Kiss The Rain Chapter 14  

Posted by Erwin F. in

Pauna: Nais ko magpasalamat sa lahat ng patuloy na tumatanghilik sa storya kong ito. Grabe kung alam ninyo lang gaano ako natutuwa sa mga comments ninyo. Salamat po talaga! (^_^)


Guys nga pala pakiabangan ang Libro na ilalabas ng mga pinagsama samang mga magagaling na manunulat na wala akong binatbat. hahahahaha!

Michael's Shades Of Blue Anthology
14 Stories of Love, Paranoia and Hunger.


Soon to hit the shelves of National Book Store.



Ngayon tapos na ang Commercial! start na tayo! ^_^





Kiss The Rain
Chapter 14
Cat Fight






Erwin Joseph Fernandez


Hirap akong imulat ang mata ko pero ipinilit ko pa din at tuluyang tumayo mula sa pagkakahiga ko. Napahawak naman ako sa ulo ko dahil sa sakit. Nagtaka naman ako at bakit ang damang dama ko ang lamig sa balat ko.nagulat na alng ako ng masilip ko sa ilalim ng kumot na wala akong saplot.  Pagtingin ko sa kaliwa ko naman ay si Donnie agad ang nakita ko. Tulog pa din ito naka nganga at wala din itong saplot tulad ko.

“naginuman nga pala kami kagabi nila Jhepeth.” mahinang usal ko.

“Mhie good morning….” Bati sa akin ni Donnie na matatawa ka kung sakali ikaw maka kita.

“Good morning din.” Humahagikgik kong sabi.

Umupo naman ito sa tabi ko at niyakap ako.

“Mhie I love you.”  Bulong niya sa akin.

“I love you more Dhie.” Bulong ko pabalik.

“pa kiss ako.” Naka nguso nitong sabi.

“Ewww! Morning breath! Toothbrush ka na muna!” sabay balikwas ko  sa kama patayo at nagtatakbo palayo sa kanya.

Nasa akto akong ganun ng bumukas ang pinto at bumulaga si Mama. Knowing na wala pa akong ni kahit anong saplot sa katawan ay napasigaw ako at luhod sa kinatatayuan ko para takpan ang alam ninyo na.

“Mag bihis na kayo. May pagkain na sa baba.” Naka ngising sabi ni Mama habang sinasara ang pinto.

“Dhie, bihis ka na mauna ka na sa baba.” Naka nguso kong sabi.

“Opo aking porn star na nahuli ni Mama.” Pangaasar nito sa akin.

Dalian naman nag bihis si Donnie pati na rin ako. Pagkadamit nito ay hinalikan ako nito sa pisngi at bumaba na papunta kila Mama.

Ako naman ay nagsuot lang ng boxer shorts at sando. Pagkatapos ay inayos ang kwarto. Napansin ko naman ang cellphone ko na naka patong sa side table.  Kinuha ko ito at tinignan ang cellphone chain na binigay ni Argel. Napabuntong hininga na lang ako.

“This should end…” mahinang bulong ko habang naka tingin pa din sa cellphone ko.

Napagdesisyonan ko na tangalin ang cellphone chain na binigay sa akin ni Argel  at itinabi na lang ito sa shoebox na nasa cabinet ko. Kasama nito ang mga souvenirs noong highschool. Saka nilapag ko ulit ang phone ko sa side table. Akmang lalabas na ako ng pinto ng kwarto ko ng tumunog ito palatandaang may txt na natangap pero di ko na iyon pinansin at lumabas na ng kwarto.

Lumipas naman ang maghapon at dumating ulit ang dalawang kumag kong kaibigan. Sila Jhepeth at Kenji. Nagyaya ang dalawa na gumala sa isang mall sa divisoria.

“Peth, Sure ka ba na nasa  Divisoria pa tayo?” Sabi ko habang linga ng linga sa mga nakapaligid sa akin.

“daig mo pa si Dora. Ang galling mo humanap ng magagandang pasyalan.” Si Donnie.

“Tamana daldal. PapaDonnie, pahiram muna ako sa bestfriend ko ha! Baby Kenji, Igala mo si Donnie” sabi ni Jhepeth habang mabilisang hinihila ako palayo sa boyfriend ko.

Nagtatakang tingin lang ang ibinato ko kay Jhepeth habang patuloy kaming naglalakad. Ng makarating naman kami sa Starbucks ay agad pumasok ito at pinaupo ako sa pinakamalapit na sofa.

“My treat.Marami tayong paguusapan.” Naka ngiting sabi nito sa akin habang nasa harap ng counter.

“Ayan nanaman po kami….” Sabi ko na lang sa loob loob ko.

Maganda naman ang naging takbo na usapan naming ni Jhepeth. Lahat ng dapat niya malaman ay sinabi ko sa kanya. Wala ni isang detalye akong pinalampas.

“Tarantadang bilat yun! Makita ko lang yan papaikutin ko peslabu! Nakuuuuuu!” Gigigl na gigil na sabi ni Jhepeth pagkatapos ko mag kwento.

“Wow!Baka magputukan ang ugat mo sa leeg niyan. Relax lang.” pag awat ko ditto.

“Sige sige sige! Pero wag lang talaga kami magkasalubong.” Sabi ni Jhepeth habang kinakalma ang sarili niya.

“anyway tungkol kay Donnie. Che, ano bah! Saan ka pa makakahanap ng katulad niya? Parang awa mo na tapusin mo na ito. Saludo na ako kay Donnie sa sobrang pag intindi niya sa iyo. “ Pagpapatuloy nito habang naka lahad pa ang kamay nito sa harapan ko.

“Kahit di mo sabihin tatapusin ko na ito. Oo bilib at napaka thankful ko kay Donnie sa ginagawa niya para sa akin.” Sabi ko habang hinahalo ng straw ang iniinom ko na kape.

“Good. Tatapatin na din kita. Alam mo kung wala si Argel lang sa buhay mo ay napaka ganda na siguro. Kaya kung hangga’t maari tapusin mo na ang gulo na ito. Ayoko na umulit ulit ng opinion ko. Parrot na ang drama ko nyan. Gosh!” maarte pero direchong wika sa akin ni Jhepeth na siyang ikinataas ng kilay ko.

“opo madam. Anyway kung wala naman ang drama ko sa buhay na ito wala ka magiging past time. Tsismosa!” biro ko sa kanya.
Doon na nagsimula ang batuhan ng biro at tawanan naming dalawa. Wala na kaming pakielam kung may iba pang tao sa loob ng kapehan na iyon.







Donnie Domingo


“Saan kaya dinala ni Jhepeth si Mhie?” Tanong ko sa kasama ko.

“Nasa tabi tabi lang yun. Bestfriend niya yun nuh. Wag ka mag alala safe si Ewin.” Sabi ni Kenji sa akin habang tinitignan ang damit  na nasa harap niya.

Lakad dito lakad doon ang ginagawa naming dalawa sa loob ng mall na iyon. Nakakapanibago din dahil nasanay na din akong si EJ lagi ang kasama ko pag mag mall.

“Donnie, Wag ka maoffend sana sa itatanong ko.” Biglang sabi ni Kenji habang tinitignan ang isang piraso ng damit na hawak nito.

“Sige lang.”

“Di ka ba nagsasawa masaktan sa nangyayari sa inyo ni EJ? Away - bati?”

“Hindi.” Walang pag aalinglangan kong sagot.

Napatingin naman sa akin ito pagkasagot ko.

“You really do love him. Hindi ko na kailangan ng explanation mo. Baka maubos buong araw sa iyon” Natatawa nitong sabi sa akin habang binabalik ang hawak na damit sa rack.

Lumabas na kami ng boutique pagkatapos ng kaunting usapan na iyon.

“Donnie, Swerte ng kaibigan ko sa iyo talaga. Nakakainggit sana balang araw matapat ako sa kaugali mo.” Sabi nito sa akin habang winawasiwas sa ere ang daliri.

“Kenji, Mas swerte ako sa kanya. Nandiyan pa din siya sa tabi ko kasi.”

“Makeso ka talaga.Kahit kalian.Tara hanapin na natin yung dalawa gutom na ako.”











Erwin Joseph Fernandez


Matapos ang kwentuhan namin magkaibigan sa buhay ko ay sa kanya naman ang hinalungkat ko.

Natatawa man ako sa kwento nito tungkol sa pagiwas sa kanya ni Kenji ay pinipigilan ko pa din. Baka lumipad kasi sa akin ang kutsilyong nasa platito sa harapni Jhepeth.

“Imagine mo Che, ako na lumalapit ayaw pa?” angal nito sa akin.

“Bakit ba trip na trip mo si Kenji? Pwede ka naman tumalo ng iba.”

“Che, naman alam mo naman bet na bet ko na yun matagal na since pinakilala mo sa akin.”

“Gusto mo siya .eh ikaw ba gusto ka niya? Bakit di na lang yung lalaki na yun ang taluhin mo.” Sabay turo ko sa lalaking nasa di kalayuang mesa sa amin.

“Gwapo, Matangkad, Chinito. Pasok sa banga. Kaso walang charm ni Baby Kenji….”

Sakto naman lumingon ang lalaki at nakita nitong naka tingin si Jhepeth sa kanya at nginitian ito.

