagaa ko naman yoon ay lumapit sa akin si Jhepeth at
binulungan ako.
“Ok
spill it na. I’m waiting.”
Napabuntong
hininga ako sa pagaakala na naka takas na ako mula sa katanungan at kakulitan
ng bestfriend ko.
“Wag ka
na bumuntong hininga diyan. Spill it na nangangati na tenga ko para sa
inpormasyon.”
“Sige
mag sasalita na ako. Huwag ka lang maingay.”
At hayun
nga habang nagluluto kami ni Jhepeth ay nagbubulungan kami about sa nangyari sa
amin ni Argel. Tinatakpan ko na langang bibig ng bruha pag alam kong
mapapalakas ang sasabihin nito. Si Donnie naman ay nasa sala lang at
pinagpahinga ko na lang sa sofa.
“Che,
ang gulo ng buhay mo. Isipin mo. Kung kailan masaya ka na kay Donnie saka naman
dadating si Argel at ipagtatapat kung ano talaga ang nangyari sa gabi na iyon.”
Pabulong na sabi sa akin ni Jhepeth.
“Alam
ko. Ang gulo gulo. Di lang buhay. Pati pagiisip saka dito.” Sagot ko sa kanya
sabay turo sa dib dib ko.
“Saan sa
dede mo?” humahagikgik na sabi ng bruha sa akin.
“Seryoso
tayo peth....”
“Oh
sige. Sabi mo. So who will it be? Si Donnie na inintindi ka at minahal ka sa
panahon na lugmok ka? O si Argel na talagang unang minahal mo at mahal mo pa
din?”
“Di ko
alam. Sasakit lang ulo ko. Sa ngayon ayoko pa mag desisyon. Masyadong malalim.
Parepareho lang kami masasaktan.” sabi ko habang hinahalo ang sabaw ng
sinigang.
“Sa iyo
na nangaling. Pare pareho kayong masasaktan. Naisip mo din ba na habang
tumatagal yan ay mas mahirap ayusin na iyan? For example. Lalo ka napamahal na
kay Donnie. Maiiwan mo pa ba yung tao? Napamahal ka kay Argel. Makikipag tanan
ka at magpapakalayo at mawawala na lang ng parang bula? Sige sagutin mo.”
Sa
sinabi na iyon ni Jhepeth ay tuluyan ng tumulo ang luha ko. Oo tama nga siya.
Habang tumatagal ay mas mahirap ang sitwasyon na pinasok ko.
Pinunasan
naman ni Jhepeth ang luha ko sa parehong pisngi ko.
“Che,
don’t worry lahat yan maayos. In time. O sya. Tamana ang drama natin dito. Baka
ngumawa ka pa at mahuli pa tayo ni Papa Donnie at baka umalat din yang sinigang
sa mga luha mo. Tahan na Smile Smile!” parang timang na naka bungisngis na sabi
sa akin ng bestfriend ko.
Ng
naluto ang sinigang ay agad na naghain si Jepeth sa lamesa at ako naman ay
pinuntahan si Donnie sa sala.
Pag
dating ko sa sala ay nakahiga ito sa sofa at akap akap ang isang throw pillow
doon. Habang palapit naman ako sa kanya ay napansin kong may luha ito sa
pisngi. Lalapit na sana ako at pupunasan ang luha nito ng magsalita ito.
“Mama,
Mahal ko po si Ej.” Sabi nito sabay ngiti habang may tumutulong luha ulit sa
mata nito.
Napako
ako sa kinatatayuan ko. Di ko malaman kung ano gagawin ko at kung ano
mararamdaman ko.
Naghalo
halo ang pakiramdam ng guilt, saya at lungkot. At muling dumaloy ang masaganang
luha galing sa mata ko.
Tahimik
akong lumuha sa tabi ni Donnie. Ingat na ingat akong huwag itong magising. Pero
sumablay ako at nagising ito.
“Mhie,
bakit umiiyak ka?” nasorpresang sabi sa akin ni Donnie pag mulat ng mata nito.
“Kasi
nagsasalita ka ng tulog. Gigisingin sana kita pero nag sabi ka na mahal mo
ako.” Sabi ko habang naka upo sa sahig.
Tumayo
siya sa mula sa pagkakahiga niya at inalalayan akong tumayo. Pagkatayo ko naman
ay niyakap ako nito ng mahigpit at hinalik halikan sa noo.
“Mhie,
tahan na. Kita mo habang pagtulog ko ikaw pa din mahal ko.”
“Dhie,
Thank you. Mahal naman din kita eh.”
“Alam ko
iyon. Kahit di mo sabihin ramdam ko.” At muli niya akong niyakap at hinalikan
sa noo.
“ano
maglalambutsingan na lang kayo diyan? Wala ng lala? O papatayin ninyo ako sa
umay dalawa?” nakataas na kilay na sabi sa amin ni jhepeth.
