Pauna: Nais ko magpasalamat sa lahat ng patuloy na tumatanghilik sa storya kong ito. Grabe kung alam ninyo lang gaano ako natutuwa sa mga comments ninyo. Salamat po talaga! (^_^)
Guys nga pala pakiabangan ang Libro na ilalabas ng mga pinagsama samang mga magagaling na manunulat na wala akong binatbat. hahahahaha!
Michael's Shades Of Blue Anthology
14 Stories of Love, Paranoia and Hunger.
Soon to hit the shelves of National Book Store.
Ngayon tapos na ang Commercial! start na tayo! ^_^
Kiss The Rain
Chapter 14
Cat Fight
Erwin Joseph Fernandez
Hirap akong imulat ang mata ko pero ipinilit ko pa din
at tuluyang tumayo mula sa pagkakahiga ko. Napahawak naman ako sa ulo ko dahil
sa sakit. Nagtaka naman ako at bakit ang damang dama ko ang lamig sa balat
ko.nagulat na alng ako ng masilip ko sa ilalim ng kumot na wala akong
saplot. Pagtingin ko sa kaliwa ko naman
ay si Donnie agad ang nakita ko. Tulog pa din ito naka nganga at wala din itong
saplot tulad ko.
“naginuman nga pala kami kagabi nila Jhepeth.”
mahinang usal ko.
“Mhie good morning….” Bati sa akin ni Donnie na
matatawa ka kung sakali ikaw maka kita.
“Good morning din.” Humahagikgik kong sabi.
Umupo naman ito sa tabi ko at niyakap ako.
“Mhie I love you.”
Bulong niya sa akin.
“I love you more Dhie.” Bulong ko pabalik.
“pa kiss ako.” Naka nguso nitong sabi.
“Ewww! Morning breath! Toothbrush ka na muna!” sabay
balikwas ko sa kama patayo at nagtatakbo
palayo sa kanya.
Nasa akto akong ganun ng bumukas ang pinto at bumulaga
si Mama. Knowing na wala pa akong ni kahit anong saplot sa katawan ay napasigaw
ako at luhod sa kinatatayuan ko para takpan ang alam ninyo na.
“Mag bihis na kayo. May pagkain na sa baba.” Naka
ngising sabi ni Mama habang sinasara ang pinto.
“Dhie, bihis ka na mauna ka na sa baba.” Naka nguso
kong sabi.
“Opo aking porn star na nahuli ni Mama.” Pangaasar
nito sa akin.
Dalian naman nag bihis si Donnie pati na rin ako.
Pagkadamit nito ay hinalikan ako nito sa pisngi at bumaba na papunta kila Mama.
Ako naman ay nagsuot lang ng boxer shorts at sando.
Pagkatapos ay inayos ang kwarto. Napansin ko naman ang cellphone ko na naka
patong sa side table. Kinuha ko ito at
tinignan ang cellphone chain na binigay ni Argel. Napabuntong hininga na lang
ako.
“This should end…” mahinang bulong ko habang naka
tingin pa din sa cellphone ko.
Napagdesisyonan ko na tangalin ang cellphone chain na
binigay sa akin ni Argel at itinabi na
lang ito sa shoebox na nasa cabinet ko. Kasama nito ang mga souvenirs noong
highschool. Saka nilapag ko ulit ang phone ko sa side table. Akmang lalabas na
ako ng pinto ng kwarto ko ng tumunog ito palatandaang may txt na natangap pero
di ko na iyon pinansin at lumabas na ng kwarto.
Lumipas naman ang maghapon at dumating ulit ang
dalawang kumag kong kaibigan. Sila Jhepeth at Kenji. Nagyaya ang dalawa na
gumala sa isang mall sa divisoria.
“Peth, Sure ka ba na nasa Divisoria pa tayo?” Sabi ko habang linga ng
linga sa mga nakapaligid sa akin.
“daig mo pa si Dora. Ang galling mo humanap ng
magagandang pasyalan.” Si Donnie.
