Pauna: I'm Back!!! pasalang sa comeback stage! Heto po ang aking handog sa aking pagbabalik. Isang short story na may pinaghuhugutan. Hindi galing sa akin Kundi Galing sa isang kaibigan. O sya sige enjoy na kayo at babalikan ko na muna sila Donnie at Argel. Inamag na kasi....
WIDE AWAKE
Reality check. Hindi lahat ng relationship
ay parang fairy tales.
Tulad ng mga fairy tale din ay may ending
ito.
Pero lets accept the fact na lahat ito ay
di happy ending.
Kadalasan pa nga ay sad, tragic, at bitter.
Dahil and Prince Charming mo ay kinaliwa, pinagtaksilan, niloko, pinagpalit kay
wicked witch o kahit anong tawag or term pa na gusto ninyo.
Ang happy ending na lang ata na alam ko is
kung matitigok ako na kasama ko sa kama si Chris Hemsworth, Chris Evans or
Channing Tatum na malayong mangyari.
3 years ago.
“Lets end this now. I don’t want to suffer
anymore.” Tumatangis ko sabi sa taong
nasa aking harap.
“Sige. Mas mabuti na sigurong ganito. I
already inflicted so much pain to you. You don’t deserve to be loved by someone
like me.” Nakayukong sabi nito sa akin.
“Oo. Danyel. I don’t deserve to be like
this. I deserve someone much better. I deserve someone who will love me not
someone na dadatnan ko sa PANGATLONG beses na may kasamang ibang lalake sa kama ko at sa sarili kong pamamahay. I don’t really
deserve someone like you.” Mahabang tugon ko at idinidiin kung pang ilang beses
na siya nagkamali habang itinuturo ko siya.
“So this is goodbye Alwyn?” tanong niya sa
akin na lumuluha.
“What do you expect? Get out! I can find someone
much better than you! Get out!” Galit, Hinayang, Lungkot, at kung anu-ano pang
halo-halong emosyon na humahalo sa luha at salitang lumalabas sa akin.
Walang sinayang na oras si Danyel at kinuha
ang bag na nasa tabi ng pinto ng kwarto ko na inempake ko na kanina para sa
kanya. Hahakbang na sana
ito palayo sa akin pero bigla siyang lumingon.
“I’m sorry.” Sabi nito sa akin sa cracked
na boses. Pagkatapos naman niyon ay madalian itong umalis at tanging pagtunong
ng gate sa labas ang narinig ko. Pahiwatig na nakalabas na ito ng bahay.
“I’ll be better without you.” Sabi ko sa
sarili ko habang pinupunasan ang mga luhang dumadaloy sa aking pisngi.
Prensent day:
Subsob sa trabaho. Yan ang kinaadikan kong
gawin sa buhay ko. Kaya di ko na nahanap ang pinagmamalaki kong “Someone Much
better” noon. Nyeta mukhang forever alone na nga ata ako. Tatanda na lang akong
aso ang aalagaan at magiging kasama.
“Pepper, tapos na ba yung mga plot ng mga
pylon designs natin?” sabi ng boss ko na bumulaga sa harap ko ang pamgmumukha.
“Ay Tatlumpung Talaba!” pasigaw na sabi ko
habang naibato ko naman ang kung anong mga hawak ko sa oras na iyon.
Tawa tawa naman boss ko na namumula na sa
kakatawa habang hawak ang cellphone ko na isa sa naibato ko kanina.
“Boss naman….” Naka nguso kong sabi sa
kanya sa himig na parang nagrereklamo.
“Sorry nakakatuwa ka kasi naka subsob kang
naka tingin sa cellphone mo. Taas kilay ka pang mag txt.” Paliwagnag ng boss ko
na hinahabol ang hininga niya mula sa pagtawa.
“Nagtxt kasi ang mama ko. Pinasusunod ako
sa pasig . Sa
bahay ng tita ko. May family gathering.” Naka yuko ko na sabi.
“Ahhhhh.
Oo nga basa ko nga.” Humahagikgik na sabi niya habang binabasa ang naka
bukas na message sa cellphone ko.
“Anyway tapos na kanina pa yung plots.
Andun sa tabi ng printer. Pwede ko na mahawakan ulit ang cellphone ko po?”
blangko mukha kong sabi sa boss ko.
Inabot naman sa akin ng boss ko ang phone
ko.
“Pepper, Mukha kang papel.” Sabi ng boss ko
na may ngising nakakaloko.
“Bakit po?” taas kilay kong tanong.