“opo
kakain na tayo. Di ba Mhie?” sabay nose to nose sa akin ni Donnie na ikinatawa
ko naman.
“Jusko
umay!” sabay walkout ni Jhepeth papunta sa kusina.
Nagtawanan
naman kaming dalawa ni Donnie at binigyan ko muna siya ng isang mariing halik
bago kami nag punta sa kusina para kumain.
Hapag
kainan naman ay isinantabi ko muna ang mga nararamdaman ko at nag focus muna sa
masayang usapan namin nila Jhepeth at Donnie.
Pagkatapos
naman ng masarap na hapunan na iyon ay nagpahatid na rin agad si Jhepeth sa
labas ng bahay.
Bago
naman humakbang paalis si Jhepeth ay nag iwan ito sa akin ng ilang mga salita.
“Che,
Ayusin mo yan. Mas masarap mabuhay ng walang iniintindi.” Naka ngiti nitong
sabi sa akin.
Napatingin
naman sa akin si Donnie pagkatapos.
“Wala
yun Dhie. Siraulo lang talaga si Peth.” Sabi ko habang kinukumpas ko sa harap
niya ang dalawang kamay ko.
“Alam
ko. Sobrang random ng bestfriend mo. Lika sa loob na tayo.” Natatawang sabi
niya sa akin.
Pagkapasok
ay nauna na akong umakyat sa taas ng kwarto ko para maligo at makapag pahinga
na habang si Donnie ay nag volunteer na maghugas ng mga pinagkainan namin.
Maya
maya pa ay pumasok na rin si Donnie sa kwarto at tumuloy sa CR para maligo.
Pagkaligo naman nito ay agad tumabi sa akin na boxer lang ang suot.
“Mhie,
Bango bango ko na.” Sabi nito sa akin habang yumayakap sa likod ko.
Nagtulogtulugan
naman ako pero hindi ito kumagat sa kanya kaya imbes na akap lang ang binigay
nito sa akin ay nadagdagan pa ng kiliti sa tagiliran.
“Dhie,
oo na. Hahahahaha! Mabango ka na! Hahahahaha!”
“Tulog
ka na di ba?” humahagikgik na sabi niya sa akin habang kinikiliti ako.
“Di pa.
Gising ako oh! Hahaha! Ayaw ko na Dhie masakit na po.” Tawa tawa kong pag ayaw
na sa kiliti niya.
“Sige
titigil na ako pero hug at kiss muna sa akin.”
Pagkasabi
naman niya niyon ay muwestra ito ng open arms at naka nguso pa.
“Dhie,
Mukha kang suso, snail, kuhol at ano pa. Hahahaha!” pangaasar ko para makabawi.
Pero
parang bata naman itong tumalikod sa akin na nag indian sit at naka halukipkip
ang dalawang braso.
“ganun?
Sige di na kita love.”
Agad ko
naman sinuyo ito at inakap sa likod habang ang ulo ko ay naka hilig sa likod
nito.
“joke
lang Dhie, Love kita alam mo yan.”
“Talaga
love ako ni Mhie ko?”
“Opo
Love ko ang Dhie ko!”
Pagkasabi
ko niyon ay agad naman itong humarap sa akin at yumakap sa akin pinaulanan ako
ng halik sa buong mukha ko.
“Dhie,
Mabura mukha ko sige ka.” Natatawa kong pag awat sa kanya.
“Lika na
nga Mhie matulog na tayo baka di ako makapagpigil baka di ka makapasok bukas
sige ka.” Sabi sa akin ni Donnie na may
ngisi at taas baba pang kilay.
“Mag
tigil ka Dhie. Matulog na. Hug ka na lang sa akin.” Saway ko at pag aya ng
matulog.
________________
Saturday 8am
________________
Nagising kami ni Donnie sa mabilis na katok
sa pinto. Agad naman kaming nag ayos ng itsura namin. Nag suot ng t-shirt at
nagunahan bumaba para tignan kung sino iyon.
Pagkarating sa pinto ay halos mag agawan pa
kami sa doorknob. Sinimangutan ko na lang siya para ibigay ito sa akin.
Pagbukas ay bumungad sa akin ang dalawang tao na mahalaga sa akin.
“Ma!!!!!! Xang!!!!” sigaw ko at sabay talon
sa harapan ng mommy ko.
“Hi Ma! Hello Xang! Welcome back.” Parang
timang napagbati habang naka hilig sa kanan ang ulo ni Donnie.
Pagkapasok naman nila Mommy sa loob ng bahay
“Nak! I miss you!” Akap sa akin ni Mama
habang ginugulo buhok ko.
“Miss you a lot too Ma.” Sabi ko pabalik
habang hinahalikan ang pisngi nito.
