Kiss The Rain Chapter 15  

Posted by Erwin F. in




Pauna: Nagbabalik po mula sa pagkakahimlay. masyado lang po busy sa work kaya heto super late.

pasensya na guys sa sobrang tagal ng pag update ha? pasensya na talaga.

Anyway di ko na po pahahabain pa at enjoy!!!!


This Chapter is dedicated to Jin.







Kiss The Rain


Chapter 15



Erwin Joseph Fernandez


4:00 na ng hapon at sobrang init pa din sa labas. Wala kaming nagawa ni Donnie kung di ang mag kulong at manuod lang ng kung ano ano sa dvd sa kwarto ko maghapon para maka iwas sa matinding init sa labas.


Kasalukuyang nanunuod kami ng pangatlong movie namin. Naka sandal si Donnie sa headboard ng kama at ako naman ay naka unan sa hita niya.


“Mhie, mamaya pag wala ng araw labas tayo. Maghapon na tayo dito.” Ayan nya sa akin.


“Opo. Mamaya.” Sagot ko habang di inaalis sa tv screen ang mata ko.


“Mhie, di ka ba natatakot? Di kaya bakilan ni Angelica si Jhepeth?”


Sa tanong niyang yun ay napatingin ako dito at binigyan ko ito ng isang nagtatanong na tingin.


“What?!” sagot niya sa reaksyon ko.


“Dhie, ikinatatakot mo yun? Di mo ikinatatakot kung gaano ka violent si Jhepeth? Look if Angelica makes a move against her nakuh! Asahan mo ng uuwi ng kalbo o tapyas ang mukha ng babae na yun.” Sagot ko habang inaangat pa ang kamay ko na akala mo ay kakalmot na pusa.


“ang confident mo naman ata kay Jhepeth?” kamot ulong sabi niya.


“Dhie, Years na kami magkasama niyan. Wala pang 50% yung nakita mo kay Jhepeth.” Mayabang kong sagot.


“Wow! Buti pala nahila namin siya palayo kay Angelica kung baka kita na utak niyon.”


“In 15. 14. 13. 12.”


Ipinagtaka naman ni Donnie bakit bigla ako nag countdown. Habang ako naman ay patuloy sa ginagawa ko.


“3. 2. 1. The devil is here.” Sabay naman sa pagsabi ko niyon ay ang pagkalabog ng pinto ko sa sunod sunod na katok na nagpatalon kay Donnie.


“Sandali lang!” karipas na takbo ni Donnie papunta sa pinto ng kwarto ko.


Pag bukas naman dito ay sumalubong ang di maipintang  mukha ni Jhepeth. Dalian naman tumabi si Donnie pagilid para bigyang daan si Jhepeth. Diredirecho naman ito pabagsak na naupo sa kama ko.


“Yes what can I do for you madam?” pabiro kong tanong dito na sinuklian naman nito ng matalim na titig na dahan dahang napalitan malungkot na ekspresyon.


“Che, umalis si Kenji sabi ni tita.” Sabi nito na akala mo ay batang nagsusumbong.


“ow? Tapos?”


“Di daw nag bilin kung saan pupunta.”atungal nito at biglang yumakap sa akin at umiyak.
Nagkatinginan naman kami ni Donnie at nagbatuhan lang nag nagtatanong na mga tingin.


Inalis ko ang pagkakayakap ni Jhepeth sa akin at iniharap sa akin.


“Girlfriend ka ba ni Kenji?” ngiwing tanong ko na sinagot lang niya ng iling.


“Peth, ayun naman pala eh. Wala kayong  malalim na "pagkakaunawaan". Besides Kenji is one of us.” Sabi ko kay jhepeth habang hinihimas ang ulo nito.


“Peth, may nagpakilala naman sa iyong gwapong lalaki daw sabi ni Mhie ah?!” singit ni Donnie.


“Ngongo nga lang.” Malungkot na sagot naman ni Jhepeth na sinabayan ng malalim na buntong hininga.


“Tara nuod muna tayo ng movie. Mamaya labas tayo para di ka na ma sad.” Pag comfort ko sa sa aking bestfriend.


“Salamat che. The best ka talaga.” Naka ngiti nitong sabi sa akin habang yakap ako.


“sige dahil sasabay ka manuod. Punta ka naman sa kusina microwave mo yung popcorn pouch doon sa shelf sa taas ng sink.” Naka ngisi kong utos dito.


“impakto ka binabawi ko na sinabi kong the best ka.” Sabi nito sa akin habang padabog na naglakad palabas ng kwarto ko.


“sa taas ng sink na shelf?!” sigaw nito habang bumababa sa hagdanan.


“Oo. Thank you!” sagot kong pasigaw din.


“Impakto!” sigaw din nitong pabalik na nag patawa sa aming pareho ni Donnie.





Kenji Oya





Kabado akong naglalakad papunta sa pagkikitaan namin ng ka text ko ngayon. Medyo may pangamba din halo dahil sa mabilisang pagkikita namin.


Pero sa di ko malamang dahilan ay heto pa din ako at hinihila pa din ng mga paa ko na puntahan ang taong iyon.


Napatawa naman ako ng madaanan ko ang lugar na pinag eskandaluhan ni Jhepeth at Angelica sa parte ng mall na ito.


Binagalan ko na ang lakad ng palapit na ako sa restaurant na pagkikitahan ng ka text ko.


Actually di pa naman ganoon katagal na mag ka text. Dalawang araw pa lang ata pero heto siya at inaya ako na makipag kita at kumain sa labas na naging mahirap naman sa akin para tangihan. Grasya na tatangihan ko pa ba?


Date? Ayoko mag assume.


Habang papalapit naman ako ay kitang kita ko na siya mula sa labas ng restaurant. Napaka kisig niyang tignan. Oo tama kayo makisig dahil sa lalaki ang ka text ko na ito. Tinigilan ko muna ang paglakad papunta sa kinaroroonan niya at pinagmasdan muna siya sa di kalayuan at mukhang di naman niya pansin na nandoon na ako.


“Panaginip ba ito? Please naman wag ninyo na akong gigisingin pa kung di man ito totoo. Comatose na kung comatose basta andiyan siya.”  Malandi kong sabi sa aking sarili.


Maya maya pa habang ako ay binubusog ang mata ko sa pagtitig sa kanya ay nagtitili naman ang cellphone ko sa bulsa ko.


Agad ko naman kinapa ito sa bulsa ko at sinagot ang tawag.


“Hello?”


“So titignan mo lang ba ako mula diyan? Samahan mo na ako dito.” Sagot ng kausap ko sa kabilang linya. Grabe just hearing his voice instantly sends shivers down my spine. Napaka manly and sexy ng voice niya.


“ah eh! Ok. Wait.” Tangin nasagot ko. Pakiramdam ko ay ang init init ng mukha ko at mayroong kung anong pumasak sa lalamunan ko kaya yun lang ang salitang lumabas sa akin.
Lahat naman ng paraan para ma compose ang sarili ko ay ginawa ko habang naglalakad na ako papasok ng restaurant at papalapit sa kanya.


Pagkalapit ko naman sa kanya ay tila naging tuod naman ako sa harap niya. Ang naalala na lang ata gawin ng katawan ko sa mga oras na iyon ay ang paghinga. Napansin naman niya ito ata kay agad siyang tumayo at inalalayan akong umupo.


“Have a seat.”


“T-t-hank you.”  Sagot ko na tila naman na lumubog paloob ang dila ko sa lalamunan ko.
Pag kaupo ko naman ay naupo na din siya at tinignan ako nito ng mata sa mata.