“Tamana daldal. PapaDonnie, pahiram muna ako sa
bestfriend ko ha! Baby Kenji, Igala mo si Donnie” sabi ni Jhepeth habang
mabilisang hinihila ako palayo sa boyfriend ko.
Nagtatakang tingin lang ang ibinato ko kay Jhepeth
habang patuloy kaming naglalakad. Ng makarating naman kami sa Starbucks ay agad
pumasok ito at pinaupo ako sa pinakamalapit na sofa.
“My treat.Marami tayong paguusapan.” Naka ngiting sabi
nito sa akin habang nasa harap ng counter.
“Ayan nanaman po kami….” Sabi ko na lang sa loob loob
ko.
Maganda naman ang naging takbo na usapan naming ni
Jhepeth. Lahat ng dapat niya malaman ay sinabi ko sa kanya. Wala ni isang
detalye akong pinalampas.
“Tarantadang bilat yun! Makita ko lang yan papaikutin
ko peslabu! Nakuuuuuu!” Gigigl na gigil na sabi ni Jhepeth pagkatapos ko mag
kwento.
“Wow!Baka magputukan ang ugat mo sa leeg niyan. Relax
lang.” pag awat ko ditto.
“Sige sige sige! Pero wag lang talaga kami
magkasalubong.” Sabi ni Jhepeth habang kinakalma ang sarili niya.
“anyway tungkol kay Donnie. Che, ano bah! Saan ka pa
makakahanap ng katulad niya? Parang awa mo na tapusin mo na ito. Saludo na ako
kay Donnie sa sobrang pag intindi niya sa iyo. “ Pagpapatuloy nito habang naka
lahad pa ang kamay nito sa harapan ko.
“Kahit di mo sabihin tatapusin ko na ito. Oo bilib at
napaka thankful ko kay Donnie sa ginagawa niya para sa akin.” Sabi ko habang
hinahalo ng straw ang iniinom ko na kape.
“Good. Tatapatin na din kita. Alam mo kung wala si
Argel lang sa buhay mo ay napaka ganda na siguro. Kaya kung hangga’t maari
tapusin mo na ang gulo na ito. Ayoko na umulit ulit ng opinion ko. Parrot na
ang drama ko nyan. Gosh!” maarte pero direchong wika sa akin ni Jhepeth na
siyang ikinataas ng kilay ko.
“opo madam. Anyway kung wala naman ang drama ko sa
buhay na ito wala ka magiging past time. Tsismosa!” biro ko sa kanya.
Doon na nagsimula ang batuhan ng biro at tawanan
naming dalawa. Wala na kaming pakielam kung may iba pang tao sa loob ng kapehan
na iyon.
Donnie Domingo
“Saan kaya dinala ni Jhepeth si Mhie?” Tanong ko sa
kasama ko.
“Nasa tabi tabi lang yun. Bestfriend niya yun nuh. Wag
ka mag alala safe si Ewin.” Sabi ni Kenji sa akin habang tinitignan ang
damit na nasa harap niya.
Lakad dito lakad doon ang ginagawa naming dalawa sa
loob ng mall na iyon. Nakakapanibago din dahil nasanay na din akong si EJ lagi
ang kasama ko pag mag mall.
“Donnie, Wag ka maoffend sana sa itatanong ko.”
Biglang sabi ni Kenji habang tinitignan ang isang piraso ng damit na hawak
nito.
“Sige lang.”
“Di ka ba nagsasawa masaktan sa nangyayari sa inyo ni
EJ? Away - bati?”
“Hindi.” Walang pag aalinglangan kong sagot.
Napatingin naman sa akin ito pagkasagot ko.
“You really do love him. Hindi ko na kailangan ng
explanation mo. Baka maubos buong araw sa iyon” Natatawa nitong sabi sa akin
habang binabalik ang hawak na damit sa rack.
Lumabas na kami ng boutique pagkatapos ng kaunting
usapan na iyon.
“Donnie, Swerte ng kaibigan ko sa iyo talaga.
Nakakainggit sana balang araw matapat ako sa kaugali mo.” Sabi nito sa akin
habang winawasiwas sa ere ang daliri.
