Pauna: Salamat sa mga patuloy na nagaabang. Thank you talaga!
I missed writing kaya patakas na ako mag sulat sa office with matching drama pa sabi ni Ate ROVI. hehehehe!
As i have said sa Wide Awake ay ipagpapatuloy ko na ito. heto na po sila Argel, Donnie, Erwin, Jhepeth, at Kenji.
Vincy: Hamishu din! may utang ka sa akin!
Kenji: Friend ayan ha napagpag ko na ang amag.
Pero bago lahat SALAMAT sa mga sumusunod na mga tao:
Ernes_aka_Jun, Jack, Jayfinpa,
Ram, Chris, Wastedpup Cutie
Pinoy Gay Guy, Darkboy13,
Gerald, Slushie.Love, Zenki, Roan, Ice, Icy,
Light rundel, JIM Sleco5, Wastedpup, Ross Magno, Coffee Prince, Pink 5ive, Rah16, J.V,
Hotako D 220, Ezrock, Pslam.
Kiss The Rain
Chapter 13
True Love.....
_____________________
Erwin
Joseph Fernandez
_____________________
Tanghaling tapat at di na ako
mapakali sa kinauupuan ko. Nagdadalawang isip pa din kung pupuntahan ko si
Argel o hindi.
"Nak, ok ka lang ba? Halos
hindi mo ginagalaw ang pagkain mo." pag basag ni mama sa pag iisip ko.
"AH! Opo ok lang. Masarap
kaya!" sabi ko sabay subo ng nakatusok na isang malaking hiwa ng karne sa
tinidor na hawak ko.
"Si Donnie pala nasaan
iyon??" Tanong ni Mama bago humigop ng kape.
"Maaga po umalis. Sinamahan
Daddy niya. May lakad sila." Sagot ko habang puno pa ng pagkain ang bibig
ko.
"Ahhhh..... OK. Bonding ng mag
ama." sabi ni Mama habang sinesenyasan akong lunukin ang nginunguya ko.
pagkalunok ay tumango na lang ako
na parang paslit kay Mama.
"Oh ikaw ba may lakad din?
Kung meron. Bili ka naman ng Eggpie". sabi ni Mama
"Opo." Simpleng sagot ko.
Pagkatapos ko naman kumain ay
naligo na ako.
Habang nagaayos naman at naalala ko
ang cellphone chain na kasama ang isang liham na binigay ni Argel.
kunuha ko ito at ikinabit sa
cellphone ko. pagkakabit ay tinitigan ko ito at nagpakawala ng isang malalim
buntong hininga saka nilapag ang cellphone ko sa harapan ng salamin.
ng makapag ayos na ako ay agad
naman akong bumamaba papunta kay Mama na nasa sala ng panahon na iyon at
nanunuod ng showbiz talk show. Pagkakita naman ni Mama sa akin ay tumayo ito sa
kinauupuan niya at lumapit sa akin.
"Saan punta natin? Ang cute ng
anak ko ah! sabi ni Mama habang inaayos ang kuwelyo ng polo ko.
"Diyan lang po sa SM Manila
kikitain ko ibang friends ko po."
"Huwag kakalimutan ang bilin
ko. Eggpie. Bili mo ako at magiingat ka."
"Opo. Sige Ma. alis na po
ako." sabi ko at halik sa pisngi ng Mama ko.
Pagkalabas ko ng bahay ay naglakad
ako ng kaunti papunta sa kalsada para sumakay ng taxi.
Ng makasakay naman ako ng taxi ay
di na ako mapakali.
"Manong sa Lawton po
tayo." Sabi ko sa taxi driver na tango lang ang isinagot sa akin.
Excited na kabado ako sa kung ano
man ang mangyayari mamaya.....
_____________________
Argel
Joseph Francisco
_____________________
Isang oras bago ang takdang oras ng
pagkikita namin ni EJ ay nasa tagpuan na namin na ako.
Naglilibot at humihinga ng malalim.
Nalalahanghap ko ang hangin na amoy bagong tabas na damo.
Walang katao tao sa lugar. dahil sa
walang pasok ang kalapit na paaralan doon.