Maganda ang mata niya. Mapungay tila nangaakit.


“nag order na ako 15mins ago. I hope you don’t mind.” Pagbasag nito sa katahimikan na namamagitan sa amin.


“Ah. Sige ok lang yun.”  Matipid ko sagot.

Katahimikan ulit ang namayani sa aming dalawa. Tanging pagtingin sa mga kamay ko ang nagawa ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko pero kakaiba di takot o kaba na ang nararamdaman ko.


“You look cute. Lalo pag malapitan.” Sabi niya sa akin na nag paangat naman ng ulo ko para tignan siya. Pagtingin ko naman sa kanya ay tinititigan ako nito na may matamis na ngiti sa labi.


“salamat. Are you flirting with me?”


“If thats what you call it.” Naka ngiti pa din na sagot niya sa akin.


Again parang nabulunan ako. Di ko alam kung ano man ang bumara doon pero parang pinipigilan pa din ako nito makapagsalita. Salamat at dumating din ang pagkain. Ito lang ata ang makapagsasalba sa akin mula sa pagkatameme ko sa kanya.


Subo.


Nguya.


Tingin sa akin.


Ngiti.


Inom ng juice.


Iyan ang naging routine niya sa harap ko habang kumakain kami.tuwing makikita ko na lang siya naka tingin sa akin ay sinusuklian ko na lang din ng ngiti.


Actually kanina pa ako kinikilig at kanina pa din ako nagtataka kung bakit ganoon na lang siya sa akin.


Panghimagas na ang kinakain namin at heto ako may tanong na naka bitin sa utak ko. Pinagiisipan mabuti kung ibibitaw ko ba ito sa kanya o hayaan na lang na kainin ng kalimot.


Pero sadyang ayaw talaga ako lubyan ng utak ko. Pilit nitong pinatakbo sa isip ko ang tanong ng paulit ulit. Kaya heto ako nilalaro at tinititigan ang souffle sa harap ko.


“Di ba masarap ang dessert na napili ko?” pagbasag niya sa ginagawa ko.


“Ah! Masarap!” sabi ko sabay subo ng kutsaritang hawak ko.


 “Huatengna parang timang ako!” pahabol ko sa isip ko.


“Mabuti naman at nagustuhan mo din pala.” Naka ngiti nitong sabi sa akin.


“Ano...”


“Yes?”


Kailangan ko na itanong ito. Di na kaya ng utak ko pa isantabi ito.


“Bakit mo ginawa iyon at ito?” napayuko na lang ako pagkatanong ko sa kanya.


“Yung ano? Ito?”  natatawang pagtanong niya pabalik sa akin.


“Ayun! Ito!”  parang timang na sagot ko naman na habang napakamot sa ulo ko.


“Ahhhh! Ayun at ito! Isa lang naman ang dahilan eh. Gusto kita.” Straight forward na sagot niya sa akin.


Napaangat naman ang ulo ko pagkarinig ko sa sinabi niya.


“Ha! Di ba Girlfriend mo yung Demonyitang babae na iyon? Pasensya ka na sa term ko.” Tanong ko ulit sa kanya.


“Napilitan lang ako doon. To tell you the truth may utang lang family namin sa kanila para buhayin ang negosyo namin and to repay that she requested from my parents na ako ang maging boyfriend niya. I strived hard parapalaguin ang negosyo namin at bayaran ang utang namin para makalayo sa kanya. Nagawa ko lahat ng iyon and still she kept on bugging me. Until that day came. Yun yung araw na ang kaibigan mo ay dumating at sinugod siya at nakita kita. Which made me decide na putulin na ang kung ano mang meron sa amin. Wala na siyang habol.” Pag kwento niya sa akin.


“Ha! So you mean parang si Argel ka lang din?” tanging naisagot ko. Halata nanaman siguro sa kanya na nag blush ako sa huling parte ng kwento niya.


“Sino yun?” tanong niya pabalik sa akin na naka hilig ang ulo pakanan.


“ah! Nevermind him. Wala yun. Isa sa ka love triangle ng friend ko. Balik tayo sa iyo. So you mean if hindi mo siya type. P.L.M. ka!”


“P.L.M. School yun di ba? Hindi ako doon nag aral.”


“no no no! Hindi yun. People Like Me.” Medyo natatawa kong sabi.


“Huh? Sorry i’m not following.”


“I mean gay/bi ka din?” tanong kong naka ngiwi.


“Well obviously yes. Why would I go on a DATE with you if i’m straight? Sensya na ha medyo di ko na gets nung una.” Natatawang sabi nito sa akin.


Gosh! Lord ito na ba! This is really is it! Salamat sa delicious na blessing na ito!


“Date ito? And why did you slip a calling card sa floor papunta sa akin noong umaawat kami?”


“Yes date ito and thats what I call trying my luck.”


“Trying your luck?”


“Oo. I was hoping na mag text ka sa akin.”


“nag text nga ako.” Nahihiyang sagot ko.


“yun nga ang hinihiling ko mangyari at nasagot naman.” Sabi naman niya sabay kindat sa akin.


Tila parang nataranta, nagulo, nabulabog naman ang sarili ko sa ginawa niya na iyon at parang di ako mapakali na sa kinauupuan ko. In a good way ha!


“Hindi papala tayo nagpapakilala ng maayos. I’m Jhasper Jocson. 23 ang hunky nurse.” sabi niya habang nag flex pa ng biceps niya at taas baba pa ang kilay na nakatitig sa akin.


“ah ako. Kenji Oya. 23.” Matipid ko na sagot.


“Wala man lang ba konting catchy na idadagdag sa dulo?”


“Kaibigan ni Erwin na Bf ni Donnie na Hinahabol ni Argel na hinahabol ni Angelica na ipinakilala kang “Boyfriend”.” Mahabang sabi ko sabay bitiw ng ngiti.


Natawa naman siya at tila musika sa tenga ko ang tunog na lumalabas sa bibig niya.


“I think magkakasundo tayo at mahaba pa ang DATE nating araw na ito kaya alis na tayo at sa sunod na lugar naman.” Sabi niya sa akin sabay hawak sa kamay ko.



Argel Joseph Francisco





Kanina pa tunog ng tunog ang cellphone ko at sa irita ko dito ay inilagay ko silent mode ito.


Pero ganoon pa din patay sindi pa din ang ilaw nito na siyang nakakabulabog sa pag mumuni muni ko sa kwarto ko na ni isang sinag mula sa labas ng bintana ang nakapapasok.


Di ko rin natiis pa ito at dinampot ko na ang cellphone ko at tinignan ito.


30 missed calls at 15 text messages. Mula sa iisang tao?


Nagtataka kong binuksan angmga mensahe pero iisa lamang ang laman nito.


“Sorry.”


“Kalokohan nanaman. Wala ng katapusan na kalokohan na humahantong lang sa paulit ulit na kalungkutan ko na ito.” Sabi ko sa sarili ko habang humihigpit ang hawak ko sa cellphone na nasa kamay ko na unti unting namamatay ang liwanag.


Muli namang umilaw ang cellphone ko at may message nanaman sa mula sa tao na iyon.


“Sorry. Sorry talaga Argel, sana mapatawad mo ako. Mali ang nagawa ko. I realized that my actions will go onto nothing. Why would i force someone to love me? I have dragged other people sa gulo pa nating dalawa. I’m really sorry. Please sana mapatawad mo ako. Gagawa ako ng paraan para maayos itong lahat.” Laman ng text.