Habang akap ko naman si Mama ay napansing
kong hinihila ng kapatid ko ang t-shirt ko at napatingin naman ako dito.
“Xang! May pasalubong ba si kuya?” nakangiti
kong sabi dito.
Imbis na sumagot ito ay nginisian ako nito na
abot tenga at hinalughog nito ang bang niya. Ako naman ay nagtataka at excited
na naupo sa sofa. Dahil may pasalubong sa akin ang kapatid ko.
Ng matapos maghalughog ng bag si Xang ay
tumungin ito sa akin habang tinatago sa likod niya ang bibigay
sa akin. Pero
bago pa man makalapit sa akin ay tumingin ito kay Donnie at nag Senyas na
lumapit ito. Sinunod naman ito ni Donnie at naupo sa tabi ko.
“Kuya, special ito. Hirap ng inabot ko sa
paghahanap nito. Sana magustuhan ninyo ni Kuya Donnie.” Sabi nito habang
inaabot sa akin ang isang box na hugis puso na kulay itim na may mga palamuting puting lace.
Inabot ko ito pero di pa rin nawawala sa
mukha ko ang pagtataka. Ng matingin naman ako sa gawi ni Mama ay ngumiti ito
sumenyas na buksan ko na.
Dahan dahan kong binuksan ang pasalubong sa
akin ng kapatid ko at ng tuluyan ko ito mabuksan ay halos matapon ko ito sa ere
sa gulat. Buti na lang ay naagaw sa akin ni Donnie ito.
“Bruha ka talaga bakit binigyan mo ako ng
Camaro? Alam mong takot ako diyan.” Mangiyak ngiyak kong sabi sa kapatid ko.
“Wala. Masarap kasi yan. Candied Crickets.
Marami niyan doon kasi.” Humahagikgik na sabi ng kapatid ko.
Pagtingin ko naman kay Donnie ay laking gulat
ko na nilalantakan na nito ang bigay ng kapatid ko. Ng mapansin naman nitong
naka tulala ako sa kanya ay ngumiti ito sa akin habang may naka labas pang paa
ng camaro sa pagitan ng ipin nito.
“Ang sarap nito.”
“Ma......” ang nasabi ko na lang kay Mama
habang papunta ako dito na parang batang takot na takot.
Humahagikgik na niyakap naman ako ni Mama.
“Pag pasensyahan mo na kapatid mo. Alam mo
naman na normal pero kakaiba talaga yan.” Sabi ni Mama habang inaabot sa akin
ang isang kahon na sin laki ng kahon ng sapatos.
“Opo very DARK ang personality....”
pagbibigay ko ng diin sa salitang alam kong pwedeng idescribe sa kapatid ko.
“O sya buksan mo na yan. Pasalubong ko sa iyo
yan.”
Ng buksan ko naman ang kahon ay punong punog
ito ng ibat-ibang klaseng minatamis na pili nuts.
“Mama gusto ko to. Thank you!” sabay akap ko
ulit kay Mama.
“Uy penge ako niyan Mhie!”
“No akin to. Sa iyo na yan. At you can’t kiss
me the whole day. Mag toothbrush, floss, mouthwash, tounge scraper ka!” naka
dila kong sabi dito.
Tawanan ang umalingawngaw sa loob ng bahay sa
oras na iyon.
Mamaya pa tumigil sa pagtawa si Mama at
naging seryoso ang mukha nito at tumingin sa akin.
“So may apo na ba ako?” seryosong sabi nito.
Napangiwi ako sa tanong ni Mama at ng ibaling
ko ang tingin kay Donnie ay nagkakamot ito ng ulo habang may nagaalangan na
ngiti.
“Kuya di mo na sinagot tanong ni Mama.”
Singit naman ng kapatid ko na hinahalughog ulit ang bag niya.
“Hala ma! Di nga seryoso ka? Wala akong
matres.” Naka tungo kong sabi para itago ang pamumula at pag init ng pisngi ko.
“Biro lang nak. Ito talaga. Hahahaha!”
tumatawang sabi sa akin ni Mama.
Pag angat ko naman ng ulo ko ay nasa tabi ko
sa si Donnie at inakbayan ako nito.
“Ma, Don’t worry mamayang gabi gagawa na
kami.” Sabi nito sabay halik sa pisngi ko.
Ngingiti ngiting napailing si Mama sa sinabi
ni Donnie.
________________
Saturday 7pm
________________
Buong araw naman ay nagkwentuhan, nanood ng
mga pelikula at kumain sa loob ng bahay.
Si Mama naman ay paminsan minsang inaasar ako
dahil sa pagiging sobrang sweet ni Donnie sa akin.
Ako naman
maya maya ay sinusuway si Donnie sa sobrang paglalambing nito. Nariyan ang
biglang aakap na lang sa likod ko o hahalik sa pisngi ko.