“Blangko nanaman kasi mukha mo. Walang
emosyon. Sarap pintahan ng ngiti. Hayaan mo ihahanap kita ng BOYFRIEND.” Diin
na diin na sabi niya sa BOYFRIEND. Habang naglalakad pabalik sa kwarto niya.
“Ok. Sige balik na ako sa trabaho. PO !” sagot ko na lang sa kanya.
Pepper iyan ang tawag sa akin ng mga
katrabaho ko dito sa maliit pero hebigat na company na pinagtrarabahuan ko.
Hindi lingid sa kanila ang tunay kong sexuality. Tangap nila naman. Pero sa di
ko naman malaman na dahilan ay ako daw ang nagbibigay ng flavor sa bland o
walang lasang office namin. Oo aminin ko dahil sa ang pinalitan ko daw na
ex-officemate nila ay ni hindi daw nagsasalita unless na tatanungin nila ito. I
usually crack jokes naman din pag lunchtime namin. Pero pag working hours naman
ay daig ko pa daw ang mga book paper na nakasalansan sa desk ko. In short
blangko lang ako pag nagtratrabaho.
Lahat ng kailangan ko tapusin ngayong araw
na ito ay tinapos ko. Napuno ng design plots ang area ko. Ayaw ko iwanan ang
trabaho ko at balikan pa ito sa lunes. Mas mabuti ng tapos kesa maghabol.
“Pepper? Buhay ka pa diyan? Alwyn?!” Tawag
sa akin ng katrabaho ko na si Joy na siya ko din naka close noong pag pasok ko
pa lang sa company na ito.
“Oo nga. Like it’s all paper lang nakikita
ko sa area mo lagot ka sa DENR or any group na incharge man doon. How many
trees those loggers cutted down just to make those papers.” Napaka konyong
pananalita ng nakakataas na si Ms. Jen na ka vibes ko din.
“Pinagtritripan ninyo ba ako? Sa tangkad ko
na ito di ninyo ako makita?” blangko pa rin na mukha kong sabi habang nirorolyo
ang isang papel na may laman na plot na natapos ko.
“ito naman seryoso masyado sa trabaho.
Smile naman. Hindi yung lunch time ka lang ngumingiti.” Sabi ni Joy habang
ginuguhit sa sariling mukha niya ang isang ngiti sa pamamagitan ng dalawang
daliri.
“Yeah like don’t be too serious. Tatanda ka
agad niyan. And for God’s sake. Please
don’t wear brown here sa office. The papers surrounding you have the same color
as your shirt. It makes an illusion that your arms and head are floating.”
Mahabang statement ni Ms. Jen na siya namang nagpatitig sa amin ni Joy sa
kanya.
“What?!” sabi nito ng Makita kaming dalawa
ni Joy na nakatitig sa kanya,
“Jen kasi parang fashion channel ka. Sa
haba ng sinabi mo malamang hindi na absorb ng dalawa yung sinabi mo.” Singit
naman ni Ms Anne. Isa ko pang ka officemate.
Tanging tango na lang ang sinagot naming
dalawa ni Joy sa tagpo na iyon.
5pm
“Guys mauna na ako. Pupunta pa ako sa bahay ng tita ko.” Paalam ko
sa kanila.
“Ingat ka.” Halos sabay sabay na sabi ng
tatlo sa akin na hindi man lang ako nilingon dahil sa hinahabol na tapusin ang
trabaho sa araw na iyon.
Napangiti habang umiiling na lang ako
palabas ng opisina namin.
Sakto naman paglabas ko ay tumunog ng sunod
sunod ang cellphone ko.
“Si Mommy…” sabi ko sa sarili ko habang
nakatitig sa screen ng phone ko.
“Hi Mommy.” Bati ko ng pagsagot ko sa tawag
niya.
“Ikaw bata ka asan ka na ba? Andito na kami
ng kapatid mo sa bahay ng tita mo. Bilisan mo at sumunod ka na dito.” Sunod
sunod na ratsada ni Mommy ko sa akin.
“Kalalabas ko lang ng office Mommy, Mag
taxi na ako papunta diyan para mabilis. Sige po at heto na may napara na ako.
Bye Mommy. Lalabs!” diredirecho kong sagot din para di na ako kulitin ng
magulang ko.
“Manong Greenland Pasig po tayo.” Sabi ko
sa driver.
Habang umaandar naman na ang taxi ay siya
naman bumuhos ang ulan at ang pag lipat ni manong ng istasyon naman ng radio na
pinakikingan niya. Sabay naman din doon ay ang pag pikit ng mata ko. Hinihila
ako ng antok. Salamat sa lamig at parang paghehele na mula sa radyo.