“Peth, nakita kang naka tingin. Nginitian ka! Chance!” pabulong kong sabi rito.

“Che, Plangak! Gwapo ng ishmile! Pwede na to.” Bulong niya pabalik na kinikilig pa.

Maya maya pa ay sumulyap kami ulit sa lalaki kanina at di naman nabigo si Jhepeth dahil kinawayan siya na nito.

“Che, Kumaway! Soulmate ko na ito! This is the moment!” maharot nitong bulong  sa akin. Halatang halata ang kilig nito.

“Dahan dahan naman Peth, di mo pa kilala soulmate na agad.”

Kumaway pabalik naman ang lukaret kong bestfriend pabalik sa lalaki na iyon. Wrong move naman ata iyon dahil tumayo na ang lalaki tutumbukin ata ang lamesa namin.

“Che, ayan na! ayan na! maganda ba ako? May oil spill ba ako sa mukha? Mabantot ba hininga ko?” sunod sunod na tanong nito sa akin na sinagot ko lang ng ngiwing ngiti at isang thumbs up sign.

Ng makalapit na ang lalaki sa pwesto naming ay binuhos na ni Jhepeth lahat ng pa-kyut powers nito sa isang…

“Hi…”

Nginitian naman siya ng lalaki pabalik.

“Ngay mhiss.Khyut a phala a peonal. Pene manguha ng umber mo?” sabi ng lalaki na siyang nagpabagsak ng panga naming pareho.

Nagkatinginan naman kami pareho dahil sa di inaasahan na bagay….

Mabait naman inabot ni Jhepeth ang isang tissue na may numero niyang naka sulat sa lalaki.

“Cge I think we need to go na. may pupuntahan pa kami ng best friend  ko.” Palusot nito sa akin.

“Mhumye tek na lang ita.” Naka ngiting sabi ng lalaki sa amin.

Dali dali naman akong kinaladkad palabas ng Starbucks ng bruha kong kaibigan at ng makalabas na kami ay nilingon nito ang lalaki at nag  gesture na tawagan siya. At ng tuluyan na kami makalayo ay dinagukan ko ito.

“Bruha!Anong  nakain mo at ginoyo mo pa ang lalaki na yun.”

“Sira! Binigay ko talaga number ko! Text lang naman gagawin saka saying gwapo pa din. Saka natatawa na ako kaya umalis ako kaagad.”

“Ang sama mo talaga babae ka. Pagtatawanan mo pa.” taas kilay kong pangaral dito.

“sige na masama na ako pero may mas masama sa akin na kilala ko.”  Seryoso nitong sabi sabay turo sa isang babae na abot ng tanaw naming dalawa.

Si Angelica at may kasama itong lalaki at di si Argel ito.

Ibinalik ko naman ang tingin ko kay Jhepeth at kitang kitang galit sa mata nito.

“oh no Peth! No! No! wag!” pag awat ko dito sabay hawak sa braso nito.

“wag mo ako aawatin. Let me do this kundi ikaw ang sasamain sa akin.” Pagbabanta niya sakin habang inaalis ang kamay ko sa braso niya.

Shock by what Jhepeth ay binitawan ko agad ang kamay nito at mabilisan ko itong hinabol papunta kay Angelica na walang kaalam alam na nandoon din kami.

“Hoy babae!” pag tawag pansin ni Jhepeth dito kahit ilang metro pa layo nito.

Tila nagitla naman sa narinig si Angelica at mabilis itong napalingon kay Jhepeth at binigyan ito ng pangkontrabidang ngiti.

Ako naman ay napangiwi na lang.

“Oh. Ang babaeng squatter.” Kalmado at puno ng ereng sabi ni Angelica.

“Di ako papatol sa lait mo. Anong naisipan mo at ginawa mo sa bestfriend ko iyon?” diredirecho at walang prenong si Jhepeth.
“Well let’s make it simple. Argel is such a trophy. At dapat akin yun kaya ko ginawa. Simpleng logic stupida!”

Kitang kita ko ang pag sara ng kamao ni Jhepeth sa narinig niya mula kay Angelica.

“Kung trophy mo si Argel sino ito kasama mo?” gigil na tanong ni Jhepeth.

“Boyfriend kong hunky.  Jhasper say hi to them. This is Stupidang squatter Jhepeth and that one over there is Erwin. He is gay and kadiri.” Sabi nito sabay arte na kala mo ay kinikilabutan sa sinasabi niya.

Nagaalangan naman ngumiti ang boyfriend nito sa amin at inilahad nito ang kamay kay Jhepeth. Ngunit hinila ni Jhepeth and kamay nito at sinugod na si Angelica at hinablot ang buhok nito. Halos walang tao sa parte ng mall na iyon kaya naglakas loob na rin ang kaibigan ko gawin iyon.

Tila napako naman ako sa kinatatayuan ko at pinanuod ko paano iwagiwag ni Jhepeth si Angelica sa harap ko.

Aawat naman sana ang boyfriend ni Angelica pero sinigawan ito ni Jhepeth.

“Wag na wag ka sasali!” Matinis  gigil na gigil na sigaw ni Jhepeth habang iwinawagwag pa din ang walang kalaban laban na si Angelica na wala naman magawa kundi umiyak at sumigaw sa sakit.

Di ko alam sa sarili ko pero lihim akong napangiti sa nangyari.

Maya maya pa ay naka tawag pansin na ang komosyon na ang ginagawa ni Jhepeth kay Angelica.

May mga nanunuod ng mga usisero.

Maya maya pa ay nagsidatingan na ang mga security guard ng mall kasabay din nito ang pag dating ni Donnie at Kenji.

“Mhie, ok ka lang? ano nangyayari?” alalang alalang tanong sa akin ni Donnie.

Tanging tango at pagturo sa pwesto ni Jhepeth lang ang naisagot ko sa kanya.

“Diyan ka lang wag ka aalis.” Bilin niya na sinagot ko lang ng tango.

Agad naman niyang pinuntahan si Jhepeth para pigilan ito.

Kitang kita ko ang pag pigil ng mga security guard at ni Donnie kay Jhepeth.

Matagumpay naman nilang napaghiwalay ang dalawa. Nakaagaw pansin naman sa akin ang nasa kamay ni Jhepeth na mga buhok galing kay Angelica. Mga hair extensions.

“Punyeta ka! Bukod sa ugali mo pati buhok mo peke din pala! Ano pa peke sa iyo!” gigil na gigil pa rin na sabi ni Jhepeth kay Angelica na umiiyak at hawak ang ulo nito siguro dahil sa hapdi at sakit na gawa ng pagsabunot sa kanya .

Si Donnie at Kenji naman ay kita kong napahagikgik sa sinabi na iyon ni Jhepeth.

“Tandaan ninyo mukha ng babaeng iyan. Mayaman yan pero malaki ang pagkukulang sa pagiisip! Relasyon ng may relasyon sinisira! At take note may boyfriend pa iyan! Di ko malaman kung ang katawan din ba niya ay nasasakupan din ni Mayor Binay. Makati!”

Bulong bulungan at may mangilan ngilang tawanan ang narinig ko mula sa mga nanunuod sa paligid. Ako din ay di mapigilan ang ngiti kumumawala sa labi ko. Ayokong mag paka plastic pero nakaramdam ako ng pag ganti sa ginawa ng kaibigan ko sa kanya.

Mabilisan naman umalis si Angelica sa lugar na iyon matapos ang nangyari. Pero bago iyon ay nakita ko munang nagtitigan ang boyfriend ni Angelica at si Kenji.

Wala lang siguro iyon.

Ng masiguro ng wala ng gulo ay nagsilalisan na ang mga security guards at ang mga nanunuod.

Patakbo naman pumunta sa akin si Jhepeth at naka ngiti ito na akala mo ay walang nangyari.

“ oh pa frame mo! Isabit mo sa bahay ninyo.” Tawa tawa nitong sabi sa akin sabay abot ng extensions ni Angelica sa akin.

Natawa naman ako at niyakap ang kaibigan ko at hinimas himas ang likod nito.

“Salamat Peth. Wag mo na uulitin yun ha!”

“Ah basta walang aaway sa iyo. Kundi ako ang makakaharap nila.” Mayabang na sagot ni Jhepeth.

“Ang sweet ninyong dalawa nakakaiyak…” singit ni Kenji.

“hoy tarantado ka anong sinasabi mo. Ikaw nga itong di man lang ako piniggilan. Buti na lang malakas humatak si Donnie at nakipag titigan ka pa sa Jhasper na yun!”  ang nakapamewang na si Jhepeth.

“Cute kasi eh….”  Kamot ulong sagot na lang ni Kenji.

“Che, Kain tayo my treat. Tama na iyan.” Sabat ko sa dalawa.

Nagpatiuna naman na kaming dalawa ni Donnie maglakad palayo sa dalawang nagbabangayan nanaman.







 Argel Joseph Francisco


Walang kagana kaganang akong naka upo sa terrace ng bahay namin. Nakatanaw sa malayo. Kung ano mang tinititigan ko di ko rin alam.
Wala siguro.

Wala nga talaga.

Tulad ng pagasa kong makuha pa ang pagmamahal kay EJ na gusto ko maranasan wala na.

Should I find someone else?