Pero sa loob loob ko ay sobrang saya ko. Pero
may parte pa din ng utak ko minsan ay sisingit si Argel.
“Kung naging kami ni Argel ganito din kaya
kami?”
“Will Mama be this close to him too?”
“Makakasundo din kaya niya ang kapatid ko?”
Sa totoo lang hati talaga ng nararamdaman ko
sa ngayon. Oo mahal ko si Donnie. Pero after all ng nangyari at nalaman ko ang
katotohanan ay binuhay niyon ang pagtingin ko kay Argel.
Habang nagiisip naman ako sa mga bagay bagay na
iyon ay may pumulupot sa bewang kong mga braso na siya namang ikinagulat ko.
“ay *u*e ng kabayo!” nasabi ko sa ginawa ng
tao sa likod ko.
Paglingon ko naman ay si Donnie ito at naka
ngiti sa akin. Binigyan ko naman ito ng isang masuyong halik sa pisngi bago
bumalik sa ginagawa ko.
“Mhie, galing naman ng niluluto mo. Flower burgers
na egg yung gitna. May gravy na?”
Tinuro ko naman ang kalapit na sauce pot sa
tabi ng niluluto ko na siya namang niya inangat ng kaliwang kamay niya ang
takip.
“Mhie ang bango! Kain na tayo after ah!”
parang batang sabi na sabi ni Donnie.
“Naman! From scratch ko ginawa yan di yan
instant.” Proud kong sabi.
“Mhie, Mag hahain na ako para makakain na
sila mama.”
“Sige Dhie, patapos na itong huling piraso. Ilagay
mong dish yung malalim wag yung flat ah. Alam kong sinasabaw mo ang gravy kasi.
Saka Dhie please pa timpla naman ng strawberry milktea.”
“Aye Captain!” naka saludong sabi sa akin ni
Donnie bago bumalik sa pagkuha ng mga kubyertos.
Ng makapag hain naman na kami ay tinawag na
namin si Mama at si Xang sa sala para sabay sabay na kami kumain.
“Wow nak ang fancy naman ng dating ng niluto
mo. Ang cute! May flag pa sa taas.” Pag puri ni Mama sa niluto ko.
“Kuya ang ganda ng flag ko. Black at may dead
bunny.” Walang emosyong sabi ng kapatid ko.
Habang si Donnie naman ay naka titig at naka
ngiti sa plato niya at ng maramdaman nitong naka tingin ako sa kanya ay
tumingin ito sa akin at itinuro ang ang flaglet na may puso.
“Mama yan lang kasi nahanap ko sa ref. Kaya yan
ginawa ko. Kain na!”
Pagkasabi ko naman niyon ay kanya kanya na
kaming kain ng aming mga pagkain.
Habang
masaya naman kaming kumakain ay may kumatok sa front door.
“Ako na po sasagot.” Sabi ko sabay tayo
papunta sa pinto.
Pagkarating ko naman sa pintuan ay agad ko
itong binuksan pero walang tao. Iniligid ko ang mata ko pero wala talaga at ng
paghakbang ko para sumilip sa kaliwat kanan ng bahay namin ay may naapakan
akong papel na nakatiklop at may laman ito sa loob.
Agad ko naman pinulot ito at binuksan. Tumambad
sa akin ang isang cellphone chain na kalahating puso at may nakasulat na
mensahe dito.
Hi EJ,
Sana
nagustuhan mo ang simple regalo ko sa iyo. Nasa akin ang kalahati niyan.
^_^
Kita tayo sa intramuros baluarte san diego ng
4pm.
Kitakits! I Love You!
Gwapong Gwapong Argel
“Nak sino yan?” sigaw ni Mama.
“Wala po! Baka nag tritrip lang na napadaan.”
Sabi ko na lang habang ibinubulsa ang sulat at ang cellphone chain.
Patawarin ninyo po ako sa sobrang tagal ng update ko sa story na ito.
Sadyang Wala na akong oras para makapagsulat. naisisingit ko na lang sa kakaunting oras ko kung meron man ito.
Tulog, Kain, Trabaho (mostly) na ang routine ko sa buhay sa ngayon. kaya pasensya talaga.
Hope sana mag enjoy kayo sa chapter na ito.
Ernes_aka_Jun, Jack, Jayfinpa,
Ram, Chris, Wastedpup Cutie
Pinoy Gay Guy, Darkboy13,
Gerald, Slushie.Love, Zenki, Roan, Ice, Icy,
Light rundel, JIM Sleco5, Wastedpup, Ross Magno, Coffee Prince, Pink 5ive, Rah16, J.V,
Hotako D 220, Ezrock, Pslam.
Guys Thank you pa din sa Inyo!!!! ^_^
Kenji: Friend Bruho ka heto na update ko. Ahahahaha!
Kuya Jeffy: Asan ka na? Busy pa din sa work? Hamishu na!