“Patibong nanaman.” Bulong ko.


Iniwan ko na lang ang cellphone ko sa side table ng kama ko at lumabas sa kwarto ko.





Erwin Joseph Fernandez




“Jhepeth! 9pm na di pa tayo kumakain. Sila mama umalis at nagiwan naman ng pagkaing lulutuin.” Sabi ko habang niyuyugyog ko ang bruha na nasa kama ko at tulog na tulog.


“Bakit di ka maghanda? Gisingin mo yung kapre mong asawa para matulungan ka.” Sabi nito sa akin habang isinisiksik ang mukha nito sa unan na yakap yakap.


“Sira ka! Kanina pa si Dhie sa baba. Nakapag hain na ikaw na lang ang kulang!”


“Susunod na ako. 5mins lang. Nagroromansahan na kami ni Baby Kenji. Hehehehe!” mala manyak nitong tawa habang nasa ganoon pa din posisyon.


“errrrr... sige mauna na kami sumunod ka. Wag mo dudumihan kama ko please lang.”


Dali dali naman ako bumaba para saluhan si Donnie sa lamesa.


“oh Mhie nasan na yun?” bungad ni Donnie sa akin pagkakita sa akin.


“Ah! Eh! Sunod daw. Nananaginip ng kalahating gising. Mauna na tayo.” Sabi ko habang papaupo sa tabi niya.


“sige kanina pa ako nagugutom Mhie eh!”


“Lagi ka naman gutom...”


“Oo Mhie. sa pagmamahal mo.” Sabi niya sa akin habang nagsasandok ng kanin sa tigisang plato namin.


“Sira ka kumain ka na nga at baka lumala ka pa lalo.” Humahagikgik na sagot ko.


Susubo na sana ako pagkain ng tumunog ang doorbell.


Kunot noo naman akong tumayo at pinagbuksan ng pinto ang kung sinong tao na iyon.


Laking gulat ko naman ng mabuksan ko ang pinto at tanging pag tingala at pagtitig lang ang nagawa ko sa taong nasa harap ko.


“Friend ok ka lang ba?” basag ni Kenji  na nasa tabi ko pala.


“Ha! Oo! Tao pa ako.” Wala sa sariling sagot ko.


“bakit nandito iyan?” kasunod kong tanong.


“papasukin mo muna kami.” Naka ngisi niyang sagot sa akin.


Wala naman akong magawa kundi patuluyin ang dalawa sa sala at paupuin doon. Tapos niyon ay dali dali akong nagpaalam at umalis para hilahin si Donnie papunta sa kanila.


“Bakit andito ka? Bakit kasama mo kaibigan ko? Bakit magkaholding hands kayo?” sunod sunod kong tanong habang si Donnie naman ay speachless lang sa tabi ko.


“Friend, siya nga pala si Jhasper. Nag meet kami kanina. Nag date kami. Harmless siya. Nasa side natin siya. Gusto niya daw ako.” Mabilis at Sunod sunod ding sagot ni Kenji sa akin.


Pero tila parang wala kami halos naintindihan ni Donnie kaya tanging pagtitinginan ang nagawa namin at pag aya sa dalawa sa pag kain ng hapunan.


Doon naman pinaliwanang ng dalawa sa akin ang mga dapat kong malaman. Madali naman namin nakuha ang ugali ng kasama ni Kenji kaya todo kwentuhan kami habang kumakain.


“Che! Kakain na ako. Ready na ang beauty ko sa laps!” sigaw ni Jhepeth habang bumababa sa hagdan na siya namang nag padilat sa mata ni Kenji.


“nandito nga pala siya di ko namin nasabi ni Mhie.”  Kamot ulong sabi ni Donnie kay kenjie.


“Baby kenjieeeeeeeeeeeeeee!!!” tili ni Jhepeth habang patakbong papunta sa kinauupuan namin.


“hamishu! Hamishu hamishu! Saan ka galing? Kumakin ka na? Hamishu!” tila parang baliw na si Jepeth habang naka hawak sa kanang kamay ni Kenjie.


“Ehem!” pag tawag ng pansin ni Jhasper naman.


Nakuha naman nito ang pansin ni Jhepeth.


“Anong ginagawa mo dito?!” eksaheradang tanong ni Jhepeth.


“Asan si Angelica? Mangugulo nanaman ba? Ibabaon ko sa asin yun at gagawin kong key chain. Asan na yun?” paranoid na tanong ng bruha.


Dali dali naman akong tumayo at pumunta sa gitna ni Jhasper at Kenji.


“Che, kami lang andito.  Saka tignan mo ito.” Sabi ko habang hawak ang tinataas ang kamay ng dalawa na magkaholding hands pa rin.


“anong ibig sabihin  nito Kenji? Nag traydor ka na sa akin? Sa sagradong pagmamahal ko sa iyo.” Sabi ni Jhepeth habang pinapalo nito ang dib dib niya.


Tila parang comedy show ang nangyayari sa harap ko. Tawa lang kami ng tawa ni Donnie habang si Kenjie at Jhasper naman ay todo explain sa harap ni  Jhepeth na akala mo ay tinakasan ng kaluluwa na niya.


Ng tumunog nanaman ang Doorbell.


Dali dali naman akong pumunta sa pinto sa pagaakala na kapatid ko at Mama ko na iyon.


Pag bukas ko naman ay isang pamilyar na mukha ang bumungad sa akin.


“Bakit?” tanging nasabi ko pagkakita ko sa kanya.


Itutuloy.

Kiss The Rain Chapter 14  

Posted by Erwin F. in

Pauna: Nais ko magpasalamat sa lahat ng patuloy na tumatanghilik sa storya kong ito. Grabe kung alam ninyo lang gaano ako natutuwa sa mga comments ninyo. Salamat po talaga! (^_^)


Guys nga pala pakiabangan ang Libro na ilalabas ng mga pinagsama samang mga magagaling na manunulat na wala akong binatbat. hahahahaha!

Michael's Shades Of Blue Anthology
14 Stories of Love, Paranoia and Hunger.


Soon to hit the shelves of National Book Store.



Ngayon tapos na ang Commercial! start na tayo! ^_^





Kiss The Rain
Chapter 14
Cat Fight






Erwin Joseph Fernandez


Hirap akong imulat ang mata ko pero ipinilit ko pa din at tuluyang tumayo mula sa pagkakahiga ko. Napahawak naman ako sa ulo ko dahil sa sakit. Nagtaka naman ako at bakit ang damang dama ko ang lamig sa balat ko.nagulat na alng ako ng masilip ko sa ilalim ng kumot na wala akong saplot.  Pagtingin ko sa kaliwa ko naman ay si Donnie agad ang nakita ko. Tulog pa din ito naka nganga at wala din itong saplot tulad ko.

“naginuman nga pala kami kagabi nila Jhepeth.” mahinang usal ko.

“Mhie good morning….” Bati sa akin ni Donnie na matatawa ka kung sakali ikaw maka kita.

“Good morning din.” Humahagikgik kong sabi.

Umupo naman ito sa tabi ko at niyakap ako.

“Mhie I love you.”  Bulong niya sa akin.

“I love you more Dhie.” Bulong ko pabalik.

“pa kiss ako.” Naka nguso nitong sabi.

“Ewww! Morning breath! Toothbrush ka na muna!” sabay balikwas ko  sa kama patayo at nagtatakbo palayo sa kanya.