Di rin maaraw ang panahon. Di rin
naman mukhang uulan. tamang tama lang kung balak mo talaga mag relax.
Ng mapansin ko naman na napapalayo
na ako sa aking paglalakad ay mabilisang bumalik na ako sa pwesto ko kanina at
tinignan ang mga dala ko kung andoon pa.
Magustuhan kaya niya ito?
Tinignan ko naman ag relo ko at
halos 30 mins na lang ay mag 4pm na.
Habang palapit naman ang oras ay
kumakabog ang dib dib ko sa kaba at pananabik na makita ang taong nilalaman ng
puso ko.
Di pa rin ako mapakali. lakad dito
lakad doon. Titig sa batong haligi. Tingala sa mga ulap. At ng mapagod na ako
sa kakalakad paroon at parito ay napupo muna ako at pinagmasdan ang Manila Hotel
sa di kalayuan.
"Anong meron sa Manila Hotel
at titig na titig ka? May binobosohan ka nuh?!" Sabi ng sobrang pamilyar
na boses sa likod ko.
Nanlaki ang mata ko at bumilis ang
tibok ng puso ko. Dahan dahan ko itong nilingon. Di ako nabigo at siya nga ang
nasa likod ko.
Si EJ.
Humahagikgik na nakatakip pa ang
kamay sa bibig. Naging guhit na lang ang mata nito sa ginagawa niya.
"Sana lagi ka na lang ganito.
Masaya." sabi ko sa aking sarili habang tinitignan ko ito.
"Tititigan mo lang ba ako kaya
pinapunta mo ako dito?" pagbasag nito sa ginagawa kong pag eenjoy sa
pagtingin sa kanya.
"Lika upo ka." sabi ko
sabay abot ko sa kamay niya at pinaupo ko sa tabi ko.
"Ay! Hi pala Argel!" Sabi
niya sa akin sabay bitiw ng isang matamis na ngiti.
"Para saan naman iyon?"
kamot ulo kong tanong.
"Para pag bati ko. Di naman
kita nabati kasi busy ka sa pamboboso sa nandun sa hotel." sabi niya
habang humahagikgik.
"Oh sya. Hi din! at di ako
namboboso. doon lang ako napatingin."
"Sige sabi mo. Niwala na
ako." Nakangising sabi nito sa akin.
Naalala ko naman ang dala ko kaya
agad kong kinuha ang basket na nasa kanan ko.
"EJ, Lika kain tayo. may mga
dala akong pagkain." sabi ko habang hawak sa harap niya habang hawak ko
ang basket sa harapan niya.
"Picnic tayo?" parang
batang tuwang tuwa tanong nito sa akin.
isang simpleng tango lang ang
sinagot ko sa kanya habang naka ngiti.
"Hay naku sana ganito ko lagi
nakikita ka. Nagniningning ang mata at masaya na sa mga simpleng bagay
lang." isip isip ko.
Pagkababa ko ng basket ay binuksan
niya agad ito at napangiti sa mga laman nito. ng tumingin naman sa akin ito ay
nag bitiw siya sa akin ng isang matamis na ngiti.
At ng matapos namin mag ayos ng
pagkakainan ay umayos ako ng pagkakaupo. Tumabi ako sa kanya ulit.
"Ang sarap naman ng melon
bread na ito. Gawa mo?"
"Di. si Mommy may gawa niyan
saka may alam akong mas masarap diyan."
"Ano?" Inosenteng tanong
nito sa akin.
pagkatanong niya ay agad ko itong
hinalikan sa kanyang labi.
di siya nanlaban sa halip ay
tinanggap niya ang halik ko at gumanti ito sa akin. His lips tasted like honey
and his lips are soft like cotton. Cloud 9 ang pakiramdam ko sa mga oras na
iyon.
Pagkatapos ng halikan namin ay
binigyan ako ng isang matamis na ngiti nito.
"Masarap nga. Pero parang may
vetsin.” Hirit sa akin nito.
“I love you EJ.” Wala sa sarili
kong sabi sa kanya.
Sa halip na sumagot siya sa akin ay
nabura ang ngiti nito at tumingin pababa sa kinauupuan niya.