Kiss The Rain
Chapter 11
The Martyr and The Confused
______________________________
Erwin Joseph Fernandez
______________________________
“Si Argel…” mahinang usal ko at
napatingin ako kay Donnie.
“Mhie, halika na. Aantok na ako. Pasok
na tayo sa bahay.” Pagaaya ni Donnie sa akin na parnag bata.
“Dhie, mauna ka na. May kakausapin muna
ako.” Sabi ko sa kanya sa seryosong tono.
“Sino?” matipid na sabi niya sa akin
habang unti unting nabubura sa mukha niya ang masayang ekspresyon.
“Siya.” Sagot ko habang naka turo sa
direksyon ni Argel.
Tinignan naman niya ang tinuro ko at ng
nakita niya si Argel ay agad din niyang binalik sa akin ang tingin niya.
“Bakit Mhie?” Malungkot niyang sabi sa
akin.
“Dhie, May mga gusto lang akong
maintindihan. Don’t worry I can handle this.”
Binigyan ko muna ng isang masuyong halik
si Donnie bago ako pumunta si direksyon ni Argel.
Habang papalapit naman ako
kay Argel ay nag thumbs up sign muna ako kay Donnie.
Ng makalapit naman na ako kay Argel na
hanggang ngayon ay naka tingin sa di kalayuan ng bahay namin ay nilingon ko
muna si Donnie at nakita ko itong umalis muna pero di sa bahay ang tungo nito
pero ipinag kibit balikat ko muna ito.
“Argel.” Pagtawag ko sa pangalan ng tao
na nasaharp ko ngayon na di pa rin alam na nasa tbi na niya ako.
“EJ?!” Gulat na sabi ni Argel at
nilingon ako nito.
“Ano ginagawa mo dito?” Walang emosyon
kong tanong.
“W-w-wala. Napadaan lang ako.”
“Napadaan? Kanina pa kita tinitignan sa
malayo.”
“Talaga? Pasensya ka na pala kahapon sa
nangyari.” Paglihis niya sa usapan.
“Wala iyon. Siguro sadyang ganoon lang
talaga siya.”
“Oo Siguro nga.”
Pagkatapos ng kaunting pagpapalitan
namin ng kaunting mga salita ay di na rin ako mapakali gosting gusto ko na
itanong sa kanya ang nasa isip ko.
“Argel, Girlfriend mo ba si Angelica
talaga?” naka yuko ko na sabi sa kanya.
Pero katahimikan lang ang natangap ko.
Pagtingin ko naman sa kanya ay
nakatingin na ito sa isang sulok at ang mga mata ay may mga nangingilid na luha
na.
“Argel?”
“EJ sorry I have to go. Pasensya na.”
sabi niya sa akin sabay talikod.
Ng akmang hahakbang na siya bigla ko na
lang siya niyakap sa likod at nagsimula ng tumulo ang luha ko sa di ko malamang
dahilan.
“Argel please. Answer my question.
Please?”
“No, di ko siya girlfriend.” Sabi niya
sa malumanay na tono.
“Then ano yung lahat na nakita ko? Alam
mo ba na sobra akong nasaktan sa nangyari na iyon?” sabi ko habang pinapalo ang
likod niya ng kaliwang kamay ko.
Tanging katahimikan lang ang namayani sa
sandali na iyon. Ramdam ko na din ang pagiyak ni Argel.
Di ko maintindihan sa oras na iyon ang
nararamdaman ko. Halo halong emosyon ang umiikot sa akin at pagtataka na lang
din kung bakit ganito na lang ang reaksyon ko sa mga nalaman ko kay Argel.
“EJ, Im sorry.”
“Explain to me Argel. Naguguluhan ako.”
Humarap siya sa akin ay iginaya niya
muna ako sa harap ng bahay namin at iniupo ako sa bench sa may malapit sa pinto
at doon niya sinimulang magpaliwanag sa mga nagyari.
Napahagulgol ako sa mga nalaman ko.
Panghihinayang at awa ang naramdaman ko para kay Argel.
“EJ. Im really sorry for what happened.
“You don’t need to be sorry. Nangyari na
ang lahat.” Sabi ko habang sapo sapo ng mga palad ang mukha ko.
May mga ilang sinasabibi pa sa akin si
Argel pero pulos sariling pagiyak ko lamang ang akin naririnig.
“Argel, tamana na muna itong nalalaman
ko ngayon. I’m sorry for how I judged you agad.” Sabi ko sa kanya habang
tumatayo sa kinauupuan ko at pinupunasan ang mga luha ko.
Naglakad ako papunta sa harap ng pinto.
Pipihitin ko na sana ang seradura nito ng pero may yumakap sa likod ko.
“You don’t need to be sorry. Pareho lang
tayong biktima ng pangyayari na ito.” Sabi ni Argel sa akin habang nakaakap sa
likuran ko.
