Pauna: Maraming salamat po sa mga nagbabasa ng story ko na ito.
Mico – Hubby ayan may bati ka na dito. Sipagan mo pag babasa ha! Hehehehe! Mag comment ka.
Kenji – Friend ayan may kapangalan ka sa tauhan ko. Hahahaha!
Ice – Salamat sa pagbasa din!
Kuya Jeffy – Salamat din sa payo. Kaw pa rin the best! Idol ko! ^_^
Vincy – Kilig ka pa din? Hehehe! Ewan ko kung kiligin ka pa din dito.
Ernes_aka_Jun, Jack, Jayfinpa, Ram, Chris, Wastedpup Cutie Pinoy Gay Guy, Darkboy13, Gerald, Slushie.Love – Guys maraming salamat po!
Guys walang song ngayon dito pero mag lalagay me ng preview kung ano maririnig ninyo sa next chapter.
Kiss The rain
Chapter 3 (Clumsy me.)
Erwin Joseph Fernandez
“Diyan ka pala nakatira” sabi ng nagmamaneho ng kotse.
Binuksan naman ng lalaki ang ilaw sa loob ng kanyang sasakyan pag lingon ko.
Laking gulat ko ng nakita ko kung sino ang nag drive ng kotse na kanina pa sumusunod sa akin.
“Argel! Ano ang naisipan mo at bakit mo ako sinindan hanggang dito?”
“I’m just assuring na makakauwi ka ng maayos.”
“Alam mo ba na sobra ang takot ko kanina? Akala ko kung kanino yung sumusunod sa aking sasakyan.”
“Kidnapper? Serial killer? Intsik na kumukuha ng bata na ginagawang vetsin? Hahaha!” Patawa niya sa akin.
“Aba malay ko ba?! Wala kami pang ransom pag na kidnap ako nuh!” tass kilay kong sabi.
“Sorry di ko na uulitin na sundan ka ng ganun.” Paumanhin niya sa akin habang kinakamot ang kanyang ulo.
“EJ pwede ka ba lumapit sandal dito sa akin?” Pakiusap niya sa akin.
Sumunod naman ako agad at dumungaw ako sa bintana ng sasakyan niya.
May inabot siyang papel sa akin.
Pagkakuha ko naman ay bigla niyang hinatak ang aking kamay na naging dahilan para pumasok ang kalahati ng katawan ko sa loob ng bintana ng kotse niya.
Wala naman siyang sinayang na pagkakataon at hinalikan niya ako sa aking pisngi.
Hinila ko naman agad ang sarili ko sa pagkabigla ko at napatulala na lang sa ginawa niya.
“Sige uwi na ako. Txt mo ako ha! Bye Ej.” Paalam niya sa akin.
Magsasalita pa sana ako ng bigla na niya pinaharurot ang kotse niya at mabilis na nawala sa paningin ko ang kotse niya.
Ako naman ay naiwan sa harap ng bahay naming na nakatingin pa din sa malayo at hinihimas ang aking pisngi.
“Ang bilis…. Parang kotse niya…” Ang tanging nasabi ko sa aking sarili.
Nang mahimasmasan na ako ay pumasok na ako sa aming bahay.
Napansin ko naman na medyo madilim at tahimik na ang buong bahay.
“Tulog na ata sila.”
Habang paakyat naman ako ay may naaninag akong anino sa madilim na kusina namin.
Papalapit ito sa akin.
Di ko alam kung ano ang aking gagawin.
Hinihintay ko na lang kung sino o ano man ang bubulaga sa akin sa pagkakataon na iyon.
Actually naka handa ang paa ko sumipa sa pagitan ng railing ng hagdan naming kung sakali.
Nakahinga naman ako ng maluwag ng Makita kung sion ang anino na iyon ng makarating siya sa parteng may liwanag.
Kapatid ko pala.
Suot ang kanyang itim na panjama at akap ang grey na teddy bear niya na weird dahil sa may pangil ito at kukong mahaba na may kunwaring dugo pa.
“Kuya nakita ko yun.” Ang matipid niyang bungad sa akin.
“Ang ano?”
“Yung manliligaw mo. Hinatid ka pa ditto sa bahay at may kiss pa.” sagot niya sa akin habang unti unti bumabakas ang isang malawak na ngiti sa labi niya.
“Hindi ko manliligaw yun.” Matigas kong sagot.
“Ahhhh! Boyfriend! Hihihi!”