Nasa isang lugar ako. Maliwanag at parang
hallway. Di ko masabi kung mahaba or maikli ito dahil sa di ko makita ang dulo.
Nagtataka man ako kung nasaan ako ay parang
automatic naman na nag lakad ang mga paa ko pasulong. Kung saan papunta? Bahala
na si batman.
Lakad lang ako na lakad. Nakapagtataka ay
di man lang napapagod ang mga binti at mga paa ko.
Ilang sandali pa ay lumiko naman ako. Pero
kakaibang lugar na iyon. Malalam na pula ang ilaw. Pakiramdam mo ay parang
niyayakap ka. Di lang basta yakap. Yakap na puno ng pagmamahal.
Habang tinatahak ko naman ang daan na iyon
ay bigla na lang may mga naglitawang mga larawan sa ding ding.
Napasighap na lang ako sa mga larawan na
nakikita ko. Laman ng mga iyon ay ako at isang tao na nag mula sa aking
nakaraan.
“Danyel…” Bulong ko.
Lahat ng larawan ay kami ang laman. Nariyan
ang magkatabi kaming natututlog, kumakain, naghaharutan, magkayakap, naguusap,
magkahawak ng kamay at kung ano ano pa.
Buong pagtataka ko naman sa aking sarili na
bakit ko tinitignan ang mga larawan na iyon at bakit ni isang pakiramdam ng
galit o pagkainis ang nararamdaman ko imbes ay nakangiti ako at may kaunting
mga luha na pumappatak sa pisngi ko.
Kaunting lakad pa ay narating ko na ang
dulo ng hallway na iyon. Doon nakalagay ang
pinakamalaking larawan na kung saan makikita kaming dalawa na nakangiti at
magkaakbay na parang walang problema at sarili namin ang mundo.
Unti unti naman akong lumapit sa larawan na
iyon.
Hahawakan ko na sana ang larawan ng makarinig ako ng boses at
parang lumilindol.
“Ser! Ser! Andito na tayo sa Greenland . Saan po ako liliko?” sabi sa akin ng Driver
habang marahan akong niyuyugyog nito.
“Ah sa pangatlong kanto tayo.” Groggy na
sabi ko.
Kinukusot kusot ko naman ang mata ko at
inaayos ang buhok ko mula sa pagkakaidlip ko sa taxi ni manong habang naka
tingin sa papalapit na bahay ng tita ko.
“Dito na lang manong. Keep the change.”
Abot ko ng bayad kay manong habang binukbuksan ang pinto.
Pagkababa ko ay pinagpag ko muna ang damit
ko at itinuwid ang mga parte na may gusot habang naglalakad papalapit sa pinto.
Napansin ko naman nab ago ang lahat. Bagong renovate ang bahay nila tita.
Paglapit ay nag doorbell na ako. Habang
hinihintay naman ang magbubukas ng pinto ay hinahalungkat ko naman ang bag ko
para sa breath freshener ko
Ng makuha ko naman ay ay agad ko itong
binuksan aakma ko na sanang mag spary sa bibig ko ng bumukas ang pinto at
bumungad sa akin ang isang pamilyar na mukha.
Halo halong emosyon ang naramdaman ko sa
oras na iyon. Di ko alam kung matutuwa ba ako o itataas ko ang kilay ko.
Habang siya naman ay parang naka kita ng
multo sa itsura niya at nakanganga pa ang gago.
Ako naman itong si maloko ay nag spray ako
sa bibig ng kaharap ko sabay talikod.
“Sorry maling bahay ata.” Sabi ko na lang
habang humahakbang palayo mula sa kinatatayuan ng nagbukas ng pinto.
“Dada, ano ba ang tagal mo diyan. Sino ba
andiyan? Teka parang naka kita ka ng multo ang putla mo naman.” Sabi ng babae
na biglang sumungaw sa likod ng lalake.
Nagulat na ako sa pangalawang beses
pagkatapo ko marinig ang boses ng babae.
“Aika?!” palingon kong sabi.
“Insan! Ang gwapo mo impakto ka! Pasok ka
dali.” Salubong sa akin ng pinsan ko na
isang taon ko din di nakita dahil sa kanya kanyang busy na buhay.
Habang papasok naman ako sa bahay nila ay
akay akay ako ng pinsan ko at dal dal ito ng dal dal pero bawat salita naman
nito ay tila pasok sa kanan labas sa kaliwang tenga ko. Mas busy ako sa
pagiisip kung bakit andito ang damuho na iyon sa bahy ng pinsan ko at bakit
Dada ang tawag niya rito?