Kung may mahanap man ako. Ganoong pakiramdam din kaya ang mararanasan ko tuwing kasama ko si EJ?

Nasa ganito akong pagiisip ng mag ring ang phone ko at nag register ang pangalan ni Angelica dito.

“Ano?” walang kagana ganang sagot ko.

“Sinabunutan ako ng kaibigan nung EJ.” umiiyak na atungal nito sa akin.

“Si Jhepeth?”

“oo.”

“Natangal extensions mo?”

“oo.”

“Ah ok. Sige. Bye.” At binaba ko agad ang phone ko.

Parang timang naman akong natawa sa narinig ko at mula sa pag eemo kanina .

Pagkatapos ng ilang minuto naman ay bumalik na din ang katahimikan ko sa kinalulugaran ko.

Napaisip kung ano ang gagawin at ano pwede kong gawing sulusyon.

“EJ.” sambit ko sabay bitaw ng malalim na buntong hininga…



Itutuloy.




Kiss The Rain Chapter 13  

Posted by Erwin F. in


Pauna: Salamat sa mga patuloy na nagaabang. Thank you talaga!
I missed writing kaya patakas na ako mag sulat sa office with matching drama pa sabi ni Ate ROVI. hehehehe!

As i have said sa Wide Awake ay ipagpapatuloy ko na ito. heto na po sila Argel, Donnie, Erwin, Jhepeth, at Kenji.

Vincy: Hamishu din! may utang ka sa akin!

Kenji: Friend ayan ha napagpag ko na ang amag.

Pero bago lahat SALAMAT sa mga sumusunod na mga tao:

Ernes_aka_Jun, Jack, Jayfinpa, 

Ram, Chris, Wastedpup Cutie 

Pinoy Gay Guy, Darkboy13,

Gerald, Slushie.Love, Zenki, Roan, Ice, Icy,

Light rundel, JIM Sleco5, Wastedpup, Ross Magno, Coffee Prince, Pink 5ive, Rah16, J.V, 

Hotako D 220, Ezrock, Pslam.




Kiss The Rain
Chapter 13
True Love.....


_____________________
Erwin Joseph Fernandez
_____________________


Tanghaling tapat at di na ako mapakali sa kinauupuan ko. Nagdadalawang isip pa din kung pupuntahan ko si Argel o hindi.

"Nak, ok ka lang ba? Halos hindi mo ginagalaw ang pagkain mo." pag basag ni mama sa pag iisip ko.

"AH! Opo ok lang. Masarap kaya!" sabi ko sabay subo ng nakatusok na isang malaking hiwa ng karne sa tinidor na hawak ko.

"Si Donnie pala nasaan iyon??" Tanong ni Mama bago humigop ng kape.

"Maaga po umalis. Sinamahan Daddy niya. May lakad sila." Sagot ko habang puno pa ng pagkain ang bibig ko.

"Ahhhh..... OK. Bonding ng mag ama." sabi ni Mama habang sinesenyasan akong lunukin ang nginunguya ko.

pagkalunok ay tumango na lang ako na parang paslit kay Mama.

"Oh ikaw ba may lakad din? Kung meron. Bili ka naman ng Eggpie". sabi ni Mama

"Opo." Simpleng sagot ko.

Pagkatapos ko naman kumain ay naligo na ako.

Habang nagaayos naman at naalala ko ang cellphone chain na kasama ang isang liham na binigay ni Argel.

kunuha ko ito at ikinabit sa cellphone ko. pagkakabit ay tinitigan ko ito at nagpakawala ng isang malalim buntong hininga saka nilapag ang cellphone ko sa harapan ng salamin.

ng makapag ayos na ako ay agad naman akong bumamaba papunta kay Mama na nasa sala ng panahon na iyon at nanunuod ng showbiz talk show. Pagkakita naman ni Mama sa akin ay tumayo ito sa kinauupuan niya at lumapit sa akin. 

"Saan punta natin? Ang cute ng anak ko ah! sabi ni Mama habang inaayos ang kuwelyo ng polo ko.

"Diyan lang po sa SM Manila kikitain ko ibang friends ko po."

"Huwag kakalimutan ang bilin ko. Eggpie. Bili mo ako at magiingat ka."

"Opo. Sige Ma. alis na po ako." sabi ko at halik sa pisngi ng Mama ko.

Pagkalabas ko ng bahay ay naglakad ako ng kaunti papunta sa kalsada para sumakay ng taxi.

Ng makasakay naman ako ng taxi ay di na ako mapakali.

"Manong sa Lawton po tayo." Sabi ko sa taxi driver na tango lang ang isinagot sa akin.

Excited na kabado ako sa kung ano man ang mangyayari mamaya.....




_____________________
Argel Joseph Francisco
_____________________



Isang oras bago ang takdang oras ng pagkikita namin ni EJ ay nasa tagpuan na namin na ako.

Naglilibot at humihinga ng malalim. Nalalahanghap ko ang hangin na amoy bagong tabas na damo.

Walang katao tao sa lugar. dahil sa walang pasok ang kalapit na paaralan doon.

Di rin maaraw ang panahon. Di rin naman mukhang uulan. tamang tama lang kung balak mo talaga mag relax.

Ng mapansin ko naman na napapalayo na ako sa aking paglalakad ay mabilisang bumalik na ako sa pwesto ko kanina at tinignan ang mga dala ko kung andoon pa.

Magustuhan kaya niya ito?

Tinignan ko naman ag relo ko at halos 30 mins na lang ay mag 4pm na.

Habang palapit naman ang oras ay kumakabog ang dib dib ko sa kaba at pananabik na makita ang taong nilalaman ng puso ko.

Di pa rin ako mapakali. lakad dito lakad doon. Titig sa batong haligi. Tingala sa mga ulap. At ng mapagod na ako sa kakalakad paroon at parito ay napupo muna ako at pinagmasdan ang Manila Hotel sa di kalayuan.

"Anong meron sa Manila Hotel at titig na titig ka? May binobosohan ka nuh?!" Sabi ng sobrang pamilyar na boses sa likod ko.

Nanlaki ang mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko. Dahan dahan ko itong nilingon. Di ako nabigo at siya nga ang nasa likod ko.

Si EJ.

Humahagikgik na nakatakip pa ang kamay sa bibig. Naging guhit na lang ang mata nito sa ginagawa niya.

"Sana lagi ka na lang ganito. Masaya." sabi ko sa aking sarili habang tinitignan ko ito.

"Tititigan mo lang ba ako kaya pinapunta mo ako dito?" pagbasag nito sa ginagawa kong pag eenjoy sa pagtingin sa kanya.

"Lika upo ka." sabi ko sabay abot ko sa kamay niya at pinaupo ko sa tabi ko.

"Ay! Hi pala Argel!" Sabi niya sa akin  sabay bitiw ng isang matamis na ngiti.

"Para saan naman iyon?" kamot ulo kong tanong.

"Para pag bati ko. Di naman kita nabati kasi busy ka sa pamboboso sa nandun sa hotel." sabi niya habang humahagikgik.

"Oh sya. Hi din! at di ako namboboso. doon lang ako napatingin."

"Sige sabi mo. Niwala na ako." Nakangising sabi nito sa akin.

Naalala ko naman ang dala ko kaya agad kong kinuha ang basket na nasa kanan ko.

"EJ, Lika kain tayo. may mga dala akong pagkain." sabi ko habang hawak sa harap niya habang hawak ko ang basket sa harapan niya.

"Picnic tayo?" parang batang tuwang tuwa tanong nito sa akin.

isang simpleng tango lang ang sinagot ko sa kanya habang naka ngiti.

"Hay naku sana ganito ko lagi nakikita ka. Nagniningning ang mata at masaya na sa mga simpleng bagay lang." isip isip ko.

Pagkababa ko ng basket ay binuksan niya agad ito at napangiti sa mga laman nito. ng tumingin naman sa akin ito ay nag bitiw siya sa akin ng isang matamis na ngiti.

At ng matapos namin mag ayos ng pagkakainan ay umayos ako ng pagkakaupo. Tumabi ako sa kanya ulit.

"Ang sarap naman ng melon bread na ito. Gawa mo?"

"Di. si Mommy may gawa niyan saka may alam akong mas masarap diyan."

"Ano?" Inosenteng tanong nito sa akin.

pagkatanong niya ay agad ko itong hinalikan sa kanyang labi.

di siya nanlaban sa halip ay tinanggap niya ang halik ko at gumanti ito sa akin. His lips tasted like honey and his lips are soft like cotton. Cloud 9 ang pakiramdam ko sa mga oras na iyon.

Pagkatapos ng halikan namin ay binigyan ako ng isang matamis na ngiti nito.

"Masarap nga. Pero parang may vetsin.” Hirit sa akin nito.

“I love you EJ.” Wala sa sarili kong sabi sa kanya.

Sa halip na sumagot siya sa akin ay nabura ang ngiti nito at tumingin pababa sa kinauupuan niya.

“Bakit?” Tanging salitang lumabas sa bibig ko.

Pero isang iling lang ang isinagot nito sa akin.

“Look EJ. I don’t expect any answer from you. Alam ko na mahirap para sa iyo na sagutin ang bagay na iyon.”