Nasa akto akong ganun ng bumukas ang pinto at bumulaga si Mama. Knowing na wala pa akong ni kahit anong saplot sa katawan ay napasigaw ako at luhod sa kinatatayuan ko para takpan ang alam ninyo na.

“Mag bihis na kayo. May pagkain na sa baba.” Naka ngising sabi ni Mama habang sinasara ang pinto.

“Dhie, bihis ka na mauna ka na sa baba.” Naka nguso kong sabi.

“Opo aking porn star na nahuli ni Mama.” Pangaasar nito sa akin.

Dalian naman nag bihis si Donnie pati na rin ako. Pagkadamit nito ay hinalikan ako nito sa pisngi at bumaba na papunta kila Mama.

Ako naman ay nagsuot lang ng boxer shorts at sando. Pagkatapos ay inayos ang kwarto. Napansin ko naman ang cellphone ko na naka patong sa side table.  Kinuha ko ito at tinignan ang cellphone chain na binigay ni Argel. Napabuntong hininga na lang ako.

“This should end…” mahinang bulong ko habang naka tingin pa din sa cellphone ko.

Napagdesisyonan ko na tangalin ang cellphone chain na binigay sa akin ni Argel  at itinabi na lang ito sa shoebox na nasa cabinet ko. Kasama nito ang mga souvenirs noong highschool. Saka nilapag ko ulit ang phone ko sa side table. Akmang lalabas na ako ng pinto ng kwarto ko ng tumunog ito palatandaang may txt na natangap pero di ko na iyon pinansin at lumabas na ng kwarto.

Lumipas naman ang maghapon at dumating ulit ang dalawang kumag kong kaibigan. Sila Jhepeth at Kenji. Nagyaya ang dalawa na gumala sa isang mall sa divisoria.

“Peth, Sure ka ba na nasa  Divisoria pa tayo?” Sabi ko habang linga ng linga sa mga nakapaligid sa akin.

“daig mo pa si Dora. Ang galling mo humanap ng magagandang pasyalan.” Si Donnie.

“Tamana daldal. PapaDonnie, pahiram muna ako sa bestfriend ko ha! Baby Kenji, Igala mo si Donnie” sabi ni Jhepeth habang mabilisang hinihila ako palayo sa boyfriend ko.

Nagtatakang tingin lang ang ibinato ko kay Jhepeth habang patuloy kaming naglalakad. Ng makarating naman kami sa Starbucks ay agad pumasok ito at pinaupo ako sa pinakamalapit na sofa.

“My treat.Marami tayong paguusapan.” Naka ngiting sabi nito sa akin habang nasa harap ng counter.

“Ayan nanaman po kami….” Sabi ko na lang sa loob loob ko.

Maganda naman ang naging takbo na usapan naming ni Jhepeth. Lahat ng dapat niya malaman ay sinabi ko sa kanya. Wala ni isang detalye akong pinalampas.

“Tarantadang bilat yun! Makita ko lang yan papaikutin ko peslabu! Nakuuuuuu!” Gigigl na gigil na sabi ni Jhepeth pagkatapos ko mag kwento.

“Wow!Baka magputukan ang ugat mo sa leeg niyan. Relax lang.” pag awat ko ditto.

“Sige sige sige! Pero wag lang talaga kami magkasalubong.” Sabi ni Jhepeth habang kinakalma ang sarili niya.

“anyway tungkol kay Donnie. Che, ano bah! Saan ka pa makakahanap ng katulad niya? Parang awa mo na tapusin mo na ito. Saludo na ako kay Donnie sa sobrang pag intindi niya sa iyo. “ Pagpapatuloy nito habang naka lahad pa ang kamay nito sa harapan ko.

“Kahit di mo sabihin tatapusin ko na ito. Oo bilib at napaka thankful ko kay Donnie sa ginagawa niya para sa akin.” Sabi ko habang hinahalo ng straw ang iniinom ko na kape.

“Good. Tatapatin na din kita. Alam mo kung wala si Argel lang sa buhay mo ay napaka ganda na siguro. Kaya kung hangga’t maari tapusin mo na ang gulo na ito. Ayoko na umulit ulit ng opinion ko. Parrot na ang drama ko nyan. Gosh!” maarte pero direchong wika sa akin ni Jhepeth na siyang ikinataas ng kilay ko.

“opo madam. Anyway kung wala naman ang drama ko sa buhay na ito wala ka magiging past time. Tsismosa!” biro ko sa kanya.
Doon na nagsimula ang batuhan ng biro at tawanan naming dalawa. Wala na kaming pakielam kung may iba pang tao sa loob ng kapehan na iyon.







Donnie Domingo


“Saan kaya dinala ni Jhepeth si Mhie?” Tanong ko sa kasama ko.

“Nasa tabi tabi lang yun. Bestfriend niya yun nuh. Wag ka mag alala safe si Ewin.” Sabi ni Kenji sa akin habang tinitignan ang damit  na nasa harap niya.

Lakad dito lakad doon ang ginagawa naming dalawa sa loob ng mall na iyon. Nakakapanibago din dahil nasanay na din akong si EJ lagi ang kasama ko pag mag mall.

“Donnie, Wag ka maoffend sana sa itatanong ko.” Biglang sabi ni Kenji habang tinitignan ang isang piraso ng damit na hawak nito.

“Sige lang.”

“Di ka ba nagsasawa masaktan sa nangyayari sa inyo ni EJ? Away - bati?”

“Hindi.” Walang pag aalinglangan kong sagot.

Napatingin naman sa akin ito pagkasagot ko.

“You really do love him. Hindi ko na kailangan ng explanation mo. Baka maubos buong araw sa iyon” Natatawa nitong sabi sa akin habang binabalik ang hawak na damit sa rack.

Lumabas na kami ng boutique pagkatapos ng kaunting usapan na iyon.

“Donnie, Swerte ng kaibigan ko sa iyo talaga. Nakakainggit sana balang araw matapat ako sa kaugali mo.” Sabi nito sa akin habang winawasiwas sa ere ang daliri.

“Kenji, Mas swerte ako sa kanya. Nandiyan pa din siya sa tabi ko kasi.”

“Makeso ka talaga.Kahit kalian.Tara hanapin na natin yung dalawa gutom na ako.”











Erwin Joseph Fernandez


Matapos ang kwentuhan namin magkaibigan sa buhay ko ay sa kanya naman ang hinalungkat ko.

Natatawa man ako sa kwento nito tungkol sa pagiwas sa kanya ni Kenji ay pinipigilan ko pa din. Baka lumipad kasi sa akin ang kutsilyong nasa platito sa harapni Jhepeth.

“Imagine mo Che, ako na lumalapit ayaw pa?” angal nito sa akin.

“Bakit ba trip na trip mo si Kenji? Pwede ka naman tumalo ng iba.”

“Che, naman alam mo naman bet na bet ko na yun matagal na since pinakilala mo sa akin.”

“Gusto mo siya .eh ikaw ba gusto ka niya? Bakit di na lang yung lalaki na yun ang taluhin mo.” Sabay turo ko sa lalaking nasa di kalayuang mesa sa amin.

“Gwapo, Matangkad, Chinito. Pasok sa banga. Kaso walang charm ni Baby Kenji….”

Sakto naman lumingon ang lalaki at nakita nitong naka tingin si Jhepeth sa kanya at nginitian ito.

“Peth, nakita kang naka tingin. Nginitian ka! Chance!” pabulong kong sabi rito.