“Kenji, Mas swerte ako sa kanya. Nandiyan pa din siya
sa tabi ko kasi.”
“Makeso ka talaga.Kahit kalian.Tara hanapin na natin
yung dalawa gutom na ako.”
Erwin Joseph Fernandez
Matapos ang kwentuhan namin magkaibigan sa buhay ko ay
sa kanya naman ang hinalungkat ko.
Natatawa man ako sa kwento nito tungkol sa pagiwas sa
kanya ni Kenji ay pinipigilan ko pa din. Baka lumipad kasi sa akin ang
kutsilyong nasa platito sa harapni Jhepeth.
“Imagine mo Che, ako na lumalapit ayaw pa?” angal nito
sa akin.
“Bakit ba trip na trip mo si Kenji? Pwede ka naman
tumalo ng iba.”
“Che, naman alam mo naman bet na bet ko na yun matagal
na since pinakilala mo sa akin.”
“Gusto mo siya .eh ikaw ba gusto ka niya? Bakit di na
lang yung lalaki na yun ang taluhin mo.” Sabay turo ko sa lalaking nasa di
kalayuang mesa sa amin.
“Gwapo, Matangkad, Chinito. Pasok sa banga. Kaso
walang charm ni Baby Kenji….”
Sakto naman lumingon ang lalaki at nakita nitong naka
tingin si Jhepeth sa kanya at nginitian ito.
“Peth, nakita kang naka tingin. Nginitian ka! Chance!”
pabulong kong sabi rito.
“Che, Plangak! Gwapo ng ishmile! Pwede na to.” Bulong
niya pabalik na kinikilig pa.
Maya maya pa ay sumulyap kami ulit sa lalaki kanina at
di naman nabigo si Jhepeth dahil kinawayan siya na nito.
“Che, Kumaway! Soulmate ko na ito! This is the
moment!” maharot nitong bulong sa akin.
Halatang halata ang kilig nito.
“Dahan dahan naman Peth, di mo pa kilala soulmate na
agad.”
Kumaway pabalik naman ang lukaret kong bestfriend
pabalik sa lalaki na iyon. Wrong move naman ata iyon dahil tumayo na ang lalaki
tutumbukin ata ang lamesa namin.
“Che, ayan na! ayan na! maganda ba ako? May oil spill
ba ako sa mukha? Mabantot ba hininga ko?” sunod sunod na tanong nito sa akin na
sinagot ko lang ng ngiwing ngiti at isang thumbs up sign.
Ng makalapit na ang lalaki sa pwesto naming ay binuhos
na ni Jhepeth lahat ng pa-kyut powers nito sa isang…
“Hi…”
Nginitian naman siya ng lalaki pabalik.
“Ngay mhiss.Khyut a phala a peonal. Pene manguha ng
umber mo?” sabi ng lalaki na siyang nagpabagsak ng panga naming pareho.
Nagkatinginan naman kami pareho dahil sa di inaasahan
na bagay….
Mabait naman inabot ni Jhepeth ang isang tissue na may
numero niyang naka sulat sa lalaki.
“Cge I think we need to go na. may pupuntahan pa kami
ng best friend ko.” Palusot nito sa
akin.
“Mhumye tek na lang ita.” Naka ngiting sabi ng lalaki
sa amin.
Dali dali naman akong kinaladkad palabas ng Starbucks
ng bruha kong kaibigan at ng makalabas na kami ay nilingon nito ang lalaki at
nag gesture na tawagan siya. At ng
tuluyan na kami makalayo ay dinagukan ko ito.
“Bruha!Anong nakain
mo at ginoyo mo pa ang lalaki na yun.”
“Sira! Binigay ko talaga number ko! Text lang naman
gagawin saka saying gwapo pa din. Saka natatawa na ako kaya umalis ako kaagad.”
“Ang sama mo talaga babae ka. Pagtatawanan mo pa.” taas
kilay kong pangaral dito.
“sige na masama na ako pero may mas masama sa akin na
kilala ko.” Seryoso nitong sabi sabay
turo sa isang babae na abot ng tanaw naming dalawa.