“Yes Argel. Sobra. Ayoko naman magpaka plastic at sabihin na di kita mahal. Pero sa ngayon alam mo na hati ang nararamdaman ko.” Humihikbing sabi ni EJ.

“Sabi nga sa akin ni Jhepeth ay ayusin ko na itong gulo na ito. Itong namamagitan sa atin. Tama siya habang tumatagal ay nagugulo lang lalo nito isipan ko. Unfair din kay Donnie na walang alam sa nangyayari sa atin.” Pagpapatuoy niya habang lumuluha na.

Isang sunod sunod na palakpak ang sumunod na narinig namin. Si Angelica at papalapit ito sa amin.

“Wow this is so dramatic! Asan na yung mga camera? Yung Director? Shooting ba ito ng teleserye?” sabi nito habang mabagal na naglalakad.

“EJ dito ka muna sa tabi ko.”
Agad naman sumunod si EJ sa akin at hinawakan ko ang kaliwang kamay nito. Pumunta ito sa likod ko habang nagpupunas ng luha niya.

“Papaano mo nalaman na andito ako?” gulat na gulat na tanong ko sa babaeng gulo lang ang hanap.

“Babe ang cute mo talaga pag ganyan ang reaksyon. Ang cute din ng low IQ logic mo. Malamang sinundan kita. Nakita kitang paalis sa inyo kasi.” Nakangiting na nangiinis na sagot nito sa akin.

“At bakit sinundan mo ako?”

“Simple lang. Gusto ko malaman gagawin mo. Saka nagbabakasakali akong masolo kita Babe. Pero makikipag kita ka pala sa BAKLA na iyan.”

“Ayusin mo pananalita mo Angelica at kung manggugulo ka lang ay maari ka ng umalis. Nakakaistorbo ka sa amin.”

“Did i cause a bubu at that fragile gay hiding at your back?” nanunuyang patanong sa akin nito.

“Argel alis na tayo. Ayoko ng gulo.” Sabi ni Ewin sa akin habang hinihila ang kaliwang braso ko.

“No EJ. Di tayo aalis. Angelica will leave now.” Matigas na sagot ko.

“What if kung ayaw ko umalis? Anong gagawin mo Babe?”

Nagsimula na akong magngit ngit sa galit sa aninaasta ni Angelica. Habang si EJ naman di malaman na kung ano ang gagawin sa likod ko.

“Stop calling me babe. Siguro baka masuntok kita ulit?” pagbabanta ko.

“Oh come on! I know you can’t do that to me.” Mayabang na sagot ni Angelica.

Ngunit hindi ako natinag sa sinabi niya bagkus ay lalong nag init na ulo ko at inambahan ako na ng suntok ito. Pero laking pagtataka ko na walang bakas ng takot sa mukha nito.

“Sige ituloy mo ng makita ng bisita ko ang ginagawa mo.” Sabi ni angelica sa akin sabay bitiw ng isang nakakatakot na ngiti.

“Si-si-sinong bisita? Tanong ni EJ mula sa likod ko na sa tinig pa lang ay alam ko ng takot na siya.

“Why don’t you try looking at your’e back honey?” malambing pero mapang inis na sabi ni Angelica.

Lumingon naman kaming dalawa ni EJ at gulat namin na nandoon si Donnie na naka tingin sa amin. Blangko lang ang mukha nito. Wala ka mababakas na kahit ano man emosyon mula rito.

Pagtingin ko naman kay Angelica pabalik ay pasipol sipol pa ito tila masayang masaya sa ginagawa niyang pambwibwisit sa buhay namin.

Nagulat na lang ako ng bumitiw si EJ sa akin at ng lingunin ko ulit ito ay tumakbo na ito papunta kay Donnie.


_____________________
Erwin Joseph Fernandez
_____________________

Nagulat ako ng makita ko si Donnie sa di kalayuan. Sa totoo lang di ko alam kung ano ang magiging reaction ko sa mga nangyayari ngayon. Kung bangungot man ito sana magising na ako.

Ng magtama naman ang mata naman namin ni Donnie tila nagtatanong. Kasalungat nito ang ibang parte ng mukha niya na walang emosyon.

Nagtitigan kaming dalawa tila ba naguusap gamit aming mga isip. Di siya umimik o gumalaw mula sa kinatatayuan niya.

Nasa ganoon kaming pagtititigan ng may tumulo sa kaliwang mata niya na luha at tinalikuran ako nito at umakmang aalis na.

Tila Dinurog ang puso ko sa nakita ko. Mabilisan kong tinimbang kung ano ang dapat kong gawin.

 At ng di na nakita ng mata ko si Donnie ay doon ko na binitawan ang kamay ni Argel at patakbo kong sinundan si Donnie.

Di ko na nilingon si Argel sa pagtakbo ko dahil sa alam kong maaring masira nito ang resolba na pinili ko.

“Dhie!” Sigaw ko habang hinahabol siya.

Bagsak balikat ako nitong nilingon habang nagpupunas ng luha. Binilisan ko naman ang pagtakbo ko papunta sa kanya.

Ng makalapit na ako sa kanya ay niyakap ko ito at doon ko na ibinuhos ang aking mga luha.

“Dhie I’m sorry. Sorry. Please.” Sabi ko sa pagitan ng pagiyak ko.

Wala akong salitang narinig dito. Sinagot lang niya ng yakap at haplos sa buhok ko ang paghingi ko ng tawad.
Pag angat ko naman ng ulo ko ay nakita ko itong naka tingin sa akin na amy simpleng ngiti sa mukha niya na labis ko ipinagtaka naman.

“Mhie, tara uwi na tayo.” Sabi niya sa akin na ngayon ay may mas malaking ngiti na.

“Dhie...” pagaalinlangan kong sagot sa kanya.

“Tara na.” Malambing nito paguulit sa pag aya niya sa akin.

“Dhie, Please don’t act like everything is ok.” Sabi ko sa mahinang tono sapat lang para marinig niya.

“Everything is not allright. Alam ko. Pero maayos din ito.” Sabi niya sabay hila niya sa kamay ko akmang aalis.

“Dhie, Hindi ka man lang ba magagalit sa akin?” sabi ko sa kanya sabay hila pabawi ng kamay ko na siya naman ikinalingon niya ulit pabalik sa akin.

“Hindi.” Simple niyang sagot.

“Bakit?”

“Sa una pa lang tanggap ko na maaring mangyari lahat ng ito. One day or another Argel will comeback and will reclaim your heart. Naihanda ko na ang sarili ko. Masakit man pero kailangan ko tangapin. Sumugal ako sa iyo sa pag asa na mamahalin mo din ako.”

“Kung magmamahal ka nga naman ay kailangan mo tangapin kung ano man ang mangyari sa inyo. Masakit man ay kailangan mo itong tiisin. Yan ang sabi niya. Pero para sa iyo di ko lang tatangapin o titiisin. Di ko lang mahanap kung anong salita yun pero mahigit pa doon ang kaya ko gawin para sa iyo.” Pagpapatuloy niya.

Napayuko na lang ako sa sinabi niya dahil sa may katotothanan ang mga sinasabi niya. Lahat iyon tumama sa akin. Nag talo ang guilt at saya sa sinabi niya sa akin. Tanging pag iyak na lang ang nasagot ko sa kanya.

“Shhhhhh.... Tahan na iuuwi na kita.” Sabi niya sa pagitan ng paghalik sa noo ko at pag punas ng luha ko.

“Dhie, Thank you.”

Sa isang iglap na iyon ay nakalimutan ko na kung ano nangyari man kanina. Marami pa man tanong sa isip ko ay di ko na ito inintindi na ito.

Habang pauwi naman kami sakay ng motor ni Donnie ay mahigpit ang yakap ko sa kanya. Sobrang pasalamat ko sa outcome ng mga nangyayari.

Hapon na ng makauwi kami sa bahay at pasalamat ko naman wala si Mama sa bahay. Agad naman akong umakyat patungo sa kwarto ko. Kasunod ko lang si Donnie sa likod ko. Ibinato ko naman ang sarili ko sa kama ko at tinignan si Donnie na papalapit sa akin.

Nahiga ito sa tabi ko at niyakap ako at isiniksik ang mukha sa pagitan ng leeg ko.

“Mhie...” sabi niya sa malungkot na tono.

“Po?”

“Sorry din.”

“You don’t need to.” Sabi ko habang inaangat ko ang mukha niya katapat ng mukha ko.

“Bakit?”

“Kasi love din kita.” Naka ngiti kong sagot.

Doon na niya unti unting nilapit ang labi niya sa labi ko. Nasa kalagitnaan na kami ng paghahalikan ng may malakas na sunod sunod na katok ang umalingawngaw sa loob ng tahimik naming bahay.

“Istorbo.” Reklamo ko. Sa tingin ko ay lukot na lukot ang mukha ko sa panahon na iyon.

Siguro ay natagalan ang kumakatok kaya parang woodpecker na ata ang kamy nito na sunod sunod na katok ang ginawa.

“Sandali lang!” Sigaw ko habang bumababa kasama si Donnie na humahagikgik sa likod ko.

Pagkatapat ko naman sa pinto ay binuksan ko na ang pinto at bumungad sa akin si Jhepeth na busangot ang mukha at kasama nito si Kenji na ganun din ang pagmumukha.