“Bakit?” Tanging salitang lumabas
sa bibig ko.
Pero isang iling lang ang isinagot
nito sa akin.
“Look EJ. I don’t expect any answer
from you. Alam ko na mahirap para sa iyo na sagutin ang bagay na iyon.”
“Yes Argel. Sobra. Ayoko naman
magpaka plastic at sabihin na di kita mahal. Pero sa ngayon alam mo na hati ang
nararamdaman ko.” Humihikbing sabi ni EJ.
“Sabi nga sa akin ni Jhepeth ay
ayusin ko na itong gulo na ito. Itong namamagitan sa atin. Tama siya habang
tumatagal ay nagugulo lang lalo nito isipan ko. Unfair din kay Donnie na walang
alam sa nangyayari sa atin.” Pagpapatuoy niya habang lumuluha na.
Isang sunod sunod na palakpak ang
sumunod na narinig namin. Si Angelica at papalapit ito sa amin.
“Wow this is so dramatic! Asan na
yung mga camera? Yung Director? Shooting ba ito ng teleserye?” sabi nito habang
mabagal na naglalakad.
“EJ dito ka muna sa tabi ko.”
Agad naman sumunod si EJ sa akin at
hinawakan ko ang kaliwang kamay nito. Pumunta ito sa likod ko habang nagpupunas
ng luha niya.
“Papaano mo nalaman na andito ako?”
gulat na gulat na tanong ko sa babaeng gulo lang ang hanap.
“Babe ang cute mo talaga pag ganyan
ang reaksyon. Ang cute din ng low IQ logic mo. Malamang sinundan kita. Nakita
kitang paalis sa inyo kasi.” Nakangiting na nangiinis na sagot nito sa akin.
“At bakit sinundan mo ako?”
“Simple lang. Gusto ko malaman
gagawin mo. Saka nagbabakasakali akong masolo kita Babe. Pero makikipag kita ka
pala sa BAKLA na iyan.”
“Ayusin mo pananalita mo Angelica
at kung manggugulo ka lang ay maari ka ng umalis. Nakakaistorbo ka sa amin.”
“Did i cause a bubu at that fragile
gay hiding at your back?” nanunuyang patanong sa akin nito.
“Argel alis na tayo. Ayoko ng
gulo.” Sabi ni Ewin sa akin habang hinihila ang kaliwang braso ko.
“No EJ. Di tayo aalis. Angelica
will leave now.” Matigas na sagot ko.
“What if kung ayaw ko umalis? Anong
gagawin mo Babe?”
Nagsimula na akong magngit ngit sa
galit sa aninaasta ni Angelica. Habang si EJ naman di malaman na kung ano ang
gagawin sa likod ko.
“Stop calling me babe. Siguro baka
masuntok kita ulit?” pagbabanta ko.
“Oh come on! I know you can’t do
that to me.” Mayabang na sagot ni Angelica.
Ngunit hindi ako natinag sa sinabi
niya bagkus ay lalong nag init na ulo ko at inambahan ako na ng suntok ito.
Pero laking pagtataka ko na walang bakas ng takot sa mukha nito.
“Sige ituloy mo ng makita ng bisita
ko ang ginagawa mo.” Sabi ni angelica sa akin sabay bitiw ng isang nakakatakot
na ngiti.
“Si-si-sinong bisita? Tanong ni EJ
mula sa likod ko na sa tinig pa lang ay alam ko ng takot na siya.
“Why don’t you try looking at
your’e back honey?” malambing pero mapang inis na sabi ni Angelica.
Lumingon naman kaming dalawa ni EJ
at gulat namin na nandoon si Donnie na naka tingin sa amin. Blangko lang ang
mukha nito. Wala ka mababakas na kahit ano man emosyon mula rito.
Pagtingin ko naman kay Angelica
pabalik ay pasipol sipol pa ito tila masayang masaya sa ginagawa niyang
pambwibwisit sa buhay namin.
Nagulat na lang ako ng bumitiw si
EJ sa akin at ng lingunin ko ulit ito ay tumakbo na ito papunta kay Donnie.