“Insan! Woi! Ano ba parang pang outter
space na ang iniisip mo ha? Katabi kita pero ang layo ng diwa mo sa akin.”sabi
ng pinsan ko sa nagtatampong himig.
“sorry pagod lang siguro ako sa work.”
Pagsisisnungaling ko at ngiti ko nag aalangan.
Ng makarating kami sa sala ay nadatnan ko na nandoon si Mommy kasama ang
tita at tito ko na nag tatawanan.
“Oh iho andyan ka na pala. Ang puti mo
ngayon. Naarawan ka pa ba?” ang masayang salubong sa akin ng tita ko na akala
mo ay si Imelda Marcos na bata pa ang itsura.
Habang yakap naman ako ng tita ko ay
tinignan ko naman ang tito ko. Nakatingin ito sa akin at bigyan lang ako ng
isang tango at ngiti. Pagkaalis naman ng yakap ng tita ko ay tumabi na ako sa Mommy ko ng pagkakaupo.
Katabi ko na rin ngayon ang pinsan ko na naka angkla nanaman sa braso ko na
natural lang sa kanya since noong bata pa kami.
Imbes na pansinin ko naman ang pinsan ko ay
tinitignan ko ang damuho. Di pa rin nawawala ang pagtataka ko kung bakit andito
ito. Busy ako sa pagtingin sa kanya mula ulo hanggang paa ng sundutin naman ako
ni Mommy sa tagiliran.
“Sama mo makatingin naman diyan. Ngayon ka
l;ang ba ulit naka kita ng gwapo?” malokong tanong sa akin ng akin ina.
“Aika, baka gusto mo naman pakawalan ang
braso ng pinsan mo at pakilala mo ang kanina pa niyang tinititigan na katabi
mo.” Natatawang pag pansin ng tita ko sa pinsan ko.
“Asan ba boyfriend mo Ai?” Clueless kong
tanong.
“Ay oo nga pala! Insan meet Daniel, my
BOYFRIEND. Daniel meet Alwyn or Al ang gwapong gwapong pinsan ko.” Masayang
pagpapakilala sa akin ng pinsan ko habang pinaglalapit nito ang aming mga kamay
para mag shake hands.
Pangatlong beses sa araw na iyon ay nabigla
nanaman ako. Ganito siguro talaga ang tadhana sobrang mapagbiro.
“Weh…” tanging nasagot ko habang akward na
nakikipag shake hands kay “Daniel”
“Di ka naniniwala Al? mukha ba na imposible
na makakuha ng ganyang kagwapo na boyfriend?” taas kilay na sabi sa akin ng
pinsan ko.
“ah wala nevermind that.” Palusot ko ulit,
“Nice to meet you Danyel.” Pag babalik
tingin ko at pag bigay diin sa nakasanayan ko na pangalan ng lalaki sa harap
ko.
“nice to meet you too.” Halatang
ninenerbyos na sabi ni Danyel.
Medyo naiilang na ako sa presensya ng
lalaki na nasa harap ko. Gusto mo man siyang komprontahin para malaman kung
bakit tinalo niya ang pinsan ko ay wala naman akong lakas para gawin ito.
Siguro na lang ay delikadesa na lang din ang pinairal ko dahil sa ayaw ko
mabastos ang bahay ng tita ko.
“Danyel? Napaka parang kanto boy naman ang
dating ng tawag mo sa dada ko.” Naka ngusong reklamo sa akin ng aking pinsan.
“oo nga parang kilalang kilala mo siya
iho.” Singit naman ni tita.
“Opo. Kilala ko siya mula ulo hanggang
laman loob.” Walang emosyon ko na sagot.
“Oh! That’s great iho. Ikaw Daniel di mo
sinabi sa amin na kilala mo pala si Al.” sabi ng tita ko na may nagtatanong
na tingin kay Danyel.
“Ah… Eh… Di ko naman po kasi alam na pinsan
niya si Aika.” Kamot ulong sabi nito.
Halata sa mukha niya na ang kaba parang
matatae na kung sino man na may lbm ang itsura. Butil butil ang pawis. Siguro
dahil sa napipintong pangigisa sa kanya ng mga hilaw niyang biyenan.
“Tita noong college ko nakilala yan.
Magkalapit lang naman kasi ang school namin.” Pagtatakip ko.
Ewan ko naman sa sarili ko bakit nagawa ko
yung bagay na iyon. Bakit ko nga ba inililigtas ang lalaking nag dala ng pighati
at pahirap dati sa puso ko?