“Che, Plangak! Gwapo ng ishmile! Pwede na to.” Bulong niya pabalik na kinikilig pa.

Maya maya pa ay sumulyap kami ulit sa lalaki kanina at di naman nabigo si Jhepeth dahil kinawayan siya na nito.

“Che, Kumaway! Soulmate ko na ito! This is the moment!” maharot nitong bulong  sa akin. Halatang halata ang kilig nito.

“Dahan dahan naman Peth, di mo pa kilala soulmate na agad.”

Kumaway pabalik naman ang lukaret kong bestfriend pabalik sa lalaki na iyon. Wrong move naman ata iyon dahil tumayo na ang lalaki tutumbukin ata ang lamesa namin.

“Che, ayan na! ayan na! maganda ba ako? May oil spill ba ako sa mukha? Mabantot ba hininga ko?” sunod sunod na tanong nito sa akin na sinagot ko lang ng ngiwing ngiti at isang thumbs up sign.

Ng makalapit na ang lalaki sa pwesto naming ay binuhos na ni Jhepeth lahat ng pa-kyut powers nito sa isang…

“Hi…”

Nginitian naman siya ng lalaki pabalik.

“Ngay mhiss.Khyut a phala a peonal. Pene manguha ng umber mo?” sabi ng lalaki na siyang nagpabagsak ng panga naming pareho.

Nagkatinginan naman kami pareho dahil sa di inaasahan na bagay….

Mabait naman inabot ni Jhepeth ang isang tissue na may numero niyang naka sulat sa lalaki.

“Cge I think we need to go na. may pupuntahan pa kami ng best friend  ko.” Palusot nito sa akin.

“Mhumye tek na lang ita.” Naka ngiting sabi ng lalaki sa amin.

Dali dali naman akong kinaladkad palabas ng Starbucks ng bruha kong kaibigan at ng makalabas na kami ay nilingon nito ang lalaki at nag  gesture na tawagan siya. At ng tuluyan na kami makalayo ay dinagukan ko ito.

“Bruha!Anong  nakain mo at ginoyo mo pa ang lalaki na yun.”

“Sira! Binigay ko talaga number ko! Text lang naman gagawin saka saying gwapo pa din. Saka natatawa na ako kaya umalis ako kaagad.”

“Ang sama mo talaga babae ka. Pagtatawanan mo pa.” taas kilay kong pangaral dito.

“sige na masama na ako pero may mas masama sa akin na kilala ko.”  Seryoso nitong sabi sabay turo sa isang babae na abot ng tanaw naming dalawa.

Si Angelica at may kasama itong lalaki at di si Argel ito.

Ibinalik ko naman ang tingin ko kay Jhepeth at kitang kitang galit sa mata nito.

“oh no Peth! No! No! wag!” pag awat ko dito sabay hawak sa braso nito.

“wag mo ako aawatin. Let me do this kundi ikaw ang sasamain sa akin.” Pagbabanta niya sakin habang inaalis ang kamay ko sa braso niya.

Shock by what Jhepeth ay binitawan ko agad ang kamay nito at mabilisan ko itong hinabol papunta kay Angelica na walang kaalam alam na nandoon din kami.

“Hoy babae!” pag tawag pansin ni Jhepeth dito kahit ilang metro pa layo nito.

Tila nagitla naman sa narinig si Angelica at mabilis itong napalingon kay Jhepeth at binigyan ito ng pangkontrabidang ngiti.

Ako naman ay napangiwi na lang.

“Oh. Ang babaeng squatter.” Kalmado at puno ng ereng sabi ni Angelica.

“Di ako papatol sa lait mo. Anong naisipan mo at ginawa mo sa bestfriend ko iyon?” diredirecho at walang prenong si Jhepeth.
“Well let’s make it simple. Argel is such a trophy. At dapat akin yun kaya ko ginawa. Simpleng logic stupida!”

Kitang kita ko ang pag sara ng kamao ni Jhepeth sa narinig niya mula kay Angelica.

“Kung trophy mo si Argel sino ito kasama mo?” gigil na tanong ni Jhepeth.

“Boyfriend kong hunky.  Jhasper say hi to them. This is Stupidang squatter Jhepeth and that one over there is Erwin. He is gay and kadiri.” Sabi nito sabay arte na kala mo ay kinikilabutan sa sinasabi niya.

Nagaalangan naman ngumiti ang boyfriend nito sa amin at inilahad nito ang kamay kay Jhepeth. Ngunit hinila ni Jhepeth and kamay nito at sinugod na si Angelica at hinablot ang buhok nito. Halos walang tao sa parte ng mall na iyon kaya naglakas loob na rin ang kaibigan ko gawin iyon.

Tila napako naman ako sa kinatatayuan ko at pinanuod ko paano iwagiwag ni Jhepeth si Angelica sa harap ko.

Aawat naman sana ang boyfriend ni Angelica pero sinigawan ito ni Jhepeth.

“Wag na wag ka sasali!” Matinis  gigil na gigil na sigaw ni Jhepeth habang iwinawagwag pa din ang walang kalaban laban na si Angelica na wala naman magawa kundi umiyak at sumigaw sa sakit.

Di ko alam sa sarili ko pero lihim akong napangiti sa nangyari.

Maya maya pa ay naka tawag pansin na ang komosyon na ang ginagawa ni Jhepeth kay Angelica.

May mga nanunuod ng mga usisero.

Maya maya pa ay nagsidatingan na ang mga security guard ng mall kasabay din nito ang pag dating ni Donnie at Kenji.

“Mhie, ok ka lang? ano nangyayari?” alalang alalang tanong sa akin ni Donnie.

Tanging tango at pagturo sa pwesto ni Jhepeth lang ang naisagot ko sa kanya.

“Diyan ka lang wag ka aalis.” Bilin niya na sinagot ko lang ng tango.

Agad naman niyang pinuntahan si Jhepeth para pigilan ito.

Kitang kita ko ang pag pigil ng mga security guard at ni Donnie kay Jhepeth.

Matagumpay naman nilang napaghiwalay ang dalawa. Nakaagaw pansin naman sa akin ang nasa kamay ni Jhepeth na mga buhok galing kay Angelica. Mga hair extensions.

“Punyeta ka! Bukod sa ugali mo pati buhok mo peke din pala! Ano pa peke sa iyo!” gigil na gigil pa rin na sabi ni Jhepeth kay Angelica na umiiyak at hawak ang ulo nito siguro dahil sa hapdi at sakit na gawa ng pagsabunot sa kanya .

Si Donnie at Kenji naman ay kita kong napahagikgik sa sinabi na iyon ni Jhepeth.

“Tandaan ninyo mukha ng babaeng iyan. Mayaman yan pero malaki ang pagkukulang sa pagiisip! Relasyon ng may relasyon sinisira! At take note may boyfriend pa iyan! Di ko malaman kung ang katawan din ba niya ay nasasakupan din ni Mayor Binay. Makati!”

Bulong bulungan at may mangilan ngilang tawanan ang narinig ko mula sa mga nanunuod sa paligid. Ako din ay di mapigilan ang ngiti kumumawala sa labi ko. Ayokong mag paka plastic pero nakaramdam ako ng pag ganti sa ginawa ng kaibigan ko sa kanya.

Mabilisan naman umalis si Angelica sa lugar na iyon matapos ang nangyari. Pero bago iyon ay nakita ko munang nagtitigan ang boyfriend ni Angelica at si Kenji.

Wala lang siguro iyon.

Ng masiguro ng wala ng gulo ay nagsilalisan na ang mga security guards at ang mga nanunuod.