At dahil doon ay sagana nanaman na
tumulo ang luha mula sa mata ko at parang automatic na yumakap din pabalik sa
mga braso ni Argel ang aking mga braso.
Ilang mga sandali pa ay pinihit ako ni
Argel paharap sa kanya unti unti niyang nilapit sa akin ang labi niya. Malugod
kong tinangap ang halik niya. Ni walang pagdadalawang isip man lang na may
nobyo na ako.
Ayokong magpaka impokrito. Ang inaakala
kong pagmamahal ko kay Argel na pinatay na ng pagmamahal ko kay Donnie ay buhay
pa. Mali man kung titignan pero tama naman sa pakiramdam ko ang pagkakataon na
iyon.
Pagkatapos ng halikan namin ay inihilig
niya ang noo niya sa noo ko at nagsimula ng na rin siyang umiyak.
“Matagal ko ng gustong gawin iyon. Pero
sadya atang mapaglaro ang tadhana sa ating dalawa. EJ, Mahal pa din kita.” Sabi niya sa
akin habang humihikbi.
Sa di ko naman malaman kung bakit ay
automatic na bumalot ang mga bisig ko sa katawan ni Argel.
“Argel, pasensya ka na. hindi ko
masasagot yan. Magulo pa ang mga bagay bagay sa ngayon.”
Pagkasabi ko niyon ay kumalas na ako sa
pagkakayakap sa kanya at tinignan siya ng direcho sa mata.
“Argel, Sorry talaga. Alam ko nasaktan
kita sa ginawa ko noon.”
“EJ, di kita masisisi sa ginawa mo.
Nasaktan ka at dahil na rin yun sa akin at sa kaduwagan ko na din.”
Pagkatapos ng mga sandali na iyon nagpaalam
na si Argel sa akin. Pero bago siya umalis ay binigyan muna niya ako ng isang
mariin na halik…..
Pumasok na ako sa loob ng bahay at naupo
sa sala habang hinintay ko si Donnie. Namalayan ko na lang na nakatulog na pala
ako at walang Donnie na umuwi sa bahay upang samahan ako.
________________________
Jhan Elspeth Lucena
________________________
Naglalakad ako pauwi sa bahay namin
galing sa favorite na shopping place ko.
Sa night market sa Divine! (Divisoria neng!) ng makasalubong ko si Donnie na
naglalakad ng naka yuko.
“Papa Donnie, baka madapa ka naman
niyan? Ano ba tinitignan mo sa daan? May treasure hunting ba na nagaganap??”
Pero sa halip na sumagot siya sa akin ay
tinignan lang ako nito.
Kitang kita ko na namumugto ang mata
nito at bakas ang lungkot sa mukha nito.
“Papa Donnie ok ka lang? May nangyari
ba?” buong pagtatakang tanong ko sa kanya sa seryosong tono.
Ngunit wala pa din akong narinig na
sagot mula dito at naglakad siya papalayo sa akin.
Nakapagtataka dahil alam ko ay masaya
naman silang dalawa kanina ni Erwin magkasama. Siguro baka may LQ lang yung
dalawa?
Nagpasya na lang akong umuwi derecho sa
bahay para magpahinga na din para sa pag pasok sa school bukas.
________________________
Donnie Domingo
________________________
4pm Friday
Kakababa ko lang ng jeep at papunta na
sa school. Hindi ko na dinala ang motor ko papasok ang motor ko dahil sa
mabigat ang pakiramdam ko. Parang bangkay na naglalakad ang itsura ko kung
tutuusin. Hindi ako pinatulog ng pagiisip ko.
Bakit bumalik pa siya kung kalian masaya
na kami ni EJ?
Di ba siya natuwa na nasaktan at naloko
na niya si Ej noon?
At higit sa lahat bakit nakipag halikan
sa kanya si EJ?
Oo nakita ko ang lahat ng pangyayari
kagabi.
Nagkubli ako sa isang sulok at
pinapanood ang pangyayari at ni isang eksena sa paguusap nila ang hindi nakita
ng mata ko.
Mahal ba ako ni Ej talaga ?
O panakip butas lang ako sa lahat ng
nangyari na ito?
Habang nagiisip ko ang mga bagay na na
iyon ay di ko namalayan na nasa harap nap ala ako ng school namin. Papasok n
asana ako sa entrance ng may humawak sa kamay ko galing sa likod.
“Dhie…..”
Si EJ at naka tingin sa akin ng
malungkot.
Agad naman akong tumalikod paharap sa
kanya at pilit kong itinago ang halo halong emosyon na nararamdaman ko.
“Dhie, Bakit di ka sa bahay natulog?”
bungad na tanong niya sa akin.
“Sorry Mhie, tinawagan kasi ako ni Dad.