Nagsalubong na lang ang aking dalawang kilay at mabilis na umakyat na lang sa aking kwarto.
Alam ko naman na wala akong panama sa pangiinis at pangungulit sa akin ng kapatid kaya di ko na ito pinatulan.
pag dating ko naman sa kwarto ko ay dumirecho na ako sa washroom at nag linis ng katawan at nag palit ng damit.
Nahiga ako sa kama at napaisip nanaman.
Bakit kaya EJ tawag sa akin ng dalawang lalaki na iyon?
Nasa ganun akong pagiisip ng tumunog ang cellphone ko.
Si Jhepeth tumatawag.
“Hello Peth.” Pag sagot ko sa kanyang tawag.
“Che, Bahay ka na? win na win nanaman ang feslabu mo the! May Donnie ka na may Argel ka pa! Uhmmmmmm! Pak na pak!” bungad niya sa akin.
“Hay naku….. Peth ayan ka nanaman.”
Napag kwentuhan naman naming ang mga nangyari sa akin kanina.
“Che, bongga ka talaga! Hinalikan ka sa pisngi? Ikaw na talaga! Well sino ba pipiliin mo sa kanilang dalawa?”
“Peth, It’s too early to make a choice. Tsaka di naman nanliligaw si Donnie.”
“So nanliligaw si Argel!?! Che akin na lang yung isa pag sinagot mo yung isa ah! Hihihi!”
“Hay naku tililing girl… hehehehe!”
“Matulog na nga tayo. Kung ano ano nanaman nasa isip mo. Good night and see you bukas.” Paalam ko sa kanya.
“Good night Che! Sweet dreams! Mwuah mwuah tsup tsup! Bukas ah!” malanding paalam niya sa akin.
Pagka baba ko naman ng tawag ng aking best friend ay may natangap akong txt.
“Good night Ej. Kita tayo sa dreams mo. – your prince.” Txt sa aking ng unknown na number.
Si Donnie ata ito. Prinsipe ko daw? Ano ako prinsesa? Nyar! Di ko feel yun ah….
“Sino po sila? Good night din.” Magalang kong pagtatanong.
Sumagot naman agad ang aking kausap sa txt.
“Argel here. Yoh!” pakilala niya sa akin.
Hala! Stalker nga itong lalaki na ito!
“Paano mo nakuha number ko? Nakakatakot ka na….”
“Sa bag tag mo. May number dun na nakalagay eh.”
“Hala ang linaw ng mata mo. Pati yun nakita mo.”
“Oo naman. Interesado ako sayo kasi eh!”
Wow! Napaka straight forward niya sumagot. Ang lakas ng loob ah!
“Hala! Sige matulog na tayo. Niaantok na ako. Good night and thank you sa kanina Argel.” Paalam ko sa kanya.
“Good night and sleep tight. Hope to see you soon again.” Huling txt niya sa akin.
Pagkabasa ko niyon ay pinikit ko na an gang aking mata at nag pahinga na para sa panibagong araw bukas.
Donnie Domingo
Dumating ako sa bahay naming na mabigat ang dinadala sa aking dib dib dahil sa nasaksihan ko kanina.
Dumirecho ako sa kusina para kumuha ng maiinom ng makasalubong ko ang aking daddy.
“oh Don, nandito ka nap ala. Bakit naka sambakol iyang mukha mo?” bungad sa akin ni daddy.
“Wala po daddy pagod lang.” Sagot ko habang nag mamano sa kanya.
“Ah sige kumain at magpahinga ka na. akyat na ako sa taas at matututlog na.”
“Opo.”
Pagkatapos ng maigsing kamustahan namin ng aking daddy ay kumuha ako sa fridge ng isang kahon ng gatas at tinunga ko ito hanggang maubos.
Iyon na ang nag silbing hapunan ko dahil saw ala akong gana at tinatamad ako kumain.
pumunta ako sa kwarto ko pagkatapos at binagsak ko ang katawan ko sa aking kama.
Iniisip kung sino ang lalaki na iyon at ano ang kinalaman niya kay EJ at bakit ganito ako?
Nagkakagusto ako sa kapwa ko lalaki?
Pero nagka girlfriend na ako.
Marami ang nag papahaging sa akin na bakla pero wala ako pinatulan.
Pero bakit kay EJ iba?
Nakakalito…..
Bakit?
Nasa ganoon akong pag iisip ng biglang pumasok sa isipan ko ang mukha ni EJ.
Naka ngiti ito ng matamis sa akin.