Patakbo naman pumunta sa akin si Jhepeth at naka ngiti ito na akala mo ay walang nangyari.

“ oh pa frame mo! Isabit mo sa bahay ninyo.” Tawa tawa nitong sabi sa akin sabay abot ng extensions ni Angelica sa akin.

Natawa naman ako at niyakap ang kaibigan ko at hinimas himas ang likod nito.

“Salamat Peth. Wag mo na uulitin yun ha!”

“Ah basta walang aaway sa iyo. Kundi ako ang makakaharap nila.” Mayabang na sagot ni Jhepeth.

“Ang sweet ninyong dalawa nakakaiyak…” singit ni Kenji.

“hoy tarantado ka anong sinasabi mo. Ikaw nga itong di man lang ako piniggilan. Buti na lang malakas humatak si Donnie at nakipag titigan ka pa sa Jhasper na yun!”  ang nakapamewang na si Jhepeth.

“Cute kasi eh….”  Kamot ulong sagot na lang ni Kenji.

“Che, Kain tayo my treat. Tama na iyan.” Sabat ko sa dalawa.

Nagpatiuna naman na kaming dalawa ni Donnie maglakad palayo sa dalawang nagbabangayan nanaman.







 Argel Joseph Francisco


Walang kagana kaganang akong naka upo sa terrace ng bahay namin. Nakatanaw sa malayo. Kung ano mang tinititigan ko di ko rin alam.
Wala siguro.

Wala nga talaga.

Tulad ng pagasa kong makuha pa ang pagmamahal kay EJ na gusto ko maranasan wala na.

Should I find someone else?

Kung may mahanap man ako. Ganoong pakiramdam din kaya ang mararanasan ko tuwing kasama ko si EJ?

Nasa ganito akong pagiisip ng mag ring ang phone ko at nag register ang pangalan ni Angelica dito.

“Ano?” walang kagana ganang sagot ko.

“Sinabunutan ako ng kaibigan nung EJ.” umiiyak na atungal nito sa akin.

“Si Jhepeth?”

“oo.”

“Natangal extensions mo?”

“oo.”

“Ah ok. Sige. Bye.” At binaba ko agad ang phone ko.

Parang timang naman akong natawa sa narinig ko at mula sa pag eemo kanina .

Pagkatapos ng ilang minuto naman ay bumalik na din ang katahimikan ko sa kinalulugaran ko.

Napaisip kung ano ang gagawin at ano pwede kong gawing sulusyon.

“EJ.” sambit ko sabay bitaw ng malalim na buntong hininga…



Itutuloy.




Kiss The Rain Chapter 13  

Posted by Erwin F. in


Pauna: Salamat sa mga patuloy na nagaabang. Thank you talaga!
I missed writing kaya patakas na ako mag sulat sa office with matching drama pa sabi ni Ate ROVI. hehehehe!

As i have said sa Wide Awake ay ipagpapatuloy ko na ito. heto na po sila Argel, Donnie, Erwin, Jhepeth, at Kenji.

Vincy: Hamishu din! may utang ka sa akin!

Kenji: Friend ayan ha napagpag ko na ang amag.

Pero bago lahat SALAMAT sa mga sumusunod na mga tao:

Ernes_aka_Jun, Jack, Jayfinpa, 

Ram, Chris, Wastedpup Cutie 

Pinoy Gay Guy, Darkboy13,

Gerald, Slushie.Love, Zenki, Roan, Ice, Icy,

Light rundel, JIM Sleco5, Wastedpup, Ross Magno, Coffee Prince, Pink 5ive, Rah16, J.V, 

Hotako D 220, Ezrock, Pslam.




Kiss The Rain
Chapter 13
True Love.....


_____________________
Erwin Joseph Fernandez
_____________________


Tanghaling tapat at di na ako mapakali sa kinauupuan ko. Nagdadalawang isip pa din kung pupuntahan ko si Argel o hindi.

"Nak, ok ka lang ba? Halos hindi mo ginagalaw ang pagkain mo." pag basag ni mama sa pag iisip ko.

"AH! Opo ok lang. Masarap kaya!" sabi ko sabay subo ng nakatusok na isang malaking hiwa ng karne sa tinidor na hawak ko.

"Si Donnie pala nasaan iyon??" Tanong ni Mama bago humigop ng kape.

"Maaga po umalis. Sinamahan Daddy niya. May lakad sila." Sagot ko habang puno pa ng pagkain ang bibig ko.

"Ahhhh..... OK. Bonding ng mag ama." sabi ni Mama habang sinesenyasan akong lunukin ang nginunguya ko.

pagkalunok ay tumango na lang ako na parang paslit kay Mama.

"Oh ikaw ba may lakad din? Kung meron. Bili ka naman ng Eggpie". sabi ni Mama

"Opo." Simpleng sagot ko.

Pagkatapos ko naman kumain ay naligo na ako.

Habang nagaayos naman at naalala ko ang cellphone chain na kasama ang isang liham na binigay ni Argel.

kunuha ko ito at ikinabit sa cellphone ko. pagkakabit ay tinitigan ko ito at nagpakawala ng isang malalim buntong hininga saka nilapag ang cellphone ko sa harapan ng salamin.

ng makapag ayos na ako ay agad naman akong bumamaba papunta kay Mama na nasa sala ng panahon na iyon at nanunuod ng showbiz talk show. Pagkakita naman ni Mama sa akin ay tumayo ito sa kinauupuan niya at lumapit sa akin. 

"Saan punta natin? Ang cute ng anak ko ah! sabi ni Mama habang inaayos ang kuwelyo ng polo ko.

"Diyan lang po sa SM Manila kikitain ko ibang friends ko po."

"Huwag kakalimutan ang bilin ko. Eggpie. Bili mo ako at magiingat ka."

"Opo. Sige Ma. alis na po ako." sabi ko at halik sa pisngi ng Mama ko.

Pagkalabas ko ng bahay ay naglakad ako ng kaunti papunta sa kalsada para sumakay ng taxi.

Ng makasakay naman ako ng taxi ay di na ako mapakali.

"Manong sa Lawton po tayo." Sabi ko sa taxi driver na tango lang ang isinagot sa akin.

Excited na kabado ako sa kung ano man ang mangyayari mamaya.....




_____________________
Argel Joseph Francisco
_____________________



Isang oras bago ang takdang oras ng pagkikita namin ni EJ ay nasa tagpuan na namin na ako.

Naglilibot at humihinga ng malalim. Nalalahanghap ko ang hangin na amoy bagong tabas na damo.

Walang katao tao sa lugar. dahil sa walang pasok ang kalapit na paaralan doon.

Di rin maaraw ang panahon. Di rin naman mukhang uulan. tamang tama lang kung balak mo talaga mag relax.

Ng mapansin ko naman na napapalayo na ako sa aking paglalakad ay mabilisang bumalik na ako sa pwesto ko kanina at tinignan ang mga dala ko kung andoon pa.

Magustuhan kaya niya ito?

Tinignan ko naman ag relo ko at halos 30 mins na lang ay mag 4pm na.

Habang palapit naman ang oras ay kumakabog ang dib dib ko sa kaba at pananabik na makita ang taong nilalaman ng puso ko.

Di pa rin ako mapakali. lakad dito lakad doon. Titig sa batong haligi. Tingala sa mga ulap. At ng mapagod na ako sa kakalakad paroon at parito ay napupo muna ako at pinagmasdan ang Manila Hotel sa di kalayuan.