Si Angelica at may kasama itong lalaki at di si Argel
ito.
Ibinalik ko naman ang tingin ko kay Jhepeth at kitang
kitang galit sa mata nito.
“oh no Peth! No! No! wag!” pag awat ko dito sabay
hawak sa braso nito.
“wag mo ako aawatin. Let me do this kundi ikaw ang
sasamain sa akin.” Pagbabanta niya sakin habang inaalis ang kamay ko sa braso
niya.
Shock by what Jhepeth ay binitawan ko agad ang kamay
nito at mabilisan ko itong hinabol papunta kay Angelica na walang kaalam alam
na nandoon din kami.
“Hoy babae!” pag tawag pansin ni Jhepeth dito kahit
ilang metro pa layo nito.
Tila nagitla naman sa narinig si Angelica at mabilis
itong napalingon kay Jhepeth at binigyan ito ng pangkontrabidang ngiti.
Ako naman ay napangiwi na lang.
“Oh. Ang babaeng squatter.” Kalmado at puno ng ereng
sabi ni Angelica.
“Di ako papatol sa lait mo. Anong naisipan mo at
ginawa mo sa bestfriend ko iyon?” diredirecho at walang prenong si Jhepeth.
“Well let’s make it simple. Argel is such a trophy. At
dapat akin yun kaya ko ginawa. Simpleng logic stupida!”
Kitang kita ko ang pag sara ng kamao ni Jhepeth sa
narinig niya mula kay Angelica.
“Kung trophy mo si Argel sino ito kasama mo?” gigil na
tanong ni Jhepeth.
“Boyfriend kong hunky.
Jhasper say hi to them. This is Stupidang squatter Jhepeth and that one
over there is Erwin. He is gay and kadiri.” Sabi nito sabay arte na kala mo ay
kinikilabutan sa sinasabi niya.
Nagaalangan naman ngumiti ang boyfriend nito sa amin
at inilahad nito ang kamay kay Jhepeth. Ngunit hinila ni Jhepeth and kamay nito
at sinugod na si Angelica at hinablot ang buhok nito. Halos walang tao sa parte
ng mall na iyon kaya naglakas loob na rin ang kaibigan ko gawin iyon.
Tila napako naman ako sa kinatatayuan ko at pinanuod
ko paano iwagiwag ni Jhepeth si Angelica sa harap ko.
Aawat naman sana ang boyfriend ni Angelica pero
sinigawan ito ni Jhepeth.
“Wag na wag ka sasali!” Matinis gigil na gigil na sigaw ni Jhepeth habang
iwinawagwag pa din ang walang kalaban laban na si Angelica na
wala naman magawa kundi umiyak at sumigaw sa sakit.
Di ko alam sa sarili ko pero lihim akong napangiti sa
nangyari.
Maya maya pa ay naka tawag pansin na ang komosyon na ang
ginagawa ni Jhepeth kay Angelica.
May mga nanunuod ng mga usisero.
Maya maya pa ay nagsidatingan na ang mga security
guard ng mall kasabay din nito ang pag dating ni Donnie at Kenji.
“Mhie, ok ka lang? ano nangyayari?” alalang alalang
tanong sa akin ni Donnie.
Tanging tango at pagturo sa pwesto ni Jhepeth lang ang
naisagot ko sa kanya.
“Diyan ka lang wag ka aalis.” Bilin niya na sinagot ko
lang ng tango.
Agad naman niyang pinuntahan si Jhepeth para pigilan
ito.
Kitang kita ko ang pag pigil ng mga security guard at
ni Donnie kay Jhepeth.
Matagumpay naman nilang napaghiwalay ang dalawa. Nakaagaw
pansin naman sa akin ang nasa kamay ni Jhepeth na mga buhok galing kay
Angelica. Mga hair extensions.
“Punyeta ka! Bukod sa ugali mo pati buhok mo peke din
pala! Ano pa peke sa iyo!” gigil na gigil pa rin na sabi ni Jhepeth kay
Angelica na umiiyak at hawak ang ulo nito siguro dahil sa hapdi at sakit na
gawa ng pagsabunot sa kanya .