Tinignan ako at si Donnie nito ng masama na animo’y kakain kami ng buo. Diredirecho itong pumasok sa bahay namin papunta sa kusina na sinundan namin.

“Gutom ako. Pahingi ng pagkain.” Mala siga nitong utos sa amin ni Donnie.

Nagkatinginan naman kami ni Donnie at ibinaling naman ang tingin kay Kenji. Binigyan lang kaminito ng isang tango.

Wala naman kami nagawa kundi pagsilbihan ang dalawa  ng makakain....

Parang ginutom naman ng isang buwan kung paano kumain ang dalawa.

“So pwede ko na ba malaman ang dahilan ng mala king kong attitude mo kanina.” Tanong ko kay jhepeth habang nginangasab nito ang fried chicken na hawak.
“Walang pagkain kila Baby Kenji.” Sabi nito habang namumuhalan at masama ang tingin kay Kenji.

Natampal ko naman ang sarili ko sa pagitan ng pagtawa ko sa itsura ng dalawa. Ito pa ang isang ipinagpapasalamat ko. Ang mga kaibigan ko na nagpapalimot din ng mga problema plus nakakatulong din sa pagresolba nito.

Nasa pagtawa ako sa dalawa ng  malingon ako kay Donnie. Nakatingin ito sa akin. Ramdam ko sa tingin nito ang lubos na pagmamahal.

“So titignan mo na lang ako?” Sabi niya.

Walang ano ano parang kung anong spring ang umigkas sa paa ko at lumambitin ako sa leeg ni Donnie para abutin ang labi nito. Isang matamis na halik ang pinagsaluhan namin sa harap ng mga kaibigan ko.

“Baby Kenji, Nag kiss sila! Tayo din dali!” Sabik na sabik na sabi ni Jhepeth.

Pagkatapos niyon ay kalansing na lang ng kubyertos ang narinig ko malamang tumakbo na si Kenji palayo kay Jhepeth.



Itutuloy.





Guys pasensya na kung matagal ang updates. Sobrang busy lang kasi ako sa bagong work ko. Kung di kayo naniniwala kay Kenji aka dark_ken kayo mag tanong. Ilalaglag ako niyon about sa tunay na dahilan hahahaha!

Susundan ko agad ito promise. (^_^)

Wide Awake  

Posted by Erwin F. in





Pauna: I'm Back!!! pasalang sa comeback stage! Heto po ang aking handog sa aking pagbabalik. Isang short story na may pinaghuhugutan. Hindi galing sa akin Kundi Galing sa isang kaibigan. O sya sige enjoy na kayo at babalikan ko na muna sila Donnie at Argel. Inamag na kasi.... 





WIDE AWAKE


Reality check. Hindi lahat ng relationship ay parang fairy tales.

Tulad ng mga fairy tale din ay may ending ito.

Pero lets accept the fact na lahat ito ay di happy ending.

Kadalasan pa nga ay sad, tragic, at bitter. Dahil and Prince Charming mo ay kinaliwa, pinagtaksilan, niloko, pinagpalit kay wicked witch o kahit anong tawag or term pa na gusto ninyo.

Ang happy ending na lang ata na alam ko is kung matitigok ako na kasama ko sa kama si Chris Hemsworth, Chris Evans or Channing Tatum na malayong mangyari.


3 years ago.


“Lets end this now. I don’t want to suffer anymore.”  Tumatangis ko sabi sa taong nasa aking harap.

“Sige. Mas mabuti na sigurong ganito. I already inflicted so much pain to you. You don’t deserve to be loved by someone like me.” Nakayukong sabi nito sa akin.

“Oo. Danyel. I don’t deserve to be like this. I deserve someone much better. I deserve someone who will love me not someone na dadatnan ko sa PANGATLONG beses na may kasamang ibang lalake sa kama ko at sa sarili kong pamamahay. I don’t really deserve someone like you.” Mahabang tugon ko at idinidiin kung pang ilang beses na siya nagkamali habang itinuturo ko siya.

“So this is goodbye Alwyn?” tanong niya sa akin na lumuluha.

“What do you expect? Get out! I can find someone much better than you! Get out!” Galit, Hinayang, Lungkot, at kung anu-ano pang halo-halong emosyon na humahalo sa luha at salitang lumalabas sa akin.

Walang sinayang na oras si Danyel at kinuha ang bag na nasa tabi ng pinto ng kwarto ko na inempake ko na kanina para sa kanya. Hahakbang na sana ito palayo sa akin pero bigla siyang lumingon.

“I’m sorry.” Sabi nito sa akin sa cracked na boses. Pagkatapos naman niyon ay madalian itong umalis at tanging pagtunong ng gate sa labas ang narinig ko. Pahiwatig na nakalabas na ito ng bahay.

“I’ll be better without you.” Sabi ko sa sarili ko habang pinupunasan ang mga luhang dumadaloy sa aking pisngi.



Prensent day:



Subsob sa trabaho. Yan ang kinaadikan kong gawin sa buhay ko. Kaya di ko na nahanap ang pinagmamalaki kong “Someone Much better” noon. Nyeta mukhang forever alone na nga ata ako. Tatanda na lang akong aso ang aalagaan at magiging kasama.

“Pepper, tapos na ba yung mga plot ng mga pylon designs natin?” sabi ng boss ko na bumulaga sa harap ko ang pamgmumukha.

“Ay Tatlumpung Talaba!” pasigaw na sabi ko habang naibato ko naman ang kung anong mga hawak ko sa oras na iyon.

Tawa tawa naman boss ko na namumula na sa kakatawa habang hawak ang cellphone ko na isa sa naibato ko kanina.

“Boss naman….” Naka nguso kong sabi sa kanya sa himig na parang nagrereklamo.

“Sorry nakakatuwa ka kasi naka subsob kang naka tingin sa cellphone mo. Taas kilay ka pang mag txt.” Paliwagnag ng boss ko na hinahabol ang hininga niya mula sa pagtawa.

“Nagtxt kasi ang mama ko. Pinasusunod ako sa pasig. Sa bahay ng tita ko. May family gathering.” Naka yuko ko na sabi.

“Ahhhhh.  Oo nga basa ko nga.” Humahagikgik na sabi niya habang binabasa ang naka bukas na message sa cellphone ko.

“Anyway tapos na kanina pa yung plots. Andun sa tabi ng printer. Pwede ko na mahawakan ulit ang cellphone ko po?” blangko mukha kong sabi sa boss ko.

Inabot naman sa akin ng boss ko ang phone ko.

“Pepper, Mukha kang papel.” Sabi ng boss ko na may ngising nakakaloko.

“Bakit po?” taas kilay kong tanong.

“Blangko nanaman kasi mukha mo. Walang emosyon. Sarap pintahan ng ngiti. Hayaan mo ihahanap kita ng BOYFRIEND.” Diin na diin na sabi niya sa BOYFRIEND. Habang naglalakad pabalik sa kwarto niya.

“Ok. Sige balik na ako sa trabaho. PO!” sagot ko na lang sa kanya.

Pepper iyan ang tawag sa akin ng mga katrabaho ko dito sa maliit pero hebigat na company na pinagtrarabahuan ko. Hindi lingid sa kanila ang tunay kong sexuality. Tangap nila naman. Pero sa di ko naman malaman na dahilan ay ako daw ang nagbibigay ng flavor sa bland o walang lasang office namin. Oo aminin ko dahil sa ang pinalitan ko daw na ex-officemate nila ay ni hindi daw nagsasalita unless na tatanungin nila ito. I usually crack jokes naman din pag lunchtime namin. Pero pag working hours naman ay daig ko pa daw ang mga book paper na nakasalansan sa desk ko. In short blangko lang ako pag nagtratrabaho.

Lahat ng kailangan ko tapusin ngayong araw na ito ay tinapos ko. Napuno ng design plots ang area ko. Ayaw ko iwanan ang trabaho ko at balikan pa ito sa lunes. Mas mabuti ng tapos kesa maghabol.

“Pepper? Buhay ka pa diyan? Alwyn?!” Tawag sa akin ng katrabaho ko na si Joy na siya ko din naka close noong pag pasok ko pa lang sa company na ito.

“Oo nga. Like it’s all paper lang nakikita ko sa area mo lagot ka sa DENR or any group na incharge man doon. How many trees those loggers cutted down just to make those papers.” Napaka konyong pananalita ng nakakataas na si Ms. Jen na ka vibes ko din.

“Pinagtritripan ninyo ba ako? Sa tangkad ko na ito di ninyo ako makita?” blangko pa rin na mukha kong sabi habang nirorolyo ang isang papel na may laman na plot na natapos ko.

“ito naman seryoso masyado sa trabaho. Smile naman. Hindi yung lunch time ka lang ngumingiti.” Sabi ni Joy habang ginuguhit sa sariling mukha niya ang isang ngiti sa pamamagitan ng dalawang daliri.

“Yeah like don’t be too serious. Tatanda ka agad niyan. And  for God’s sake. Please don’t wear brown here sa office. The papers surrounding you have the same color as your shirt. It makes an illusion that your arms and head are floating.” Mahabang statement ni Ms. Jen na siya namang nagpatitig sa amin ni Joy sa kanya.