Hala bakit ganun? Di siya maalis sa isip ko.
Bahala na! Sige buo na desisyon ko at ayaw ko pahirapan lang sarili ko.
“Ej liligawan kita at magiging masaya tayo.” Mahinang usal ko sa sarili habang naka pikit.
Kinabukasan nagising ako na ayun pa din ang damit ko at naalalang di pala ako nakapag palit at naka tulugan ko ang aking pag iisip.
“Eto na! Mamaya makikita ko na siyaulit.” Buong pag asa kong sabi sa aking sarili.
Kenji Oya
2:12pm
Friday at nasa school na ako.
Hindi ako pumasok ng dalawang araw sa school.
Di bale wala pa naman siguro lecture at puro pakilanlan pa lang naman iyon.
Saka nandiyan naman si Ewin para matulungan ako kung sakali may makaligtaan ako. Ang sipag naman sumulat at mag take ng notes yun.
Naglalakad ako sa labas ng school ng Makita ko si Ewin sa di kalayuan.
“Ewin! Frieeeeeeeeeeeeeeeennnnnnnndddddddd!” Sigaw ko sa kanya habang patakbo ako sa lugar niya.
Napakamot na lang ng kanyang ulo ng aking kaibigan/classmate at sinalubong ako ng isang ngiti habang naglalakad.
Pagkalamit ko naman ay nilahad niya ang kanyang kamay at ginawa namin ang “special handshake” namin.
“Kenji, Kamusta?”
“Eto ok naman tinamad lang pumasok agad.”
“Sus! Anong bago?! Lagi ka naman ganyan at may hang over sa sem break.”
Nasa ganun kami pag uusap ng biglang….
“Baby Kenjiiiiiiiiiiiiiiiiiiii!!!!!!!!” ang matinis na boses mula sa likod ko.
“Welcome back to reality my friend. Ayan na kalbaryo mo.” Turo ni Ewin sa likod ko habang naka ngisi.
Pag lingon ko ay si Jhepeth ang aking nakita sa kabilang street at nag hahandang tumawid.
Napaharap ako kay Ewin ulit at nagpakita ng mukhang iiyak habang nag aantanda ng krus.
Pagkalapit na pagkalapit ni Jhepeth sa akin ay umangkla agad sa leeg ko ang kamay nito at umakap sa akin.
“Jhepeth akkkk! Anong balak mo gawin sa akin baliin leeg ko o patayin ako sa pagkakasal?” saway ko sa babaeng naka lambitin sa likod ko.
Humarap naman ako kay Jhepeth at tinignan ito. Naka ngiti ito sa akin na abot tenga.
“Baby Kenji na miss kita! Gento keleki!” sabi niya sa akin habang nag drawing sa hangin ng malaking puso gamit ang kanyang mga kamay.
“Awwwwwwwwwwww! Walang pag babago ang sweet ninyo pa din.” Humahagikgik na sabi ni Ewin sa likod ko.
“Ewin Friend di kami talo nito nuh!” mariing pag tutol ko.
“Anong hindi! Sa iyo hindi. Sa akin oo! Talo tayong dalawa.” Sabi ni Jhepeth sa akin.
“Tigil ninyo na nga iyan. Sasakit tiyan ko sa kakatawa sa inyo. Hahahaha!” sabi ni Ewin na pinag tatawanan kami ni Jhepeth.
“Lika na pasok na tayo sa loob.” Yaya ni Ewin sa aming dalawa ni Jhepeth.
Naglakad papunta sa school habang si Jhepeth naman ay kapit na kapit pa din sa aking braso na parang koala.
Si Ewin naman ay
Pumasok na kami sa loob ng school at dumirecho sa loob ng classroom namin.
Erwin Joseph Fernandez
Pagkapasok namin sa loob ng classroom ay nakita ko agad si Donnie na nasa upuan na niya.
“Uy Donnie aga natin ha!” bati ko sa kanya.
“Oo. Ayaw ko ma late kasi. Kamusta ka EJ?”
“Eto. May kasamang dalawang magulo.” Sabay turo ko kila Kenji at Jhepeth.
“Sino yung kasama ni Jhepeth? BF niya?”
“Hindi niya ako BF. Saka Kenji pangalan ko.” Patutol at pakilala ni Kenji.
Tumabi na ako kay Donnie at sila naman ay naupo na ng magkatabi.
“EJ nga pala di ko pa pala alam number mo. Baka pwede ko malaman?” medyo nahihiyang tanong sa akin ni Donnie.