Si Donnie at Kenji naman ay kita kong napahagikgik sa
sinabi na iyon ni Jhepeth.
“Tandaan ninyo mukha ng babaeng iyan. Mayaman yan pero
malaki ang pagkukulang sa pagiisip! Relasyon ng may relasyon sinisira! At take
note may boyfriend pa iyan! Di ko malaman kung ang katawan din ba niya ay
nasasakupan din ni Mayor Binay. Makati!”
Bulong bulungan at may mangilan ngilang tawanan ang
narinig ko mula sa mga nanunuod sa paligid. Ako din ay di mapigilan ang ngiti
kumumawala sa labi ko. Ayokong mag paka plastic pero nakaramdam ako ng pag
ganti sa ginawa ng kaibigan ko sa kanya.
Mabilisan naman umalis si Angelica sa lugar na iyon
matapos ang nangyari. Pero bago iyon ay nakita ko munang nagtitigan ang
boyfriend ni Angelica at si Kenji.
Wala lang siguro iyon.
Ng masiguro ng wala ng gulo ay nagsilalisan na ang mga
security guards at ang mga nanunuod.
Patakbo naman pumunta sa akin si Jhepeth at naka ngiti
ito na akala mo ay walang nangyari.
“ oh pa frame mo! Isabit mo sa bahay ninyo.” Tawa tawa
nitong sabi sa akin sabay abot ng extensions ni Angelica sa akin.
Natawa naman ako at niyakap ang kaibigan ko at hinimas
himas ang likod nito.
“Salamat Peth. Wag mo na uulitin yun ha!”
“Ah basta walang aaway sa iyo. Kundi ako ang
makakaharap nila.” Mayabang na sagot ni Jhepeth.
“Ang sweet ninyong dalawa nakakaiyak…” singit ni
Kenji.
“hoy tarantado ka anong sinasabi mo. Ikaw nga itong di
man lang ako piniggilan. Buti na lang malakas humatak si Donnie at nakipag
titigan ka pa sa Jhasper na yun!” ang
nakapamewang na si Jhepeth.
“Cute kasi eh….” Kamot ulong sagot na lang ni Kenji.
“Che, Kain tayo my treat. Tama na iyan.” Sabat ko sa
dalawa.
Nagpatiuna naman na kaming dalawa ni Donnie maglakad
palayo sa dalawang nagbabangayan nanaman.
Argel Joseph Francisco
Walang kagana kaganang akong naka upo sa terrace ng
bahay namin. Nakatanaw sa malayo. Kung ano mang tinititigan ko di ko rin alam.
Wala siguro.
Wala nga talaga.
Tulad ng pagasa kong makuha pa ang pagmamahal kay EJ
na gusto ko maranasan wala na.
Should I find someone else?
Kung may mahanap man ako. Ganoong pakiramdam din kaya
ang mararanasan ko tuwing kasama ko si EJ?
Nasa ganito akong pagiisip ng mag ring ang phone ko at
nag register ang pangalan ni Angelica dito.
“Ano?” walang kagana ganang sagot ko.
“Sinabunutan ako ng kaibigan nung EJ.” umiiyak na atungal
nito sa akin.
“Si Jhepeth?”
“oo.”
“Natangal extensions mo?”
“oo.”
“Ah ok. Sige. Bye.” At binaba ko agad ang phone ko.
Parang timang naman akong natawa sa narinig ko at mula
sa pag eemo kanina .
Pagkatapos ng ilang minuto naman ay bumalik na din ang
katahimikan ko sa kinalulugaran ko.
Napaisip kung ano ang gagawin at ano pwede kong gawing
sulusyon.
“EJ.” sambit ko sabay bitaw ng malalim na buntong
hininga…
Itutuloy.
This entry was posted
on Monday, September 17, 2012
at 7:59 AM
and is filed under
Kiss The Rain
. You can follow any responses to this entry through the
comments feed
.