“Yeah tita noong college po kami
nagkakilala.” Sabi naman ng damuho na may kinakabahang ngiti sa labi niya.
“Wow! Ayan Aika maliit lang pala talaga
ginagalawan ninyong mundo. Akalain mo magkakilala pala iyang si Al at Daniel.”
Ani ni tita.
“oo nga Ma, ayos nga at mukhang di na ako
mahihirapan sa pagtatanong kung ano ang gusto ng lalaking ito. Di na ako
manghuhula.” Tila parang bata na tuwang tuwa na nakahanap ng kalaro na pinsan
ko.
“Ginawa pa akong consultant.” Wika ko sa
isipan ko.
“Ano nanaman iniisip mo anak. Umiikot
nanaman mata mo.” Pag pansin sa akin ng Mommy ko.
“Wala may naalala lang po akong
kabalastugan ng isa diyan.” Sagot ko.
Naging maayos naman ang lahat. Salamat
naman sa malikot ko na utak at sa kabilib bilib na pag arte at pagsakay ni
Danyel sa aking mga pinagtahi tahi ko na kwento.
Lumipas pa ilang oras ay nagyaya na ang
Mommy ko na umuwi na kami. Actually thankful ako dahil medyo paubos na din ang
kwento ko na gawa gawa ko lang na tungkol sa amin ni Danyel.
Sa bahay naman. Pagdating ko ay direcho ako
sa kwarto ko at ibinato ang sarili ko sa kama ko.
Sa dinami dami ng lugar na pwede ko pa
makita ng loko na iyon ay sa bahay ng tita ko. Wag ka pa. Girlfriend niya
pinsan ko.
“Full of surprisa!” Pabirong bulong ko sa
sarili ko sabay tayo at hubad ng mga damit ko para dumirecho sa paliligo para
makatulog na din.
Kinabukasan.
Malakas na tili ng alarm clock ko ang
gumising sa akin Naalala ko naman na weekend kaya asar na asar ko itong pinukol
ng unan para tumigil. Sakto naman at tumama at tumigil ito.
Limang minuto ang lumipas na tahimik ang
paligid ng kwarto ko. Pero nawala din agad ito ng sunod sunod na kalabog sa
pinto ng kwarto ko ang nagpadilat ng buo sa mata ko.
“Alwyn! Gising na may bisita ka!” Sigaw ni
Mommy na kala mo ay woodpecker ang kamay na sunod sunod ang katok sa pinto.
Agad naman akong tumayo at naka boxers lang
na binuksan ang pinto ng kwarto ko.
“Sino naman yun ang aga aga?” salubong na
kilay na tanong ko kay mommy na may ngiti na akala mo ay si Joker.
Kinutuban naman ako agad. Oo alam ko na ang
ngiti ng Mommy ko ng ganoon. May kalokohan nanaman itong gagawin.
“Uhm…. Hi…” tila batang nagtatago sa palda
ng nanay niya na bati sa akin ni Danyel.
“Anong ginagawa mo dito? Bakit mo
pinapasok? Paano mo nalaman bahay ko? Bakit naka ngiti ka?” sunod sunod na
tanong ko.
“Ang daming tanong. Gusto ka lang daw
makausap ng tao. Hala Daniel pumasok ka na sa loob.” Sabi ni Mommy habang
tinutulak niya si Danyel papasok ng kwarto ko.
“Salamat Tita!” naka ngiting sabi ni mokong
sa Mommy ko.
Nginitian lang ito ng Mommy ko habang
sinasara ang pinto ng kwarto ko.
“Anong kailangan mo?” Tanong kong naka
sibangot.
“Wala usto ko lang kamustahin ka. Bihis ka
muna.” Nahihiya nitong sabi sa akin.
Tinignan ko naman ang sarili ko at oo nga
dapat nga akong magbihis dahil sa boxers lang ang suot ko. Pero may mas magandang
kalokohan ang pumaso sa isip ko.
“Bakit? Di k aba natutuwa sa nakikita mo?
Parang dati lang kahit wala ito bale wala lang sa iyo ha?” naka ngisi kong sabi
habang naka turo sa boxers ko.
Imbes sumagot sa akin ay tinalikuran ako
nito at itinuro ang lugar ng damitan ko.
Kesa naman makipag inisan pa ako ay nag
punta na ako sa damitan ko at naghanap ng tshirt at shorts na isusuot.
“Marami ang nagbago sa iyo pero sira ulo ka
pa din pala.”