_____________________
Erwin
Joseph Fernandez
_____________________
Nagulat ako ng makita ko si Donnie
sa di kalayuan. Sa totoo lang di ko alam kung ano ang magiging reaction ko sa
mga nangyayari ngayon. Kung bangungot man ito sana magising na ako.
Ng magtama naman ang mata naman
namin ni Donnie tila nagtatanong. Kasalungat nito ang ibang parte ng mukha niya
na walang emosyon.
Nagtitigan kaming dalawa tila ba
naguusap gamit aming mga isip. Di siya umimik o gumalaw mula sa kinatatayuan
niya.
Nasa ganoon kaming pagtititigan ng may
tumulo sa kaliwang mata niya na luha at tinalikuran ako nito at umakmang aalis
na.
Tila Dinurog ang puso ko sa nakita
ko. Mabilisan kong tinimbang kung ano ang dapat kong gawin.
At ng di na nakita ng mata ko si Donnie ay
doon ko na binitawan ang kamay ni Argel at patakbo kong sinundan si Donnie.
Di ko na nilingon si Argel sa
pagtakbo ko dahil sa alam kong maaring masira nito ang resolba na pinili ko.
“Dhie!” Sigaw ko habang hinahabol
siya.
Bagsak balikat ako nitong nilingon
habang nagpupunas ng luha. Binilisan ko naman ang pagtakbo ko papunta sa kanya.
Ng makalapit na ako sa kanya ay
niyakap ko ito at doon ko na ibinuhos ang aking mga luha.
“Dhie I’m sorry. Sorry. Please.”
Sabi ko sa pagitan ng pagiyak ko.
Wala akong salitang narinig dito. Sinagot
lang niya ng yakap at haplos sa buhok ko ang paghingi ko ng tawad.
Pag angat ko naman ng ulo ko ay
nakita ko itong naka tingin sa akin na amy simpleng ngiti sa mukha niya na
labis ko ipinagtaka naman.
“Mhie, tara uwi na tayo.” Sabi niya
sa akin na ngayon ay may mas malaking ngiti na.
“Dhie...” pagaalinlangan kong sagot
sa kanya.
“Tara na.” Malambing nito paguulit
sa pag aya niya sa akin.
“Dhie, Please don’t act like
everything is ok.” Sabi ko sa mahinang tono sapat lang para marinig niya.
“Everything is not allright. Alam
ko. Pero maayos din ito.” Sabi niya sabay hila niya sa kamay ko akmang aalis.
“Dhie, Hindi ka man lang ba
magagalit sa akin?” sabi ko sa kanya sabay hila pabawi ng kamay ko na siya
naman ikinalingon niya ulit pabalik sa akin.
“Hindi.” Simple niyang sagot.
“Bakit?”
“Sa una pa lang tanggap ko na
maaring mangyari lahat ng ito. One day or another Argel will comeback and will
reclaim your heart. Naihanda ko na ang sarili ko. Masakit man pero kailangan ko
tangapin. Sumugal ako sa iyo sa pag asa na mamahalin mo din ako.”
“Kung magmamahal ka nga naman ay
kailangan mo tangapin kung ano man ang mangyari sa inyo. Masakit man ay
kailangan mo itong tiisin. Yan ang sabi niya. Pero para sa iyo di ko lang
tatangapin o titiisin. Di ko lang mahanap kung anong salita yun pero mahigit pa
doon ang kaya ko gawin para sa iyo.” Pagpapatuloy niya.
Napayuko na lang ako sa sinabi niya
dahil sa may katotothanan ang mga sinasabi niya. Lahat iyon tumama sa akin. Nag
talo ang guilt at saya sa sinabi niya sa akin. Tanging pag iyak na lang ang
nasagot ko sa kanya.
“Shhhhhh.... Tahan na iuuwi na
kita.” Sabi niya sa pagitan ng paghalik sa noo ko at pag punas ng luha ko.
“Dhie, Thank you.”
Sa isang iglap na iyon ay
nakalimutan ko na kung ano nangyari man kanina. Marami pa man tanong sa isip ko
ay di ko na ito inintindi na ito.