“What?!” sabi nito ng Makita kaming dalawa ni Joy na nakatitig sa kanya,

“Jen kasi parang fashion channel ka. Sa haba ng sinabi mo malamang hindi na absorb ng dalawa yung sinabi mo.” Singit naman ni Ms Anne. Isa ko pang ka officemate.

Tanging tango na lang ang sinagot naming dalawa ni Joy sa tagpo na iyon.



5pm

“Guys mauna na ako.  Pupunta pa ako sa bahay ng tita ko.” Paalam ko sa kanila.

“Ingat ka.” Halos sabay sabay na sabi ng tatlo sa akin na hindi man lang ako nilingon dahil sa hinahabol na tapusin ang trabaho sa araw na iyon.

Napangiti habang umiiling na lang ako palabas ng opisina namin.

Sakto naman paglabas ko ay tumunog ng sunod sunod ang cellphone ko.

“Si Mommy…” sabi ko sa sarili ko habang nakatitig sa screen ng phone ko.

“Hi Mommy.” Bati ko ng pagsagot ko sa tawag niya.

“Ikaw bata ka asan ka na ba? Andito na kami ng kapatid mo sa bahay ng tita mo. Bilisan mo at sumunod ka na dito.” Sunod sunod na ratsada ni Mommy ko sa akin.

“Kalalabas ko lang ng office Mommy, Mag taxi na ako papunta diyan para mabilis. Sige po at heto na may napara na ako. Bye Mommy. Lalabs!” diredirecho kong sagot din para di na ako kulitin ng magulang ko.

“Manong Greenland Pasig po tayo.” Sabi ko sa driver.

Habang umaandar naman na ang taxi ay siya naman bumuhos ang ulan at ang pag lipat ni manong ng istasyon naman ng radio na pinakikingan niya. Sabay naman din doon ay ang pag pikit ng mata ko. Hinihila ako ng antok. Salamat sa lamig at parang paghehele na mula sa radyo.

Nasa isang lugar ako. Maliwanag at parang hallway. Di ko masabi kung mahaba or maikli ito dahil sa di ko makita ang dulo.

Nagtataka man ako kung nasaan ako ay parang automatic naman na nag lakad ang mga paa ko pasulong. Kung saan papunta? Bahala na si batman.

Lakad lang ako na lakad. Nakapagtataka ay di man lang napapagod ang mga binti at mga paa ko.

Ilang sandali pa ay lumiko naman ako. Pero kakaibang lugar na iyon. Malalam na pula ang ilaw. Pakiramdam mo ay parang niyayakap ka. Di lang basta yakap. Yakap na puno ng pagmamahal.

Habang tinatahak ko naman ang daan na iyon ay bigla na lang may mga naglitawang mga larawan sa ding ding.

Napasighap na lang ako sa mga larawan na nakikita ko. Laman ng mga iyon ay ako at isang tao na nag mula sa aking nakaraan.

“Danyel…” Bulong ko.

Lahat ng larawan ay kami ang laman. Nariyan ang magkatabi kaming natututlog, kumakain, naghaharutan, magkayakap, naguusap, magkahawak ng kamay at kung ano ano pa.

Buong pagtataka ko naman sa aking sarili na bakit ko tinitignan ang mga larawan na iyon at bakit ni isang pakiramdam ng galit o pagkainis ang nararamdaman ko imbes ay nakangiti ako at may kaunting mga luha na pumappatak sa pisngi ko.

Kaunting lakad pa ay narating ko na ang dulo ng hallway na iyon. Doon nakalagay ang pinakamalaking larawan na kung saan makikita kaming dalawa na nakangiti at magkaakbay na parang walang problema at sarili namin ang mundo.

Unti unti naman akong lumapit sa larawan na iyon.

Hahawakan ko na sana ang larawan ng makarinig ako ng boses at parang lumilindol.

“Ser! Ser! Andito na tayo sa Greenland. Saan po ako liliko?” sabi sa akin ng Driver habang marahan akong niyuyugyog nito.

“Ah sa pangatlong kanto tayo.” Groggy na sabi ko.

Kinukusot kusot ko naman ang mata ko at inaayos ang buhok ko mula sa pagkakaidlip ko sa taxi ni manong habang naka tingin sa papalapit na bahay ng tita ko.

“Dito na lang manong. Keep the change.” Abot ko ng bayad kay manong habang binukbuksan ang pinto.

Pagkababa ko ay pinagpag ko muna ang damit ko at itinuwid ang mga parte na may gusot habang naglalakad papalapit sa pinto. Napansin ko naman nab ago ang lahat. Bagong renovate ang bahay nila tita.

Paglapit ay nag doorbell na ako. Habang hinihintay naman ang magbubukas ng pinto ay hinahalungkat ko naman ang bag ko para sa breath freshener ko

Ng makuha ko naman ay ay agad ko itong binuksan aakma ko na sanang mag spary sa bibig ko ng bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang isang pamilyar na mukha.

Halo halong emosyon ang naramdaman ko sa oras na iyon. Di ko alam kung matutuwa ba ako o itataas ko ang kilay ko.

Habang siya naman ay parang naka kita ng multo sa itsura niya at nakanganga pa ang gago.

Ako naman itong si maloko ay nag spray ako sa bibig ng kaharap ko sabay talikod.

“Sorry maling bahay ata.” Sabi ko na lang habang humahakbang palayo mula sa kinatatayuan ng nagbukas ng pinto.

“Dada, ano ba ang tagal mo diyan. Sino ba andiyan? Teka parang naka kita ka ng multo ang putla mo naman.” Sabi ng babae na biglang sumungaw sa likod ng lalake.

Nagulat na ako sa pangalawang beses pagkatapo ko marinig ang boses ng babae.

“Aika?!” palingon kong sabi.

“Insan! Ang gwapo mo impakto ka! Pasok ka dali.” Salubong sa akin ng  pinsan ko na isang taon ko din di nakita dahil sa kanya kanyang busy na buhay.

Habang papasok naman ako sa bahay nila ay akay akay ako ng pinsan ko at dal dal ito ng dal dal pero bawat salita naman nito ay tila pasok sa kanan labas sa kaliwang tenga ko. Mas busy ako sa pagiisip kung bakit andito ang damuho na iyon sa bahy ng pinsan ko at bakit Dada ang tawag niya rito?

“Insan! Woi! Ano ba parang pang outter space na ang iniisip mo ha? Katabi kita pero ang layo ng diwa mo sa akin.”sabi ng pinsan ko sa nagtatampong himig.

“sorry pagod lang siguro ako sa work.” Pagsisisnungaling ko at ngiti ko nag aalangan.

Ng makarating kami sa sala ay  nadatnan ko na nandoon si Mommy kasama ang tita at tito ko na nag tatawanan.

“Oh iho andyan ka na pala. Ang puti mo ngayon. Naarawan ka pa ba?” ang masayang salubong sa akin ng tita ko na akala mo ay si Imelda Marcos na bata pa ang itsura.

Habang yakap naman ako ng tita ko ay tinignan ko naman ang tito ko. Nakatingin ito sa akin at bigyan lang ako ng isang tango at ngiti. Pagkaalis naman ng yakap ng tita ko ay   tumabi na ako sa Mommy ko ng pagkakaupo. Katabi ko na rin ngayon ang pinsan ko na naka angkla nanaman sa braso ko na natural lang sa kanya since noong bata pa kami.

Imbes na pansinin ko naman ang pinsan ko ay tinitignan ko ang damuho. Di pa rin nawawala ang pagtataka ko kung bakit andito ito. Busy ako sa pagtingin sa kanya mula ulo hanggang paa ng sundutin naman ako ni Mommy sa tagiliran.

“Sama mo makatingin naman diyan. Ngayon ka l;ang ba ulit naka kita ng gwapo?” malokong tanong sa akin ng akin ina.

“Aika, baka gusto mo naman pakawalan ang braso ng pinsan mo at pakilala mo ang kanina pa niyang tinititigan na katabi mo.” Natatawang pag pansin ng tita ko sa pinsan ko.

“Asan ba boyfriend mo Ai?” Clueless kong tanong.
“Ay oo nga pala! Insan meet Daniel, my BOYFRIEND. Daniel meet Alwyn or Al ang gwapong gwapong pinsan ko.” Masayang pagpapakilala sa akin ng pinsan ko habang pinaglalapit nito ang aming mga kamay para mag shake hands.

Pangatlong beses sa araw na iyon ay nabigla nanaman ako. Ganito siguro talaga ang tadhana sobrang mapagbiro.

“Weh…” tanging nasagot ko habang akward na nakikipag shake hands kay “Daniel”

“Di ka naniniwala Al? mukha ba na imposible na makakuha ng ganyang kagwapo na boyfriend?” taas kilay na sabi sa akin ng pinsan ko.

“ah wala nevermind that.” Palusot ko ulit,

“Nice to meet you Danyel.” Pag babalik tingin ko at pag bigay diin sa nakasanayan ko na pangalan ng lalaki sa harap ko.

“nice to meet you too.” Halatang ninenerbyos na sabi ni Danyel.

Medyo naiilang na ako sa presensya ng lalaki na nasa harap ko. Gusto mo man siyang komprontahin para malaman kung bakit tinalo niya ang pinsan ko ay wala naman akong lakas para gawin ito. Siguro na lang ay delikadesa na lang din ang pinairal ko dahil sa ayaw ko mabastos ang bahay ng tita ko.