“Anong paki mo naman kung nagbago ako at
siraulo ako?”
“Wala lang. mas cute ka na ngayon.”
Ay anong kalokohan nanaman ito? Ako cute
daw? Parang nakiliti tenga ko sa sinabi niya na iyon.
“Ano ako tuta? Cute? Ikaw matamis pa din
ang dila mo.” Taas kilay kong sabi.
Ng masuot ko na ang damit ko naman ay naupo
ako sa kama ko habang siya naman ay naupo sa bangko na nasa harap ng salminan
ko.
“Ano ba talagang ipinunta mo dito?” walang
emosyon kong sabi.
“Ulitin ko. Gusto lang kita makausap.”
“Oh heto kausap mo na ako? Oh ano pa?”
“uhmmmm. Kamusta ka na?”
“I’m fine. Sobra.” Medyo sarkastiko ko na
sagot.
“Wanna go out? Lunch? Later?”
Imbes na sagutin ito ay nagtaas na lang ako
ng aking kanang kilay. Habang sa loob loob ko naman ay labis labis ang
pagtataka ko sa kinikilos at inaasal ng mokong na ito.
“Why should I go out with you? Si Aika
ayain mo Girlfriend mo siya.”
“Umalis kasama sila tita eh..” kamot ulong
sagot nito sa akin.
“Eh di kumain ka mag isa. Laki laki mo na
kailangan mo pa ng kasama.”
“Ayaw ko. Sige na samahan mo na ako.” Naka
nguso nitong sabi sa akin na parang bata habang payuko ang ulo.
Sa tagpo namang iyon ay mabilisang
nagpaalala sa akin ng masayang nakaraan namin. Dahil naman doon ay napangiti
ako.
“Oh siya sasamahan na kita later. Saan ba?”
Tila nabuhayan naman ito ng loob at tumayo
sa kinauupuan at lumapit sa akin.
“Yehey! Gloria’s tayo. See you later.
Maghahanda muna ako.” Sabi nito sa akin sabay halik sa pisngi ko.
Magrereact na sana ako ng mabilisang inabot
nito ang pinto at kumaripas ng takbo pababa sa hagdan. Naiwan akong naka tanga
sa kinauupuan ko hawak ang pisngi ko. Ramdam na ramdam ko din ang mabilis na
pagtibok ng puso ko.
“Tama ba itong ginagawa ko?” mahinang usal
ko sa sarili ko.
Isang oras na din ang lumilipas nasa kama
ko pa rin ako nakahiga at yakap ang unan ko. Ilang beses man ako tawagin ni
Mommy na bumaba at mag almusal ay tumangi ako.
Oo. Gulong gulo pa din ako sa nangyayari.
Ano ba itong kalokohan ng tadhana nanaman sa akin? Tatlong taong tahimik ang
buhay ko. Tapos heto siya babalik na kala mo ay walang nangyari at ang
nakapagpapagulo pa dito ay bakit ganoon na lang ang kinikilos niya at tila
nagugustuhan ko naman ito?
Napatingin ako sa orasan at 11:15am na.
bahala na. Tumayo na ako at sinimulan ko na mag ayos ng kama ko. Pagkatapos ay
direcho na ako sa CR para maligo at mag ayos.
Sakto naman nakapagayos na ako at pababa na
sa hagdanan ay nakasalubong ko naman ang Mommy ko na sumesenyas na andoon na
nga si Danyel. Tinanguan ko na lang ito.
Habang pababa naman na ako ay kita kita ko
na tumayo ito mula sa pagkakaupo niya sa sofa at nginitian ako.
Heto nanaman at naramdaman ko ulit ang pag
tibok ng puso ko.
“Tita hiramin ko muna anak ninyo. Wala
akong kasama kasi sa pag gala.” Naka ngiting paalam nito kay mommy.
Sumenyas lang thumbs up si Mommy sabay
tapik sa likod ko.
“Lakad na baka gabihin pa kayo.”
“Sige Mommy alis na ako.” Paalam ko.
Pagkababa ko naman sa huling baitang ng
hagdanan ay sinabayan na ako sa paglakad palabas ng bahay ni Danyel. Pagkalabas
ng pinto naman ay bumulong ito sa akin.
“You look stunning.” Kasama ng hininga nito
na akala mo ay kumain ng toothpaste at sexy voice. Nakiliti ang tenga ko doon
at parang gusto kong umihi sa kinatatayuan ko.
Binilisan ko namana ng paglalakad ko at
yumuko ako para itago ang mainit at namumulang mukha ko.