“Sure. I forgot din nga na hingin sayo eh. Eto paki kopya na lang.” inabot ko sa kanya ang cellphone ko at pinakita number ko.
Agad naman niya kinopya ang number ko at tinext niya ako para makuha ko ang number niya.
3:13pm
Dumating na ang prof. namin na kala mo ay si kuya Cesar na magsalita at bago mag simula ang klase ay may sasabihin muna daw siyang isang mahalagang bagay.
“Siguro naman ay alam ninyo na nag patawag ng meeting ang dean natin ang meeting kahapon kaya wala ako?” bungad niya sa amin.
“At dahil sa dami ng mga nag enroll na freshmen sa school natin ngayon at karamihan nito ay napunta pa sa department natin ay napagpasyahan ng ating dean na mag daos ng isang party para sa pag welcome sa kanila.”
“Ang theme ng party natin ay COSPLAY ayon na din sa kagustuhan ng mga nakakabatang prof ninyo at gagawin ito sa lunes 7pm sa school grounds at wala kayong klase sa araw na iyon.”
Madami ang natuwa sa mga classmates ko at kasama na doon si Jhepeth na niyuyugyog naman kaming dalawa ni Kenji sa tuwa.
“Che, Cosplay daw! OMG! Malalabas ko na din yung loli outfit ko na pinadala sa akin ni tita from japan!!” Excited na sabi sa akin ni Jhepeth habang niyuyugyog ako.
“Yehey….” Pangagaya ni Kenji sa boses ng prof. namin.
“Peth, nahihilo ako.” Agad naman niya ako binitiwan.
“Aw! Sorry Che…”
“Wala ako susuotin. Wala naman ako hilig sa ganyan.” Sabi ko sa kanya.
“Ewin, Ako bahala na sa iyo. Meron ata sa bahay na kasya sa iyo dun na costume. Di ba kapatid ko mahilig diyan?” Si Kenji.
“Ako naman sa muk-ap! Magiging gwapo ka lalo Che!” Malanding sabi sa akin ni Jhepeth habang kumukumpas pa ang kamay.
“Sige sige kayo na bahala sa akin. May tiwala naman ako sa inyo eh.” Sabi ko sa dalawang kaibigan ko.
Paglingon ko naman ay nakita ko si Donnie na nakikinig lang sa aming pinaguusapan.
“Ikaw ano plano mo?” Tanong ko kay Donnie.
“Bahala na si batman. Baka manghiram na lang ako sa kakilala ko.” Sagot niya sa akin.
Tinawag naman ng aming prof. ang aming pansin at nag simula na ang klase namin.
9:10pm
Maayos na natapos lahat ng klase namin sa araw na iyon.
Uwian na. Nauna na sa akin sila Jhepeth at Kenji. Dahil sa pangungulit ni Jhepeth kay Kenji na sabay na daw sila umuwi at alam niya na gusto ko makausap si Donnie.
Nasa labas na kami ng school at naglalakad.
“Donnie sabay tayo umuwi ah.” Sabi ko kay Donnie na kasabay ko maglakad papunta sa plaza.
“Sige ba.” Matipid pero may ngiti niyang sagot sa akin.
“Tara sa plaza muna tayo. Mayroon gusto kasi ako itanong sayo.”
“Sige. Ano yun?”
“Sa plaza ko na lang sasabihin.”
“Ok.” Sagot niya sa akin na nakayuko.
Sa plaza.
Naupo kami sa ilalim ng isang puno na kung saan napapalibutan ang sanga nito ng mga Christmas light.
“Di pa pasko pero bakit may Christmas light ang mag puno dito.” Biglang tanong ni Donnie sa akin.
“Ewan ko sa mayor natin dito. Pero maganda naman tignan di ba?” sagot ko sa kanya habang naka tingin sa mga ilaw na iyon.
“Oo ang cute nga eh.”
Pag tingin ko sa kanya ay kita ko naman na siya ay naka tingin sa akin.
At dahil naman dun ay naramdaman ko ang pag iinit ng aking pisngi.
Di ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya.
Naalala ko na lang ang itatanong ko sa kanya.
“Uhmm. Donnie bakit EJ tinawag mo sa akin?”
“Hmmmmm bakit nga ba? Ah! Kasi ang haba ng pangalan mo saka mas bagay nick name EJ sayo. Cute pakinggan parang ikaw.” Naka ngiti niyang sagot sa akin.