"Anong meron sa Manila Hotel at titig na titig ka? May binobosohan ka nuh?!" Sabi ng sobrang pamilyar na boses sa likod ko.

Nanlaki ang mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko. Dahan dahan ko itong nilingon. Di ako nabigo at siya nga ang nasa likod ko.

Si EJ.

Humahagikgik na nakatakip pa ang kamay sa bibig. Naging guhit na lang ang mata nito sa ginagawa niya.

"Sana lagi ka na lang ganito. Masaya." sabi ko sa aking sarili habang tinitignan ko ito.

"Tititigan mo lang ba ako kaya pinapunta mo ako dito?" pagbasag nito sa ginagawa kong pag eenjoy sa pagtingin sa kanya.

"Lika upo ka." sabi ko sabay abot ko sa kamay niya at pinaupo ko sa tabi ko.

"Ay! Hi pala Argel!" Sabi niya sa akin  sabay bitiw ng isang matamis na ngiti.

"Para saan naman iyon?" kamot ulo kong tanong.

"Para pag bati ko. Di naman kita nabati kasi busy ka sa pamboboso sa nandun sa hotel." sabi niya habang humahagikgik.

"Oh sya. Hi din! at di ako namboboso. doon lang ako napatingin."

"Sige sabi mo. Niwala na ako." Nakangising sabi nito sa akin.

Naalala ko naman ang dala ko kaya agad kong kinuha ang basket na nasa kanan ko.

"EJ, Lika kain tayo. may mga dala akong pagkain." sabi ko habang hawak sa harap niya habang hawak ko ang basket sa harapan niya.

"Picnic tayo?" parang batang tuwang tuwa tanong nito sa akin.

isang simpleng tango lang ang sinagot ko sa kanya habang naka ngiti.

"Hay naku sana ganito ko lagi nakikita ka. Nagniningning ang mata at masaya na sa mga simpleng bagay lang." isip isip ko.

Pagkababa ko ng basket ay binuksan niya agad ito at napangiti sa mga laman nito. ng tumingin naman sa akin ito ay nag bitiw siya sa akin ng isang matamis na ngiti.

At ng matapos namin mag ayos ng pagkakainan ay umayos ako ng pagkakaupo. Tumabi ako sa kanya ulit.

"Ang sarap naman ng melon bread na ito. Gawa mo?"

"Di. si Mommy may gawa niyan saka may alam akong mas masarap diyan."

"Ano?" Inosenteng tanong nito sa akin.

pagkatanong niya ay agad ko itong hinalikan sa kanyang labi.

di siya nanlaban sa halip ay tinanggap niya ang halik ko at gumanti ito sa akin. His lips tasted like honey and his lips are soft like cotton. Cloud 9 ang pakiramdam ko sa mga oras na iyon.

Pagkatapos ng halikan namin ay binigyan ako ng isang matamis na ngiti nito.

"Masarap nga. Pero parang may vetsin.” Hirit sa akin nito.

“I love you EJ.” Wala sa sarili kong sabi sa kanya.

Sa halip na sumagot siya sa akin ay nabura ang ngiti nito at tumingin pababa sa kinauupuan niya.

“Bakit?” Tanging salitang lumabas sa bibig ko.

Pero isang iling lang ang isinagot nito sa akin.

“Look EJ. I don’t expect any answer from you. Alam ko na mahirap para sa iyo na sagutin ang bagay na iyon.”

“Yes Argel. Sobra. Ayoko naman magpaka plastic at sabihin na di kita mahal. Pero sa ngayon alam mo na hati ang nararamdaman ko.” Humihikbing sabi ni EJ.

“Sabi nga sa akin ni Jhepeth ay ayusin ko na itong gulo na ito. Itong namamagitan sa atin. Tama siya habang tumatagal ay nagugulo lang lalo nito isipan ko. Unfair din kay Donnie na walang alam sa nangyayari sa atin.” Pagpapatuoy niya habang lumuluha na.

Isang sunod sunod na palakpak ang sumunod na narinig namin. Si Angelica at papalapit ito sa amin.

“Wow this is so dramatic! Asan na yung mga camera? Yung Director? Shooting ba ito ng teleserye?” sabi nito habang mabagal na naglalakad.

“EJ dito ka muna sa tabi ko.”
Agad naman sumunod si EJ sa akin at hinawakan ko ang kaliwang kamay nito. Pumunta ito sa likod ko habang nagpupunas ng luha niya.

“Papaano mo nalaman na andito ako?” gulat na gulat na tanong ko sa babaeng gulo lang ang hanap.

“Babe ang cute mo talaga pag ganyan ang reaksyon. Ang cute din ng low IQ logic mo. Malamang sinundan kita. Nakita kitang paalis sa inyo kasi.” Nakangiting na nangiinis na sagot nito sa akin.

“At bakit sinundan mo ako?”

“Simple lang. Gusto ko malaman gagawin mo. Saka nagbabakasakali akong masolo kita Babe. Pero makikipag kita ka pala sa BAKLA na iyan.”

“Ayusin mo pananalita mo Angelica at kung manggugulo ka lang ay maari ka ng umalis. Nakakaistorbo ka sa amin.”

“Did i cause a bubu at that fragile gay hiding at your back?” nanunuyang patanong sa akin nito.

“Argel alis na tayo. Ayoko ng gulo.” Sabi ni Ewin sa akin habang hinihila ang kaliwang braso ko.

“No EJ. Di tayo aalis. Angelica will leave now.” Matigas na sagot ko.

“What if kung ayaw ko umalis? Anong gagawin mo Babe?”

Nagsimula na akong magngit ngit sa galit sa aninaasta ni Angelica. Habang si EJ naman di malaman na kung ano ang gagawin sa likod ko.

“Stop calling me babe. Siguro baka masuntok kita ulit?” pagbabanta ko.

“Oh come on! I know you can’t do that to me.” Mayabang na sagot ni Angelica.

Ngunit hindi ako natinag sa sinabi niya bagkus ay lalong nag init na ulo ko at inambahan ako na ng suntok ito. Pero laking pagtataka ko na walang bakas ng takot sa mukha nito.

“Sige ituloy mo ng makita ng bisita ko ang ginagawa mo.” Sabi ni angelica sa akin sabay bitiw ng isang nakakatakot na ngiti.

“Si-si-sinong bisita? Tanong ni EJ mula sa likod ko na sa tinig pa lang ay alam ko ng takot na siya.

“Why don’t you try looking at your’e back honey?” malambing pero mapang inis na sabi ni Angelica.

Lumingon naman kaming dalawa ni EJ at gulat namin na nandoon si Donnie na naka tingin sa amin. Blangko lang ang mukha nito. Wala ka mababakas na kahit ano man emosyon mula rito.

Pagtingin ko naman kay Angelica pabalik ay pasipol sipol pa ito tila masayang masaya sa ginagawa niyang pambwibwisit sa buhay namin.

Nagulat na lang ako ng bumitiw si EJ sa akin at ng lingunin ko ulit ito ay tumakbo na ito papunta kay Donnie.


_____________________
Erwin Joseph Fernandez
_____________________

Nagulat ako ng makita ko si Donnie sa di kalayuan. Sa totoo lang di ko alam kung ano ang magiging reaction ko sa mga nangyayari ngayon. Kung bangungot man ito sana magising na ako.

Ng magtama naman ang mata naman namin ni Donnie tila nagtatanong. Kasalungat nito ang ibang parte ng mukha niya na walang emosyon.