Pinauwi ako sa bahay.” Sagot ko sa kanya.
“Eh bakit dir in tayo sabay pumasok?”
tanong niya ulit sa akin.
“Sinamahan ko kasi si dad mag grocery
kasi. Di ko matangihan.”
“Ah ganoon ba?” sabi niya sa akin. Sa
malungkot na tono.
“Opo pasensya na Mhie. Lika pasok na
tayo sa loob.” Pagkasabi ko niyon ay isang pilit na ngiti ang binigay ko sa
kanya at hinawakan ko ang kanang kamay niya at hinalikan ito.
Ayokong ilabas ang nararamdaman ko sa
harap niya. Alam kong masasaktan siya pag nailahad ko ito.
Mas gugustuhin ko pang lunukin na lang
ang lahat. Naipangako ko na noon sa kanya na hinding hindi ko siya sasaktan at
iyon ay tutuparin ko….
______________________________
Argel Joseph Francisco
______________________________
“ano ba Angelica! Pwede wag ka angkla ng
angkla sa braso ko!” bulyaw ko kay Angelica na kanina pa lingkis ng lingkis sa
akin habang naglalakad kami sa mall.
Wala aong paki kung may tumingin man na
ibang tao sa amin sa ginawa ko.
“Babe di ba ito naman ang dapat ginagawa
ng mga boyfriend at girlfriend pag naglalakad di ba?” malanding sagot niya sa
sa akin.
“How many times should I tell you? I am
not your B-O-Y-F-R-I-E-N-D!” may diin ko na sabi sa kanya.
“Oh Come on Babe! Doon din tutungo iyon.
Sa akin ka rin babagsak.” Mayabang na sago niya sa akin.
“Oh Come on mo mukha mo. Ilang beses ko
din ba ipapamukha sa iyo na may Mahal akong iba.” Sagot ko sa kanya habang
patuloy na naglalakad.
“Mahal mo nga wala ka naman mapapala?
Sige saan na lang pupulutin ang kumpanya ninyo kung wala kami. Ay hindi pala
kami. KUNG WALA AKO? Aber sige?”
“I don’t care if malugi kami or what!
And so what kung ikaw makakaahon sa akin sa hirap. Di naman ako masaya sa iyo.
Kaya maglaway ka." Pabalang na sagot ko ulit sa kanya.
Napuno na ako sa pinagsasabi sa akin ng
babaeng sira ang tuktok kaya binilisan ko na ang lakad ko at nakihalo sa isang
crowd ng mga estudyante na may tinitignan sa isang boutique at ng nawala na ako
sa paningin niya ay sumigaw ito.
“ARGEL, HINDI KA MAKAKATAKAS SA AKIN.
AKIN KA LANG. I LOVE YOU BABE!” parang sira niyang sinigaw na di inintindi kung
may titingin man sa kanya.
Dali dali naman akong naglakad umikot sa
mga crowd ng mga tao sa mall na iyon. Buti na lang sale doon kaya madaming tao
at nakapagtago ako.
Ng nakapag solo na ako ay napaisip naman
ako sa nangyari sa amin ni Ej at ang pagtatapat ko sa kanya ng katotohanan.
Naging magaan ang loob ko sa pag sasabi
sa kanya ng mga nangyari. Pero na guilty din ako dahil sa alam kong nagulo ko
din ang pag iisip niya at ang
Pero kung ano man ang magandang naidulot
ng ginawa ko ay ang pagkakaroon ko pa din ng pag asa kay EJ.
“I’ll never be perfect without EJ….” naibulong
ko na lang sa sarili ko sabay bitaw ng isang malalim na buntong hininga.
Paikot ikot pa rin ako sa loob ng mall
ng mapadaan ako sa isang boutique at nakitang naka sale ang isang couples heart
silver na cellphone chain.
Di ko naman malaman na sa kung anong
dahilan ay nilapitan ko agad ang sales lady at tinanong.
“Miss excuse mangkano ito?”
“Ay sir naka 70% off sale yan. 250 na
lang po.”
“Swerete!” sabi ko sa isip ko.
“Sige miss kukunin ko na iyan. Pero paki
gift wrap mo yung isa lang ” pakiusap ko sa sales lady.
“Sige sir. Para sa girlfriend mo yung
isa nuh?”
“oo. Tig isa kami kasi.” Sabi ko sa
sales lady habang kinakabit ko sa cellphone ko ang kakabili ko lamang na chain.
“Ng girlfriend mo kuya? Wow swerte
naman. Gwapo mo kuya.” Sabi ng isa pang sales lady na kakikiusyoso.
Nginitian ko na lang sila at inabot ang
bayad saka umalis agad doon.
Parang timang naman akong naka tingin sa
cellphone ko habang naglalakad palabas ng mall.