Habang pauwi naman kami sakay ng
motor ni Donnie ay mahigpit ang yakap ko sa kanya. Sobrang pasalamat ko sa
outcome ng mga nangyayari.
Hapon na ng makauwi kami sa bahay
at pasalamat ko naman wala si Mama sa bahay. Agad naman akong umakyat patungo
sa kwarto ko. Kasunod ko lang si Donnie sa likod ko. Ibinato ko naman ang
sarili ko sa kama ko at tinignan si Donnie na papalapit sa akin.
Nahiga ito sa tabi ko at niyakap
ako at isiniksik ang mukha sa pagitan ng leeg ko.
“Mhie...” sabi niya sa malungkot na
tono.
“Po?”
“Sorry din.”
“You don’t need to.” Sabi ko habang
inaangat ko ang mukha niya katapat ng mukha ko.
“Bakit?”
“Kasi love din kita.” Naka ngiti
kong sagot.
Doon na niya unti unting nilapit
ang labi niya sa labi ko. Nasa kalagitnaan na kami ng paghahalikan ng may
malakas na sunod sunod na katok ang umalingawngaw sa loob ng tahimik naming
bahay.
“Istorbo.” Reklamo ko. Sa tingin ko
ay lukot na lukot ang mukha ko sa panahon na iyon.
Siguro ay natagalan ang kumakatok
kaya parang woodpecker na ata ang kamy nito na sunod sunod na katok ang ginawa.
“Sandali lang!” Sigaw ko habang
bumababa kasama si Donnie na humahagikgik sa likod ko.
Pagkatapat ko naman sa pinto ay
binuksan ko na ang pinto at bumungad sa akin si Jhepeth na busangot ang mukha
at kasama nito si Kenji na ganun din ang pagmumukha.
Tinignan ako at si Donnie nito ng
masama na animo’y kakain kami ng buo. Diredirecho itong pumasok sa bahay namin
papunta sa kusina na sinundan namin.
“Gutom ako. Pahingi ng pagkain.”
Mala siga nitong utos sa amin ni Donnie.
Nagkatinginan naman kami ni Donnie
at ibinaling naman ang tingin kay Kenji. Binigyan lang kaminito ng isang tango.
Wala naman kami nagawa kundi
pagsilbihan ang dalawa ng makakain....
Parang ginutom naman ng isang buwan
kung paano kumain ang dalawa.
“So pwede ko na ba malaman ang
dahilan ng mala king kong attitude mo kanina.” Tanong ko kay jhepeth habang
nginangasab nito ang fried chicken na hawak.
Natampal ko naman ang sarili ko sa
pagitan ng pagtawa ko sa itsura ng dalawa. Ito pa ang isang ipinagpapasalamat
ko. Ang mga kaibigan ko na nagpapalimot din ng mga problema plus nakakatulong
din sa pagresolba nito.
Nasa pagtawa ako sa dalawa ng malingon ako kay Donnie. Nakatingin ito sa
akin. Ramdam ko sa tingin nito ang lubos na pagmamahal.
“So titignan mo na lang ako?” Sabi
niya.
Walang ano ano parang kung anong
spring ang umigkas sa paa ko at lumambitin ako sa leeg ni Donnie para abutin
ang labi nito. Isang matamis na halik ang pinagsaluhan namin sa harap ng mga
kaibigan ko.
“Baby Kenji, Nag kiss sila! Tayo din
dali!” Sabik na sabik na sabi ni Jhepeth.
Pagkatapos niyon ay kalansing na
lang ng kubyertos ang narinig ko malamang tumakbo na si Kenji palayo kay
Jhepeth.
Itutuloy.
Guys pasensya na kung matagal ang
updates. Sobrang busy lang kasi ako sa bagong work ko. Kung di kayo naniniwala
kay Kenji aka dark_ken kayo mag tanong. Ilalaglag ako niyon about sa tunay na
dahilan hahahaha!
Susundan ko agad ito promise. (^_^)
This entry was posted
on Friday, August 24, 2012
at 7:43 AM
and is filed under
Kiss The Rain
. You can follow any responses to this entry through the
comments feed
.