“Danyel? Napaka parang kanto boy naman ang dating ng tawag mo sa dada ko.” Naka ngusong reklamo sa akin ng aking pinsan.

“oo nga parang kilalang kilala mo siya iho.” Singit naman ni tita.

“Opo. Kilala ko siya mula ulo hanggang laman loob.”  Walang emosyon ko na sagot.

“Oh! That’s great iho. Ikaw Daniel di mo sinabi sa amin na kilala mo pala si Al.” sabi ng tita ko na may nagtatanong na  tingin kay Danyel.

“Ah… Eh… Di ko naman po kasi alam na pinsan niya si Aika.” Kamot ulong sabi nito.

Halata sa mukha niya na ang kaba parang matatae na kung sino man na may lbm ang itsura. Butil butil ang pawis. Siguro dahil sa napipintong pangigisa sa kanya ng mga hilaw niyang biyenan.

“Tita noong college ko nakilala yan. Magkalapit lang naman kasi ang school namin.” Pagtatakip ko.

Ewan ko naman sa sarili ko bakit nagawa ko yung bagay na iyon. Bakit ko nga ba inililigtas ang lalaking nag dala ng pighati at pahirap dati sa puso ko?

“Yeah tita noong college po kami nagkakilala.” Sabi naman ng damuho na may kinakabahang ngiti sa labi niya.

“Wow! Ayan Aika maliit lang pala talaga ginagalawan ninyong mundo. Akalain mo magkakilala pala iyang si Al at Daniel.” Ani ni tita.

“oo nga Ma, ayos nga at mukhang di na ako mahihirapan sa pagtatanong kung ano ang gusto ng lalaking ito. Di na ako manghuhula.” Tila parang bata na tuwang tuwa na nakahanap ng kalaro na pinsan ko.

“Ginawa pa akong consultant.” Wika ko sa isipan ko.

“Ano nanaman iniisip mo anak. Umiikot nanaman mata mo.” Pag pansin sa akin ng Mommy ko.

“Wala may naalala lang po akong kabalastugan ng isa diyan.” Sagot ko.

Naging maayos naman ang lahat. Salamat naman sa malikot ko na utak at sa kabilib bilib na pag arte at pagsakay ni Danyel sa aking mga pinagtahi tahi ko na kwento.

Lumipas pa ilang oras ay nagyaya na ang Mommy ko na umuwi na kami. Actually thankful ako dahil medyo paubos na din ang kwento ko na gawa gawa ko lang na tungkol sa amin ni Danyel.

Sa bahay naman. Pagdating ko ay direcho ako sa kwarto ko at ibinato ang sarili ko sa kama ko.

Sa dinami dami ng lugar na pwede ko pa makita ng loko na iyon ay sa bahay ng tita ko. Wag ka pa. Girlfriend niya pinsan ko.

“Full of surprisa!” Pabirong bulong ko sa sarili ko sabay tayo at hubad ng mga damit ko para dumirecho sa paliligo para makatulog na din.

Kinabukasan.

Malakas na tili ng alarm clock ko ang gumising sa akin Naalala ko naman na weekend kaya asar na asar ko itong pinukol ng unan para tumigil. Sakto naman at tumama at tumigil ito.

Limang minuto ang lumipas na tahimik ang paligid ng kwarto ko. Pero nawala din agad ito ng sunod sunod na kalabog sa pinto ng kwarto ko ang nagpadilat ng buo sa mata ko.

“Alwyn! Gising na may bisita ka!” Sigaw ni Mommy na kala mo ay woodpecker ang kamay na sunod sunod ang katok sa pinto.

Agad naman akong tumayo at naka boxers lang na binuksan ang pinto ng kwarto ko.
“Sino naman yun ang aga aga?” salubong na kilay na tanong ko kay mommy na may ngiti na akala mo ay si Joker.

Kinutuban naman ako agad. Oo alam ko na ang ngiti ng Mommy ko ng ganoon. May kalokohan nanaman itong gagawin.

“Uhm…. Hi…” tila batang nagtatago sa palda ng nanay niya na bati sa akin ni Danyel.

“Anong ginagawa mo dito? Bakit mo pinapasok? Paano mo nalaman bahay ko? Bakit naka ngiti ka?” sunod sunod na tanong ko.

“Ang daming tanong. Gusto ka lang daw makausap ng tao. Hala Daniel pumasok ka na sa loob.” Sabi ni Mommy habang tinutulak niya si Danyel papasok ng kwarto ko.

“Salamat Tita!” naka ngiting sabi ni mokong sa Mommy ko.

Nginitian lang ito ng Mommy ko habang sinasara ang pinto ng kwarto ko.

“Anong kailangan mo?” Tanong kong naka sibangot.

“Wala usto ko lang kamustahin ka. Bihis ka muna.” Nahihiya nitong sabi sa akin.

Tinignan ko naman ang sarili ko at oo nga dapat nga akong magbihis dahil sa boxers lang ang suot ko. Pero may mas magandang kalokohan ang pumaso sa isip ko.

“Bakit? Di k aba natutuwa sa nakikita mo? Parang dati lang kahit wala ito bale wala lang sa iyo ha?” naka ngisi kong sabi habang naka turo sa boxers ko.

Imbes sumagot sa akin ay tinalikuran ako nito at itinuro ang lugar ng damitan ko.

Kesa naman makipag inisan pa ako ay nag punta na ako sa damitan ko at naghanap ng tshirt at shorts na isusuot.

“Marami ang nagbago sa iyo pero sira ulo ka pa din pala.”

“Anong paki mo naman kung nagbago ako at siraulo ako?”

“Wala lang. mas cute ka na ngayon.”

Ay anong kalokohan nanaman ito? Ako cute daw? Parang nakiliti tenga ko sa sinabi niya na iyon.

“Ano ako tuta? Cute? Ikaw matamis pa din ang dila mo.” Taas kilay kong sabi.

Ng masuot ko na ang damit ko naman ay naupo ako sa kama ko habang siya naman ay naupo sa bangko na nasa harap ng salminan ko.
“Ano ba talagang ipinunta mo dito?” walang emosyon kong sabi.

“Ulitin ko. Gusto lang kita makausap.”

“Oh heto kausap mo na ako? Oh ano pa?”

“uhmmmm. Kamusta ka na?”

“I’m fine. Sobra.” Medyo sarkastiko ko na sagot.

“Wanna go out? Lunch? Later?”

Imbes na sagutin ito ay nagtaas na lang ako ng aking kanang kilay. Habang sa loob loob ko naman ay labis labis ang pagtataka ko sa kinikilos at inaasal ng mokong na ito.

“Why should I go out with you? Si Aika ayain mo Girlfriend mo siya.”

“Umalis kasama sila tita eh..” kamot ulong sagot nito sa akin.

“Eh di kumain ka mag isa. Laki laki mo na kailangan mo pa ng kasama.”

“Ayaw ko. Sige na samahan mo na ako.” Naka nguso nitong sabi sa akin na parang bata habang payuko ang ulo.

Sa tagpo namang iyon ay mabilisang nagpaalala sa akin ng masayang nakaraan namin. Dahil naman doon ay napangiti ako.

“Oh siya sasamahan na kita later. Saan ba?”

Tila nabuhayan naman ito ng loob at tumayo sa kinauupuan at lumapit sa akin.

“Yehey! Gloria’s tayo. See you later. Maghahanda muna ako.” Sabi nito sa akin sabay halik sa pisngi ko.

Magrereact na sana ako ng mabilisang inabot nito ang pinto at kumaripas ng takbo pababa sa hagdan. Naiwan akong naka tanga sa kinauupuan ko hawak ang pisngi ko. Ramdam na ramdam ko din ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

“Tama ba itong ginagawa ko?” mahinang usal ko sa sarili ko.

Isang oras na din ang lumilipas nasa kama ko pa rin ako nakahiga at yakap ang unan ko. Ilang beses man ako tawagin ni Mommy na bumaba at mag almusal ay tumangi ako.

Oo. Gulong gulo pa din ako sa nangyayari. Ano ba itong kalokohan ng tadhana nanaman sa akin? Tatlong taong tahimik ang buhay ko. Tapos heto siya babalik na kala mo ay walang nangyari at ang nakapagpapagulo pa dito ay bakit ganoon na lang ang kinikilos niya at tila nagugustuhan ko naman ito?

Napatingin ako sa orasan at 11:15am na. bahala na. Tumayo na ako at sinimulan ko na mag ayos ng kama ko. Pagkatapos ay direcho na ako sa CR para maligo at mag ayos.

Sakto naman nakapagayos na ako at pababa na sa hagdanan ay nakasalubong ko naman ang Mommy ko na sumesenyas na andoon na nga si Danyel. Tinanguan ko na lang ito.

Habang pababa naman na ako ay kita kita ko na tumayo ito mula sa pagkakaupo niya sa sofa at nginitian ako.

Heto nanaman at naramdaman ko ulit ang pag tibok ng puso ko.

“Tita hiramin ko muna anak ninyo. Wala akong kasama kasi sa pag gala.” Naka ngiting paalam nito kay mommy.

Sumenyas lang thumbs up si Mommy sabay tapik sa likod ko.