“Andito ang kotse ko. Saan ka pupunta?”
pagtawag nito sa atensyon ko habang nagkakamot ng ulo.
Andoon nga kotse niya? Ano ba nagging autic
ako sa ilang sandali pa lang na kasama ko ang lalaki na ito. Sana matapos agad
ang gabi na ito.
Mabilisang bumalik naman ako agad sa
kinatatayuan niya at sumakay sa kotse niya at ng masiguro niya na ok na ang
lahat ay umalis na kami.
Habang nasa byahe ay di ko ito kinikibo at
tanging sa bintana lang ang tingin ko.
Iniisip ko kung ano anong mga posibilidad
ang pwedeng mangyari sa paglabas naming na iyon.
“Andito na tayo.” Pag basag niya sa pagmumuni muni ko.
Isang maliit pero maganda at mamahalin tignan. Sa labas pa lang
ay makikita mo na ang malam lam na ilaw sa loob at mga magagandang mga muebles
na gawa sa kahoy.
Pag pasok mo naman ay may bubungad sa iyo
na mga lovebirds na nasa malaking hawla. Nakakatuwa dahil sa iba’t ibang kulay
nito.
“Mukhang natutuwa ka sa nakikita mo. Enjoy
ka lang.” Sabi ni Danyel sa likod ko.
“Maganda ang lugar. Ikaw hindi.” Sabi ko na
mula sa pagkakangiti ay sumibangot ako.
“You know what Alwyn? I really LOVE how you
hate me.” Sabi naman nito sabay haplos
sa mukha ko.
Traydor na katawan naman ito at binenta ako
ng harapan. Ramdam na ramdam ko ang mabilis na pag agos ng dugo ko papunta sa
pisngi ko. Salamat naman naki ayon pa sa akin ang kamay ko at mabilisan kong
naialis ang kamay niya sa pisngi ko.
“Umupo na tayo. Hindi ang pambobola mo ang
inaasahan ko sa gabi na ito.” Galit galitan kong sabi habang naglalakad palayo
sa kanya papunta sa pwesto ng mesa nagusto ko na upuan.
Agad naman siyang sumunod sa akin kasunod
ang tinawag nitong waiter para kuhain ang order namin.
“Pick anything you want.” Naka ngiti nitong
sabi sa akin habang nag babasa ako ng menu.
Ngunit isang ismid lang ang isinagot ko
ditto sabay balik ng mata ko sa menu na hawak ko. “Ang mahal naman ng mga
pagkain!” sabi ko sa sarili ko habang pinandidilatan ko ang menu.
“So may napili ka na ba?” biglang singit
nito sa ginagawa kong pagtitig sa presyo ng mga pagkain sa menu.
“Ah eh…. Bahala ka na pumili.” Nahihiyang
sagot ko.
Napangiti naman ito sa sinabi ko. Siguro
nga ay kilalang kilala pa din niya ang ugali ko.
Nag tututuro na ito sa menu habang ay
waiter naman ay lista ng lista ng kung ano ang itinuturo nito. Ng matapos siya
sa pag pili ay agad umalis ang waiter at naiwan kaming dalawa.
Awkward moment para sa akin. Ang tanging
nagawa ko lang sa panahon na iyon ay luminga linga at mag appreciate ng ganda
ng lugar na iyon. Tama ang iniisip ninyo. Iniiwasan ko makausap siya. Balak
kong kakain lang kami at yun lang.Pangit man tignan ay yun lang ang naisip kong
paraan para makaiwas sa gulo.
After 15mins naman ay nagdatingan na ang
inorder ni Danyel at laking pasalamat ko. Dahil sa gutom na ako at medyo
matatahimik ito sa pangungulit sa akin.
“Hala!” pagkabigla ko at laking pagtataka
ko naman dahil ang dami nitong inorder.
“Bakit?” nagtatakang tanong nito sa akin.
“Ang dami. Baka di natin maubos sayang
lang. Ang mahal pa naman ng pagkain dito.”
“Ok lang yan. Edi pabalot.” Presko nitong
sagot.
Di ko na ito pinansin at sinimulan ko na
ang pagkain. Paunti unti ang pagkuha ko sa bawat putahe dahil sa dami ng
inorder niya.
“So kamusta ka?” biglang tanong niya sa
akin sa seryosong tono habang kumakain ako.
Napatigil naman ako sa isusubo ko sanang
hipon at ibinababa ko ito.
“Ok naman ako. Masaya sa buhay.”
“Mabuti naman.” Matipid nitong sagot.
Tanging tango lang namana ng naisagot ko
dito. Sususbo na sana ako ng pagkain ulit ng magsalita ito.