______________________________
Erwin Joseph Fernandez
______________________________
5:00pm
Nasa gitna kami ng klase at ako naman di
mawaglit sa isip ko ang nangyari naman sa amin ni argel kagabi.
“Friend, huy! Naka tunga nga ka diyan.”
Kalabit sa akin ni Kenji.
Pero parang wala naman akong naramdaman
o narinig.
Patuloy lang ang pag titig ko sa prof.
ko pero wala naman akong iniintindi ni isa sa sinasabi at tinuturo nito sa
amin.
Halos lahat na ata ng nangyari at naganap
kagabi sa pagitan namin ni Argel ay naisip ko na.
I feel guilt talaga.
Why?
I love Donnie and I know he would get
hurt pag nalaman niya ito. Siya yung nasa tabi ko noon at siya an pumulot sa
akin noong nasaktan ako. Tapo iyon pa gaganti ko sa kanya pagkatapos ng lahat
ng tulong at saya na binigay niya sa akin?
I feel confused din.
Why?
Argel… He came back… Dala ang mga
paliwanang sa nangyari. Hindi ko alam kung bakit na lang ganoon ang pagtanggap
ko sa kanya pagkatapos ng nangyari. Di ko rin alam kung totoo yung mga bagay na
sinabi niya kagabi. Pero ewan! Dinikta na ng puso ko sa aking utak na totoo
iyon at yun nga ang paniniwalaan ko.
Ano ang gagawin ko?
Kringgggggggggggggggggggggggggggggggggg!
Sa kalagitnaan ako ng pagiisip ng
tumunog ang bell. Hudyat na tapos na ang klase namin. Natapos lahat ng wala man
lang ako talaga naintindihan.
“Mhie?” pagtawag sa akin ni Donnie na
siya naman nagpabalik sa akin sa katinuan ko.
“po?!” gulat ko na sagot sa kanya.
“ok ka lang ba? Wala ka sa sarili mo.” Nagaalalang
tanong ni Donnie sa akin.
“opo ok lang ako Dhie. Namimiss ko lang
sila Mama and Xang” pagsisinungaling ko sa kanya.
“Don’t worry Mhie. Uuwi din sila Mama
bukas. Teka gutom ka na ba?” naka ngiti niyang tanong sa akin.
“Opo. Di naman kasi ako nag lunch. Kasi wala
akong kasabay.” Matamlay na sagot ko.
“Aw! Sorry Mhie. Kasalanan ko yan iniwan
kasi kita sa bahay mag isa. Sorry talaga.” Sabi niya sa akin na naka open arms.
Humihingi siya ng akap.
Aakapin ko n asana siya ng pumito ng
matinis ang bruhang bestfriend ko.
“hoy nasa loob pa kayo ng classroom baka
nakakalimutan ninyo na andito pa ang prof/dean natin at kanina pa kayo
pinapanood.” Saway sa amin ni Jhepeth.
Sabay naman kaming napatingin ni Donnie
sa prof namin.
“Ms. Lucena hayaan mo sila. Ang sweet nga
ng dalawa. At ikaw babae ka tigilan mo nga ang paglingkis kay Mr. Oya. Diring diri
na yung tao sa ginagawa mo.” Sabi ng Prof/Dean namin na lantad at screaming out
loud na bakla talaga.
Lahat naman ng classmates namin ay
napatingin kay Jhepeth na pasimpleng tinatangal ang paglingkis kay Kenji. Pagkatangal
naman nito ay ngumisi ito at nag peace sign sa lahat.
Tawanan na lang kami pagkatapos ng
eksena na iyon habang nagpapaalam palabas ang prof. namin.
“lika na Mhie kain tayo sa labas.” Aya niya
sa akin sabay hila sa kamay ko.
“Dhie mamili na lang tayo ng lulutuin sa
bahay. Gusto ko ng sinigang for dinner.”
“Naglilihi ka na friend?” singit ni Kenji
sa amin.
Sa halip na sagutin ko ito ay binigyan
ko na lang ito ng isang matulis na tingin.
Agad naman nagtaas ng daawang kamay si
Kenji. Senyas na di siya lalaban sa akin.
“Papa Donnie paki hated na lang sa bahay
yan at ipagluto. Gutom na may PMS pa bestfriend ko.
Ok?” nakakalokong biro ni
Jhepeth naman sa amin.
“Opo Ms. Lingkisera 2011.” Sagot naman
ni Donnie na sinundan ng tawanan naming tatlo ni Kenji.
Ng makalabas na kami ng school ay agad
kami pumunta sa Sm para mamili ng lulutuin para sa hapunan namin.
At ng makapamili ay madali din kami
pumauwi sa bahay.
7:30pm
Nakarating
na kami ng bahay. Sinususian ko na ang doorknob papasok ng magsalita si Donnie
sa likod ko.
“Ikaw
nanaman? Bakit andito ka?” gulat na sabi niya.