“Lakad na baka gabihin pa kayo.”

“Sige Mommy alis na ako.” Paalam ko.

Pagkababa ko naman sa huling baitang ng hagdanan ay sinabayan na ako sa paglakad palabas ng bahay ni Danyel. Pagkalabas ng pinto naman ay bumulong ito sa akin.

“You look stunning.” Kasama ng hininga nito na akala mo ay kumain ng toothpaste at sexy voice. Nakiliti ang tenga ko doon at parang gusto kong umihi sa kinatatayuan ko.

Binilisan ko namana ng paglalakad ko at yumuko ako para itago ang mainit at namumulang mukha ko.

“Andito ang kotse ko. Saan ka pupunta?” pagtawag nito sa atensyon ko habang nagkakamot ng ulo.

Andoon nga kotse niya? Ano ba nagging autic ako sa ilang sandali pa lang na kasama ko ang lalaki na ito. Sana matapos agad ang gabi na ito.

Mabilisang bumalik naman ako agad sa kinatatayuan niya at sumakay sa kotse niya at ng masiguro niya na ok na ang lahat ay umalis na kami.

Habang nasa byahe ay di ko ito kinikibo at tanging sa bintana lang ang tingin ko.

Iniisip ko kung ano anong mga posibilidad ang pwedeng mangyari sa paglabas naming na iyon.

“Andito na tayo.”  Pag basag niya sa pagmumuni muni ko.

Isang maliit pero  maganda at mamahalin tignan. Sa labas pa lang ay makikita mo na ang malam lam na ilaw sa loob at mga magagandang mga muebles na gawa sa kahoy.

Pag pasok mo naman ay may bubungad sa iyo na mga lovebirds na nasa malaking hawla. Nakakatuwa dahil sa iba’t ibang kulay nito.

“Mukhang natutuwa ka sa nakikita mo. Enjoy ka lang.” Sabi ni Danyel sa likod ko.

“Maganda ang lugar. Ikaw hindi.” Sabi ko na mula sa pagkakangiti ay sumibangot ako.

“You know what Alwyn? I really LOVE how you hate me.”  Sabi naman nito sabay haplos sa mukha ko.

Traydor na katawan naman ito at binenta ako ng harapan. Ramdam na ramdam ko ang mabilis na pag agos ng dugo ko papunta sa pisngi ko. Salamat naman naki ayon pa sa akin ang kamay ko at mabilisan kong naialis ang kamay niya sa pisngi ko.

“Umupo na tayo. Hindi ang pambobola mo ang inaasahan ko sa gabi na ito.” Galit galitan kong sabi habang naglalakad palayo sa kanya papunta sa pwesto ng mesa nagusto ko na upuan.

Agad naman siyang sumunod sa akin kasunod ang tinawag nitong waiter para kuhain ang order namin.

“Pick anything you want.” Naka ngiti nitong sabi sa akin habang nag babasa ako ng menu.

Ngunit isang ismid lang ang isinagot ko ditto sabay balik ng mata ko sa menu na hawak ko. “Ang mahal naman ng mga pagkain!” sabi ko sa sarili ko habang pinandidilatan ko ang menu.

“So may napili ka na ba?” biglang singit nito sa ginagawa kong pagtitig sa presyo ng mga pagkain sa menu.

“Ah eh…. Bahala ka na pumili.” Nahihiyang sagot ko.

Napangiti naman ito sa sinabi ko. Siguro nga ay kilalang kilala pa din niya ang ugali ko.
Nag tututuro na ito sa menu habang ay waiter naman ay lista ng lista ng kung ano ang itinuturo nito. Ng matapos siya sa pag pili ay agad umalis ang waiter at naiwan kaming dalawa.

Awkward moment para sa akin. Ang tanging nagawa ko lang sa panahon na iyon ay luminga linga at mag appreciate ng ganda ng lugar na iyon. Tama ang iniisip ninyo. Iniiwasan ko makausap siya. Balak kong kakain lang kami at yun lang.Pangit man tignan ay yun lang ang naisip kong paraan para makaiwas sa gulo.

After 15mins naman ay nagdatingan na ang inorder ni Danyel at laking pasalamat ko. Dahil sa gutom na ako at medyo matatahimik ito sa pangungulit sa akin.

“Hala!” pagkabigla ko at laking pagtataka ko naman dahil ang dami nitong inorder.

“Bakit?” nagtatakang tanong nito sa akin.

“Ang dami. Baka di natin maubos sayang lang. Ang mahal pa naman ng pagkain dito.”

“Ok lang yan. Edi pabalot.” Presko nitong sagot.

Di ko na ito pinansin at sinimulan ko na ang pagkain. Paunti unti ang pagkuha ko sa bawat putahe dahil sa dami ng inorder niya.

“So kamusta ka?” biglang tanong niya sa akin sa seryosong tono habang kumakain ako.

Napatigil naman ako sa isusubo ko sanang hipon at ibinababa ko ito.

“Ok naman ako. Masaya sa buhay.”

“Mabuti naman.” Matipid nitong sagot.

Tanging tango lang namana ng naisagot ko dito. Sususbo na sana ako ng pagkain ulit ng magsalita ito.

“I missed you.” Mahina pero rinig na rinig kong sabi niya sa malungkot na tono. Tila umalingawngaw naman ito sa loob ng tenga ko.

“So paano mo nakilala pinsan ko?” paglilihis ko sa usapan naming.

“nakilala ko siya sa isang bar a year ago. Sobrang down pa din ako ng panahon na iyon. Siya yung tanging tao doon na nangahas ako kausapin. Una ay di ko ito pinapansin hanggang sa natuwa na din ako sa kanya. Aaminin ko akala ko ay magiging isang hook up o one night stand lang gabi na iyon. Inaya ko siya sa bahay na tinutuluyan ko at di ko inasahan ang sumunod na nangyari. I was enjoying her company na. nagtatawanan na kami sa biro at mga kwento niya. Mabilis niya napagaan ang loob ko. I fell inlove with her overnight.” Ang mahabang pag kwento niya sa akin.

Tango tango pa rin ang ginagawa ko habang nakikinig sa kanya.

“But everything changed yesterday. I never knew na pinsan mo siya. Every feeling known to any human gushed into my body pagkatapos kita makita. but Alwyn, mas nangibabaw ang pagkasabik. I really missed you. Look akala ko mahal ko siya pero I realized kagabi that I’m still not over you and my heart still beats for you.” Naka yuko at malungkot niyang sabi.

Tila sinampal naman ako ng biglaan sa mukha sa mga sumunod niyang sinabi.

Binitawan ko ang mga hawak kong kubyertos at tumayo. Mabilis at patakbo kong nilisan ang lugar na pinagkakainan namin.

Di ko alam kung saan ako pupunta. Di ko rin alam bakit ko ginawa iyon. Parang automatic na ginalaw ko ang katawan ko at inilayo mula kay Danyel para  makaiwas sa kung ano man sasabihin nito sa akin.

Tahimik ang lugar na dinadaanan ko at walang katao tao. Tanging ako at ang malamig na simoy ng hangin ang naroroon. Umupo ako sa pavement dahil sa pagkahapo. Doon na din nagsimulang tumulo ng sunod sunod ang luha ko.

Di ko lubos akalain na pagkatapos ng tatlong taon ay heto nanaman ang pakiramdam na naramdaman ko noon. Ang pagkakaiba lang ay nasasaktan ako dahil sa halos pareho kami ng pakiramdam. I’m still not over him.

Maya maya pa ay tumayo na ako sa kinauupuan ko. Sakto naman ay dumaan ang sasakyan ni Danyel sa tabi ko at tumigil ito doon.

Mabilis siyang bumaba sa sasakyan niya at patakbong pumunta sa akin para yakapin ako. Hinyaan ko lang siya sa ginawa niya sa akin.

“Alwyn, please give me a chance. Please. I Still love you.” Buong pagsusumamo niyang sabi sa akin.

“Danyel, Hindi mali ito.”

“Mali pag pinakawalan pa kita…”

“kahit anong sabihin mo Danyel mali pa din ito. Paano na ang pinsan ko?”

Ngunit di siya sumagot sa tanong ko. Itinulak ko siya ng marahan mula sa pagkakayakap sa akin na sinagot naman niya ng isang nagtatanong na tingin.

“No this is wrong. Even if I still love you di natin pwede gawin ito sa pinsan ko.” Sabi ko sabay lakad palayo sa kanya.

Ngunit di pa man ako nakakailang hakbang ay bigla na lang niyang hinablot ang braso ko.

“Give me a good reason. Why we should not do this. Why you should leave me?” Lumuluhang sabi niya sa akin.

“Gusto mo ng dahilan? Ayokong matulad sa akin si Aika. Ayokong maranasan niya gaano kamiserable ang naging buhay ko dahil sa ginawa mo. Remember what you did 3 years ago? Ganoon din ang mararamdaman niya kung sakali malaman niya ang tungkol sa atin?! Hindi ko rin alam kung makakaya niya ang sakit. ” Malakas kong sabi sa kanya habang pumipiglas mula sa pagkakahawak niya sa akin.

Doon na niya lubusan akong binitawan at hinayaang makalayo. Tumakbo ako gamit ang buong lakas ko at di na siya ilingon pa ulit…



END