Nagtitigan kaming dalawa tila ba naguusap gamit aming mga isip. Di siya umimik o gumalaw mula sa kinatatayuan niya.

Nasa ganoon kaming pagtititigan ng may tumulo sa kaliwang mata niya na luha at tinalikuran ako nito at umakmang aalis na.

Tila Dinurog ang puso ko sa nakita ko. Mabilisan kong tinimbang kung ano ang dapat kong gawin.

 At ng di na nakita ng mata ko si Donnie ay doon ko na binitawan ang kamay ni Argel at patakbo kong sinundan si Donnie.

Di ko na nilingon si Argel sa pagtakbo ko dahil sa alam kong maaring masira nito ang resolba na pinili ko.

“Dhie!” Sigaw ko habang hinahabol siya.

Bagsak balikat ako nitong nilingon habang nagpupunas ng luha. Binilisan ko naman ang pagtakbo ko papunta sa kanya.

Ng makalapit na ako sa kanya ay niyakap ko ito at doon ko na ibinuhos ang aking mga luha.

“Dhie I’m sorry. Sorry. Please.” Sabi ko sa pagitan ng pagiyak ko.

Wala akong salitang narinig dito. Sinagot lang niya ng yakap at haplos sa buhok ko ang paghingi ko ng tawad.
Pag angat ko naman ng ulo ko ay nakita ko itong naka tingin sa akin na amy simpleng ngiti sa mukha niya na labis ko ipinagtaka naman.

“Mhie, tara uwi na tayo.” Sabi niya sa akin na ngayon ay may mas malaking ngiti na.

“Dhie...” pagaalinlangan kong sagot sa kanya.

“Tara na.” Malambing nito paguulit sa pag aya niya sa akin.

“Dhie, Please don’t act like everything is ok.” Sabi ko sa mahinang tono sapat lang para marinig niya.

“Everything is not allright. Alam ko. Pero maayos din ito.” Sabi niya sabay hila niya sa kamay ko akmang aalis.

“Dhie, Hindi ka man lang ba magagalit sa akin?” sabi ko sa kanya sabay hila pabawi ng kamay ko na siya naman ikinalingon niya ulit pabalik sa akin.

“Hindi.” Simple niyang sagot.

“Bakit?”

“Sa una pa lang tanggap ko na maaring mangyari lahat ng ito. One day or another Argel will comeback and will reclaim your heart. Naihanda ko na ang sarili ko. Masakit man pero kailangan ko tangapin. Sumugal ako sa iyo sa pag asa na mamahalin mo din ako.”

“Kung magmamahal ka nga naman ay kailangan mo tangapin kung ano man ang mangyari sa inyo. Masakit man ay kailangan mo itong tiisin. Yan ang sabi niya. Pero para sa iyo di ko lang tatangapin o titiisin. Di ko lang mahanap kung anong salita yun pero mahigit pa doon ang kaya ko gawin para sa iyo.” Pagpapatuloy niya.

Napayuko na lang ako sa sinabi niya dahil sa may katotothanan ang mga sinasabi niya. Lahat iyon tumama sa akin. Nag talo ang guilt at saya sa sinabi niya sa akin. Tanging pag iyak na lang ang nasagot ko sa kanya.

“Shhhhhh.... Tahan na iuuwi na kita.” Sabi niya sa pagitan ng paghalik sa noo ko at pag punas ng luha ko.

“Dhie, Thank you.”

Sa isang iglap na iyon ay nakalimutan ko na kung ano nangyari man kanina. Marami pa man tanong sa isip ko ay di ko na ito inintindi na ito.

Habang pauwi naman kami sakay ng motor ni Donnie ay mahigpit ang yakap ko sa kanya. Sobrang pasalamat ko sa outcome ng mga nangyayari.

Hapon na ng makauwi kami sa bahay at pasalamat ko naman wala si Mama sa bahay. Agad naman akong umakyat patungo sa kwarto ko. Kasunod ko lang si Donnie sa likod ko. Ibinato ko naman ang sarili ko sa kama ko at tinignan si Donnie na papalapit sa akin.

Nahiga ito sa tabi ko at niyakap ako at isiniksik ang mukha sa pagitan ng leeg ko.

“Mhie...” sabi niya sa malungkot na tono.

“Po?”

“Sorry din.”

“You don’t need to.” Sabi ko habang inaangat ko ang mukha niya katapat ng mukha ko.

“Bakit?”

“Kasi love din kita.” Naka ngiti kong sagot.

Doon na niya unti unting nilapit ang labi niya sa labi ko. Nasa kalagitnaan na kami ng paghahalikan ng may malakas na sunod sunod na katok ang umalingawngaw sa loob ng tahimik naming bahay.

“Istorbo.” Reklamo ko. Sa tingin ko ay lukot na lukot ang mukha ko sa panahon na iyon.

Siguro ay natagalan ang kumakatok kaya parang woodpecker na ata ang kamy nito na sunod sunod na katok ang ginawa.

“Sandali lang!” Sigaw ko habang bumababa kasama si Donnie na humahagikgik sa likod ko.

Pagkatapat ko naman sa pinto ay binuksan ko na ang pinto at bumungad sa akin si Jhepeth na busangot ang mukha at kasama nito si Kenji na ganun din ang pagmumukha.

Tinignan ako at si Donnie nito ng masama na animo’y kakain kami ng buo. Diredirecho itong pumasok sa bahay namin papunta sa kusina na sinundan namin.

“Gutom ako. Pahingi ng pagkain.” Mala siga nitong utos sa amin ni Donnie.

Nagkatinginan naman kami ni Donnie at ibinaling naman ang tingin kay Kenji. Binigyan lang kaminito ng isang tango.

Wala naman kami nagawa kundi pagsilbihan ang dalawa  ng makakain....

Parang ginutom naman ng isang buwan kung paano kumain ang dalawa.

“So pwede ko na ba malaman ang dahilan ng mala king kong attitude mo kanina.” Tanong ko kay jhepeth habang nginangasab nito ang fried chicken na hawak.
“Walang pagkain kila Baby Kenji.” Sabi nito habang namumuhalan at masama ang tingin kay Kenji.

Natampal ko naman ang sarili ko sa pagitan ng pagtawa ko sa itsura ng dalawa. Ito pa ang isang ipinagpapasalamat ko. Ang mga kaibigan ko na nagpapalimot din ng mga problema plus nakakatulong din sa pagresolba nito.

Nasa pagtawa ako sa dalawa ng  malingon ako kay Donnie. Nakatingin ito sa akin. Ramdam ko sa tingin nito ang lubos na pagmamahal.

“So titignan mo na lang ako?” Sabi niya.

Walang ano ano parang kung anong spring ang umigkas sa paa ko at lumambitin ako sa leeg ni Donnie para abutin ang labi nito. Isang matamis na halik ang pinagsaluhan namin sa harap ng mga kaibigan ko.

“Baby Kenji, Nag kiss sila! Tayo din dali!” Sabik na sabik na sabi ni Jhepeth.

Pagkatapos niyon ay kalansing na lang ng kubyertos ang narinig ko malamang tumakbo na si Kenji palayo kay Jhepeth.



Itutuloy.





Guys pasensya na kung matagal ang updates. Sobrang busy lang kasi ako sa bagong work ko. Kung di kayo naniniwala kay Kenji aka dark_ken kayo mag tanong. Ilalaglag ako niyon about sa tunay na dahilan hahahaha!

Susundan ko agad ito promise. (^_^)