“I missed you.” Mahina pero rinig na rinig
kong sabi niya sa malungkot na tono. Tila umalingawngaw naman ito sa loob ng
tenga ko.
“So paano mo nakilala pinsan ko?”
paglilihis ko sa usapan naming.
“nakilala ko siya sa isang bar a year ago.
Sobrang down pa din ako ng panahon na iyon. Siya yung tanging tao doon na
nangahas ako kausapin. Una ay di ko ito pinapansin hanggang sa natuwa na din
ako sa kanya. Aaminin ko akala ko ay magiging isang hook up o one night stand
lang gabi na iyon. Inaya ko siya sa bahay na tinutuluyan ko at di ko inasahan
ang sumunod na nangyari. I was enjoying her company na. nagtatawanan na kami sa
biro at mga kwento niya. Mabilis niya napagaan ang loob ko. I fell inlove with
her overnight.” Ang mahabang pag kwento niya sa akin.
Tango tango pa rin ang ginagawa ko habang
nakikinig sa kanya.
“But everything changed yesterday. I never
knew na pinsan mo siya. Every feeling known to any human gushed into my body
pagkatapos kita makita. but Alwyn, mas nangibabaw ang pagkasabik. I really
missed you. Look akala ko mahal ko siya pero I realized kagabi that I’m still
not over you and my heart still beats for you.” Naka yuko at malungkot niyang
sabi.
Tila sinampal naman ako ng biglaan sa mukha
sa mga sumunod niyang sinabi.
Binitawan ko ang mga hawak kong kubyertos
at tumayo. Mabilis at patakbo kong nilisan ang lugar na pinagkakainan namin.
Di ko alam kung saan ako pupunta. Di ko rin
alam bakit ko ginawa iyon. Parang automatic na ginalaw ko ang katawan ko at
inilayo mula kay Danyel para makaiwas sa
kung ano man sasabihin nito sa akin.
Tahimik ang lugar na dinadaanan ko at
walang katao tao. Tanging ako at ang malamig na simoy ng hangin ang naroroon.
Umupo ako sa pavement dahil sa pagkahapo. Doon na din nagsimulang tumulo ng
sunod sunod ang luha ko.
Di ko lubos akalain na pagkatapos ng
tatlong taon ay heto nanaman ang pakiramdam na naramdaman ko noon. Ang
pagkakaiba lang ay nasasaktan ako dahil sa halos pareho kami ng pakiramdam. I’m
still not over him.
Maya maya pa ay tumayo na ako sa kinauupuan
ko. Sakto naman ay dumaan ang sasakyan ni Danyel sa tabi ko at tumigil ito
doon.
Mabilis siyang bumaba sa sasakyan niya at
patakbong pumunta sa akin para yakapin ako. Hinyaan ko lang siya sa ginawa niya
sa akin.
“Alwyn, please give me a chance. Please. I
Still love you.” Buong pagsusumamo niyang sabi sa akin.
“Danyel, Hindi mali ito.”
“Mali pag pinakawalan pa kita…”
“kahit anong sabihin mo Danyel mali pa din
ito. Paano na ang pinsan ko?”
Ngunit di siya sumagot sa tanong ko.
Itinulak ko siya ng marahan mula sa pagkakayakap sa akin na sinagot naman niya
ng isang nagtatanong na tingin.
“No this is wrong. Even if I still love you
di natin pwede gawin ito sa pinsan ko.” Sabi ko sabay lakad palayo sa kanya.
Ngunit di pa man ako nakakailang hakbang ay
bigla na lang niyang hinablot ang braso ko.
“Give me a good reason. Why we should not
do this. Why you should leave me?” Lumuluhang sabi niya sa akin.
“Gusto mo ng dahilan? Ayokong matulad sa
akin si Aika. Ayokong maranasan niya gaano kamiserable ang naging buhay ko
dahil sa ginawa mo. Remember what you did 3 years ago? Ganoon din ang
mararamdaman niya kung sakali malaman niya ang tungkol sa atin?! Hindi ko rin
alam kung makakaya niya ang sakit. ” Malakas kong sabi sa kanya habang
pumipiglas mula sa pagkakahawak niya sa akin.
Doon na niya lubusan akong binitawan at
hinayaang makalayo. Tumakbo ako gamit ang buong lakas ko at di na siya ilingon
pa ulit…
This entry was posted
on Thursday, August 16, 2012
at 6:12 AM
and is filed under
Wide Awake
. You can follow any responses to this entry through the
comments feed
.