“Talaga? Salamat ….” Nahihiyang sagot ko sa kanya.
“EJ May girlfriend ka ba ngayon?” tanong ni Donnie.
“Wala. Bakit?”
“Wala lang din. Gusto ko lang malaman. Parehas pala tayong single.”
“Oo nga. Nakakalungkot din maging single. Walang nagmamahal sayo. Walang nagaalaga. Ah basta malungkot.”
“Hala naging EMO ka na diyan. Uwi na tayo. Baka abutin pa tayo ng 12am niyan.” Pagaaya ni Donnie sa akin.
Agad naman siyang tumayo at nag lakad agad. Sumunod ako sa kanya pero ng paghakbang ko ay natalisod ako sa malaking ugat ng puno .
“Ahhhhhhhh! “ sigaw ko.
Tumalikod si Donnie at nasalo naman niya ako at bumagsak kami sa damuhan.
Padapa akong naka ibabaw sa kanya at magkadikit an gaming maka labi.
Nandilat ng husto ang aming mga mata sa nangyari.
Agad akong tumayo sa pwesto namin at nag pagpag ng aking damit. Ganun din ang ginawa niya.
Di ko alam pero sa sandaling pangyayari na iyon ay hingal kabayo ang aking inabot. Dinaig ko pa ata ang sumali sa isang triathlon.
Automatic naman naglakad ang mga paa ko papunta mabilis sa sakayan ng jeep at sumakay sa isa sa mga nakapila dito.
Nahabol naman ako Donnie at agad siya naka sakay sa jeep na sinakyan ko.
Umupo siya sa tabi ko at kinalabit ako.
“Sorry EJ.Di ko sinasadya.”
“No wala ka kasalanan. Tanga ko kasi di ko napansin na may naka usli na ugat ng puno doon.”
“No sorry kasi di kita nasalo ng maayos.”
“Nasalo mo nga ako may bonus pang halik eh.” Sabi ko sa aking isipan.
“Sige para wala ng sisihan yung ugat na lang ang salarin. Hehehe!” paglilihis ko ng mood at ng usapan naming dalawa.
Umandar na ang jeep at habang nasa byahe ay walang imikan.
Ako naman ay di makapag salita dahil sa nararamdaman kong hiya.
Hanggang sa makababa kami at maghihiwalay na ng sasakayan ay di pa din siya nagsasalita at gayun din ako.
“Donnie, Sige dito na ako.” Pagbasag ko sa katahimikan
“Sige ingat ka ah. Txt na lang tayo over the weekend.” Sabi niya sa akin na may nahihiyang ngiti.
“Ikaw mag ingat ka din. Paalis na yung jeep sasakay na ako.”
Nakasakay na ako ng jeep at naging mabilis ang byahe.
Wala pang 20 minutos ay nasa bahay na ako.
As usual humiga na ako sa kama ko.
Hawak ko ang labi ko at iniisip ang nangyari sa amin ni Donnie kanina.
Ibayong kilig at saya ang naramdaman ko.
Parang isang 14 yr old na batang babae akong kinikilig sa kaganapan na iyon.
Inakap ko ang aking unan at sinaklob ito sa aking mukha.
“AHHHHHHHHHHHHHHH!” sigaw ko sa unan para ilabas ang kilig na nararamdaman ko.
4:35pm Sunday
Dumating si Jhepeth sa bahay kasama si Kenji na may karay karay na malaking maleta.
“Che, Dala na namin ang mga pwede mo isuot na costume!” masayang bungad ni Jhepeth sa akin.
“Oo ang dami pinadala sa akin pinadala niyan.” Si Kenji habang hinihila papunta sa kwarto ko yung maleta na dala niya.
“Peth, Sobra naman niyan.”
“Che , ok lang iyan para makapamili tayo.”
Naka ilang pili din kami ng isusuot ko.
Hanggang sa may isuot akong isang blonde na wig na at isang costume na kulay puti na nagustuhan ko naman.
“Ayos ba? Di ba ako mukhang tanga?” paglabas ko sa washroom ng aking kwarto.
“Omg! Che!” si Jhepeth?
“Shocks! Ewin!” gulat na sabi din ni Kenji
“Bakit? May mali ba? Buong pagtataka ko na sabi sa kanila.
Itutuloy.
This entry was posted
on Saturday, October 29, 2011
at 12:22 AM
and is filed under
Kiss The Rain
. You can follow any responses to this entry through the
comments feed
.